Continuation...
Muling nakatulog si Hanna dahil sa ininject dito ng nurse, kailangan kasi nitong makapag paghinga para na rin sa baby nito. Samantalang si sakuragi at rukawa ay nasa labas lamang ng room ni hanna na nag uusap, ang nanay naman ni aki ay naisipan munang umuwi sa kanilang bahay upang magdala ng gamit ni aki.
"Hindi ka pa ba uuwi? Anong oras na, hindi ka pa ba hinahanap sainyo?" Tanong ni rukawa ng makita niya ang orasan mula sa kanyang relo.
Umiling si sakuragi bago tinignan ang pintuan ng kwarto ni aki, ala una na kasi ng madaling araw pero hindi parin umuuwi si sakuragi. Bumuntong hininga ito ng malamin bago isinanday ang ulo sa pader.
"Hindi ko pwedeng iwan si aki, nangako ako sakanya na hindi ko siya iiwan." Umirap si rukawa dahil sa isinagot na dahilan ni sakuragi, suminghal ito at nailing pa.
"Ang corny ha? Tsaka babantayan ko naman ang kapatid ko dito, hindi ako aalis hanggat di pa dumadating si mommy." Sagot ni rukawa
"Paano kung magising si aki na hindi ako nakikita? Baka umiyak na naman iyon at maapektuhan ang baby namin." Anas ni sakuragi na pumikit pa bago determinadong hindi aalis habang umiiling.
"Kulit mo naman, hindi mo ba naisip nangyari sa bahay niyo ngayon? Umalis tayo kanina ng may mga magnanakaw na pumunta doon, paano kung dumating ang lolo mo at madatnan na ganon ang itsura ng bahay niya tapos wala ka pa doon." Anas ni rukawa na nakapag pamulat kay sakuragi dahil naaalala niya nga bigla ang nangyari kanina sa bahay.
"Sigurado ka bang ikaw na ang bahala kay aki?" Paniniguradong tanong ni sakuragi
"Oo, ako pa tinanong mo. Palagi naman akong sigurado sa sinasabi ko, bumalik ka nalang sa oras na hindi kana busy.. tsaka wag kana masyadong mag alala palagi ko namang iaupdate sayo kapatid ko para mapanatag ka." Saad ni rukawa na tinapik pa sa braso si sakuragi bago tumango
"Ok. Fine, aalis na ako. Hapon ako babalik dito pagkatapos ng klase ko." Saad ni sakuragi na kinatango ni rukawa.
Samantalang sa mansyon naman, kakauwi lang ng lolo ni sakuragi ng makita niyang may mga pulis sa loob ng kanyang bahay. Nakakunot niyang tinignan ang mga nakaluhod na mga kalalakihan na bago sakanyang paningin kaya agad siyang pumasok.
"Anong nangyari dito? Nasaan ang apo ko?" Tanong ni don fermin sa mataas na boses ngunit mababakas parin ang sobrang pag aalala dahil hindi niya nakita si sakuragi sa loob ng bahay.
"Sir, si señorito po lumabas kasama ang isa niyang kaibigan, mukhang galit po kaya hindi na namin nagawang pigilan, ang ilang mga tauhan naman po natin isinugod na sa ospital dahil may mga tama ng saksak sa tagiliran. Buti na lamang ho, nandito ang mga kaibigan ni señorito sakuragi na tumulong sa amin." Tumingin si don fermin sa mga tinutukoy na kaibigan ni sakuragi bago umiwas nang tingin.
"Kung ganon, bakit hindi niyo na hinahanap ang apo ko?" Galit na sigaw ni don fermin, naaligaga naman si butler lee at agad na tumawag ng mga tauhan para hanapin si sakuragi.
Hanggang sa marinig nila ang ingay mula sa labas ng mansyon...
"Sir, tama na ho yan.." saad ng isang pulis kaya dali daling lumabas si don fermin para alamin kung sino ang pangahas na nanggugulo sa labas.
"Apo?!" Gulat na bulalas ni Don fermin nang makitang galit na galit si sakuragi habang pinag susuntok ang lalaki..
"Pigilan niyo ang apo ko, dalian niyo." Tumakbo naman ang tatlong bodyguards ni don fermin para pigilan si sakuragi pero nadadamay ang mga ito sa pananapak ni sakuragi sa mga magnanakaw na ngayon ay nakahandusay sa sahig.
Mga nakaposas narin ang mga ito kaya wala na silang laban..
