V. Academy (Completed)

By Zyreneiayo45

25K 1.1K 26

(Vampire Active Series #3) Evia Shy Lontio, a girl who was hidden from the outside world. Innocent and a frag... More

Disclaimer!
Synopsis.
Prologue.
Chapter 1.
Chapter 2.
Chapter 3.
Chapter 4.
Chapter 5.
Chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 8.
Chapter 9.
Chapter 10.
Chapter 11.
Chapter 12.
Chapter 13.
Chapter 14.
Chapter 15.
Chapter 17.
Chapter 18.
Chapter 19.
Chapter 20.
Chapter 21.
Chapter 22.
Chapter 23.
Chapter 24.
Chapter 25.
Chapter 26.
Chapter 27.
Chapter 28.
Chapter 29.
Chapter 30.
Chapter 31.
Epilogue.
AUTHOR'S NOTE

Chapter 16.

581 33 0
By Zyreneiayo45

Evia’s POV.

Dahan-dahan akong lumabas sa aking silid na tila walang nangyari. Naririnig ko ang kanilang boses mula sa ibaba. Halatang nag-alala na si Neo at Solvena. Sa tingin ko ay nataranta na sila.

Hindi na naituloy pa ang nangyari kanina dahil sa sigaw ni Neo. Akala ko nga ay hindi papansinin ni Lucas iyon.

"Shit! Epal!"

 

 

Nagulat ako nang mahina niyang isinigaw iyon. Napalunok pa ako nang mas idiin niya ang pagkakahawak sa aking balakang. Napadaing ako nang tumama ang kaniya sa akin muli.

 

 

Tiningnan niya ang aking mga mata at akmang hahalikan ako nang sumigaw muli si Neo.

 

 

"LEAD! WE NEED YOU HERE! EVIA MUST BE IN DANGER!"

 

 

Marahas siyang nagpakawala ng hininga. "Fuck."

 

 

Napapikit ako nang mandilim ang aking paningin at napamulat nang makaramdam kung anong malambot sa aking likuran. eqnoon na lamang ang panglaki ng aking mga mata nang makitang nakadagan si Lucas sa akin habang nakatitig sa aking mata. Pagtingin ko sa aking hinihigaan ay nakita kong kama ito. Ngunit kaninong kama?

 

 

"A-Anong gagawin mo?" nauutal kong tanong habang nakatingin sa kaniya na dahan-dahang inilapit muli ang mukha sa akin.

 

 

Magsasalita na sana ako nang halikan niya akong muli na ikinatugon ko naman agad. Ikinawit ko ang aking braso sa kaniyang leeg at mas tinulak siya papalapit sa akin.

 

 

Mas mabilis ito kanina. Ramdam ko ang pagkagat niya sa aking labi at pagsipsip niya sa aking dila. Habang ako ay tinatanggap ang lahat ng kaniyang ginawa at sinasabayan ang bawat galaw nito.

 

 

Sinubukan kong habulin ang kaniyang labi nang siya mismo ang humiwalay, ngunit hindi niya ako hinayaan. Kunot-noong tiningnan ko siya.

 

 

Tumawa siya ng mahina. “Bumaba ka pagkatapos ng five minutes. Para hindi tayo mahalata.” Hinalikan niya akong muli ngunit sandali lamang iyon.

 

 

Bago pa man ako makapagsalita ay naglaho na siya. Naiwan ako sa loob ng silid ko pala.

Nag-init ang aking mukha nang maalala ang nangyari sa amin kanina. Hindi ko akalaing makakaranas ako ng ganoon. Hindi ko rin alam na ganoon pala ang pakiramdam. Unang beses ko iyong naranasan at parang mawawala ako sa katinuan nang magtama ang kaniya sa akin kahit may saplot. Hindi ako ganoon ka inosente para hindi alam kung ano iyong ginagawa namin.

