Mon Amour (My Love)

By Shujin_88

43.5K 6.1K 1.3K

A Sequel to 'The Other Half' From the same author who gave you Two Roads 1-3, Wheel Turns, and I Love You, Si... More

COVER PAGE
FOREWORD
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
BOOK 2
BOOK 2 - CHAPTER 1
BOOK 2 - CHAPTER 2
BOOK 2 - CHAPTER 3
BOOK 2 - CHAPTER 4
BOOK 2 - CHAPTER 5
BOOK 2 - CHAPTER 6
BOOK 2 - CHAPTER 7
BOOK 2 - CHAPTER 8
BOOK 2 - CHAPTER 9
BOOK 2 - CHAPTER 10
BOOK 3
BOOK 3 - CHAPTER 1
BOOK 3 - CHAPTER 2
BOOK 3 - CHAPTER 3
BOOK 3 - CHAPTER 4
BOOK 3 - CHAPTER 5
BOOK 3 - CHAPTER 6
.
BOOK 3 - CHAPTER 7
BOOK 3 - CHAPTER 8
BOOK 3 - CHAPTER 9
BOOK 3 - CHAPTER 10
BOOK 3 - CHAPTER 11
BOOK 3 - CHAPTER 12
BOOK 3 - CHAPTER 13
BOOK 3 - CHAPTER 14
BOOK 3 - CHAPTER 15
BOOK 3 - CHAPTER 16
BOOK 3 - CHAPTER 17
BOOK 3 - CHAPTER 18
Admin's Note
BOOK 3 - CHAPTER 19
BOOK 3 - CHAPTER 20
BOOK 3 - CHAPTER 21
BOOK 3 - CHAPTER 22
BOOK 3 - CHAPTER 23
BOOK 3 - CHAPTER 24
BOOK 3 - CHAPTER 26
BOOK 3 - CHAPTER 27
BOOK 3 - CHAPTER 28
...
BOOK 3 - CHAPTER 29
BOOK 3 - CHAPTER 30

BOOK 3 - CHAPTER 25

535 71 21
By Shujin_88

RICCO ANDRE

Sinuklay ko pakanan ang may pagkakulot kong bangs at pagkatapos ay umupo ako sa kama.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kung ako ang tatanungin, ayokong lumabas sa kwarto ko. Ayokong humarap sa kahit kanino, maliban kay King. Sana, hindi na lang ako umuwi. Sana, nagmatigas na lang ako at nag-stay na lang sa beach house.

Tanghali na nang nakabalik kami sa Maynila. Hindi na nga kami halos nakakain ng tanghalian at nakapag-usap kasama si Papa Allie. Agad na kaming pumasok sa kanya-kanya naming mga kwarto para maligo at magprepare.

Ngayong tuluyan nang nawala ang trace ng alcohol sa katawan ko at papalapit na ang oras ng press conference sa IGC, hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Alam mo ba yung pakiramdam na ang bigat bigat ng puso mo at tila sasabog na, but at the same time, parang may malaking butas at ang empty ng pakiramdam? Pareho kong naramdaman yun. Ayaw tumigil ng utak ko sa kakaisip kung ano ang mga gagawin ko at sasabihin. Oo, sinabi ni King na walang dapat ipagalala dahil siya si Mr. Song; na siya ang bagong owner ng company, pero may mga nabanggit pa rin si Mr. Lim sa media katulad na lamang ng pagiging callboy ko noon, na ngayon ay alam na ng buong mundo. Paano ko haharapin at sasagutin ang mga tanong na ibabato sa akin tungkol doon?

Maya maya pa ay may kumatok na sa pinto ng kwarto ko. Tumayo ako para pagbuksan iyon at bumungad sa akin ang gwapong mukha ni King na nakangiti.

"Are you done?" tanong niya. Lumapit siya at hinawakan ang necktie ko at inayos ito sa pagkakakabit. "We must dash. We're running late."

Tumango ako at dinampot ang coat ko na nakapatong sa kama. Hinawakan ni King nang mahigpit ang kamay ko kung kaya muli akong napatingin sa kanya. Nakangiti pa rin siya sa akin.

