You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 43

95 1 0
By gytearah

CHAPTER 43 : ELY's POINT OF VIEW ★

"Hindi kita pipiliting sabihin sa akin kung ano ang nangyayari 'tol pero please lang, nagmamakaawa na si Tyra na kausapin ka, gusto ka niyang makausap. Hindi daw ito tungkol sa nangyari sa inyo ni Gwy kahapon, iba daw dun. Naabutan ko siya kaninang umiiyak sa duyan, sa tabi ng kapa- ng anak mo." Sabi ni Joepette, hapon na at tapos na ang oras ng pag-aani. Inilalagay na namin sa truck ang mga mangga na kailangang i-deliver bukas na umaga.

"Susubukan ko mamaya, gusto ko rin naman siyang makausap. Ang hirap lang makatiyempo ng kaming dalawa lang, kumbaga confidential 'tong pag-uusapan namin. Gagawa ako ng paraan mamayang gabi."

"Siguraduhin mo 'tol, kanina ko lang siya nakitang gano'n kalungkot." Sabi pa ni Joepette, ang hirap kasing pag-usapan 'to ng maraming tao sa paligid, hindi biro 'yong dinanas namin pareho at kaya palagi ko rin siyang tinatanong kung handa na ba siyang pag-usapan, mahirap balikan ang nakaraan lalo na at hindi maganda.

"Pagkatapos ninyo d'yan ay umuwi na kayo at magpahinga, lalo ka na Ely, hindi pa gaanong magaling 'yang balikat mo, huwag mong pwersahin."

"Opo Sir Drammy." Sagot namin ni Joepette, inilagay lang namin sa truck ang natitirang tatlong basket at umuwi na.

"Gawan mo ng paraan ha, baka magtext sa akin 'yon mamaya, hindi ako makakapagreply dahil wala na akong load." Sabi ni Joepette bago kami naghiwalay ng daan.

"Ely anak, mag-meryenda ka na."

"Opo T'yang, magbibihis lang po ako. Si Eya nga po pala, nasaan?" Tanong ko habang nasa loob ng kuwarto, nagbibihis.

"Nasaan pa e 'di nandoon Kay Tyra, ayaw ng humiwalay ang batang 'yon, siguro'y may kakaibang nararamdaman."

Lumabas ako ng kuwarto at uminom ng tubig.

"Sabi ko sa iyo at malaking gulo 'yan e."

"Pero T'yang, hindi ko rin po alam kung ano ang gagawin ko. Handa na raw po si Tyra T'yang, gusto niya na po akong makausap."

Inabutan ako ni T'yang ng tinapay at kape.

"Ito na ang hinihintay mo. Gaya ng palagi kong sinasabi sa 'yo, piliin mo kung saan ka magiging masaya." Nakangiting sambit ni T'yang at tinapik pa ako sa balikat.

"Paano po kaya kami magkakausap? Si Sir Drammy po."

"Ang T'yong mo na ang bahala kay Sir Drammy, mag-iikot naman sila mamaya at siguradong matutulog 'yon ng maaga dahil may delivery pa bukas." Sabi pa ni T'yang

Six thirty na, naka-idlip ako ng ilang minuto dahil sa pagod, paggising ko ay wala pa rin si Eya.

"Kain na anak, kumakain na sa labas si Sir Drammy at ang T'yong Jerry mo."

"Si Eya po?"

"Nandoon pa rin sa kabila, dinalhan ko na sila ng hapunan doon. Nga pala, nagpaalam si Eya sa akin na doon siya matutulog, gusto niya raw na matulog katabi ng Mami SB niya."

Namimiss ko na si Eya.

Sumabay na ako kila T'yong na maghapunan, pagkatapos nilang maghapunan ay nagtungo sila sa Rancho, nanganganak raw 'yong isang kabayo.

"T'yang, iidlip lang po ako ulit. Gisingin mo po ako maya-maya." Sabi ko

Naalimpungatan ako ng marinig kong parang may nahulog na baso sa labas.

"T'yang?"

