Dangerous Desire

By darlinreld

6.4K 335 70

What if you found out that your brother is inlove with you? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 2

424 25 11
By darlinreld

Hindi ko na alam kung anong oras na kaming nakatulog nila Cole. Mag ti-three am na yata 'yon dahil pinagpatuloy namin ang paglalaro. Kakampi ko si Cole at magkakampi naman si Dwayne at Aster. At anong aasahan mo? Syempre kami ang nanalo ni Cole.

Umayos ako ng higa sa kama at naramdaman ko ang pagyakap ni Aster sa akin. Tinignan ko ang mukha niya sa tabi ko at tulog na tulog siya. Magkakatabi kaming apat sa kama ni Cole. Dwayne, Cole, Aster at ako.

"G-gising ka na nga?" Inaantok na tanong niya nang magmulat ito ng mga mata.

"Na alimpungatan lang." Sagot ko. Alas sais palang ng umaga at tatlong oras pa lang kaming natutulog.

"Hmm. Ang ingay." Reklamo ni Cole atsaka siya yumakap kay Aster at naabot pa nga ako.

"Matulog nga kayo ulit. Bulung bulungan pa kayo riyan." Dagdag naman ni Dwayne.

"Matulog na raw tayo ulit." Bulong ni Aster atsaka ako humarap sakaniya at yinakap din siya.

"Okay."

Natulog kaming apat at nagising na lamang ako nang may humila sa kamay ko na nagpatayo sa akin. Napakurap ako habang kinakamot ang ulo ko. Ano 'yon? May lindol ba? Pabalik na sana ako sa pwesto ko nang may humila nanaman sa kamay ko paharap at nauntog ako sa isang dibdib. Tumingala ako at nakita ko si Kuya Ivan na ang sama sama ng tingin sa akin.

"K-Kuya." Kinakabahan na tawag ko.

"Anong sinabi mo sa akin kagabi?" Bulong niya. "Bakit nandito ka?"

Nilingon ko ang tatlo na mahimbing na natutulog. Napakagat ako ibabang labi ko habang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Anong sasabihin ko? Shocks.

"Sumunod ka sa akin." Seryosong sabi niya.

Nauna siyang naglakad at wala na akong nagawa kung 'di ang sundan siya. Binuksan niya ang kwarto ko atsaka niya ako pinapasok. Pumasok din siya at pabagsak na sinara ang pinto. I closed my eyes out of my nervousness.

"K-Kuya, naglaro pa kasi kami kagabi sa xbox ni Cole." Pagpapaliwanag ko kahit wala pa siyang sinasabi.

"Ilang beses ba dapat kitang sabihan?! Hindi ba ang sabi ko sa'yo, huwag kang natutulog kasama ang mga kaibigan ni Cole?"

"Si Dwayne at Aster lang naman 'yon, Kuya." Pangangatwiran ko.

Pinsan namin si Dwayne at simula bata ay kaibigan na namin si Aster. Para ko na rin silang mga kapatid. I treat them like that dahil sabay sabay kaming lumaki. Wala namang malisya sa akin kung nagtatabi kaming apat. Alam ko namang ganoon din naman sila sa akin e.

"Dwayne at Aster lang? Lalaki pa rin ang mga 'yon. Tapos makikita kong nakayakap pa kayo sa isa't isa ni Aster? Aba naman, Coleen. Nag iisip ka ba? Hindi na kayo mga bata!" He shouted in front of my face.

Napayuko na lamang ako. Pinapagalitan niya nanaman ako dahil lang doon. Big deal ba 'yon? Wala naman kaming ginagawang masama at never namang gagawa nang masama ang mga 'yon. Kilalang kilala ko na sila and aside from Cole the two are really gentlemen lalo na si Aster. 

"S-sorry, Kuya."

'Yon na lamang ang nasabi ko dahil alam ko namang kahit mag explain ako nang mag explain ay hindi niya rin naman papakinggan. His mind is already closed to every excuse that I will say.