Ang alam ko ay magkasintahan at mag-asawa lamang ang pwedeng gumawa noon. Ngunit bakit nagawa namin iyon? Naghahalikan pa na kami na tila sabik na sabik sa isa't isa, ngunit bakit sabik? Ni hindi ko nga siya kilala para gumawa kami ng ganoon. Ngunit... hindi ko napigilan ang aking sariling tumugon dahil iyon din ang gusto ng aking katawan. Hindi ko man mawari kung bakit iyon nangyayari sa akin, ngunit hindi ko napigilan ang aking sarili.

Ang ipinagtataka ko ay bakit ang pamilyar ng kaniyang mga haplos at halik. Siguro’y iyon ang isa sa dahilan kung bakit ko siya hinayaan. Pero bakit pamilyar? Hindi ko siya nahawakan at nahalikan noon. Hindi pa ako nakatagpo ng ibang bampira kaya imposible.

Ang daming katanungan sa aking isipan ngunit walang kasagutan. Alam kong walang makakasagot nito kung hindi ako lamang. Ngunit paano?

"Evia?" Napabalik ako sa katinuan nang may tumawag sa akin. Nang tingnan ko kung sino iyon ay nakita ko si Solvena sa aking harapan. "Ikaw nga." Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "Saan ka ba nagsusuot, ha? Pinag-alala mo 'ko," nag-alalang tanong niya.

Napakurap-kurap ako. "H-Ha?" hindi ko alam kung ano ang kaniyang sinasabi.

Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. "Guys! Nandito lang si Evia!" sigaw niya.

Ilang segundo lamang ay biglang lumitaw silang lahat sa aking harapan. Naglakad papalapit sa akin si Neo.

"Are you okay? Wala bang nanakit sa 'yo?" alalang tanong niya. Nakatitig lamang ako sa kaniya. "Bakit ka ba kasi hindi bumalik sa room? Nag-alala kami sa'yo," iyon pala ang problema nila.

"Na-estorbo mo kaming walang pake sa mangyayari sa'yo," saad ni Oxy habang nakahalukipkip. Umirap pa siya.

"Oxy. Huwag mo namang sabihan siya ng ganiyan. Kawawa naman siya," parang batang saway ni Rench sa kaniya. "Mabait naman siya, eh."

"What? Totoo naman kasi. I don't care about her. Wala akong pake kung mapano siya. We are not friends. She doesn't deserve to be saved!" malakas na sabi niya na ikinayuko ko.

"Oxy!" malakas na saway ni Neo sa kaniya.

"What?!" singhal niya.

"Oxy, that was rude. Walang ginagawa si Evia sa'yo." Mahinahong sambit ni Solvena na tila ba ay ayaw niyang palalain ang sitwasyon.

"But she was wasting my time! Sa halip na maglilibot ako sa academy to make sure that there's no commotion, I am here. Nasali ako sa paghahanap ng babaeng iyan kahit ayoko! Wala akong pake kung mawawala siya at masaktan kaya bakit niyo ako pinilit? Ayoko nga kahit mamatay pa siya!" nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya. Ramdam kong huminto saglit ang aking puso at nanigas. K-Kahit patay ako?

"Oxy." Madiin na saway ni Lucas na ikinahinto nilang lahat. Tila nanigas ang kanilang katawan dahil sa boses na iyon.

Hindi nila kasama si Lucas pagpunta nila rito. Kaya ganoon na lamang siguro ang pagkagulat nila nang marinig ang boses niya. Sabay-sabay kaming tumingin sa kaniya. Nasa likod siya nila Travis na ngayon ay kinakabahang nakatingin sa kaniya. Sobrang dilim ang kaniyang mukha na tila ba’y kapag may gagawin kang isang mali ay mawawalan ka ng hininga. Nakaramdam din ako ng takot dahil sa kaniyang itsura. Ang bigat ng kaniyang aura na tila mapapaluhod ka na lamang sa takot.

Ramdam kong napahawak sa akin si Solvena habang nanginginig. "Shit." Mahinang mura niya.

Sinong hindi manginginig sa hitsura niya ngayon? Parang kalaban niya kami at handa na niya kaming patayin sa anumang oras.

Ngunit unang nakabawi sa kanila si Oxy. "O-Oh, come on!" tila hindi siya natinag, ngunit nakikita ko ang panginginig niya.