"Mga hayop kayo, muntik ng mapahamak ang baby ko dahil sa kasamahan niyo. Mga hayop kayo!" Galit na sigaw ni sakuragi na walang tabas na pinag sisipa ang limang lalaki sa sahig.
Nagulat si Don fermin sa narinig kaya dali dali siyang bumaba para pigilan ang apo, madadamay din sana si don fermin sa galit ni sakuragi ng makita niyang lolo niya pala ito. Hinihingal na huminto ito bago lumunok at nakayukong bumuga ng marahas na hangin.
"Apo? Anong sinasabi mong muntik ng mapahamak ang apo ko?" Tanong ni don fermin sa mahinahon ngunit delikadong tono, tumango si sakuragi bago tinignan ang lolo niya na naluluha.
"Ang sabi ni tita akira kanina sakin 'nung dumalaw ako sa hospital itinulak daw ng isa sa kasamahan nila ang nobya ko. Lo, masilan pagbubuntis ng nobya ko, paano kung..." Hingal na hingal na sumbong ni sakuragi sa lolo, tumingin si don fermin sa isa sa bodyguards niya bago tinanguan.
"Sir, dalhin niyo na ho sa presinto.. ang isa po sa mga tauhan ni don fermin ang mag interrogate sa kanila. Wag po kayong mag alala, pulis rin naman ho iyon, gusto lamang alamin ni don fermin kung sino sino pa ang mga kasamahan na nanloob sa bahay ng nobya ni señorito." Saad ni butler lee, tumango ang pulis bago tinanguan ang mga kasamahan na papasukin na sa loob ang mga lalaki.
"Sir, bago ho iyon. Meron po bago kayong pagkakakilalan sa mga pumasok sa bahay ng nobya niyo?" Tanong ng isang pulis. Tumango si sakuragi sa tanong ng pulis kaya agad nitong inilabas ang notepad.
"Ang sabi ho sakin ni tita akira na nanay ng nobya ko, may tattoo raw ang kanang kamay nung magnanakaw na tumulak sa nobya ko. Bungo ang nakaencrave na may nakapalibot na tinik." Pagbibigay detalye ni sakuragi sa mga sinabi sakanya ni akira.
"Sige sir, kami na ho ang bahala. Babalitaan ko na lamang ho kayo sa oras na mahanap namin ang iba pang mga kasabwat nito." Tumango si don fermin bago nakipag kamay sa pulis, nang makaalis ang mga pulis pumasok na rin naman sila sa loob.
"Magpahinga kana apo, dito mo na rin pag pahingahin ang mga kaibigan mo." Saad ni don fermin sa malamig na tono
"Ay hindi na ho sir, kailangan na rin po naming bumalik sa kanagawa dahil may pasok pa po kami." Saad ni mito na ikinatango ni don fermin.
"Lee, utusan mo ang isa sa mga driver natin na ihatid sila sa train station." Saad ni Don na ikinatango naman ni butler lee.
Nang makalabas na ang mga kaibigan ni sakuragi, agad tinignan ni don fermin ang apo ng makita ang pangangalit parin ng expression nito. Kilala niya ang apo, kaugaling kaugali niya ito 'nung kabataan niya, kapag may naaagrabyadong iniingatan niya'y hindi ito titigil hanggat hindi nababawian.
"Alam ko ang nasa isip mo apo ko, ganyan din ako sa lola mo noon.. Sige, tutulungan kitang hanapin ang mga gumawa non sa apo ko at nobya mo, pero pagkatapos non titigil kana sa pakikipag kita sa kanila." Doon napabaling nang tingin si sakuragi, galit ang mga mata nito na ikinagulat ni Don fermin
"Hindi lo, hindi ko gagawin ang gusto niyo. Opo, alam ko na may pinag usapan tayo pero nangako ako sa nobya ko na sabay naming palalakihin ang anak namin. Lo, Ayokong matulad sa papa ko na umalis dahil mas pinili niya si mama non at iwan kayo, ayokong iwan ka ng dahil lang sa selfish na rason. Apo niyo ako at magiging apo niyo rin ang nobya at magiging anak ko. Whether you like it or not, lolo. Gagawin ko ang gusto ko kahit magalit pa kayo sakin, iyon ang tanging alam ko para ipaalam sainyo na may kwenta akong ama at apo." Anas ni sakuragi bago naglakad patungo sa hagdanan paakyat.
Ngumiti naman ng palihim ang lolo bago proud na tinignan ang apo, tinignan niya si butler lee bago ito tinawag.
