Back to the past (UNDER REVIS...

By strwbrryy_writer

44 14 0

She needs to go back in time to accomplish her mission but no one told her what the mission was that she went... More

Disclaimer
Panimula
Kabanata dalawa
Kabanata tatlo
Kabanata apat
Kabanata lima
Kabanata anim
Kabanata pito
Kabanata walo
Ang pagtatapos

Kabanata isa

5 2 0
By strwbrryy_writer

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Anong ginagawa mo r'yan, Emmanuella?" awtamatiko akong napatingin sa kung sinong nagsalita sa likod ko.

"Wala po, tinitingan ko lang ang karagatan. ang sarap nilang tingan," natutuwang wika ko at napapangiting nakatingin sa tanawin na sobrang ganda.

Kahit pala sa panahon na ito, may ganitong tanawin. sa panahon na ito, alam ko hindi sila gumagamit ng english, kaya kailangan ko ng malalim ng tagalog. naramdaman ko ang pagpunta nya sa tabi ko.

"Alam mo binibini. ang tanawin na iyan ay maihahalintulad ko sa isang kagaya mo. napaka ganda mong binibini at sobrang pinagmamalaki kita lalo na kung paano ang iyong galawin bilang isang napakahinhin na binibini." wika nya at ngumiti ng matamis.

Ang supportive naman nya.

"Kilala nyo po ako?" wika ko at kumunot ang noo.

"Ano ka ba binibini? ako ang matalik na kaibigan ng iyong ina. sakin nya kinukwento lahat ng mga kakayahan mo at talento at napaka galing mo binibini. miski ako pinagmamalaki kita." wika nya na kinatahimik ko dahil baka may masabi pa akong iba na lalo nyang ikataka dahil alam ko ngayon pa lang nagtataka na sya kung bakit hindi ko sya naalala. "Halika na, malapit na rin tayo sa patutunguhan natin. siguradong hinihintay ka na ng iyong ama, ina at mga kapatid." wika nya.

Mga kapatid?

"Ilan po ba kaming magkakapatid?" tanong ko at napatakip ng bibig. ano ba itong bibig na 'to? hindi matahimik! baka mas lalo syang magtaka. "Hehe, ano lang po ito...uhm, Survey, Oo. tama, survey!" wika ko at ngumiti ng pilit na syang kinakunot ng noo nya. teka, parang may mali sa nasabi ko.

Survey? hays.

"Survey? ano iyon?" pagtatanong nya saka naunang maglakad kaya sumunod na lang ako sakanya. "Lima kayong magkakapatid, tatlong lalaki at dalawa kayong babae." wika nya. "Bakit mo pala natanong? bakit tila hindi mo alam ang mga simpleng bagay na iyan?" tanong nya kaya napakagat labi ako.

"Wala po, sinisiguro ko lang kung k-kilala nyo ba talaga ako." wika ko at mas lalo akong napakagat sa labi ko ng mautal pa sa isang salitang binanggit ko. nakakainis. hindi pa ako nagtatagal dito. mukhang mabubuking agad.

"Sa susunod, magiingat ka." wika ng nasa utak ko na syang kinakunot ko.

"Magiingat? ano ako? in danger?" wika ko at napakunot noo.

"Sino ang kausap mo r'yan, binibini? halika na, pumasok na tayo." wika ng ginang at nauna na ulit maglakad. napakamot ulo ako. boset.

"Huwag kang magsasalita basta basta, baka isipin nilang nababaliw ka na. magiingat ka rin sa iyong mag sasabihin. baka mabuking ka. kailangan mong gawin ang gawain na yan kapalit ng pag galing ng iyong ama." kumunot ang noo ko at tumango na lang kahit hindi ko sya nakikita. hindi ko alam kung nasaan sya.

Sumunod na lang ako sa ginang saka rin naglakad papasok.

"Nasaan ka galing binibini?" tanong ng ginang na syang tumawag sakin kanina. dalawa pala sila at 'yon tumawag sakin ay tyahin ko pala.

"Nagpahangin lang po tiya," wika ko. hindi sya sumagot at bahagya lang na tumango.

Naramdaman ko ang paghinto ng barko at isa isang nagsibabaan ang mga pasahero kaya bumaba na rin kami. bumungad samin ang isang babae at isang lalaki na may katandaan na.

Niyakap ako ng lalaking siguro nasa 50's mid na rin dahil sa istura nila.

"Sya si Joseph, ang iyong ama." wika ng sa utak ko kaya napatameme ako. ibig sabihin sila ang pamilya ko. I mean, ang pamilya ng babaeng ito. sumunod naman ang isang ginang na mukhang ina ko.

"Tama, sya ang iyong ina. sya si Edith." napanganga ako. kapangalan pa nya ang kaibigan ko. Sumunod na yumakap sakin ang isang lalaki.

"Sya naman si Jose, Kinuha ang pangalan nya sa tatay mo. tinanggal lang ang ph. panganay sa magkakapatid." wika nito. sumunod naman ang—nagulat ako at akmang bubuka na ang bibig ko ng mabilis nya akong niyakap.

"Huwag kana lang maingay. oo, sa panahon ito, kapatid mo 'ko. ako si Jasper. pangalawa sa magkakapatid." wika nya saka kumalas sa yakap at ningitian ako. sumunod naman ang isang babae. niyakap nya ako ng mahigpit.