"Oxy, stop." Madiin saway ni Travis sa kaniya.

"Hindi!" sinamaan niya ako ng tingin. "Bakit niyo ba siya pinagtatanggol?" walang sumagot. Tumawa siya ng pagak. "Do you all think that I didn't noticed? Simula nang pumasok iyang babaeng iyan, nasa kaniya na ang atensyon niyong lahat." Tiningnan niya ang mga kasama namin. "Bakit ba palagi niyo nalang siyang pinagtatanggol?! Kahit hindi naman dapat! Every time that she's in danger, you are so quick to save her! Is she that important to be saved? Ano ba ang meron sa kaniya na kailangan niyo siyang bantayan?!" tuluyan na siyang nagwala.

"Because Mother ordered that to us!" nabigla ako nang sumigaw si Solvena. Nagulat din ang iba sa pagsigaw niya. Napakurap-kurap siya at tumikhim. "I-I'm sorry. P-Please do stop spitting harsh word. Please."

Mas lalong tumalim ang mata ni Oxy. "Headmistress ordered that to us? How come I didn't know?"

"Haven’t you forgot? You were around that time," seryosong sagot ni Neo.

Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanila. Ayokong magsalita dahil baka mas lalong sumiklab ang galit ni Oxy kahit wala naman talaga akong ginawa upang mangkaganiyan siya. Ngunit tama siya, bakit parati nila akong pinagtatanggol? Ganoon na ba ako ka-importante? Ngunit sa pagkakaalam ko’y ordinaryo lamang akong bampira na pumasok sa paaralang ito. At bakit pinuprotektahan ako ng headmistress? Hindi ko siya kadugo para gawin iyon.

Napapansin ko rin ang napapansin niya. Hindi ako ganoon ka walang alam sa mga nangyayari sa aking paligid. Kapag may nangyayari sa akin ay doon din sila lumalabas upang iligtas ako. Hindi ko mawari kung bakit nila ginagawa iyon sa akin.

"Kahit na! You could have remind me or something! Alam niyo namang malilimutin ako!" hindi sila nakasagot. "At saka bakit nga ba siya pinoprotektahan ni Headmistress? Dahil mahina siya? And why would we all protect her if she can protect herself? Kaya nga naging isa siya sa atin, 'di ba? She is now one of the Xedian and she won against Kalla. Hindi naman siguro siya magiging isa sa atin kung mahina siya, 'di ba? Pwera na nga lang kung..." tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Nandaya siya." Nagulat ako sa huli niyang sinabi.

"Stop, Oxy. Fucking stop!" si Priox na ngayon ang nagpatigil sa kaniya dahil mas lalong bumigat ang aurang bumabalot kay Lucas.

Biglang may kung anong pulang liwanag akong nakita at nang tingnan ko kung saan iyon nagmula ay napaatras ako kasabay ni Solvena. Nagbabaga ang kamay ni Lucas na tila ay nagpipigil pang saktan ang kung sino man. Lagot…

"Umalis ka na, Oxy," kinabahang sabi ni Neo.

Nakita ko kung paano napaatras at manginig ng todo si Oxy bago siya nawala sa aming harapan. Ngunit hindi pa rin humihinahon si Lucas at palaki nang palaki ang apoy sa kaniyang kamay. Iyan ang kaniyang abilidad? Nakakatakot ito.

Paatras nang paatras ang mga kasama namin at takot na nakatingin sa kaniya. Tila nawawalan na siya sa kontrol. Sobrang dilim ng kaniyang mukha at ang sama ng tingin sa amin.

"Shit. Umalis na tayo rito. Baka masunog tayo ng wala sa oras," kinakabahang sambit ni Neo.

"Ano? Hindi niyo ba siya kayang pigilan?" kinakabahang tanong ko.

Umiling siya. "No one can stop him, even the headmistress. So let's go!" isa-isa silang nawala at naiwan kami ni Solvena.

"Tayo na, Evia. Mamamatay tayo rito." Akmang hilahin niya ako nang pinigilan ko siya. "Bakit?"