"Ely anak. Hindi kita nagising kanina, sinamahan ko ang T'yong mo sa Rancho. Kukuha lang ako ng mainit na tubig kaya ako umuwi, hindi ko namalayan ang oras.

Pagtingin ko sa relo ko ay mag-aalas onse na.

Gising pa kaya si Tyra?

"Si Sir Drammy po?"

"Umuwi kani-kanina pa. Babalik na lang daw siya bukas na madaling araw."

"Bakit daw po umuwi?"

"Umiiyak daw 'yong anak, hindi natutulog at hinahanap si Sir Drammy kaya nagmamadaling umuwi. Silipin mo na 'yong mag-ina mo doon sa kabila, ihahatid ko lang itong tubig sa T'yong mo." Sabi ni T'yang at naglakad na pabalik sa Rancho.

Pumasok ako ulit sa loob at kinuha ang jacket ko, paglabas ko'y dumeretso ako sa kabilang kubo.

Papasok pa lang sana ako sa kuwarto ng makita ko si Tyra sa labas, hindi ako nagpahalatang nagulat ako.

"Ahm, g-gising ka pa pala."

"Hindi ako makatulog." Sabi niya at pumasok sa kuwarto, umupo siya sa gilid ng higaan ni Eya, "Iniwan ko lang siya saglit, nag-banyo lang ako."

Kaya pala nasa labas siya, akala ko lumabas siya para kausapin 'yong mga bituin.

"Ayaw na niyang humiwalay sa akin. Namimiss mo bang katabi?" Tanong niya at tumungo, umiiyak siya, narinig ko ang paghikbi niya.

Nilapitan ko siya at niyakap. Ayaw ko talagang makita na umiiyak siya, ayaw ko na siyang makitang umiiyak at nasasaktan.

"Sorry." Bulong ko at hinalikan siya sa noo.

"E-Ely?.." Kunot noo niyang sambit.

"Sorry. Sorry, sorry." Paulit-ulit kong sambit.

"Ikaw 'yong-"

Tumango ako. "O-Oo. Oo ako 'yon, okay ka ba? Okay ka na ba?"

"P-Paano tayo nakaalis d-doon? Wala akong maalala."

Walang maalala? Kaya pala. Akala ko iniiwasan niya lang na pag-usapan namin 'yong nangyari, akala ko kinalimutan niya na talaga. Sino ba namang may gustong alalahanin pa 'yon?

"Nung tumatakas na tayo, may pumukpok sa ulo mo. Nahuli nila tayo pero nagmakaawa ako sa kanila na patakasin ka na, na ako na lang ang bihagin at p-patayin nila kasi.."

Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. "K-Kasi ako?"

Napabuntong hininga ako at hinawakan siya sa kamay. "Kasi baka b-buntis ka at ayaw kong-"

"Si Eya, a-anak mo ba talaga siya?"

Sinabi na siguro ni Joepette sa kanya.

Hinalikan ko siya sa labi, mabilis lang, baka sakaling may maalala siya. "Natin, anak natin siya."

Tumingin siya kay Eya at hinalikan sa noo. "Si Eya si Erra? Siya 'yong a-anak ko?"

"Natin."

Umiyak na naman siya, niyakap niya si Eya at hinalikan ulit sa noo at sa pisnge ng paulit-ulit.

"Sorry Tyra, sorry." Luluhod sana ako sa harapan niya pero pinigilan niya ako.

"Wala kang kasalanan Ely, pareho tayong biktima. Nahuli na raw na 'yong gumawa sa atin nun? Yung pumatay sa mga kasamahan namin doon sa lugar na 'yon Ely? Nagbayad na ba sila sa mga kasalanan nila?"

Umiling ako. "Tayong dalawa lang naman ang nakaligtas. Hindi na rin ako nagsampa ng kaso dahil hindi ko alam kung paano, hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko nung panahong 'yon. Isinakay kita sa bangka tapos binugbog nila ako. Nagkunwari lang akong patay nun tapos tinapon nila ako sa ilog. Napadaan nun sila T'yang Adela at T'yong Jerry, tatakas din sila kaya isinama na nila ako.