"Umayos ayos ka, Coleen ha. Mag hilamos ka na ron at kakain na."

Lumabas siya ng kwarto ko at naiwan akong mag isa. Pumasok na lamang ako ng CR at sinunod ang utos niya. Lagi na lamang siyang gan'yan kapag kasama ko ang mga kaibigan ni Cole. Hindi ko alam kung bakit sobrang iritado siya sa akin. Hindi naman siya gan'yan kay Yesha. Feeling ko tuloy wala na akong ginawang tama.

Bumaba ako gaya nang sabi niya at naabutan ko siyang nasa dining room. Umupo ako sa tabi niya at inabutan niya ako ng fried rice. Kaming dalawa lang ba ang kakain? Hindi ko ba gigisingin sila Cole? Saka sila Mommy at Daddy, wala ba sila?

"Nasaan sila Mommy?"

"Grocery." Tipid na sabi niya.

Nilagyan niya rin ako ng hotdogs at bacon sa plates ko. Nagpasalamat na lamang ako dahil kahit papaano ay pinagsisilbihan niya pa rin ako.

"Milk or juice?"

"Milk po."

Sinalinan niya ang baso ko ng gatas at nag umpisa na lamang akong kumain. Tahimik lamang ako at ayaw kong magsalita. Alanganamang kausapin ko siya e kakatapos niya pa lang akong pagalitan. Kapag ganitong pinapagalitan niya ako, hindi ko alam pero nada-down ako. Nasisira ang araw ko dahil gusto kong maging malapit kami sa isa't isa pero hindi nangyayari dahil mas madalas pa siyang magalit sa akin. 

"Kuya Ivan! Ate Coleen! I'm home!"

Napalingon kaming dalawa at nakita si Yesha. Ngumiti ako sakaniya atsaka siya tumakbo papalapit sa amin. Yinakap niya ako at mabilis na hinalikan sa pisngi at ganon din si Kuya Ivan.

"Kumain ka na?" Malambing na tanong sakaniya ni Kuya Ivan na nagpawala ng ngiti sa mga labi ko.

"Not pa nga e. But I'm not hungry naman so okay lang." Maarte na sagot ni Yesha.

"Nah. You should eat. You shouldn't skip meals. Okay?"

I looked at them and Kuya is smiling at her. Tumango naman si Yesha at hinalikan pa nito ang ulo niya. Nakaka inggit. Gusto ko gan'yan din siya sa akin pero never siyang naging gan'yan. He's always distant. He's always mad.

Pinag silbihan niya si Yesha at pinagpatuloy ko na lamang ang pagkain ko. Tahimik lamang ako habang si Yesha ay kwento ng kwento about Auntie Ritsumi and Rion.

"Lolo bought me and Rion new laptops. I told him na meron naman kami pero super kulit. Nakakainis."

"Just let Lolo buys you things, Yesha." Nakangiti na sagot niya sa kapatid namin.

"Hey Ate Coleen, I learned something about you pala ha." Na agaw naman ni Yesha ang atensyon ko dahil doon.

"Ha? About saan?" Takang tanong ko.

"You have new suitor pala! What's his name na nga? Jean?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Saan niya nalaman 'yon?! I've never told that to anyone except Cole. Hindi naman siguro sinabi ni Cole 'yon sakaniya no? My secrets are always safe to him!

"H-hindi no." Pagde-deny ko.

"Don't lie! He even told me himself! He messaged me kaya and asking about your favorites and nagpapahelp! Grabe, Kuya Ivan! Super gwapo talaga ni Jean like ano ba?! He is so hottie! Sagutin mo na, Ate Col!"

"H-ha? Ah hehe."

'Yon na lamang ang lumabas sa bibig ko. Bakit kailangan niyang sabihin 'yon sa harapan ni Kuya Ivan? Napagalitan pa lang ako kanina sakaniya at malamang sa malamang ay pagagalitan nanaman niya ako neto. Huminga ako nang malalim at ihahanda ko na lamang ang sarili ko. I guess my weekend will be one of the weekends that I hate.

