Cassandra

By Stoutheart

56.5K 1.8K 317

Lies save their love and their lives. Cassandra Margarette Acuesta. The woman who broke his heart. The woman... More

Cassandra
-- Prologue
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten

Eleven

312 26 3
By Stoutheart

Grey Eyes.

Hindi naman talaga ako naniniwala sa multo. Ang sabi ni Jesarhel, kapag daw pumunta ka sa isang bahay na sinasabi nilang tinitirhan ng multo, hindi naman talaga multo yong nararamdaman mong parang mabigat na pakiramdam. Yon daw ay mga naiwang emosyon ng mga yumao. Emosyon na matagal na panahong namalagi sa tahanang iyon. Mga emosyon na nagsisilbing ala-ala sa mga naiwan. Emosyon na nagsasabing nandito lamang sila.

Pero ngayon, para akong namanhid nang makita ko ang taong ayaw ko nang makita pa. Dahil, kagaya ng multo na hindi ko pinapaniwalaan, para syang emosyon na nagsisilbing alala na nandyan lang sya. Na hindi ko kailanman matatakasan ang kanyang presensya.

"S--Sebastian." Napapaos Kong tawag sa kanyang pangalan. Parang may mapait akong nalasahan nang sabihin ko ang pangalang iyon. Hindi kaaya aya.

Humihithit ulit ito nang sigarilyo at bumuga paitaas ng usok. Kung hindi ko alam na may sa demonyo ang taong ito, literal kong masasabing bagay sa kanya ang paninigarilyo.

Alam kong masama iyon sa kalusugan, alam kong mali, pero pag sya ayos lang. Baka samahan ko pa. Shit! Ang dumi ng utak ko Omygod!

Diba ganun naman talaga. May binabagayan ang bawat bagay, pagkakataon at pangyayari. Kagaya ng paninigarilyo kay Sebastian. Bagay sa kanya. Ang hot. Ang sexy tingnan, para bang nakakadagdag ng pagkalalaki yong paraan nya nang paninigarilyo.

Kahit naman nung unang kita ko sa kanya sa club. Agaw atensyon talaga ang presensya nya. Tipong nanunuod ka ng online shopping tapos buhok palang nya mapapamine kana kaagad. Hindi mo na ichecheck kung may issue o wala kasi tindig palang panalo na.

Kaya hindi na ako magtataka kung napatulala akong napatitig sa kanya. Alam ko naman kung bakit kasi. Gwapo ang demonyo. Para kang nakikipag eye to eye sa perpektong gawa ni Lord~ na para bang nung nagsabog ito ng blessing ng kapogian ay nagdala ito nang malaking batya para saluhin lahat. Matalino pa ito, pero kagaya ng sinabi ni Javier, marumi itong maglaro. Kaya nitong paikutin ang mga tao sa mga palad nito na parang isang laruan.

Isang pitik palang ng daliri nito alam mong talo kana kaagad at wala ka nang magagawa kung hindi sumunod sa mga gugustuhin nito sayo.

"A--Anong ginagawa mo dito?" Kalmado kong tanong. Pinatatag ko ang boses ko. Hindi nya dapat maramdaman na may bahagi sakin na natatakot sa kanya. Lalo pa nga at nandito sya malapit sa kaibigan ko. Hindi maari. Kailangan kong mag ingat sa kanya. Kailangan kong ingatan si Sia sa kanya.

Binasa nito ang pang-ibabang labi at bahagyang sumandal sa bakal na naroon. Pinakatitigan nya pa ako ng ilang segundo at napailing.

"Nagawa ko naman na ang gusto mo, bakit nandito ka?" Bahagyang tumaas ang boses ko, ngunit hindi iyon sapat para marinig kami ng iba. "Sabi mo...Sabi mo pagkatapos nun wala na... Hindi---"

"Chill Margarette." Natatawa nitong pigil sakin. "Can you calm down?" Dugtong pa nito. " I could really feel how scared you are." Napatawa ito nang tuluyan na parang ikinatutuwa nitong nabahiran ng takot ang boses ko.