"Are you quite alright?" tanong niya. "Let's try to conclude this swiftly, so you can head home and take a well-deserved rest. You don't appear to be in the best of health."

Totoo, dahil nung nasa kotse na kami, bigla akong nakaramdam ng hilo at para akong lalagnatin. Naramdaman kong marahan na hinimas ni King ang tuhod ko. Napatingin ako sa kanya.

"Everything is going to be alright." sabi niya. Saglit siyang lumingon sa akin at ngumiti, at pagkatapos ay ibinalik na ang paningin sa kalsada.

"What will I do?" tanong ko. "What will I say to them?"

"Allow me to clarify. Perhaps I have a different understanding. You no longer wish to be the CEO, do you?"

Mabilis akong umiling. "No. Ayoko na."

"Excellent. Currently, you remain the CEO. You simply need to inform everyone of your intention to resign long before these issues surfaced. This will alter the public perception, dispelling the notion that you were ousted from the company and that the position was forcibly taken from you. I've instructed Mr. Lim to draft the letter for you, which you'll sign later in front of everyone."

"And then?"

"Nothing more. You won't respond to any other questions. I'll strive to keep it brief to prevent the press from bombarding you with unnecessary queries."

Kahit paano ay nakakagaan ng pakiramdam. Ano kayang gagawin ko kung wala siya? Hindi ko alam. In the first place, baka nga hindi na ako umuwi. Baka nagtago na lang ako kung saan at hindi na nagpakita kahit kailan.

Pinagmasdan ko siya habang seryoso siyang nagmamaneho. Kahit may ganito kabigat akong pinagdadaanan, ramdam ko sa puso ko ang maliit na ligaya na sa wakas, heto at ganito ulit kami kalapit sa isa't isa; na ginagawa na niya ulit yung mga bagay na ginawa niya dati; na kinakausap na niya ako ulit tulad ng pakikipagusap niya sa akin dati; na tumitingin na siya ulit sa mga mata ko tulad noon, at nakikita ko sa mga mata niya ang hinaharap.

Nang malapit na kami sa building ng IGC, naging masikip bigla ang daan dahil sa mga taong tila nagwewelga sa labas, bitbit ang kung ano anong mga karatula at banners. Bigla na namang nanghina ang puso ko.

"May protesters pa rin pala?" sabi ko.

Saglit na tumingin si King sa mga tao at pagkatapos ay sa akin. "No, I don't believe so. I reckon they're your fans, Ricco."

"Fans? Fans ko?" hindi makapaniwala kong tanong. Muli kong tinignan ang mga taong nagwewelga, bagamat hindi ko naririnig ang mga isinisigaw nila. Oo nga, karamihan sa mga banners, may picture ko pa. At ilan sa mga sign, nakalagay ang "PROTECT RICCO ANDRE", "RICCO ANDRE DOESN'T DESERVE THIS INJUSTICE", "WE BELIEVE IN YOU, RICCO ANDRE", at kung ano ano pa.

"That signifies people still have faith in you. You just need to seek support in the right places. You will never be alone, Ricco."

Dahil sa sinabi niya ay tumulo ang luha ko.

*

Sa lobby ng IGC building ginanap ang press conference. Nakakaoverwhelm ang attendance at presence ng kung sino sinong tao, karamihan ay hindi ko man lang nakadaupang palad sa buong panahon na CEO ako ng IGC pero naroroon nang mga oras na iyon.

Umupo ako sa bandang gitna ng mahabang mesa, na nakareserve para sa CEO. Nakapwesto sa tabi ko si Azalea na agad na pinisil ang braso ko.

"How are you, Kuya? Namiss kita." bulong niya.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti. "Let's talk later."

Napatingin ako kay Mr. Lim at nahuli ko ang pasimpleng mapanglibak na ngiti. Kahit anong sabihin ni King sa akin, hindi ko pa rin maalis sa sarili ko ang makaramdam ng hindi maganda dahil doon.