"Ate Coleen is super pretty talaga no, Kuya Ivan? Like she has so many manliligaws! I swear Ate, when I became more dalaga, I'll beat your numbers when it comes to suitors! You'll see. I'll surpass you."

"Why didn't you tell me na may nanliligaw nanaman sa'yo?" Dinig kong tanong ni Kuya Ivan na nagpakaba sa akin.

"Why would she tell you?! Duh!"

"Kumain na kayo. We'll talk again later, Coleen."

"Hey! Huwag mo nga siyang pagalitan! It is not her fault that she's gorgeous!"

"Shut up."

"No! You'll shut up, Kuya! Kj ka!"

Hindi ko na lamang sila pinakinggan at kumain na lamang. Nang matapos ako ay sakto naman ang pagdating nila Cole sa dining room. Dumiretso na lamang ako sa kwarto ko at nag umpisang mag dasal. Ilang sandali lamang ay pumasok si Kuya Ivan sa kwarto ko na masama nanaman ang timpla. Gosh! Ilang beses ko ba siyang gagalitin sa araw na 'to?

"What was that?"

"Kuya, hindi ko naman siya ini-entertain. Promise, wala naman akong balak na sagutin siya o ano." Kinakabahan na sabi ko. "Nagpaalam siya sa akin na manliligaw pero sabi ko hindi pa pwede. Akala ko naman naiintindihan niya na 'yon, pero nagch-achat pa rin siya sa akin at hindi ko naman inexpect na magcha-chat siya kay Yesha to ask help." Mahaba na paliwanag ko.

"You know what to do naman 'di ba?"

"O-opo. Alam ko naman po, Kuya."

Madalas akong sabihan ni Mommy na huwag munang magbo-boyfriend and I don't have any plans para hindi sundin 'yon. My career as a swimmer is my priority and also my studies.

"Turn him down. Bastedin mo. Kapag kinukulit ka pa rin, sabihan mo 'ko."

"Opo." Nakayuko na sabi ko.

Lumabas siya ng kwarto ko atsaka naman ako nakahinga nang maluwag. Buti na lang at hindi matinding sermon ang inabot ko sakaniya. Umupo na lamang ako sa kama ko at napatitig sa sahig.

I wonder when will I and Kuya Ivan be closed again just like when we were kids.


Monday came and we're back to school. Nag aaral kaming lahat sa Rockwell. I'm on my first year senior high, samantalang sila Cole ay second year senior high na. They are one year ahead of me. While Yesha is in her second year junior high. Magkaklase sila nong kapatid ni Aster na si Ashley.

"Coleen, natapos mo na 'yung project natin?" Jackie asked nang makarating ako sa room. Kaklase ko nga rin pala siya.

"Anong project?"

"Sa Science. Nakalimutan mo?"

"Ah, 'yon ba? Tapos ko na! Napasa ko na nung Friday." I said and she hit my shoulder.

"Sana all, 'di ba?"

Umayos kami nang pagkakaupo nang dumating ang teacher namin. I listened to all the lecture the whole hour. Syempre hindi pi-pwedeng hindi. My goal is to be on top both studies and sports, kaya hindi pi-pwedeng hindi ko pag igihan. My studies and my sports should always be in balanced and synchronized.

During lunch time ay dumiretso na kami ni Jackie ng canteen. Cole texted me that they are already there waiting for us. Kasabay ko kasi silang nagla-lunch. I can say that I am one of the boys.

"Hi! Tagal ba kayo naghintay?" Tanong ko nang makarating na sa cafeteria.

"Hindi naman. Hi, Jackie." Malandi na sabi ni Cole.

Jackie sat next to Cole and I sat between Cole and Aster. Agad namang hinapag sa akin ni Aster ang pagkain na inorder nila.

"Thank you." Nakangiti na sabi ko.

"Kain ka na. Hindi pi-pwedeng nagugutom ka."