"Alam mo na ang gagawin lee, wag mong ipapaalam sa apo ko kung ano man ang iniutos ko sayo. Tiyak ako na magagalit iyan sa oras na mangialam ako." Saad ni Don fermin kay lee
"Wag ho kayong mag alala, sir. Ako na ho ang bahala." Sabay yukod ni lee sa harap ni Don fermin.
Sa hospital naman, kakagising pa lamang ni aki at agad niyang hinanap si sakuragi. Ang tanging nakita niya ay rukawa at ang ina nitong nag aalmusal.
"Mom, nasaan si sakuragi?" Tanong ni aki, dali dali namang tumungo si akira sa anak at inilalayang sumandal sa headrest ng kama.
"Ang sabi ng kuya mo, umuwi raw muna dahil may pasok pa iyon mamaya. Hapon daw ulit siya dadalaw sayo." Saad ni akira sa anak na ikinatango naman ni aki, si rukawa naman ay nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Kuya? May problema ba?" Tanong ni aki kay rukawa
Umiling naman si rukawa bago bumuntong hininga
"Inalala ko lang iyong nangyari kagabi, may mga magnanakaw rin kasing pumasok sa pamamahay nila sakuragi. At iyon din ang nakaaway namin sa school ni sakuragi kahapon." Nanlalaki ang mata ni aki at napasigaw.
"Kuya?! Si sakuragi.. kamusta naman siya?" Nag aalalang tanong ni aki, umirap naman si rukawa sa kapatid.
"Tangina, ang OA niyo ha? Kanina nung kasama ko si sakuragi katulad mo, ang OA niya rin kasi ayaw ka pa niyang iwan.. tsaka kilala ko ang ungas na iyon, mas malakas pa iyon sa kalabaw." Yamot na sagot ni rukawa na ikinatawa ni akira.
"Eh! Bakit niyo ba kasi nakaaway iyon? Paano kung iyon ang dahilan kung bakit binalikan si sakuragi?" Tanong pa ulit ni aki
"Hindi eh! Duda naman ako doon, kasi mukhang wala namang may alam na apo si sakuragi ni don fermin.. unless may nag sabi sa mga iyon na apo si sakuragi ng pinakamayaman sa buong ōsaka ay maniniwala pa ako pag nagkataon." Sagot ni rukawa na pang sarkatismong tono.
"Kuya naman eh!" Yamot na sagot ni aki bago umirap.
"Wag ka na ngang mag alala pa, mamaya naman makikita mo rin naman ulit si sakuragi dahil pupunta iyon dito mamaya." Ngising pang aasar ni rukawa
"Tse, palibhasa inggit ka kasi wala kang girlfriend." Saad ni aki
"Hindi ko kailangan ng nobya, sakit lang sa ulo iyan." Umirap na lamang si aki sa sinagot nito bago inisip si sakuragi at ang kalagayan nito ngayon.
Ōsaka, campus...
"Hala! Diba, siya iyong nasa picture?" Bulong bulungan ng mga estudyante na tinignan ang cellphone at si sakuragi na walang emosyong nag lalakad sa hallway.
Madami dami ring estudyante ang nakikiusisa dahil maaga aga pa naman para sa unang klase.. naririnig naman ni sakuragi ang bulong bulungan ng mga ito dahil malapit siya sa mga ito. Wala naman siyang pakialam sa mga ito kaya hinayaan niya nalang.
Tumungo siya agad sa room nila, pagkapasok palang ay pinag tinginan agad siya ng mga kaklase. May mga mapanuri, mapang didiri, at pang huhusga.
"Oh! Andito na pala si batang ama eh." Tawang saad ng isa sa lalaking kaklase ni sakuragi na maangas din, bukod ito sa grupo ni ace.
Hindi ito pinansin ni sakuragi at nag basa na lamang ng history book para sa advance learning at lesson mamaya. Napikon naman ang pasimunong lalaki ng hindi siya pinansin ni sakuragi at pinag tawanan pa siya ng ibang kaklase dahil balewala kay sakuragi ang pang aasar niya.
Lumapit ito sa pwesto ni sakuragi kasama ang tatlo pa nitong tropa. Sinipa nito ang desk kung saan nakadantay ang dalawang siko ni sakuragi dahilan para mabitawan ni sakuragi ang libro.
Bumuntong hiningang kinuha ito ni sakuragi bago muling nagbasa. Wala siyang panahon sa mga walang kwentang tulad nila.
