Chapter 18.

638 35 2
                                    

WARNING! R-18 AHEAD! READ AT YOUR OWN RISK!

Evia's POV.

Kumunot ang aking noo nang sobrang dilim ng paligid, walang ilaw kahit isa. Kahit may abilidad akong makakita sa dilim bilang bampira ay wala akong makita. Kahit kaunting ilaw ay wala. Nagtataka ako kung bakit ganito. Kung bakit wala akong makita kahit dapat ay mayroon.

 

 

Inilibot ko ang aking paningin ngunit wala. Parang nandito ako sa loob ng isang mundong walang kahit ano kung hindi kadiliman lamang. Tanging ako lamang ang nandito.

 

 

Tinaas ko ang aking kamay at nag-cast ng spells upang lumiwanag ngunit walang nangyari. Inulit kong muli ngunit wala pa rin. Bakit ganito? Bakit hindi ko magamit ang aking kapangyarihan? Inulit ko nang paulit-ulit ngunit wala pa rin.

 

 

"Ano ang nangyayari sa akin?" nawalan ba ako ng abilidad? Hindi na ba ako bampira? Ano ang nangyayari?

 

 

Habol ang aking hininga at paulit-ulit iyong tinanong sa aking isipan hanggang sa may maalala ako. Naalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Ang sakit at pagkawala ng aking hininga. Tila hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan habang inaalala iyon.

 

 

Patay na ba ako?

 

 

 

Nagsimula akong makaramdam ng kaba at pagkalungkot sa aking iniisip. Wala na. Wala na akong pagkakataon na gawin ang lahat ng pinapangarap ko. Gusto ko pang umuwi sa bahay namin nila Ina at pakinggan ang mga dahilan nila kung bakit sila nagsinungaling sa akin. At gusto ko pang malaman ang totoong pagkatao ko. Kung sino ba talaga ako bago ako makita nila Ina sa kakahuyan. At gusto ko pang malibot ang buong mundo.

 

 

Nanghihina akong napaupo at humagulgol. Niyakap ko ang aking sarili at dinamdam ang sakit na aking naramdaman. Hindi ako makapaniwalang hanggang doon na lamang ako. Marami pang sekretong dapat kong tuklasin. Kailangan nandoon pa ako pagnasira na ang pader na nakapalibot sa paaralan. Gusto kong makita ang liwanag muli ngunit sa tingin ko ay mamamalagi na ako rito sa loob ng kadilimang ito. Wala na akong mahanap na labasan. Patay na talaga.

 

 

Hindi ko alam kung ilang oras o minuto akong umiiyak rito ngunit wala akong pakialam. Ako lang naman ang mag-isa rito. Wala akong kasama.

 

 

Napahinto ako sa pag-iyak nang may makita akong kaunting liwanag. Ano iyon?

 

 

Dahan-dahan akong tumayo saka pilit na naglalakad papalapit roon, kahit nanghihina na. Takang-taka akong nakatingin roon. Akala ko’y wala na akong makikitang liwanag ngunit nagkakamali ako.

 

 

Papalapit ako nang papalapit roon, paliwanag din nang paliwanag. Hanggang sa sakupin na ako ng liwanag. Napapikit ako ng mariin at hinintay mawala ang liwanag.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now