Pinasadahan nya pa ako muli ng tingin bago inisang hithit ang hawak na sigarilyo. Sumabog ang usok sa pagitan naming dalawa. Parang naging malaking harang iyon sa pagitan namin. Naging malabo ang pigura nya ngunit nanatiling nakatingin ako sa kanyang kabuuan na parang kinakabisa ang bawat anggulong iyon.

Ang perpektong hugis na ilong na tila inukit para lang talaga sa kanya. Hindi naman ako magtataka roon kung bakit ganito kaganda ang kanyang ilong dahil sa pagkakaalam ko ay may lahi itong espanyol. Ang makapal nitong kilay, Ang titig nitong palagi kang sinusuri na para bang hindi ka kailanman maaring magsinungaling. Ang labi nitong may saktong kapal na natural na yata ang medyo may kapulahan na hindi mo masasabing naninigarilyo ito. Ang perpektong hugis nang mga panga na tila kay sarap pasadahan ng daliri.

Fuck Cassandra!

Napabuntong hininga ako at napailing sabay ng pag iwas ng tingin. Hindi ko malaman kung bakit may kakaiba sa pagtawag nya sa pangalan ko. Sya lang bukod tangi sa lahat ang tinatawag akong Margarette.

"I'm not scared. It's just.. It's just so annoying seeing you here." Pinal kong saad at maliit na humakbang para makalapit ng kaunti sa kanya. Iwinaksi ko ang mga boses na bumubulong sa kabilang bahagi ng utak ko.

Tumingala ako rito at sinalubong ang kanyang kulay abong mga mata.

Maliit itong ngumisi at bahagyang kinagat ang pang-ibabang labi na tumunghay rin sa akin.

"Well.. if you say so." Tugon nito. Itinapon nito ang sigarilyo at humalukipkip.

"What brought you here?" Pagbubukas nito ng usapan. Tinitigan ako nito na may naglalarong maliit na ngiti sa labi. "Your friend!?" Dumukwang ito nang kaunti. Sa gulat ko sa mabilis nitong galaw ay napaatras ako nang bahagya. Ngunit kahit ganun at bahagya paring dumampi ang labi nito sa pisngi. Kahibla lamang iyon para lumapat kaya naamoy ko ang kanyang bibig, na kahit amoy usok galing sa sigarilyo ay ang bango parin.

Napatawa ito nang tuluyan. "Startled little cat." Iling nito ngunit hindi na umalis sa kanyang pwesto. "Akala ko ba wala kang kinatatakutan Margarette?" Paos nitong tanong. Ang mainit nitong hininga ay bahagyang dumampi sa pisngi ko na sa hindi malamang dahilan ay syang nagpakaba sakin. Parang mabibingi na ako sa lakas ng pagkalabog ng dibdib ko.

Napabuntong hininga ako ulit. Wala na akong ginawa kundi malalim na huminga. Fuck!

Lumayo ako sa kanya at tamad na tumingin. Umayos ito ng tayo ngunit hindi pinutol ang paninitig.

"Wala akong kinakatakutan Sebastian." Tamad Kong sagot. Hinawi ko ng bahagya ang buhok ko patagilid. "Nakakapagod lang." Dugtong ko, pagkatapos ay nilampasan ito. Sakto namang paghakbang ko sa mismong tapat nito ay bumukas ang pintuan ng kwarto ni Sia.

"Tang Ina ang tagal mo!" Bungad ni Sia sa akin. Nagpabalik balik Ang tingin nito sakin at kay Sebastian na nakakunot ang noo.

"Ikaw, tang inang to, ang yaman mo pero ang tamad mong magbayad ng renta." Pakli nito sa lalaki. Sa gilid ng mga mata ko at nakita ko ang pagngisi ni Sebastian at pagtaas ng dalawang kamay na parang sumusuko.

"Chill.. I'll pay." Ngisi nito kasunod ng mahinang paghalakhak.