"D-Dito lang ako…"

"Ano?! Magpapakamatay ka ba?! Halika na!" sigaw niya saka akmang hihilahin akong muli nang umiwas ako sa kaniya at mabilis na lumapit kay Lucas. "Evia! Bumalik ka rito!"

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko ngunit pumunta ako sa harapan ni Lucas at tinitigan siya sa mga mata, ganoon din siya ngunit matalim. Dahan-dahan kong hinawakan ang kaniyang pisnge at marahang hinahaplos iyon, hindi pinakinggan ang sigaw ni Solvena.

Ramdam kong dahan-dahan nawala ang init ng kaniyang apoy at naramdaman ko na lamang ang pagpulot niya sa kaniyang braso sa beywang ko. Hinila nila ako papalapit. Hiindi ako pumalag.

"Evianna..."

"Evianna? Sino si-hmp!" hinalikan niya ako.

                             ***

"Mabuti naman at dumalaw ka pa rito, 'no? Akala ko hindi na, eh." Umirap si Maureen habang sinasabi iyon saka umupo pang-isahang sofa na nasa harapan ko.

Pumunta ako rito sa dating dorm ko dahil may sadya ako at miss ko na rin sila. Sa totoo niyan ay mas komportable pa ako sa kanila keysa sa loob ng mansyon. Pakiramdam ko kasi ay parang pinilit ko lamang ang aking sariling makibagay roon. Parang kailangan kong makisama sa kanila kahit hindi naman kailangan.

"Oo nga naman, Evia. Akala ko kinalimutan mo kami, eh," nakangusong sang-ayon ni Quiara sa aking tabi.

Ngumiti ako ng kaunti. "Paumanhin. Hindi ko kayo kinalimutan, sadyang may nangyayari lamang sa loob ng mga gabing hindi ko kayo nakasama. Ngayon lamang ako nagkaroon ng oras upang bisitahin kayo," paliwanag ko. "At saka may sadya rin ako bukod doon." Dahil sa aking sinabi ay napaayos sila ng upo at napatuon ang buongg atensyon sa akin.

"Ano iyon?" seryosong tanong ni Maureen nang makitang seryoso ako.

Totoong seryoso ako dahil bukod sa itatanong ko, nagmamadali rin ako dahil malapit na mag-curfew rito. Magsisilabasan na ang mga nilalang na ayaw na ayaw kong makita tuwing hating gabi. Hindi ko rin naman kayang ipagbubukas ito dahil sa tingin ko’y hindi ako makakatulog kung hindi ko pa malalaman ang kasagutan. Panigurado ring marami kaming gagawin bukas na bukas.

"May naramdaman akong kakaiba. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito kaya kayo na lamang ang aking tatanungin, baka sakaling alam niyo ang kasagutan."

"Spill," sabay nilang sabi.

Huminga ako ng malalim. "Simula nang pumasok ako rito ay may naramdaman akong kakaiba. Iyong tipong parang may kung ano humihila sa aking enerhiya na hindi ko alam kung saan galing. Para bang nakakonekta ito sa akin. At noong isang araw, napalapit ako sa isang bampira. Parang sa kaniya galing iyong enerhiya na sa tuwing magkalapit kami ay para kaming iisa. Iyong pakiramdam na pahinga at ginawa. Nakakaramdam din ako ng lakas." Kumunot ang kanilang noo ngunit nanatili silang tahimik. "M-May nakikita rin akong mga kulay pulang usok sa paligid ngunit ang pinagtataka ko ay bakit ako lamang ang nakakakita? Parang hindi niyo naman kasi napapansin iyon at nakakabahala iyon sa akin. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin pero kakaiba. Pero baka—”

"Wait. Wait... what?!" hindi makapaniwalang sambit ni Quiara.

"B-Bakit?"

"Are you sure about that, Evia?" paniniguradong tanong ni Maureen.

Tumango ako. "Oo. At iyon ang punagtataka ko"

Nakita kong natulala si Quiara sa aking tabi habang nakanganga. Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang kaniyang reaksyon.

