You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 44

98 1 2
By gytearah

CHAPTER 44 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Saan ka pupunta?" Tanong ko kay Ely, tumango siya at binuksan ang pinto.

"Ikukuha ko lang ng jacket si Eya." Tumango na lang ako.

Ang dami ko pang gustong itanong kay Ely pero sobrang bigat na ng dibdib ko.

Humiga ako sa tabi ni Eya at niyakap siya. "I love you anak. Sorry ha, sorry hindi ka hinanap ni Mami agad, pero hindi ka naman nawala sa puso ko e, hindi ko lang talaga alam kung paano at saan kita hahanapin. Alam kong maiintindihan mo rin pagdating ng panahon, mahal na mahal kita." Hinalikan ko siya ulit sa noo at pisnge.

Napahawak ako sa dibdib ko.

"Tubig?" Tanong ni Ely na kakapasok lang.

Hindi ako makapagsalita, nagmamadali siyang lumabas at kumuha ng tubig. 

Habang umiinom ako, nakita kong sinusuotan ni Ely ng jacket si Eya bago hinalikan sa noo. "Good night anak." Sabi niya at tumingin sa akin, "Matulog ka na, bawal sa iyo ang magpuyat 'di ba?" Tumango ako, "Kung may mga tanong ka pa, sabihin mo lang sa akin at sasagutin ko kapag tayong dalawa lang." Tumango ako ulit.

Tumayo siya at binuksan ulit ang pinto. "S-Saan ka na pupunta?"

"S-Sa bahay, magpahinga ka na." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo, "Sorry."

Tumalikod na siya. "Ahm, E-Ely, d-dito ka na matulog sa tabi ni Eya." Tiningnan niya lang ako, "It's okay, d-dito na lang ako sa kabila, k-kung gusto mo lang naman."

"Gusto ko." Isinarado niya na ulit ang pinto at humiga sa tabi ni Eya.

Nanatili akong nakaupo, hirap na hirap talaga akong makatulog.

Iniisip ko kung dapat ko bang sabihin kay Ely na buhay ang Tatay niya. Alam ko namang dapat at karapatan niyang malaman pero kailangan ko munang ipaalam kay Mang Jun.

"Bakit hindi ka pa natutulog? Ala una na Tyra, tititigan mo na lang ba si Eya magdamag? Huwag kang mag-alala, hindi na siya mawawala sa 'yo." Sabi ni Ely kaya humiga na rin ako sa tabi ni Eya, hawak-hawak ko ang kamay niya.

"Matulog ka na ha, pupunta na ako sa kabila, baka may makakita pa sa atin dito. Hindi naman sa ayaw pumasok kong malaman nila pero para na rin sa safety ni Eya."

Tumango ako. "Naiintindihan ko at 'yon din naman ang gusto. Salamat Ely. Kung puwede lang, sa atin na lang muna 'to at kay Joe, ayokong may magtatanong kung paano natin naging anak si Eya. Sige na, magpahinga ka na rin." Bumangon siya at lumabas na ng kuwarto.

Natulog akong nakayakap sa anak ko.

"Tyra? Tyra anak.."

Naalimpungatan ako ng may narinig akong tumatawag sa pangalan ko, nagmamadali akong bumangon.

"Tito, g-good morning po."

"Good morning anak, mabuti naman at mukhang maayos na ang tulog mo."

Napatingin ako kay Eya, bigla siyang humawak sa kamay ko, kakabangon lang din.

"Medyo po, nakatulog po ako ng maayos." 

"Mabuti naman pero halata pa ring puyat ka. Itong Farm lang pala ang mga makakapagpahimbing ng tulog sa iyo o baka naman ang bibong bata na 'to." Sabi ni Tito at nakipag-apir pa kay Eya.

"Good morning po Sir Drammy."

"Good morning Eya. Sige na,  magkape na kayo."

"Bawal po ako sa kape sabi ni Mami SB." Sabi ni Eya kay Tito at tumingin sa akin.

"Gatas ang puwede sa iyo, katulad ng iniinom ni Clarry. Tyra, tumulong ka na lang muna kay Aleng Adela sa pagluluto ngayon, kaya na namin 'yong manggahan at saka mukhang may bata na namang bubuntot sa iyo, baka lagnatin na naman."

"Opo Tito." Sagot ko, bumalik ako sa loob ng kuwarto para ligpitin ang pinaghigaan namin.

"Mami SB, gutom na po ako. Ano'ng oras na po?"

"Saglit lang, titingnan ko sa cellphone ko." Sabi ko at kinuha ang cellphone ko sa ilalim ng unan.

Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng makita ko kung ano'ng oras na, mag-aalas otso na!

Kaya naman pala kinatok na ako ni Tito e, nakakahiya.

"Tara na, kakain na tayo."

Ipinusod ko ang buhok ko gamit ang hair clam na kulay brown na binili ko kahapon.

"Good morning po Aleng Adela."

"Good morning po Miss Tyra, kape po?"

"Ako na lang po ang magtitimpla." Sabi ko at kumuha ng mug, inuna kong timplahin ang gatas ni Eya, "At saka 'di ba po sabi ko Tyra na lang ang itawag ninyo sa akin, trabahador lang din naman po ako dito." Nakangiti kong sambit

"Kumain na rin kayo, nagtira ako ng pagkain para sa inyong dalawa."

"Pasensya na po, medyo tinanghali ng gising." Nahihiya kong sambit

"Ayos lang, wala 'yon. Sinabi rin naman ng Tito mo na hindi ka makatulog sa inyo kaya hayaan ka munang magpahinga. Baka kako kinulit ka rin nitong si Eya kaya hindi ka nakatulog agad."