"Dalhin mo dito mamaya!" Mataas parin ang boses ni Sia, sabay hatak sakin. Sabay naming tinalikuran si Sebastian. Naiwan itong natatawa doon habang kami ni Sia ay mabilis na pumasok sa kwarto nito at pabalyang isinara ang pinto.

"Init ng ulo." Bulong ko, ngunit nakangisi nang ibinagsak ang katawan sa sofang naroon.

"Ang tagal mo." Ulit nito. Dumiretso ito sa maliit na kusina at kaagad na hinila ang dalawang case ng redhorse. Lumikha ito nang nakakangilong ingay kaya napangiwi ako.

"Redhorse ba talaga?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Wala naman problema kung ito ang kaharap namin. Well, nag expect lang naman ako ng something na mas hard kaysa dito. Yong mas pricey. Expensive.

"Hindi pa ako nakapaggrocery. Kakauwi ko lang kagabi dito. Ngayon sana kaso yong isa dyan tumawag, pero late dumating." Sigaw nya habang may ginagawa sa kusina. Naririnig ko ang kalabog ng mga ng mga plato at kutsara. Kasunod nito ay humalimuyak ang amoy ng sibuyas.

"Sisig ba yan!? Dagdagan mo ng sili!" Sigaw ko pabalik. Hindi ko alam kung bakit nagsisigawan kami e saktong laki lang naman ang tinutuluyan nya.

Tumayo ako at nilagay sa kwarto ni Sia ang suot kong bag. Ang mahaba kong buhok ay ipinusod ko bago hatakin ang case sa tabi ng center table nito. Binuksan ko narin ang flat screen tv at sumalampak nang upo sa sofa.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Malayo kay Franco~ pero shit malapit naman kay Sebastian.

Fuck Cassandra! Why would you even think about that bastard!?

Napahilot tuloy ako nang sintido.

"Ano bang nangyari at nag aya Kang uminom ngayon!? My God huh! Hindi pa yata ako nakakapahinga sa hang over ko last day." Ngisi ni Sia nang ilapag ang bowl na may lamang sisig sa center table. May dala rin itong ilang tsitsirya at lumabas ulit para naman kumuha ng yelo at baso.

"Ang fucked up namin ni Franco." Sagot ko nang makabalit ito.

"Fucked up naman talaga kayo simula nung una kasi inagaw mo lang naman sya sa kapatid mo. Walang sumasaya sa agaw bii." Diretsong saad nito. Walang paligoy ligoy. Tang ina parang di kami magkaibigan.

"Masakit aa. Magkaibigan ba talaga tayo?" Gagad ko dito. Nang maayos na Ang baso at pulutan sa mesa ay sumalampak naman ng upo si Sia at hinagilap Ang remote control at naghanap ng movie na maari naming panuorin.

"Magkaibigan tayo, kaya nga sinasabi ko sayo yong totoo." Kalmado nitong saad pagtapos ay nagbukas ng dalawang bote ng redhorse. Binigay nito ang isa sa akin.

Ako naman ay naglagay ng yelo sa baso at inabot sa kanya. Sabay kaming nagsalin ng alak doon.

"Magkikita sila ng kapatid ko ngayon." Walang gatol kong saad at inisang lagok ang isinalin na alak. Ang mapait na likidong iyon ay malayang bumaba sa aking lalamunan.

"Masakit Sia, pero tama ka hindi ako masaya." Tumunghay lamang ako sa tv sa harap pagkasabi nun.

"Hindi kasi tama ang ginawa mo. Hindi mo pwedeng piliting mahalin ka pabalik ng taong may mahal nang iba. Si Franco, ang pag-ibig nyan nasa kapatid mo. Hindi lang Ikaw ang hindi masaya." Lintya nito. Hindi ako kumurap sa kanyang sinabi dahil tama naman. Kung nasasaktan ako, paano pa kaya ang kapatid ko. Alam kong sobra nitong mahal si Franco.

"Pero wala ka nang magagawa. Kailangan mo nalang tanggapin kung anong kayang ibigay ng asawa mo sa ngayon. Hindi ka pwedeng magreklamo kung Ikaw ang manlilimos, dahil una palang naman walang sayo Cassandra."

Unti-unti napaiyak Ako sa tinuran nito. Ito narin ang nagsalin ng alak sa baso ko at inabot sa akin.

"Hindi pa tayo nakakaisa, umiiyak kana." Ngumisi ito nang abutin ko ang baso sa kanya.

"Ang sakit mo magsalita, parang di kita kaibigan a." Hikbi ko naman at pinunasan ang luhang kumawala. Tumawa naman ito nang malakas at inisang lagok ang alak na nasa baso.

May sasabihin pa sana ito, ngunit naagaw na iyon ng pagkatok sa pinto. Tumayo si Sia at mabilis na tinungo ang pintuan at binuksan.

Bumungad doon ang bagong paligong Sebastian. Basa pa ang magulong buhok nito. Naka sweat pants parin na kulay grey, ngunit nakatshirt na ito ng itim na humakab sa kanyang katawan.

Hindi ko alam kung anong meron, pero~ ayan na naman ang maingay na pagkalabog ng dibdib ko sa presensya nya.

"Umiinom kaba ng redhorse? Kung umiinom ka, tara shot!" Aya ni Sia dito. Ngumisi naman ang huli at may dinukot sa bulsa.

" I can't. Some thing's came up. But here's my payment for the last 3 months." Kalmado nitong saad. Mabilis itong sumulyap sa akin at ngumiti.

"Ikaw ang yaman mo, pero late ka magbayad ng renta. Sa susunod mapapalayas na kita." Biro ni Sia dito. Ngumiti naman ito sa kaharap.

"You can't. Mawawalan ka ng gwapong tenant." Natatawa nitong sagot. Dinungaw nito ang center table at binalik ang tingin sa kaharap.

"Ang sarap sana nang sisig, but I have to go." Tumango ito at muling sumulyap sa akin na may naglalarong ngiti sa labi.

"Fuck off Sebastian." Maya'y seryosong saad ni Sia dito.

"She is married." Marahang dugtong ni Sia dito. Emphasizing the word Married in front of his face.

"I know." Tugon naman ni Sebastian sa kanya. Tumango ito sa akin at tumalikod at umalis.

Sumulyap si Sia sa akin at nagtaas ng kilay pagtapos isara ang pinto.

"What was that Cassandra Margarette?" Takang tanong ni Sia. Nakatayo lang ito sa likod ng saradong pinto.

"Magkakilala kayong dalawa?" Kunot noong tanong nito. Pinakatitigan ako nito na parang sinusuri kung magsisinungaling ako sa kanya.

"I met him once. Sa bar." Sagot ko dito. Inayos nito ang buhok bago inilang hakbang ang pagitang naming dalawa. Totoo naman iyon. Doon kami unang nagkita ni Sebastian, pero hindi iisang beses lang kami nagkita. Ilang beses pa iyong nangyari, pero walang makakaalam ng tagpong iyon.

Walang makakaalam kung anong koneksyon naming dalawa.

Kung anong mayroon sa pagitan namin.

Kung anong napagkasunduan.

"Mukhang marami kang ikwekwento sa akin babae ka!" Pakli nito. Napakagat ako ng pang ibabang labi at muling uminom ng alak. Pagbaba ko nang baso ay sumalubong sa akin ang mapanuring mga mata ni Sia. Naghihintay na simulan ko ang gusto nyang malaman.

"Si Franco ang pag-uusapan natin." Balewala kong saad. Ngumisi ito at kumuha ng sisig. Ngumuya ito habang nakatitig sa akin.

"Mas interasado yata akong pakinggan yong kay Sebastian."

~~~

Continue Reading

You'll Also Like

19.6K 1.2K 16
[ Iskwala Series #1 ] Intrigued by the unknown and driven by curiosity, Damian Villados was a man of exploration, always eager to dive headfirst into...
825K 28.3K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
113K 3.9K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
710K 25.1K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...