"The CEO's here. Let's start." sabi niya. Namatay ang ugong ng mga paguusap at ang atensyon ng lahat ay napunta sa amin. Nagsimula nang magkislapan ang mga camera at nagtipon na ang mga media personnel sa gitna at nakahanda na ang mga microphone at cellphone.

Tumayo ang isang binata at hinawakan ang mic. Siya siguro ang spokesperson pero sa totoo lang, first time ko lang nakita ang pagmumukha niya.

"Ladies and gentlemen, esteemed members of the press, thank you for joining us today. Your presence is appreciated as we address a matter of significant importance. Today, the IGC board of directors announces changes in executive leadership." sabi nito.

"I stand before you to convey the decision of the board to initiate a change in leadership at Ibarra Group of Companies. After careful consideration and extensive deliberation, the board has decided to part ways with our current CEO -"

"Excuse me." sabi ko, para putulin ang mapalabok na pananalita ng kung sino man iyon. "If I may..."

Nagkaroon ng kaunting commotion at kitang kita kong naningkit lalo ang mga mata ni Mr. Lim. Nasa akin na ang atensyon ng media ngayon at kabi-kabila na ang flash ng mga camera. Hinanap ko sa crowd si King at nakita kong nakangiti siya habang tumatango. Tama ang ginagawa ko.

"I wish to keep this announcement concise. I have asked our Finance Chief, Mr. Jerome Lim, to coordinate a press conference today to formally communicate my decision to resign from my position as the Chief Executive Officer of the Ibarra Group of Companies. Although this decision has been pending for some time, Mr. Lim, along with the board of directors, advised me to delay the announcement. There were crucial transactions that still needed to be completed under my leadership, and there were important documents that still required my signature."

Hindi mapakali si Mr. Lim. Sumesenyas sa spokesperson na ituloy nito ang naihandang speech. Pero hindi ko binigyan ng pagkakataon na mangyari iyon.

"Last Tuesday, while I was away, the employees suddenly decided to stage a strike to oust me from my position. This was puzzling to me because I had made my intentions clear long ago that I wanted to resign and emphasized the urgency of finding a replacement for the position."

Sa pagkakataong ito, nagkaroon na ng commotion sa mga board of directors at kitang kita ang stress sa mukha ni Mr. Lim. Dinampot niya ang mic at tumingin sa akin.

"What are you doing?"

"I'm merely stating the facts, Mr. Lim. Isn't that the truth? As a matter of fact, you have my resignation letter with you right now, don't you?"

Tumingin si Mr. Lim sa mga file folders sa harapan niya at ipinagkanulo siya ng action niyang iyon. Hindi siya nakapagsalita.

"Mr. Lim, can we finalize and make my resignation effective as of today?"

Muli, hindi nakakibo si Mr. Lim. Dahil katabi lang niya, nagawang kunin ni Azalea ang folder na naglalaman ng resgination letter at naiabot sa akin. At sa harapan ng lahat, kinuha ko ang dry seal ng company at tinatakan ang "aking" letter.

"I am now yielding the floor to our Finance Chief, Mr. Lim, to introduce the new owner of IGC, who will subsequently appoint a new CEO for the company."

Muling nanumbalik ang mischievous na ngiti sa mga labi ni Mr. Lim. Siguro, iniisip niya na kahit ginulo ko ang takbo ng kwento sa gusto niyang mangyari, ito na ang moment para sa kanya, na ito na ang kanyang pinakahihintay, kung kaya regardless kung pinilit kong iangat ang dignidad ko, sa huli, napatalsik pa rin niya ako sa sarili kong company. Worth it pa din.

Magsasalita pa lang sana siya nang mapatingin ang lahat sa lalaking nakataas ang kamay sa gitna ng crowd. Si King.

Hinubad niya ang sunglasses at agad siyang nakilala ng lahat. Bumaling ang mga cameraman sa kanya at nagkislapan na naman ang mga flash.