"Sya si Josephina, pangatlo sa magkakapatid. syempre kung may Joseph at Jose, dapat may josephina. hindi ko alam pero pakiramdam ko galing ang pangalan nya sa joseph rin pero linagyan lang ng ina. may balak ata syang maagang magkaanak. biro lang." napatingin ako sakanya at tumango sya sakin ng palihim. pagkalas nun Josephina ay ngumiti ako habang palihim akong natawa sa sinabi ni Jasper. mapagbiro ata 'yon eh. sumunod naman ang isang batang lalaki.

"Ikaw kasi ang pangapat kaya sya naman ang nakakabata mong kapatid na lalaki. sya si Emmanuel. diba Emmanuella ka? kaya may Emmanuel." napangiwi ako sa sinabi nya.

Loko loko pala sya.

"Namiss ka namin ate," wika ni Emmanuel na syang kinangiti ko. niyakap ko rin sya ng mahigpit.

"Namiss ka rin ni ate," wika ko sakanya.

"Wow, mapagkalingang kapatid," sabi naman ng nasa utak ko kaya palihim kong sinamaan ng tingin si Jasper or should I say, Kuya Jasper.

"Huwag mo 'kong tingan ng ganyan. kuya mo 'ko," wika nya at palihim na umirap. napaismid ako.

Niyaya na kami ng ginang na umalis na at umuwi dahil magdidilim na raw. sumakay kami sa kalesa. dalawang kalesa ang ginamit dahil hindi raw kami magkakasya sa isa.

Sa isang kalesa, nandun ang dalawang ginang at sila ina at ama, samantalang sa kabila ay kaming magkakapatid habang nakakandung sakin si Emmanuel. nakatulog silang lahat at tanging kami lamang ni kuya Jasper ang gising.

"Ang personality ni Emmanuella o sabihin na natin ikaw sa mundo na ito ay isang mahinhin na binibini kung kumilos. malapit kayo sa isa't isa ni Emmanuel pati na rin ni Josephina samantalang ang mga kuya nyo syempre kasama ang gwapong ako ay napaka mapagtanggol pagdating sainyong mga babaeng kapatid." wika nya dahil katabi ko sya at binubulungan nya ako.

"Personality ko? hindi ako ang totoong Emmanuella. isa akong impostor Jasper. hindi mo ba natatandaan? alam kong alam mo yon sa hospital at may kinalaman ka kung bakit ako nandito." wika ko habang nakatingin pa rin sa tanawin sa labas ng kalesa. maraming mga tao. mga naka baro't saya.

"Ikaw, ikaw ang totoong Emmanuella." kumunot lalo ang noo ko. nahihibang na ba sya? "Hindi ako nahihibang o ano pa man. namatay ka sa panahon na ito at muli ka lamang nabuhay sa ibang panahon ng dalawang beses." nagulat ako sa tinuran nya at Awtamatiko akong napatingin sakanya.

"D-Dalawang beses?"

"Oo, dalawang beses. 'yon una, hindi ka nagtagumpay. unfortunately namatay ka rin ulit." wika nya kaya nanlumo ako.

"Mamatay rin ba ako dito kapag hindi ako nagtagumpay?" hindi sya sumagot at ngumiti lang ng mahiwatig.

Nagulat ako ng umalis ang sinasakyan namin kalesa at huminto kaya napatingin kami sa harapan. may isang lalaki na nasa gitna ng kalsada at humihingi ng tawad dahil muntik na syang masagasaan.

"Paumanhin, paumanhin po. hindi ko sinasadya." wika nito. nakita ko ang pagtango ni ina. "Salamat ho, tunay na napakabuti nyo," wika nito at naglakad na paalis pero bago pa iyon. nagtama ang mga mata namin. para akong namagnet sa mga mata nya. natulala lang ako sakanya at ganun rin sya. hindi ko maalis sakanya ang mga mata ko. nakatitig lang ako sakanya at sa maamo nyang mukha. mukhang galing sya sa mahirap na pamilya. napaiwas ako ng tingin at sa hindi malaman ay namula na lamang ang magkabila kong pisnge. napatingin ulit ako sakanya at nakita ko ang paglalakad nya palayo. hindi ko alam ngunit may paghihinayang sa dibdib ko. sino kaya sya?

"Ano 'yan? sus," wika ni kuya Jasper sa tabi ko kaya napaismid ako. "Lahat ng tao rito ay natitipuhan sya. galing nga lang sya sa mahirap na pamilya." wika nya na tila nanghihinayang.

"Ano naman meron kung galing lamang sya sa mahirap na pamilya?" tanong ko kaya napailing sya.

"Sa panahon na ito, bawal magpakasal ang isang babaeng galing sa mayaman na pamilya sa isang lalaking galing lamang sa mahirap na pamilya. pwede naman siguro kung 'yon pamilya nyo, hindi matapobre." wika nito kaya napatango ako. ganun pala. grabi naman.

"Sino sya?" tanong ko kaya binigyan nya ako ng mapangasar na tingin. umangat angat pa ang kilay nya na tila nanunudyo nga talaga na syang kinataas ng kilay ko bilang pagsusungit.

"Sya si Sebastian at sya..." huminto ito at tumitig sa mga mata ko gamit ang kanyang mga malulungkot na mga mata. "...Ang iyong misyon."

Continue Reading

You'll Also Like

22.9M 803K 69
"The Hacker and the Mob Boss" ❦ Reyna Fields seems to be an ordinary girl with her thick-framed glasses, baggy clothes, hair always up in a ponytail...
10.3M 768K 88
Marriage had always been my dream but not to a man about whom I know nothing. The moment my father fixed an alliance of me to a Prince without even t...
Beyond Times By Woody

Historical Fiction

103K 6.3K 57
-"And where do I reside?" -"You reside in my heart, Priye!" Two broken souls, who endured pain and loneliness all their life. Destiny united them and...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...