You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 40

100 1 0
By gytearah

CHAPTER 39 : TYRA's POINT OF VIEW ★

"Isama mo na lang kasi ako Sissy, ayokong maiwan dito sa bahay kasama 'yong Mang Jun na 'yon 'no!"

Sinuot ko ang sumbrero ko at kinuha ang bag na nakalagay sa kama. "Hindi p'wede, check up ang pupuntahan ko, ayaw mo naman magpa-check up, mabo-bored ka lang doon. Ibibili na lang ulit kita ng gamot." Inilagay ko sa bulsa ko ang wallet at cellphone ko. "Papayagan kitang mamasyal, pero ngayong araw lang ha, gawin mo lahat ng gusto mo pero huwag na huwag kang pupunta sa Farm."

"Why?" Tanong niya at kinuha agad ang towel para maligo.

"Rest day ng mga tao doon ngayon, pahinga, manggugulo ka lang doon. At kailangan din ng Ely . . . mo, na magpahinga. Text mo ako kung saan na pupunta, update mo ako palagi ha, huwag kang gagawa ng gulo. Gwy, are you listening?"

"Of course Sissy. I'll bring my umbrella na rin, and lotion also in case na umulan. Pupunta lang ako sa Mall, nood sine. Thank you ha." Niyakap niya pa ako bago pumasok sa banyo.

“Nagawan mo na ba ng paraan?” Text ko kay Joepette pero hindi siya nagre-reply.

"Gwy." Katok ko sa pinto ng banyo, "Aalis na ako."

"Okay, take care. I will lock the door na lang nitong house, baka mamaya magnakaw pa si–"

"Hindi gano'n si Mang Jun."

"Para namang siguradong-sigurado ka e kakakilala pa lang natin dun sa tao. Wala akong tiwala sa pagmumukha nun."

"Magbabago din 'yang isip mo pagdating ng araw."

Kunot-noo siyang tumingin sa akin. "What did you say? What do you mean?"

"Nothing. Magbihis ka na para marami lang time sa labas. Aalis na rin ako at baka traffic papunta sa clinic. Update mo ako ha, huwag pasaway."

"Paulit-ulit? Oo na nga Sissy." Sinarado niya na ulit ang pinto ng banyo.

Napailing na lang ako. Ewan ko na lang talaga kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang Tatay ni Ely si Mang Jun.

Pagkababa ko ng tricycle ay dumeretso na ako agad sa clinic.

"Pakihintay na lang po saglit si Doc." Sabi sa akin ng babae at pinasulat ang pangalan ko sa isang papel.

Naghintay pa ako ng ilang minuto.

"Good morning Miss Gee Tyra Calves. I'm very sorry kung naghintay ka ng matagal, the traffic is so!" Umiling na sabi ng Doctor.

"It's okay, hindi naman po ako nagmamadali e."

Medyo kinakabahan ako habang chini-check up. Lately kasi feeling ko mabilis akong mapagod at palagi rin akong nahihilo.

"So Miss Calves, wala naman akong nakitang kahit ako, to be honest normal lahat. Siguro'y masyado ka lang napagod. Huwag mong sagarin sa pagod ang katawan mo, huwag ka ring magpuyat at mag-isip masyado. At tungkol naman sa sinasabi mong balat mo, it's natural kasi, hindi rin namin alam kung bakit it's turning red everytime na tinatanggal mo ang kwintas mo, para bang konekted na 'yan sa buhay mo so dapat ingatan mo." Sabi sa akin ng Doctor

"Maraming salamat po Doc. Babalik na lang po ako ulit kapag may kakaiba akong naramdaman. Magpapaalam na rin po ako dahil may pupuntahan pa ako. Thank you po."

"Thank you din Miss Calves."

Paglabas ko ng clinic ay bumili lang ako ng mga gamot ni Gwy bago pumunta sa Salon.

"Trim lang po, medyo manipis na kasi 'yong dulo." Sabi ko sa manggugupit.

“Hindi ko nagawan ng paraan Tyra, hindi siya pinayagan ni Aleng Adela kasi kailangan daw magpahinga para makapagtrabaho na bukas.” Reply ni Joepette sa text ko kanina.

Sayang. Magiging busy na naman ng ilang araw sa Farm at walang time para makapag-usap kami ni Ely.

Handa na akong pag-usapan kung ano man ang gusto niyang pag-usapan.