"That’s impossible." Mahinang sambit ni Maureen.

"B-Bakit? Ano ba ang ibig sabihin niyon?" kinakabahang tanong ko.

"If I am not mistaken... you felt was a mating sign," sagot niya na ikinakunot ng aking noo.

"Ano iyon?"

"Mating sign was made for both mates. Malalaman mong siya ang nakalaan sa'yo at makakasama mo habang buhay kung nakakramdam at nakikita mo ang sign. The fog, connection, energy, and power. You two are one. You will be stronger together. Walang makakapaghiwalay sa inyo kahit anong pagsubok. That's the mate." napanganga ako sa sinabi niya. "Basi sa explanation mo, you already met him. You already... held him."

"But that was impossible! Alam mong hindi iyon maaring mangyari!" biglang lumakas ang boses ni Quiara na ikinagulat ko.

"B-Bakit? Bakit hindi maaari?"

Nagbuntong-hininga si Maureen. "Dahil impossibleng makaramdam tayo ng ganiyan. Dahil sa barrier, wall at darkness na nakapalibot sa ating paaralan, nawawalan ng positive energy ang kapaligiran. We cannot feel our connections to our mates kasi impossible na. The power outside cannot enter this place. Impossible ang naramdaman mo at napa-impossibleng mahahanap mo ang iyong mate sa loob ng paaralang ito. Even us. We don't know who we are meant for. Wala kaming maramdamang kahit kaunting koneksyon. Kaya ang ikinagugulat namin kung bakit nakaramdam ka ng ganiyan. Ito ang kauna-unahang may bampirang nakaramdam ng kaniyang koneksyon. Kaya ang tanong..." Huminto siya saglit at tinitigan ang naguguluhan kung mata. "Why did you feel him? Who really are you?"

Iniisip ko iyon hanggang sa makalabas ako sa dorm. Ang katanungan ni Maureen ay hindi nilulubayan ang aking isipan. Tila napapatanong rin ako kung sino ako at kung bakit ako lamang ang nakakaramdam niyon.

Hindi ko rin alam na may mate pala ako. Ang bampirang makakasama ko sa buong buhay ko at nakakonekta sa akin. Ngunit... bakit parang hindi maaari? Isang malaking katanungan ito sa amin. Dapat ay hindi ako makaramdam nito at matatago sa akin ang aking mate ngunit hindi. Nakita ko na ang aking mate at ang mas malala pa ay tila alam rin niya. May mangyayari ba sa aming masama kung malalaman ito ng lahat?

Ang akala ko’y mababawasan ang katanungan sa aking isipan ngunit mas lalo itong dumami. Hindi ko na alam kung saan ako hahanap ng kasagutan. Sumasakit na rin ang aking ulo sa kakaisip.

Napahinto ako nang may marinig na sigawan. Nang lumingon ako sa aking kaliwa ay kumunot ang aking noo nang makita ko si Rosh na tumatakbo papunta sa aking direksyon. Dahil sa pagtataka kung bakit siya tumatakbo ay tiningnan ko ang kaniyang likuran. Ganoon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang napakaraming babaeng humahabol sa kaniya habang tumitili. Anong meron?

Umiling ako at akmang magpapatuloy sa paglalakad nang manlaki ang aking mga mata nang may humila sa akin papunta sa kung saan. Isinandal niya ako sa pader. Akmang sisigaw ako nang bigla niyang tinakpan ang aking bibig.

"Shh." Sobrang lapit niya sa akin. Naamoy ko ang kaniyang pabango.

Nakatitig ako sa kaniya habang siya ay parang may sinisilip. Hindi ko alam kung bakit siya hinahabol ng mga babaeng iyon, ngunit nakakapagtakang nagtatago siya at tila takot na magpahuli sa kanila. May ginawa ba siyang masama?

"Where is he?"

"Hindi namin alam. Bigla nalang siyang nawala."

"Sayang naman. I wanna hold him pa naman."