"Bait mo naman. Sana gan'yan din si Cole ano?" Pagpaparinig ko sa kapatid kong busyng busy na sa paglandi kay Jackie. Akala niya naman papatulan siya ni Jackie? Hindi niya raw siya type dahil malandi talaga ang kapatid ko.

"Hello guys!"

Sabay sabay kaming napataas ang tingin nang huminto sa harapan namin si Yesha at Ashley. They are bestfriends and they are always together.

"Bakit panget?" Pang aasar sakaniya ni Cole.

"What did you say?!"

"He said you're panget." Dagdag naman ni Dwayne na mas lalong nagpa init sa ulo nito.

Hobby at hilig nila 'yan. Ang asarin si Yesha. Pikon kasi 'yan at hindi mo talaga basta basta mabibiro lalo na kung ganitong klaseng biro. Ayaw niyang sinasabihan siyang panget or mataba. Anything about her physical appearance, ayaw niya nang may negative comment. Pero don't get me wrong. She's really gorgeous and sexy. She got Mom and Dad's face at kuhang kuha niya ang katawan ni Mommy. Makinis, maputi at sexy.

"I hate you all! Tara na nga Ashley! Kina Asher tayo sasabay! Mga bwisit 'yan. So iww!" Sigaw nito habang kinakaladkad si Ashley palayo.

Nakakatuwa nga silang dalawa e. Sobrang arte ni Yesha but Ashley is the opposite one. Simula nang tumuntong si Ashley ng grade 5, she changed a lot. As in a big changed that shocked all of us. Naging boyish ito at hindi na maarte tulad noong mga bati pa kami. Dinidemonyo kami madalas ni Asher at sinasabing tomboy or bisexual daw ang kapatid nila dahil sa pananamit nito at kilos. Nahihiya lang daw mag out, which is okay lang naman sa amin kung ganon. Support lang kami.

"Ginalit niyo nanaman 'yon. Pati kami ni Col damay."

"Damay damay tayo sa pagkakaibigang 'to. Ganito ang tropa!" Tumatawa na sabi ni Cole saka siya binatukan ni Jackie.

"Nga pala. May inuman session daw sila Daddy sa bahay mamaya. Sama kayo ha?" Salita ni Aster sa amin. "Sama ka rin, Col. Ibibigay ko na sa'yo 'yung bag na gusto mo."

"Nasabi mo na kay Auntie?!" Excited na tanong ko.

"Yep. Kaya mamaya sama ka. Para makuha mo na." Nakangiti na sabi niya at bigla naman akong nakaramdam nang kakaibang saya dahil doon.

"Thank you, Aster! Ang bait bait mo talaga!" Sigaw ko saka ko siya yinakap. "Kaya favorite kita sa lahat e!"

"No worries." Sagot nito saka ako yinakap pabalik. "Basta kapag may gusto ka, sabihan mo lang ako."

"Oo! Oo!"

Nang matapos kaming kumain ay nagkahiwa hiwalay na kami. Kasama ko si Jackie na bumalik ng classroom namin, habang ang tatlo ay magkakasama. Nag aral lang kami at nang uwian na ay sabay sabay kaming umuwi nila Cole at Yesha. Sinundo kami ni Daddy syempre.

"Kamusta ang pagaaral mga butihin kong supling?" Dad asked habang nagda-drive. Katabi ko siya habang ang dalawa ay nasa likuran. Badtrip pa rin si Yesha kay Cole.

"Daddy, you know what inasar nanaman ako netong anak mong epal! Mygosh?! Bakit ba ganito ugali nito? Kairita." Maarte na sabi ni Yesha habang umiirap irap.

"Ano nanaman bang ginawa niyang igop na 'yan sa'yo senyorita?"

"What?! He's not even igop! Yuck! He told me na panget ako in front of many people! I was embarassed!"

"Luh? Epal nito. Wala namang nakarinig. Sampalin ko ilong mo e."

"And you have the audacity to sampal my nose?! Bunutin ko kaya mga hair mo sa ilong?!"

"Ang arte arte mo akala mo naman. Lagyan kita ng kulangot e. Ano?"

"Iww! So kadiri ka talaga! Where are your manners Cole Yuichi?!"

Sinulyapan ko na lamang si Daddy at parehas na lang kaming natawa dahil sa bangayan nila. Sanay na ako riyan. Never nang magbabago ang ganyang set up.

"Huwag kang gagaya sa mga 'yan baby ha? Mga baliw." Tumatawa na sabi ni Daddy sa akin at hinalikan nito ang kamay ko na hinawakan niya.

"I won't Dad." Sagot ko.

"Hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo. Wala kayong allowance sa'kin makikita niyo." Pananakot niya sakanila.

"It's okay, Dad. I have Auntie Ritsumi. She's rich."

"Kaya ka naging gan'yan kakasama mo sa gagang 'yon e."

"Don't say bad things nga against your kapatid, Dad. She's the best!"

"Ayos lang din sa akin, Daddy. Ano pa't ako ang paboritong apo ni Aloncio Ryutaka?" Mayabang na sabi ni Cole. "Kayang kaya ko kayong bilhin."

Huminto naman si Daddy sa pagmamaneho at mabilis na kinonyatan ang dalawa sa likuran na nagpahagalpak sa akin ng tawa.

"Mga engot kayo ah."

Nang makarating kami sa bahay ay pinaligo na kami ni Daddy dahil pupunta pa kami kina Uncle Luke. Nagsoot lamang ako ng oversized One Piece white t-shirt na bigay ni Dwayne at pinaresan ko lang ng shorts at slippers. Cellphone ko lamang ang bitbit ko at 'di na ako nagdala nang kung ano pa.

Nang bumaba ako ay naabutan ko sa sala si Yesha na inaayusan ng buhok ni Mommy. Mom looks at me and I sat beside her.

"You're not going with us, Mom?" I asked.

"Huwag na kayo na lang. Basta kapag 11:30 na ayain mo na ang Daddy mo ha? 12 am dapat nandirito na kayo. May pasok pa tom."

"Yes po. May food ka na po? Lutuan kita saglit if wala pa."

She smiled at me nang matapos niyang ayusan si Yesha. Kinurot nito ang pisngi ko at pinaghahalikan ang ulo ko. I smiled because this is how my Mom treats me. She always says I'm her favorite and that she always loves me.

"Bait bait talaga ng anak kong 'to. Sana all."

"Mommy, pinaparinggan mo ba ako?" Yesha asked her and Mom and I just laughed.

"I'm good na anak. Nagpadeliver na ang Daddy mo ng dinner namin ng Kuya mo."

"Saan kayo pupunta?"

Sabay sabay kaming napalingon nang pumasok si Kuya. Lumapit siya sa amin and he kissed Mom's cheeks. Mukhang kakagaling niya pa lang sa practice.

"Pupunta sila kila Kuya Luke. Nag aya ng inuman session doon. Sasama sila. Go with them." Sagot ni Mommy sakaniya.

"Sasama ka?" Kuya Ivan asked me at mabilis akong tumango.

"Opo, Kuya. Kaming tatlo sinama ni Daddy."

"Okay. I'll go too. Bihis lang ako."

"Pabilisan mo na rin ang Dad at si Cole. Kanina pa 'yang dalawa sa taas. Naunahan pa sila ni Yesha at Col na matapos sa pag aayos! Mag ama nga talaga!"

"Sure Mommy."

Hinintay naming dumating si Kuya Ivan, Cole at Daddy dito sa sala. Sabay sabay silang bumaba at buti na lamang ay hindi na nagtagal pa ang paghihintay namin. Cole and Dad are like girls when it comes sa pag aayos. Super arte promise! Buti na lang at mahaba na ang pasensyang naipon namin para sakanila every time na may family trip.

