Back to the past (UNDER REVIS...

By strwbrryy_writer

44 14 0

She needs to go back in time to accomplish her mission but no one told her what the mission was that she went... More

Disclaimer
Kabanata isa
Kabanata dalawa
Kabanata tatlo
Kabanata apat
Kabanata lima
Kabanata anim
Kabanata pito
Kabanata walo
Ang pagtatapos

Panimula

12 2 0
By strwbrryy_writer

"I was waiting for something extraordinary to happen but as the years wasted on nothing ever did unless I caused it." - Charles Bukowski.

EMMANUELLA POINT OF VIEW

"Exam na natin bukas, nakapag-review kana ba?" tanong ni Edith sakin habang ngumunguya ng chichirya.

"Hindi pa. alam mo naman 'yon kalagayan ko ngayon Edith. nasa hospital si papa at kailangan nyang maoperahan sa ano man oras samantalang alam mo naman ang ugali ng step mother ko." napabuntong hininga ako ng sobrang lalim. hindi ko na rin alam gagawin ko sa sitwasyon ko ngayon.

"Naku Ella, Pasensya na talaga ha? walang wala rin kasi ako. kailangan magdouble kayod kahit studyante pa lang tayo. 'yon kapatid ko rin kasi nasa hospital," pagpaumanhin niya kaya naman ningitian ko siya.

"Okay lang Edith, naiintindihan ko." maikling wika ko saka napatitig na lamang sa kawalan.

Ella, Short for Emmanuella. hindi ko rin alam kung saan nangaling 'yon pangalan na yon at feeling ko masyadong classy pero maganda naman. ang alam ko ang mismong nanay ko nagbigay ng pangalan ko bago siya mawala dito sa mundo.

Sinunod naman ni papa ang pagpangalan sakin, natatakot ata na baka multuhin siya ni mama.

Pagpasok ko sa hospital ay dumiretso agad ako sa elevator saka pinindot ang floor 6th at saka hinanap ang kwarto kung nasaan si papa.

Room 527...

Pumasok ako sa kwarto na 'yon and as usual, hindi ko alam kung bakit walang bantay sa kwarto niya. private ang hospital na ito, ito lang kasi 'yon medyo malapit samin kaya masyado rin malaki 'yon babayaran namin.

"Pa," pagtawag ko sa natutulog na si papa.

Comatose sya. naalala ko pa noon nangyari yon, bago sya ma-comatose. naguusap lang kami sa kung ano anong mga bagay pero bigla siyang parang nanigas saka siya napatayo. mukha rin syang matutumba nun kaya inalalayan ko siya pero bigla na lang siyang napahiga sa sahig at nawalan malay, sinisi ako nila mama—my stepmother dahil kasalanan ko raw lahat. ako lang naman raw kausap ni papa nun. baka raw may ginawa ako.

Nalaman namin na may stroke siya at hindi naagapan ang pagpunta dito sa hospital kaya nauwi sa pagcocomatose niya. sabi ng doctor medyo malabo raw magising ulit si papa at ang kailangan raw nito ay operation para kahit papaano ay umayos ang lagay ni papa.

Yon nga lang, umaabot ng 50k ang pagpapaopera. saan kami hahanap ng ganun pera? mahirap lang kami. house wife si mama kasama ang dalawang step sister ko na feeling prinsesa na sa bahay habang tricycle driver lang si papa.

Pwede raw na sanhi ng stroke ni papa ay init dahil nga tanghaling tapat nagtratrabaho sya bilang tricycle driver.

"Pa, namimiss na kita. pa, gising kana huh? pa, promise. magiging mabuting anak na ako sayo. hindi ko na sasagot sagutin si mama. pa, balik ka na. ikaw na lang 'yon kakampi ko." bulong ko sakanya at napatingin sa heartbeat nya na nasa gilid. nagulat ako ng bigla itong nagtuwid ng linya kasabay ng nakakabinging tunog na syang nagpatulo ng luha ko. mabilis kong pinindot ang button na nasa gilid ng kama habang patuloy sa pagluha.

"Pa!" sigaw ko. "Doctor, doctor. kailangan namin tulong! tulongan nyo 'yon papa ko! parang awa nyo na!" pagmamakaawa ko sa mga doctor kahit alam kong hindi nila maririnig.

May pumasok na mga doctor kasunod ng tatlong nurse na pinalabas muna ako. mula sa labas ay nakikita ko kung paano nila sinubukan i-revive si papa.

Napaupo na lang ako sa waiting shed. hindi ko na alam gagawin ko. walang wala na ako.

Wala na akong kakampi.

Bukod kay Edith.

"God please. tulongan nyo si papa na makaligtas sa kamatayan. hindi ko kakayanin na mawala si papa sa akin." tumulo ng tuloy tuloy ang luha sa magkabilang mga mata ko habang nakayuko ako at hinahayaan ko lang na pumatak ang mga luhang 'yan.

Unti unti bumabalik sa akin 'yon mga memories nya. kung paano nya ako alagaan, mahalin.

Nakarinig ako ng kalabog kaya napatingin ako doon. nakita ko ang step mother ko kasama ang dalawang step sister ko na masamang nakatingin sakin bago napatingin sa kwarto kung nasaan si papa. mabilis akong sinugod nito.