"Ibig mong sabihin hindi mo sila kaano-ano? Pati yung tungkol sa nanay mo, hindi totoo?"

Tumango siya. "Sorry."

"Pero Ely, paano napunta sa iyo si Erra? S-Si Eya.. one month na siya nung nawala siya, paano siya napunta sa iyo? Para akong namatay ulit nun, nung nawala siya, Ely.." Tumulo na naman ang luha niya.

Umupo ako sa tabi niya at pinunasan ang luha niya.

"Hindi pa rin ako makapagtrabaho nun dahil sa tama sa balikat ko. Nasa bukid sila T'yang Adela nun tapos may narinig akong umiiyak na baby sa labas ng bahay, kahit nahihirapan akong tumayo ay pinuntahan ko, nakita ko si Eya, nakabalot siya sa isang lampin na kulay sky blue, nung una nga e akala ko lalake. Inalagaan ko siya hanggang sa makauwi sila T'yang, hindi na namin ipinaalam sa Barangay, doon namin naisip na kapatid ko siya, anak ni Nanay, natakot kasi kami na baka makasuhan kami. Noong dalawang taon na siya, noon ko lang nalaman na anak ko pala siya."

Nakatingin lang sa akin si Tyra, nakikinig sa kuwento ko. "Magulo ang isip ko nun, iba ang pakiramdam ko tuwing karga ko si Eya. May kakilala kami na tumulong sa akin na ipa-DNA test si Eya, sobrang saya ko nung nalaman ko na anak ko siya pero nalungkot din ako, inisip ko na baka ayaw mo sa bata dahil sa nangyari sa atin kaya ibinigay mo sa akin o 'di kaya'y w-wala ka na kaya ibinibigay na siya sa akin ng mga kamag-anak mo. Tyra, ilang araw lang tayong nagkasama noon pero minahal kita. Tuwing pinaglalaruan tayo, iniisip ko na lang na mas okay na 'yon kaysa naman mamatay tayo at nangako ako sa sarili ko na kapag nakatakas ako sa lugar na 'yon, hahanapin at hahanapin kita lahit na ano'ng mangyari. Kaya nga ako nabangga sa sementeryo noon ay dahil nakita kita, pamilyar 'yong balat mo."

Niyakap ko siya ulit. "Mahal kita Tyra."

"G-Gusto din kita. Nung nakita kita, iba 'yong pakiramdam ko kaya tinulungan kita agad, hindi normal 'yon Ely. "Napangiti ako, "Pero girlfriend mo ang kakambal ko."

Nawala ang ngiti sa labi ko. "Hindi!" Mabilis kong sagot.

"Pero 'yon ang sabi niya. Masaya pa siyang nagkukwento sa akin kagabi."

"Hindi 'yon totoo Tyra. Hindi ko siya gusto, kahit itanong mo pa kay Joepette, Ikaw ang gusto ko, ang mahal ko. Kahapon, nagpunta nga dito si Gwy.. kinausap niya ako, napa-oo ako."

"Ha? Sabi mo-"

"Kasi ginaya ka niya, akala ko ikaw siya, sa damit, sa pananalita, sa lahat. Sa sobrang kagustuhan kong makausap ka at gustong-gusto kita, napa-oo ako. Binabawi ko 'yong sinabi ko pero sabi niya wala na raw bawian, boyfriend niya na ako. Pumayag akong maging boyfriend niya kasi akala ko ikaw siya, niloko niya ako, nagpanggap siyang ikaw."

* End of Chapter 43 *

A/N: Kaya naman pala napa-oo eh, nagpanggap pala si Gwy na siya si Tyra. Hmm..

Chubbabies, keep rockin' and stay guurjess!!

- gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

392K 10K 47
STATUS: COMPLETED (UNDER REVISION AND EDITING) That sexy maid.
134K 2.9K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...
387K 578 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
7.3M 232K 12
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes