You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 42

86 3 1
By gytearah

CHAPTER 42 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Hindi ka na naman ba natulog ng maayos ha Tyra?" Tanong ni Tito sa akin habang naglalagay ng gamit sa kotse, halata kasing wala akong tulog dahil sa eyebags ko.

"May insomnia po kasi ako Tito. Kailangan ko pang uminom ng gamot na binigay sa akin ng Doctor para makatulog ako pero hindi po kasi ako uminom kagabi, baka kasi hindi ako magising ng maaga ngayon. Pero okay lang po ako." Sagot ko, wala naman talaga akong insomnia, napuyat lang talaga ako kaka-search ng mga pangalan nang kaibigan nila Mama para mapuntahan ko agad sila kapag wala akong trabaho.

"At huwag ka na rin munang magkape. Teka, nagdala ka ba ng mga pamalit mo? Doon tayo matutulog sa Farm para pagliwanag pa lang bukas ay magsisimula na agad, para hindi masyadong mainit."

"Opo Tito, palagi naman po akong may extrang damit. Kukunin ko lang po saglit 'yong power bank ko atsaka 'yong jacket ko."

"Bilisan mo, mag-aalas singko na, dapat dumating tayo doon bago mag-alas sais."

Kinuha ko ang power bank ko pa rin ang dalawang jacket ko.

"Sissy?"

"Oh? Bakit? Aalis na kami ni Tito, huwag kang pasaway kay Tita ha, gamot mo huwag kalimutan. Bumangon ka na rin ang mag-exercise ka."

"Exercise? Mapapagod lang ako, bawal ako mapagod remember? I-hi mo na lang ako kay Ely my love ko ha."

Nagmamadali akong lumabas ng kuwarto. Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Gwy sa akin kahapon, paano nangyari 'yon?

Gusto niya raw ako pero girlfriend naman ang kakambal ko, tss.

"Tyra, halika na. Bakit ba nakatulala ka pa d'yan?"

"Po? Nand'yan na po. Iniisip ko lang po kung may nakalimutan ba ako." Inilagay ko lang sa bag ko ang power bank at ang jacket ko bago pumasok sa kotse.

"Mami SB!"

Nasa labas pa lang ako ng gate pero rinig na rinig ko na ang sigaw ni Eya, kumakaway pa habang tumatakbo, para bang walang sakit.

"Yang batang 'yan, mukhang gustong-gusto ka, malayo pa pero gusto ka na agad yakapin." Sabi ni Tito Drammy

"Sobrang lambing nga po ng batang 'yan, kulang na lang ay sumama sa akin pauwi." Sabi ko at bumaba na ng kotse.

"Isama mo minsan sa bahay para naman may kalaro si Clarry pero ipagpaalam mo muna sa Kuya niya at kila Aleng Adela."

"Opo Tito. Dadalhin ko lang po itong mga gamit natin sa kubo tapos susunod na lang po ako sa iyo sa manggahan."

"Sige, mag-jacket ka at may sumbrero."

Nakahawak si Eya sa damit ko habang naglalakad kami papunta sa kubo, hindi siya makahawak sa kamay ko dahil may dala ako.

"Kumusta ang pakiramdam mo Eya?" Tanong ko habang inilalapag lahat ng gamit na dala ko.

"Okay na po ako Mami SB. Salamat po pala sa mga prutas at vitamins na pinadala mo Kay Kuya Joepette." Yumakap siya sa akin ay paulit-ulit akong hinalikan sa pisnge.

"Huwag ka na ulit magpapainit sa araw ha, mahirap kapag may sakit na."

"Opo Mami, maniniwala na po ako. Nag-alala po ba kayo sa akin?"

"Oo naman, pupuntahan nga sana kita kasoay pinuntahan akong importante."

"Okay na po ako. Pupunta na po ba kayo sa manggahan? Hindi po ako puwedeng sumama e, hihintayin na lang po kita dito ha." Para ayaw na niyang bumitaw sa pagkakayakap sa akin.

"Sige, pupuntahan kita agad pagkatapos ng trabaho ko."

"Eya halika na, may trabaho pa si Miss Tyra. Doon ka na muna magpunta sa kubo natin anak, may kukunin lang ako kila Letty, babalik din ako agad." Sabi ni Aleng Adela, sumunod naman ang bata sa kanya kahit mukhang napipilitan lang.

"Tito, ano pong gagawin ko?"

"Kami na lang ang magpipitas, ilagay mo na lang itong mga mangga sa lalagyan, itong mga tumulo na ang dagta. Yung maayos na lagay ha, bukas na madaling araw ay ide-deliver na 'yan."

Katulong ko si Aleng Letty sa pag-aayos ng mga mangga. Sobrang init ng panahon, mabuti na lang at malalaki ang punong mangga kaya natatakpan kami sa sikat ng araw.

"Magpahinga ka muna Tyra, uminom ka muna ng tubig, ako na lang ang magtatapos nitong natitira." Sabi ni Aleng Letty.

Umupo muna ako sa lilim ng punong mangga, pinagmasdan ko ang mga tao sa Farm, busy and lahat kahit sobrang init ng panahon.

Nasaan kaya si Ely? Tanghali na pero hindi ko pa rin siya nakikita.

"Tyra, tara na iha at mananaghalian na. Iwan mo na muna 'yan, sila na ang bahala d'yan." Sabi ni Aleng Letty, sinusubukan ko kasing buhatin ang mga inipon naming mangga, ang bibigat pala.

"Aleng Letty, ganito po ba talaga kapag anihan? Para pong hindi nagpapansinan ang mga tao."

Tumango si Aleng Letty at inabutan ako ulit ng tubig. "Ganito talaga para madaling matapos ang mga gawain, wala kasing magagawa kung bibig ang pagaganahin."

Umuwi na si Aleng Letty sa bahay nila, magpapalit daw muna siya ng damit. Dumeretso naman ako sa kubo na tinutuluyan namin ni Tito, nagpalit din ako ng damit bago nahiga sa sahig, ang sarap ng hangin kahit sobrang init sa labas.

Nagmamadali akong bumangon ng marinig kong tumunog ang cellphone kong nasa string bag ko.

"Kakain na po."

Si Joepette lang pala. "Papunta na." Reply ko, binuksan ko saglit ang email ko, may mga message naman galing sa mga kaibigan ni Mama pero hindi daw sila naniniwala na anak ako ni Mama Arah, baka raw scammer lang ako. Mukhang si Tito Chordie na lang talaga ang pag-asa ko para maniwala sila sa akin.

Malapit na ako sa kubo nila Aleng Adela ng makita ko si Ely, lalapitan ko sana siya pero pumasok siya agad sa loob ng bahay kubo.

Okay, gets ko na kung bakit hindi ko siya nakita kanina, umiiwas siya. Dahil ba sa girlfriend na niya ang kakambal ko? Gusto ko lang naman siyang makausap.

Hayy..

"Ang lalim nun ah." Sabi ni Joepette sa akin at inabutan ako ng plato, narinig niya pala ang pagbuntong hininga ko.

"Ano'ng problema nun? Bakit parang iniiwasan ako?" Pabulong kong tanong, magkatabi kaming dalawa habang kumakain.

"Hindi ko rin alam, kahapon pa 'yan walang kibo e."

"Kaya mo bang gawan ng paraan? Gusto ko siyang makausap. Dito naman ako matutulog, baka p'wede mamaya."

"Susubukan ko, sasabihan na lang kita. Baka nga lang makatulog agad kasi pagod sa trabaho."

Napatigil kami sa pagbubulungan nang tumingin sa amin si Tito Drammy. "Ano'ng pinag-uusapan ninyo? Mukhang importante, kayong dalawa lang ang nakakarinig." Sabi ni Tito

"Gawan mo ng paraan, Tito mo naman 'yan. Baka nalaman na niya na napunta tayo sa-" Pinutol ko na ang sasabihin ni Joepette, baka madulas pa siya at lalo lang kaming mabuko.