"Allow me to do it." Palibhasa ay walang mic, nilakasan niya ang boses habang naglalakad siya papunta sa long table kung saan ay naroon kami. Tumayo siya sa gitna at tumingin sa lahat.

"I am Song Jin Woo. The new owner of Ibarra Group of Companies." sabi niya.

Gulat ang nagregister sa mukha ng karamihan, kabilang na ang board of directors. Obviously, itinago ni Mr. Lim ang information na ito at tanging ako, siya, at si King lang ang nakakaalam bago ang announcement na ito.

"As you are all aware, I am Angelo Roi Ibarra-Lucas, who you also know as Aaron Gabriello Icarus. Now, before you arrive at negative connotations regarding me having numerous aliases, let me inform you that all my aliases are legal and properly registered and I am doing it not to hide my name, but to use a name that is more reflective of the goods or services I am offering at the time." sabi niya habang busyng busy ang mga reporters sa pagnote ng mga nangyayari.

"I acquired 90 percent of the company's shares using my Korean alias in the transactions. So, technically, as odd as it may sound, the company that belonged to my family is now officially mine. And today, as the new director, I will appoint a new CEO."

Pigil hiningang inabangan ng lahat ang susunod niyang sasabihin. Kitang kita ko ang excitement sa mukha ni Mr. Lim. Sa totoo lang, hindi ko nakikita ang sense at benefit sa part namin na siya ang pipiliin ni King na maging CEO pero alam ko na doon naman papunta talaga iyon. Wala na akong ibang maisip na pwedeng pumalit sa akin, dahil maging si Azalea ay ayaw na rin, at maging ang position niya as COO ay bibitawan na rin niya.

Inadjust ni King ang eyeglasses niya bago muling nagsalita. "Having known him and worked with him for several years makes him the most qualified candidate. His strategic vision, proven leadership, and alignment with the company's corporate values stood out during the selection process."

Napansin kong hinawakan si Mr. Lim sa balikat ng katabi niyang isa sa mga board of directors sabay ngiti at tango. Na parang sinasabi "Congrats, deserve mo 'to." Ngising ngisi naman siya, feel na feel ang tagumpay, na sa wakas, siya na ang magiging CEO ng IGC.

"I am pleased to announce that the new Chief Executive Officer of Ibarra Group of Companies is none other than Mr. Mark Simon Gutierrez."

Nagulat ako, at ang lahat ng taong naroroon. Napatayo si Mr. Lim, hindi mapaniwalaan ang mga narinig. Tumuro si King sa gawing crowd na maya maya pa ay nahawi at inilitaw ang kanyang loyal assistant na talaga namang naguumapaw sa lakas ng dating.

"Who's that? What are you doing?" galit na tanong ni Mr. Lim. Pulang pula ang mukha niya at halos may lumabas na apoy sa singkit niyang mga mata. "I thought we already agreed on this? I thought you would finally give me what I deserve?"

"Indeed, we concurred on certain matters, but your selection as the new CEO wasn't part of that agreement," kalmadong tugon ni King. "And yes, I recall stating that you would eventually receive what you deserve, meaning you, Mr. Lim, will be held accountable for all your actions. You will pay dearly for everything you have done."

"Pay for what? What the hell are you talking about?"

"Hell? That's where you are headed. I am not only referring to the company's money that you squandered in casinos, with women, and on drugs, blaming other people, particularly the innocent Ricco for it. You will also take responsibility for the death of my grandmother, Architect Vanessa Ibarra, administering harmful medicines to my late grandfather, Engineer Samuel Ibarra, making his condition worse and causing him to die sooner, murdering the doctor who knows much information about this case, and harassing my grandfather's attorney with numerous death threats just to keep his mouth shut."

Napatakip ako sa bibig. Hindi ko mapaniwalaan ang mga narinig ko. Halatang nawala ang angas ni Mr. Lim pero nagawa pa niyang ngumiti at taas noong tinignan si King. "That's bullshit. You don't know what you're talking about, young man. Everything is just theory which I doubt you will ever prove true."