Huling rinig ko mula sa mga babae bago tahimik. Dahan-dahan niya akong binitawan. Lumayo siya sa akin na ikinahabol ko ng hininga. Ngayon ko lamang napatantong nagpigil pala ako ng aking hininga.

Nang tingnan ko siya ay nakatingin na pala siya sa akin na tila inaalala kung saan niya ako nakilala. Tumayo ako ng tuwid saka pinagpagan ang aking kasuotan. Hinarap ko siya.

"Bakit mo ako hinila rito?" kunot-noong tanong ko sa kaniya nang mapatantong nandito pala kami sa likuran ng cafeteria.

"I'm sorry. I didn't mean to pulled you here. I just don't want you to be seen by them. Baka madamay ka pa," panghingi niya ng paumanhin saka bahagyang yumuko.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero dinadamay mo na ako. Alam kong nakita na ako ng mga babaeng iyon. Ano ba ang ginagawa mo sa kanila? Bakit ka nila hinahabol?" sunod-sunod kong tanong.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "I believe that I don't owe you an explanation, Milady. Kung ano man ang kailangan nila sa akin, you have nothing to do with it."

"Hindi pala ako dawit rito, eh, bakit mo nga ako hinila na parang kasali ako sa nangyayari sa iyo?" tanong kong muli. Hindi pa rin mapasok sa isip ko kung bakit niya ako hinila.

"I've told you, ayaw kitang madamay. Baka ikaw pa pagbuntungan ng mga babaeng iyon kung hindi mo sasabihing nasaan ako." pag-uulit niya. Inirapan ko lamang siya.

Hindi ko alam pero ang init ng dugo ko sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama sa akin. Talagang ayaw ko sa presensya niya at hindi ko alam kung bakit.

Biglang lumamig ang simoy ng hanging na ikinayakap ko sa aking sarili. Ngayon ko lamang napatantong malapit na ang oras upang magsisilabasan ang mga nilalang na iyon. Bigla na naman akong nakaramdam na takot.

Narinig ko siyang tumawa na ikinalingon ko sa kaniya. "It's almost time."

"Uuwi na ako," paalam ko kahit hindi naman kailangan. Akmang aalis na ako nang magsalita siya.

"Since I pulled you here, kailangan kitang ihatid. Malapit na silang magsilabasan." Tatanggi pa sana ako nang makalapit siya sa akin at hinawakan ang aking braso.

Namalayan ko na lamang na buhat-buhat niya ako habang mabilis na tumakbo. Nanlaki pa ang aking mata nang makapasok siya sa daanan papunta sa aming mansyon kung saan nandoon ang mga ugat ni Oxy. Nakakagulat dahil hindi man lang siya hinarangan at sinaktan ng mga ito. At sa pagkakaalam ko rin ay may kapangyarihan angg iba pang Xedian ang nakapalibot sa teritoryo namin. Ngunit hindi siya sinugod ng mga iyon.

Nang makarating kami sa harapan ng pintuan ay dahan-dahan niya akong nilapag habang ako ay nanatiling nakatitig sa kaniya.

"P-Paano—"

"Don't ask, just knock the door," seryosong putol niya sa iba kong sasabihin. Tila nagbago ang timpla ng kaniyang mukha. Anong mayroon?

Lumunok ako at hinarap ang napakalaking pintuan ng mansyon. Akmang kakatok ako nang bigla iyong bumukas at bumungad si Rench na nanlaki ang mata nang makita kami.

"Evia? Rosh?"

_________________________________________________________

Continue Reading

You'll Also Like

14.7K 869 35
For almost ten years Paris has been peaceful. No villains. No heroes. No hate. But, as we all know, peace never lasts forever and as a new threat tak...
60.7K 2.8K 33
person gets isekai'd to a dating-sim / otome game which may or may not have yanderes. --- ill add a better description, genre and tags eventually. re...
170K 5.2K 61
"You like him right?!? " The guy questioned. "Does it matter to you??!? " You questioned back but the answer was unexpected. Blankly he replied: ...
626K 11.5K 73
A girl is forced by her father to go the university where he works. She immediately makes friends and eventually ends up falling in love. She is soon...