"Kasi po Tito.. pinag-uusapan lang po namin kung paano sasabihin sa iyo."

"Ang alin?" Biglang nag-iba ang tono ng boses ni Tito.

"Si Pega at Liwanag po." Sabi ko at tumingin Kay Joepette.

"Bakit?"

"Noong isang araw po kasi ay inilabas namin ni Joepette yung mga kabayo tapos nagpaunahan po kami papunta dito galing sa bu-, sa may ilog tapos pinatalon namin pareho sa bakod, hindi ko po kasi nasabi sa iyo noong tumawag ka. Iyon lang po 'yong pinagbubulugan namin." Nakahinga ako ng maluwag, iniwasan ko talaga na hindi mabulol.

"Yun lang pala, ayos lang 'yon. Ang hindi ko lang alam ay kaya pala ni Joepette na makipagsabayan sa iyo at talagang pinatalon mo pa si Liwanag."

"Hindi rin po ako makapaniwala Sir, pinagalitan pa nga po ako ni Tatay eh pero ang sarap po pala sa pakiramdam, p'wede po bang umulit?" Tanong ni Joepette pero agad na nag-react ang magulang nila.

"Paano kung tsamba lang 'yon? Tumigil ka nga'ng bata ka, ang mga pananim dito sa Farm ang atupagin mo." Sabi ni Aleng Letty na sinang-ayunan ni Mang Nato.

Pagkatapos naming mananaghalian ay nagpunta ako sa duyan para magpalipas ng antok bago bumalik sa pag-aani ng mangga.

"Mami!"

"Hi. Halika dito." Tawag ko kay Eya, lumapit naman siya at agad na yumakap sa akin.

"Namiss ko ba ako?"

"Sobra po Mami SB. Sabi nga po ni T'yang Adela e kayo raw po ang hinahanap ko nung may sakit ako kahapon, tinatawag ko raw po kayo kahit tulog ako."

"Namiss din kita." Niyakap ko rin si Eya, magkatabi kami sa duyan na gawa sa rattan, pinapalitan ko kila Mang Jerry 'yong duyan para hindi lang isa ang nakakaupo.

Humiga kami pareho ni Eya, hindi ko namalayan na tulog na pala siya. Hindi ako makagalaw dahil naka-unan siya sa braso ko.

Pinagmasdan ko na lang si Eya, ang haba ng pilik-mata niya at may nunal din siya sa may gilid ng mata.

Kung kasama ko lang si Erra, ganito na rin siguro siya kalaki at kakulet ngayon.

Sa pagtitig ko ng matagal kay Eya ay napansin ko ang malaking nunal niya sa dulo ng tainga niya. Hinawakan ko rin ang kanang tainga ko, sabi kasi ni Gwy ay may buhay na nunal din daw ako sa tainga katulad nang kay Erra.

Bigla akong napayakap kay Eya, wala akong pakealam kung magising siya basta gusto ko siyang yakapin.

Kung sakali nga'ng siya ang anak ko, sobra akong matutuwa.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Kailangang-kailangan ko na talagang makausap si Ely.

"Ano'ng drama 'yan?"

Agad kong pinunasan ang luha ko. "Sino'ng may sabi sa 'yo na nagda-drama ako?" Bulong ko para hindi magising ang bata. Dahan-dahan kong inaalis ang pagkaka-unan ni Eya sa braso ko.

"Tulungan mo ako Joepette. Sasabihin ko sa iyo lahat. Kailangan ko lang talagang si Ely."

"Tyra.. galing daw si Gwy dito kahapon.." Sabi ni Joepette at para bang napilitan lang siyang sabihin sa akin.