"You're mistaken." malungkot na tugon ni King. Tumingin siya kay Mark na tinanguan siya at may tinawagan sa kanyang cellphone. Ilang saglit pa ay may isang medyo may edad nang lalaki na tumayo sa tabi niya.

"Say hello to your old friend, Mr. Lim. Everyone, this is Attorney Corpuz, my late grandfather's attorney, who holds the evidences for everything I mentioned earlier."

Kung kanina ay pulang pula ang mukha ni Mr. Lim, ngayon ay namutla na waring naubusan mg dugo. Naging mabilis ang sumunod na pangyayari. Malakas niyang tinabig si Azalea at bumagsak ito sa sahig. Bago ko pa magawang tulungan ito, nakayapos na nang mahigpit sa akin si Mr. Lim at may nakatutok nang baril sa ulo ko.

Nagsigawan at nagkagulo ang mga tao. Lumapit ang mga pulis pero di tuminag si Mr. Lim. Takot ang bumalot sa buo kong katawan at wala akong ibang tinignan kundi si King. Kitang nawala din siya sa momentum at napalitan ng pagaalala ang expression ng mukha. Clearly, hindi ito part ng "Everything is going to be alright." na ipinangako niya sa akin.

"This can't be!" Nag-iba ang boses ni Mr. Lim. Naging hysterical at desperado. Sinubukan kong pumiglas sa pagkakayapos niya pero lalo niyang hinigpitan. Naramdaman ko ang lamig ng metal ng dulo ng baril na dumidikit sa sentido ko. "I'm sick of dealing with you, bastards! Kailan ba kayo mawawala lahat sa landas ko? Kahit noon pa, mga bata pa kami ni Samuel, he kept on betraying me! I stayed by his side. Ginawa ko ang lahat ng gusto niya. Pero ano ang ginawa niya? He married that bitch! And then he had his precious son Allison, at lahat lahat ng properties na magkasama naming pinaghirapang makuha, ipinangalan niya sa anak niyang wala namang pakialam sa kanya! At ako, ako na kasama niya sa lahat ng pangarap na inabot niya, I remained unnamed. Itinago niya ako in the shadows. We could have been great together, you know? Kung wala lang si Vanessa. Kung wala lang si Allison. And now, you brats, being entitled and acting as though you have every ounce of right, you're still making it difficult for me, when in fact, you don't deserve -"

Nahinto sa pagsasalita si Mr. Lim dahil umalingawngaw ang malakas na tunog ng putok ng baril kasabay ng malakas na sigawan ng mga tao na nagkanya kanya ng takbo palayo. For a moment, akala ko ay pumutok ang baril ni Mr. Lim at tinamaan ako, na mamamatay na ako. Pero laking gulat ko na sa halip, si Mr. Lim ang bumagsak sa lapag, at umaagos ang dugo mula sa ulo niya.

Nanginig ang buo kong katawan. Tumingin ako kay King na putlang putla din at tila nakakita ng multo. Sinundan ko kung saan siya nakatingin at nagitla ako sa nakita ko.

Si Joshua. May hawak siyang baril. Siya ang bumaril kay Mr. Lim. Iyon ang unang beses na nakita ko siya pagkatapos ng maraming buwan na hindi siya nagparamdam.

"What have you done?!" sigaw ni King nang makabawi siya sa pagkabigla. Lumapit siya kay Mr. Lim at sinubukan pang tapik tapikin sa pisngi kahit halata namang patay na. "He can't die! No! He needs to pay for everything he has done!"

"Sir Ricco." sabi ni Joshua kung kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya kahit na pinoposasan na siya ng mga pulis. "Do you remember I promised you that I would use my gun to protect you?"

*****

SHUJIN'S NOTE:

This took a while, I'm sorry. Something similar to what happened to Ricco happened to me in real life. I messed up and I just need to run away. Right now, as I write this using just my phone, I am in exile. Thing is, walang King na hahanap sa akin at magliligtas at gagawing ok ang lahat. I'm on my own. And I'm lost.

I don't know what to do or where to go. Still, I hope you like this chapter. Comments please.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...