“Ikaw, may lakad ka ba?” Text ko ulit kay Joepette

“Wala naman. Nandito ako ngayon sa tambayan mo.” Reply niya.

Pagkatapos kong magpagupit ay dumeretso ako sa isang fast food chain para hintayin ni Joepette. Niyaya ko siyang samahan ako sa pupuntahan ko, wala naman siyang ginagawa kaya pumayag siya.

"Miss Tyra, pasensya na at ngayon lang ako, bumalik pa ako sa Farm e."

"Bakit?"

"Bumili pa po ako ng gamot ni Eya, dinala ko pa sa Farm ngayon."

"Ha? May sakit si Eya? Ano'ng nangyari?" Nag-aalala kong tanong pero ngumiti lang ng mapang-asar si Joepette.

"Huwag ka na mag-alala sa anak niya, okay lang naman 'yong bata, may lagnat lang dahil sa init ng araw kahapon. Ikaw, okay ka na ba?"

"Okay na ako, galing nga ako sa clinic ngayon e. Teka, sigurado ka bang wala kang gagawin? Kaya ko namang pumunta doon mag-isa." 

"Saan ka ba talaga pupunta?" Curious niyang tanong habang inaayos ang helmet niya.

"Sa Sanctuaryo."

"SAAN? Naku Tyra malayo 'yon, at ano namang gagawin mo sa lugar na 'yon? Sigurado ka ba? Bundok na 'yon, gubat."

"Kung ayaw mong sumama ay ayos lang naman pero pahiram ako ng motor mo ha."

Nakatingin lang siya sa akin ng ilang segundo bago napabuntong hininga. "Sasamahan kita. Alam ba ni Sir Drammy na pupunta ka dun? Ano ba'ng gagawin mo dun? Ano'ng mayro'n dun?"

"Iku-kuwento ko sa 'yo habang nasa daan tayo." Sabi ko at umangkas na.

"Doon tinatago ni Sir Drammy si Mike? Bakit niya tinatago? Nabalita yun dati na nawawala e, 'di ba binaril siya ni Lyra sa tuhod, nakakalakad na ba?"

"Kilala mo naman ang pamilya namin Joepette at walang ibang nakakaalam nito, si Tito lang at kami ni Gwy."

"At ako na rin."

"Oo, sa atin lang 'to ha. Nakakalakad na si Mike pero hindi na gaya ng dati."

Huminto kami saglit. "Paano tayo makakapasok? Baka hindi tayo papasukin ng mga bantay doon."

"Ako lang ang papasok Joe, walang p'wedeng makakita sa iyo doon." Sabi ko at natatanaw ko na 'yong bahay.

"Dito ka lang, hintayin mo na lang ako dito. Tatawagan kita agad kapag may kakaiba nangyari sa loob, alerto ka dapat."

"Oo. Mag-iingat ka Tyra, hihintayin kita dito."

Tumango ako. "Salamat Joe, maaasahan ka talaga. Tatanawin ko 'tong malaking utang na loob sa 'yo."

"Wala 'yon Tyra. Para saan pa at naging magkaibigan tayo."

Mabuti na lang at saktong lunch time, walang bantay sa labas. Dahan-dahan akong pumasok, iniwasan ko rin ang mga CCTV's.

Nag-vibrate ang cellphone ko.

* Kaley's sent a video *

Saktong-sakto.

Dumeretso ako sa kuwarto kung saan nakakulong si Mike, naabutan ko siyang kumakain.

"Mike." Tawag ko sa kanya, bigla niya akong sinaksak ng tinidor, mabuti na lang at nakaiwas ako agad.

"Tyra?! Sorry, akala ko kung sino kanna. Ano'ng ginagawa mo dito? Kasama mo na naman ba ang Tito mong makulit?"

Umiling ako. "Hindi, mag-isa lang ako at pumuslit lang ako. Matino akong kausap, Mike." Sabi ko at nagpalinga-linga. Wala lang bantay.

Inilabas ko ang cellphone ko at pinindot ang video na pinasa sa akin ni Kaley.

“Hi, hello! Ako po si Enoh.” Kumakaway-kaway pa ang bata. Nakita ko kung paano ngumiti si Mike kasabay ng pagluha.

"Ang laki na niya."

"At kamukhang-kamukha mo siya." Sabi ko, tumango-tango si Mike.

"Salamat Tyra, salamat."

"Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin pero hindi pa kita p'wedeng ilabas ngayon. Makakahintay ka ba?"

"Oo naman. Matino rin akong kausap, ngayon. At isa pa, mas okay na nandito ako sa loob kaysa nasa labas. Kung hindi lang para sa anak ko ay hindi ko gugustuhin pang lumabas, mas tahimik dito kaysa sa mundo sa labas ng bahay na ito. Tyra, tungkol sa Daddy ko, totoo bang k*bit siya nung nanay-nanayan mo?" Kunot-noo niyang tanong, parang wala talaga siyang alam.

"Oo. Shielo, Shielo ang pangalan niya. Kung hindi ako nagkakamali ay dati siyang classmate ng Mommy mo nung highschool pero umuwi na si Nay Shielo sa probinsya kaya hindi na sila magka-klase noong college. Wala ka bang alam tungkol sa kanila?" Pabulong kong tanong, may nakita kasi akong anino at parang palapit sa amin.

"Wala masyado lalo na't hindi naman nila ako dinadalaw sa kulungan."

May mga alam naman ako tungkol sa Tatay niya pero hindi ako sigurado, malamang lumipat na sila ng tirahan.

"Si Olyn, puntahan mo siya. May alam siya at ang pamilya niya."

"Olyn?" Tanong ko, pamilyar ang pangalan na 'yon, parang sa kaibigan ni Kaley ko narinig.

"Oo. Si Olyn, datin kong girlfriend. Pumayag lang naman talaga ako na maging boyfriend ng babaeng 'yon dahil sa takot ko kay Daddy, alam kong tanong kaya niya akong patayin kahit na anak niya ako. Maniwala ka Tyra, si Kate talaga ang gusto ko at hindi ko sinasadyang saktan siya, pinagsisihan ko na ang lahat ng kasalanan ko sa pinsan mo. At sobrang saya ko nung pinatawad niya ako, dinadalaw niya ako ng patago noon."

"Miss Tyra, ano po'ng ginagawa ninyo dito?"

Napatayo ako ng makita ako ng isang bantay.

"Wala lang, kinukumusta ko lang 'tong bihag ninyo, baka mapanis ang laway, walang kausap." Sagot ko at tumingin kay Mike, bumalik na siya sa pagkain.

"Hindi rin naman 'yan sasagot Miss Tyra, nagsasayang lang po kayo ng laway. Alam po ba ni Sir Drammy na pupunta kayo dito?"

"Hindi niya dapat malaman!" Sabi ko at tumitig sa bantay, "Kapag nalaman ni Tito na nagpunta kayo dito, sasabihin ko na palpak kayo! Umiinom kayo sa oras ng trabaho, akala ba ninyo'y hindi ko nakita ang nakakalat na bote ng mga alak sa labas? Ni hindi nga ninyo naramdaman na nakapasok na ako eh."

Napatungo ang lalake. "Paano kung kalaban ang nakapasok? Ano'ng mukha ang ihaharap ninyo kay Tito kapag nakatakas itong bihag ninyo?!"

"Wala pong makakaalam nito Miss Tyra." Nakatungong sambit ng bantay, "Sasamahan ko na po kayo sa labas."

"Mauna ka na, susunod na ako." Sabi ko, tumango ang lalake at lumabas na.

"Salamat Tyra."

"Wala 'yon. Babalik na lang ako ulit pero mukhang matatagalan, may mga inaasikaso kasi ako."

Lumapit siya sa may akin. "Puntahan mo agad si Olyn, marami siyang alam, mahirap lang din talagang paaminin. At sigurado din akong may alam siya kung paano nakatakas si Khalil."

"S-Sino?" Parang nag-pantig ang mga tainga ko.

"Si Khalil."

"Patay na 'yon Mike!"

Tumawa siya. "Sino nama'ng may sabi sa iyo na patay na siya? Alam ko ang mga galawan sa loob. Buhay siya Tyra, buhay si Khalil! Nagpanggap lang siyang patay para makalabas at makatakas. Buhay ang kapatid ng Tita Alpa mo."

* End of Chapter 40 *

A/N : Buhay pa pala si Khalil! What if buhay pa rin si– eme!

Chubbabies! Keep rockin' and stay guurjess!!!

  — gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 441 26
Veranell Laxinne is a well-known heiress of the Laxinne family. Her father, a military general, and her mother, a famous lawyer, have provided her wi...
390K 587 150
I don't own this story credits to the rightful owner πŸ”ž
220K 256 108
This story is not mine credits to the real owner. πŸ”ž