"Aba't! Ang angas nito ah!" Saad ng lalaki, agad nitong hinablot ang libro sa kamay ni sakuragi dahilan para mapatingin si sakuragi ng malamig sa mga mata nito. Nabigla ang lalaki sa kakaibang kilabot ng makita ang malamig na titig nito.
Napalunok ito pero...
"Bakit ka nakatingin ha? Gusto mong dukutin ko iyang mga mata mo?" Sabay hampas ng librong hawak sa pisngi ni sakuragi..
Napabaling naman ang ulo ni sakuragi pakaliwa, tumawa naman ang mga kaklase at nag yabang naman ang lalaking humampas kay sakuragi. Na tila proud na proud sa ginawa niya kay sakuragi.
"Tangina! Duwag naman pala ang isang to eh!" Ngising saad ng isang kasamahan, tumawa ang mga loko..
Hinawakan ng lalaking may hawak ng libro ang buhok ni sakuragi, ipinatingala nito si sakuragi para tignan siya sa mga mata. Sakto namang kakapasok palang ng grupo ni ace na halos mapugutan ng hininga ng makitang hinahawakan ng grupo ni marco si sakuragi.
"Shit! Malaking problema ito pagsumabog si sakuragi. Ace, pigilan natin." Saad ni riku kay ace, tumango si ace at agad silang tumungo sa pwesto ni sakuragi.
Nakita din nilang walang emosyong nakatingin lamang si sakuragi sa mga ito at alam na nila ace kung gaano nilalaban ni sakuragi ang sarili na wag mapigtas ang pasensya nito.
"Tama na yan! Tumigil kana marco, kung ayaw mong pag sisisihan ang ginagawa mo." Pag pigil ni ace sa pulsuhan ni marco
"Sino kaba? Bat kaba nangingialam? Diba nga galit ka rin sa hambog na ito, oh pwes, ipapaalam ko sayo ang magandang balita na may maganda itong nobya na buntis. Gusto mo pag tulungan natin nobya..--." napatili at napasigaw sa gulat ang ilang kaklase ni sakuragi ng tumilapon ng pagkalayo kalayo si marco mula sa pwesto ni sakuragi patungo sa harapan ng blackboard.
Napasinghap sila sa gulat dahil sa hindi nila inaasahang gagawin ni sakuragi..
"PUTANGINA mo! Galawin mo na ang lahat wag ang nobya ko, Dahil kahit saang kasulok sulukan ka pa ng mundo magtago, hahanapin kita sa oras na malaman ko na gagalawin niyo ang nobya ko." Malamig at walang kasing tabas sa galit ang tono ng boses ni sakuragi.
Lumabas ito at galit na sinipa ang upuan at lamesa na nasa dadaanan nito na ikinatili ng mga babae at kinatakot ng mga lalaki.
"Tol, sinabihan na kasi kita na wag mo ng gawin dahil pag sisisihan mo. Kahapon, pinagtangkaan ko rin siya pero ang ending natalo kami kaya ito ang nangyari sa itsura namin ngayon. At isa rin ang Grupo NI MAGNO ang tinapos niya ng siya lang.. Marco, hindi basta bastang kalaban si sakuragi at totoo iyon, isa rin ang pamilya nila sa pinakamayaman sa ōsaka kaya binabalaan kita. Hanggat maaga, wag mo ng ituloy ang pinaplano mo dahil pati pamilya mo, idadamay niya." Saad ni ace na kinatango ng apat na kasamahan ni ace.
******
(A/n: SORRY SA *BADWORDS* NEED PO KASI PARA MAILABAS TALAGA ANG GALIT NA MERON SI SAKURAGI SA MGA KAAWAY NIYA. AT GAYA NGA NG PANGAKO KO, 2000+ NA NAMAN PO ANG UPDATE KO FOR TODAY, SANAAAA MAGUSTUHAN NIYO PARIN.. PLEASE, SUPORT MY STORY UNTIL THE END. MALAPIT NA PO ANG ENDING😖😭😭 KEEP SAFE GUYS! GODBLESS..)
PWEDENG REQUEST, MAG COMMENT PO KAYO NG MAHABA HABA, PARA MAINSPIRE PO ULIT AKO.. NAMIMISS KO NA PONG MAGBASA NG MGA COMMENT NIYO. PERO OKAY LANG DIN NAMAN IF AYAW NIYO😅 THANKIE PARIN SA SAINYO AT SA SILENT SUPPORTER AND READERS. LABYAHH!