"A-Aray," umiiyak na wika ko kasi napaupo na ako sa lupa at ang sakit ng pwetan ko.

"Walang hiya ka! wala kang kwenta! dapat sayo binabasura! puro kamalasan hatid mo samin! salot! salot ka! panira ka ng pamilya!"

Bawat katagang binibigkas ng step mother ko ay tumatagos sakin. napahinto ako at hindi alam ang gagawin kasi para akong namanhid sa mga sinasabi nya sakin.

Sobrang sakit.

"Umalis kana dito! alis!" wika ng step sister ko na isa saka tinulak ako paalis.

"What's happening here?" biglang lumabas ang doctor na napatingin sakin at nakita ko roon ang awa sakin. pilit lang akong ngumiti.

"Oh tingan mo na, pati doctor nilalandi! may pangiti ngiti pang nalalaman," wika ng isa ko pang step sister.

"Hello doc, nasaan po 'yon asawa ko? kamusta sya?" tanong ni mama doon sa doctor.

"Sa ngayon, he's stable pero sa lalong madaling panahon ay kailangan nyang maoperahan. meron kayong isang buwan palugit upang makahanap ng pangbayad sa pagpapaopera sakanya, excuse me po." wika ng doctor saka umalis sa harap namin kaya sakin natuon ang atensyon nila mama.

Napatingin ako ulit doon sa doctor, hindi man lang ako tinulongan. nagulat ako nun makita ko ang pagliwanag ng mga mata nya at ginawa nyang pagkindat at pagngiti.

May kakaiba.

"Umalis kana dito bago pa hindi ako makapagtimpi sayo! alis!" tinulak nila ako kaya tumama yon braso ko sa kung anong bagay kaya ito nagdugo. wala na akong nagawa at umalis na lamang.

Babalik ako pa.

Babalikan kita.

Napaupo na lang ako sa isang waiting shed na walang masyadong tao sa parte na 'yon kaya doon ako naglakas loob upang humagulgul.

"Are you okay miss?" isang tinig ng lalaki ang narinig kong nagsalita kaya napaangat ako ng tingin.

"D-Doc..." tumayo ako at pilit na ngumiti sakanya. hindi ko hahayaan na mawala si papa. gagawin ko lahat ng makakaya ko para makaligtas sya sa sakit na 'to. "Gawin nyo po ang lahat para kay papa. parang awa mo na." I almost beg. kung pwede, luluhod ako at ibababa ko ang sarili ko para kay papa.

"Alam mo naman iha na hindi pwede mangyari 'yon iniisip mo. napaka impossible noon kapag wala kang pera. hindi naman pwedeng magpautang kami dahil hindi naman ito tindahan. hospital ito." mahabang lintanya nya na kinabagsak ng mga balikat ko.

"Doc, sige na. gawin nyo ang lahat." pagmamakaawa ko pa rin. hindi ako magsasawang magmakaawa para sa buhay ni papa. "Gagawin ko po ang lahat. maghahanap ako ng pera para may pang opera kay papa." wika ko. nagsusumamo akong nakatingin sakanya.

"Mahal mo talaga ang papa mo 'noe?" tanong ni Doc na kinakunot ng mga noo ko.

"Natural lang 'yon kasi papa ko sya," napangiti sya ng mapakla.

"Napakabait mong bata, napakaswerte nya at ikaw ay kanyang naging anak." wika nito saka sya tumingin sa relo nya. "Oras na Emmanuella," wika nya. panandaliam kumunot ang mga noo ko sakanya. "Huwag ka na magtanong kung bakit alam ko ang iyong ngalan." narinig ko ang buntong hininga nya.

"Anong oras na?" pagtatanong ko. tumingin sya sakin at muli sa kawalan.

"Oras na para maitama ang mga mali," maikling wika nya na syang kinagulo ko at sari-saring tanong sa isip ko ang mga nabuo habang nakatingin sa kanya. "Oras na para magtagpo kayo muli," wika nya. pumikit ako at napaatras ang isa kong paa ng makitang wala na sya sa harapan ko.

"Saan nagpunta 'yon?" tanong ko sa sarili ko dahil naweweirduhan ako bigla. may ivictus ba sya? bigla bigla na lang naglalaho.

Napaupo ako at napahawak sakin ulo ng makaramdam ng pagkahilo. parang inuuga 'yon ulo ko sa hindi ko malaman na dahilan.

Napatayo ako at napahawak pa sa dingding.

Napadilat ko ang mga mata ko at bumungad sakin ang isang tulay at ang daming mga taong pumapasok sa barko.

"Emmanuella, halika na at aalis na ang barko. baka tayo ay maiwan pa." sigaw ng ali. parang kusang sumunod ang mga paa ko at humakbang palapit sa ginang. sabay kaming pumasok sa barko na hindi ko alam kung saan ito patutungo.

Pero isa lang ang katangunan sakin isipan.

'Nasaan ako?'

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
10.3M 770K 88
Marriage had always been my dream but not to a man about whom I know nothing. The moment my father fixed an alliance of me to a Prince without even t...
64.9K 1.8K 33
"I live to protect lives" -Quinn Eisenhart