Bumyahe kami papunta sa bahay nila Ucle Luke. Katabi ko si Kuya Ivan at Cole habang si Yesha ang katabi ni Daddy. Dumaan muna kami sa isang restaurant at bumili ng dessert para mamaya. Hindi na raw kasi nakagawa si Uncle.

Nang dumating kami kina Uncle ay nandoroon na sila Uncle Raine, Uncle Brandon, Uncle Jayden at Uncle Luther. Kasama rin nila sila Uncle Kennedy, Uncle Dred, Uncle Kent at Uncle Evan. Sobrang dami namin at parang may handaan. Kasama rin kasi nila ang mga anak nila.

"Ang dami niyo pucha. Ang ingay." Reklamo ni Daddy habang pinapanood kami sa may sala.

Busy na sila Cole at Aster makipag catch up kina Ken, Kit at Vanvan. Sinenyasan ako ni Ken na lumapit sakanila pero hindi pa man ako nakakatayo nang maramdaman kong may kamay na pumigil sa t-shirt ko.

"Stay here. All boys sila ron." Bulong ni Kuya Ivan sa akin.

"N-nandoon naman si Cole Kuya." Sagot ko atsaka niya ako tinaasan ng kilay.

Huminga na lamang ako nang malalim at isinandal ko ang sarili ko sa may sofa. Tinoon ko na lamang ang mga mata ko sa TV at pinili na manood. Wala na si Yesha rito sa sala e. Nandoon na siya sa taas kasama sila Asher, Pain at Malachi. Sila kasi ang magbabarkada. Kung sana andirito si Tyra baka pwede pa akong sumama kila Cole.

"Huy!"

Sabay kaming napalingon ni Kuya Ivan nang may kumalabit sakaniya. Si Kuya Byrle pala. Best friend niya.

"Kanina pa kayo?"

"Tama lang. Galing kang work?"

"Yep. Tinawagan lang ako ni Dad at pinatuloy dito. Nandirito raw kayo e. Hi, Coleen!"

"Hello, Kuya." Bati ko sakaniya.

"Oh, ba't si Ivan ang kasama mo rito? Bakit hindi ka makipag usap doon?" Tanong nito sabay turo kina Cole na busyng nagpapayabangan. Pinangungunahan niya actually.

Ngumiti na lamang ako bilang sagot. Umiling iling naman ito habang nakahawak sa balikat ni Kuya Ivan.

"Masyado mo nanamang binabakuran man. Let her enjoy. Hindi 'yan nagpunta rito para tabihan at bantayan mo lang."

"Shut up."

"Sige na, Coleen. Go there. Ako nang bahala rito sa Kuya mo at mag iinuman kami. Tumayo ka riyan, Ivan. Doon tayo sa labas at kailangan mo nang matinding sermon mula sa'yong master."

Wala nang nagawa si Kuya nang kaladkarin siya ni Kuya Bryle palabas. Nang mawala na siya ay napangiti na lamang ako at lumapit agad kina Cole.

"Huy, Coleen! Akala ko snobberist ka na." Bati agad sa akin ni Ken.

"Hala, hindi. Kamusta ka hotdog?"

"Heto pinagpala pa rin sa lahat. Si Kit na lang ang hindi. Panga lang ang blessed."

"Gago ka ah. Dapat talaga hindi na ako sumama rito. Demonyo ka."

Nakipag kwentuhan ako sakanila hanggang sa tawagin na kami ni Auntie Lancie for dinner. Sabay sabay kaming kumain sa labas dahil boodle fight naman 'yon at hindi kami kakasya sa dining room nila.

Tumabi ako agad kay Cole at nagsimulang kumain. Hindi talaga pumapalya si Uncle Luke. Sobrang sarap ng pagkain!

"Cole, balatan mo naman ako ng hipon." Bulong ko sakaniya habang inaabot ang mga hipon haling sa cajun seafood.

"Jusko paano ka na lang kapag wala ako? Wait lang."

Binalatan ako nito at sinubo niya sa bibig ko ang hipon. Nginitian ko siya at sinubuan ko naman ito ng pusit. Oo, ganito kami kalapit sa isa't isa. Sa lahat ng mga kapatid ko, kay Cole ako pinaka close. Madalas ay pinagkakamalan kaming kambal dahil siguro sa age gap namin na one year lang.

Nang natapos kaming kumain ay tumulong ako sa pagliligpit. Kasama ko si Dwayne at Aster. Samantalang sila Kuya naman, Daddy at Cole ay tumatagay. Pwede nang uminom inom si Cole dahil 19 naman na sila. Though 13 pa lang yata siya noon noong pinapainom na siya nang pasimple ni Daddy.

Nag stay na lamang ako sa living room dahil may kanya kaniya na silang mundo. Umupo naman sa tabi ko si Aster at nakasunod sakaniya si Auntie Lancie.

"Heto na 'yung bag!" Masayang sabi ni Auntie at nanlaki ang mga mata ko nang ihapag niya ang bag sa mga hita ko.

"Hala! Ang ganda! Auntie, sure po ba kayo na ibibigay niyo 'to?!" Naluluha sa saya na tanong ko.

"Yep. Sabi ng panganay ko e."

"Hala! Thank you po!"

It was a Hermes bag actually, and the price wasn't a joke. It costs hundred thousands. Mabilis akong tumayo saka ko yinakap si Auntie. Hinalikan naman nito ang ulo ko at panay ang pasasalamat ko.

"Oh siya sige. Doon muna ako sa kusina ha? Aayusin ko lang yung mga tirang pagkain."

"Sige po. Thank you po ulit!"

"Nagustuhan mo?" Tanong ni Aster nang umupo ako sa sofa habang tinitignan ang bag.

"Oo, sobra. Grabe ang bait ni Auntie!"

"Syempre Mommy ko 'yun e. Nagmana ako ron."

"Thank you talaga! The best ka!" Sabi ko saka ko siya inakbayan at ginulo ang buhok. Ang bango ng ulo.

"No worries. Anytime. Tara doon na tayo sa labas?"

"Ah hindi. Dito na lang ako. Manonood na lang ako."

Gustuhin ko mang lumabas ay hindi pwede. Baka mamaya ay mapagalitan lamang ako ni Kuya kung makikita niya akong nandoroon lalo na't puro sila mga lalaki.

"Sure ka?"

"Oo. Go ka na ron."

Pinilit ko pa siyang bumalik doon at sa bandang huli ay napapayag ko naman ito. Nanood na lamang ako ng One Piece na nirecommend nila sa akin. Episode 62 pa lang ako e lampas isang libo pala 'to. Iniisip ko tuloy kung kailan ako matatapos.

Naka limang episodes na ako nang dalawin ako ng antok. Humiga ako sa sofa habang seryosong nanonood.

"Coleen."

Napaupo ako nang wala sa oras nang marinig ko ang tawag ni Kuya sa pangalan ko. Binalingan ko siya ng tingin habang prenteng nakatayo. Namumula ang mukha nito gawa na siguro ng alak na ininom niya.

"Bakit Kuya?"

"Tara sama ka sa amin."

"Saan po?"

"Sa condo ni Bryle. May kukunin lang ako para sa thesis ko."

Mabilis kong sinoot ang mga tsinelas ko at inayos ang buhok ko. Tinalikuran niya lamang ako at naglakad na lamang at sinundan siya.

Ano naman kayang kukunin namin sa condo ni Kuya Bryle? Tapos bakit kasama pa ako ano?

Continue Reading

You'll Also Like

564 236 21
Hatred running through their veins since the day they had laid eyes on each other after they're broke up, even if Adichilles Mieruze Haccinton is Ari...
431K 6.2K 24
Dice and Madisson
1M 34.9K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
144K 221 1
He's innocent Pure and naive She's wild Untamed and fierce When they collide, Who will trap in INTOXICATED LOVE? Warning: Read at your own risk MATUR...