"Hindi po T'yang, natulog po kami agad ni Mami SB, ang sarap nga po matulog kapag katabi niya e, nakayakap po ako, dinig na dinig ko nga po ang pagtibok ng puso niya e." Nakangiting kuwento ni Eya, napangiti din ako.

"Nasaan nga po pala si Dada? Namimiss ko na po siya agad, hindi ko po siya nakikita, kahapon pa."

Napatingin ako kay Aleng Adela. "Nandoon sa Farm ang Dada mo, siya dapat ang magdedeliver pero hindi pa siya p'wedeng magmaneho kaya si Ambi na lang ang isinama ng T'yong Jerry mo. Uuwi siya dito kapag magme-meryenda na, hintayin mo na lang."

"Opo T'yang."

"Maiwan ko muna kayo saglit, isasampay ko lang 'yong mga nilabhan mo kanina." Sabi ni Aleng Adela at nagpunta na sa likod-bahay.

Narinig kong sabi ni Tito Drammy na dito na niya pinatitira sila Aleng Adela, marami namang kubo dito 'tsaka libre, bigas at ulam na lang ang kailangan nilang bilhin, libre naman ang tubig at kuryente.

"Pinuntahan ka ng Dada mo kagabi pero natutulog ka na, hindi ka na niya ginising." Sabi ko, nilagyan ko ng sinangag at itlog ang plato ni Eya.

"Talaga po? Mami, dito ka po ba ulit matutulog mamaya? Sana po dito na lang palagi para tabi tayo matulog lagi."

"Eh paano ang Dada mo? Mamimiss ka nun katabi, baka magtampo na 'yon kasi sa akin ka sumasama palagi."

"Hindi naman ako magtatampo."

Napalingon ako sa likuran ko. "E-Ely.."

"Dada!" Nagmamadaling tumayo si Eya at nilapitan si Ely, kumarga at yumakap.

"Sige na Eya, kumain ka na ulit. Huwag kang magpapainit ha. Kukuha lang ako ng yelo kapag ako nagpunta dito."

Hindi ako makatingin kay Ely, nag-focus na lang ako sa paghihip sa mainit kong kape.

"Usap tayo mamaya." Bulong ni Ely bago tumalikod, hindi ko na lang siya nilingon.

"Ubusin mo na 'yang pagkain mo at pupunta tayo sa ilog, maliligo."

"Talaga po Mami? Yehey! Hindi pa po ako nakakaligo doon."

"Bakit? Ang tagal na ninyo dito tapos hindi ka pa nakakaligo doon?"

Umiling si Eya. "Hindi po ako pinapayagan ni Dada e, baka raw po madulas ako sa batuhan tapos minsan po malalim ang tubig, baka raw po kung mapa'no ako."

"Tama naman ang Dada mo, susunod ka palagi sa kanya ha. Sige na, ubusin mo na 'yan at ikukuha kita ng damit. Saan ba nakalagay ang mga damit mo?"

Tumayo siya at itinuro ang nasa kahon. "Nand'yan po ang mga damit ko Mami, gusto ko po dress ha."

Kinuha ko ang dress na kulay pink at kumuha na rin ako ng towel.

"Uminom ka muna at pupunta na tayo, inumin mo rin itong vitamins. Hintayin mo na lang ako dito ha, ipagpapaalam lang kita sa T'yang Adela mo."

Niligpit ko lang ang mga pinagkainan namin bago ko pinuntahan si Aleng Adela sa likod-bahay.

"Pupunta lang po kami ni Eya sa ilog, okay lang po ba?"

"Oo naman, okay na okay. Bumalik kayo kapag mainit na ha at saka tingin tingin sa paligid at baka may ahas."

"Opo Aleng Adela, salamat po."

Nakahawak si Eya sa kamay ko habang naglalakad kami papunta sa ilog.

"Mami, naiihi po ako."

"Halika, balik tayo sa taas, sa cr."

"Dito na lang po sa gilid, wala naman pong ibang tao e, hindi ko na po mapigilan."  Sabi ni Eya at nagkubli sa likod ng malagong damuhan.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa kamay ko, nabitawan ko ang mga damit namin pati na rin ang mga sabong panligo.

"Arah!" Sabi sa akin nang lalake

"H-Hindi po ako si Arah.." Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin.

"Ikaw si Arah! Ikaw si Arah! Miss na miss na kita." Sabi pa nung lalake at akmang yayakap sa akin nang bigla siyang suntukin ni Joepette.

"Joe!" Sigaw ko, nahulog ang lalake sa ilog.

"Mami, ano po 'yon?"

Nagkatinginan kami ni Joepette. "Ikaw na bahala." Bulong ko kay Joepette at agad na nilapitan ni Eya, "Tapos ka na ba? Bukas na lang tayo maligo sa ilog ha, may nakitang a-ahas ang Kuya Joepette mo. Halika na, tara na." Binuhat ko si Eya para mabilis kaming makabalik sa Farm.

* End of Chapter 44 *

A/N: Sino ang lalakeng nakita ni Tyra sa gilid ng ilog? At bakit siya tinatawag na Arah?

— gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

219K 255 108
This story is not mine credits to the real owner. πŸ”ž
12.1K 290 55
Si Valerina ay isang nanggaling sa Orphan ngunit may umampon dito na namatay na rin. Ang masaklap pa ay baon sa utang ang mga nag ampon sa kaniya kay...
392K 10K 47
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) That sexy maid.