"Alam ko at ang sabi ni Gwy ay sila na raw. Pero iba 'to Joe, hindi ko siya kakausapin tungkol sa kanila ni Gwy, iba 'to. Please, please." Halos magmakaawa na ako at lumuhod sa harapan ni Joe para lang tulungan niya ako.

"Mukhang seryoso at importante ang gusto mong pag-usapan ninyo. Gagawan ko ng paraan. Tyra, okay ka lang ba?"

Umiling ako. "Gustong-gusto kong ikuwento sa 'yo pero kailangan ko munang makausap si Ely."

Napatingin kami pareho kay Ely na pabalik na sa manggahan.

"May . . . may nakaraan ba kayo Miss Tyra?" Hindi ko alam kung iiling ba ako o tatango. "Ikaw ba 'yong dahilan kung bakit siya nagpa-tattoo ng sunflower? Ikaw ba 'yong babaeng-"

"Please. Papuntahan mo dito si Ely ngayon, please."

"Pero may trabaho pa po Miss Tyra. Kumalma ka muna, baka may makakita pa sa iyo na umiiyak ka, magtataka sila. Gagawa ako ng paraan."

Napatingin si Joepette kay Eya, gising na ang bata.

"Mami?"

"Balik na po ako sa trabaho Miss Tyra." Nagmamadaling umalis si Joepette at sinundan si Ely.

"Inaantok ka pa ba? Sa kubo ka na lang matulog ulit, babalik na ako sa manggahan."

Bumaba siya sa duyan at humawak sa kamay ko. "Mami SB, sasama po ako."

Natapos ang maghapon ko sa Farm na kasama si Eya, ayaw niyang humiwalay sa akin. Kahit sa pagtulog ay sa kubo namin siya sumama, kaming dalawa sa iisang kubo at nakayakap siya sa akin habang natutulog.

Pupuntahan ko sana si Joepette para malaman kung ano ang sinabi ni Ely pero hindi ko naman maiwan-iwan itong bata.

Malapit na maghating gabi pero gising na gising pa rin ako, nakatitig lang ako Kay Eya buong gabi.

Lumabas ako saglit para mag banyo, pagbalik ko sa kubo ay nadatnan ko si Ely sa may pinto ng kuwarto.

"Ahmm, g-gising ka pa pala."

"Hindi ako makatulog." Sabi ko at umupo sa gilid ng higaan ni Eya, "Iniwan ko lang siya saglit kasi nag-banyo ako. Ayaw na niyang humiwalay sa akin, namimiss mo bang katabi?" Tanong ko at napatungo, tumulo na naman agad ang luha ko kahit hindi naman kailangan, siguro ay dahil namimiss ko si Erra.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at niyakap ako, sobrang higpit. "Sorry." Bulong niya at hinalikan ako sa noo.

"E-Ely?.."

"Sorry. Sorry, sorry." Paulit-ulit niyang sambit.

"Ikaw 'yong-"

"O-Oo. Oo ako 'yon, okay ka ba? Okay ka na?"

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"P-Paano tayo nakaalis d-doon? Wala akong maalala."

"Nung tumatakas na tayo, may pumukpok sa ulo ko. Nahuli tayo pero nagmakaawa ako sa kanila na patakasin ka na, na ako na lang ang bihagin at p-patayin nila kasi.." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin.

"K-Kasi ano?" Tanong ko, hinawakan niya ang kamay ko.

"Kasi baka b-buntis ka at ayaw kong-"

"Si Eya, a-anak mo ba talaga siya?"

Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi, mabilis lang pero para akong nawala sa sarili, naalala ko 'yong-

"Natin, anak natin siya."

* End of Chapter 42 *

A/N: Confirmed! Si Erra nga si Eya, ang nawawalang anak ni Tyra. Pero paano siya napunta kay Ely?

Chubbabies, keep rockin' and stay guurjess!!

- gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

202K 6.2K 38
Date Started: June 15 2023 It's all about a playful heart,so if you don't want to cry then let go. -West
390K 6K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
380K 564 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