Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

43 | Zeban's Palace

304 15 2
By Arcanum_Writes

←----• 43 •----→

"Zeban's Palace"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
- Samantha's POV -


NATAPOS ANG KASIYAHAN nang masaya ang lahat, siguro ay ako rin. Medyo hilo na si Lucas dahil nakarami rin ng inom. Mukhang natamaan din ng kaunti sina Light, Aeros at Azriel dahil malululam ang mga mata ng tatlo.

Firexia on the otherhand was akready asleep nang isinakay namin sa karwaheng maghahatid sa kaniya sa kanila. Ang natirang matino ay ako at si Arine na mukhang hindi man lang yata tumikim ng alak.

Bago makauwi ay siniguro muna ng mga maestro at nakatataas na makakauwi ang lahat at nakasakay na sa mga karwahe.

Nang makauwi sa Cerban ay mabuti na lang na tinulungan ako ng kawal na naghatid sa amin na buhatin papunta sa bahay si Lucas. Napagbuksan naman agad kami ni Tita Liza na gulat pa. Hindi rin naman nasabi na uuwi kami dahil hindi naman din namin alam na ang kinabukasan ay pahinga ng mga estudyante.

Pinasalamatan namin ang kawal na agad nang umalis. Inasikaso na muna ni Tita Liza ang anak niya na bihisan ng pangtulog kaya ganoon na rin ang ginawa ko sa sarili ko.

Walang batang Lucy na sumalubong, malamang ay tulog na ito dahil kalagitnaan na rin ng gabi. Habang nakababad ang katawan ko sa di ganoong kalaking tub na gawa sa pinagdikit dikit na mga bato at semento ay hindi mawala sa isip ko ang mga naganap.

Unang-una ay ang natuklasan ko tungkol sa librong nabasa ni Light. Ito ang nagbigay sa akin ng pag-asa na makakabalik pa ako sa mundong kinagisnan ko. Inaasahan kong makikita ko ito sa oras na makatapak ako sa palasyo ng mga Zeban.

Ang isa pang gumugulo sa akin ay si Azriel. Bigla-biglang nag-iiba ang ihip ng hangin sa prinsipe na 'yon. Kadalasan ay nakakainis siya para sa akin pero biglang may mga oras din na nagiging matino siya o kaya'y kumikilos ng nakakapagtaka.

Katulad nang nangyari kanina. Bigla na lang niyang nasabi na gusto sana niyang siya ang naging unang sayaw ko imbes na si Light.

Napahinga ako ng malalim nang maalala rin ang pangyayari noong bumili kami ng maisusuot niya.

Sa akin niya ipinapakita ang mga natiouhan niyanh damit at tinatanong kung maganda ba. Hinihingi niya ang opinyon ko. Sa huli ay napagtripan ko siya. Lahat ay sinabi kong bagay. Ni hindi man lang nagalit kahit na ang dami niyang nasuot at sinabi kong pangit na bandang huli ay sinabi kong bagay.

Nakakapagtaka talaga ang utak ng isang 'yon.

Nang matapos akong magbabad ay nilinisan ko na rin kaagad ang sarili ko para makatulog na. May balak akong gawin bukas.


TINANGHALI AKO NG gising. Heto ako at nagmamadaling naglalakad sa gitna ng kakahuyan dala ang isang basket ng makakain.

Balak kong bisitahin ngayon ang lawa para makita ang tigreng matagal ko ng hindi nasisilayan. Kamusta na kaya ang isang 'yon?

Balak ko rin na lumangoy sa lawa kung kakayanin ko. Gusto kong marating ang gitna kung saan nandoon ang mga batong nakapabilog.

Habang naglalakad ako ay rinig na rinig sa paligid ang mga hakbang ko dahil sa mga tuyong dahon na nagkalat. Halos hindi na nga makita ang lupa dahil sa tumpok ng mga dahong nangalaglag.

Sa tuwing umiihip din ang hangin ay naghahampasan ang mga sanga at dahon sa punong nagtataasan.

Para akong nasa probinsiya lang sa mortal na mundo.

Mayamaya ay narinig ko na ang pagaspas ng tubig. Nakita ko na nga ang lawa kung saan tahimik na nadaloy ang tubig sa kabuuan nito.

Pagkarating ay agad na dumiretso ako sa usual spot kung saan ako laging dumidiretso. Nilapag ko ang dalang basket at saka inilatag ang sapin na hiniram ko kila Lucas. Wala kasi si Tita Liza dahil nasa trabaho ito at isinama si Lucy.

Nang makuntento ay 'tsaka ako umupo. Ang tahimik ngayon sa kabuuan ng lawa. Hindi ko malaman kung nandito ba talaga ang pakay ko.

Ngunit mayamaya lamang ay napangisi ako ng sa gitna ng lawa ay may parang umaahon pataas dahil sa galaw ng tubig at iilang bulang nililikha nito.

Prente ko itong pinagmasdan. Napanganga na lamang ako nv umahon doon ang sinumang nasa kailaliman kanina.

Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig ko dahil kahit sa paglangoy nito ay titig na titig ako. Alam kong alam nito na nandito ako at nakamasid. Nang kaya na nito lakarin ay tumigil ito sa paglangoy at nilakad na lang ang natitirang pagitan mula sa tubig at pampang.

Nang tuluyang makaahon ay bumalandra sa harap ko ang hubad baro nitong katawan. Tanging pants lang nito ang suot niya na ngayon ay basang-basa.

Tumutulo sa kabuuan ng katawan niya ang iilang butil ng tubig na nanggagaling sa basa niyang buhok na ngayon ay hinahawi niya.

Yes, hindi mabalahibong nilalang ang nasa harap ko.

Kun'di si Azriel!

"What are you doing here?" tanong niya ng tuluyang makalapit aa puwesto ko. May kinuha ito sa likod ng malaking bato at nakita kong tela ito na pamunas niya. Hindibko napansin dahil nasa likuran ito.

"Bakit? Ikaw lang ba ang puwede rito?" tanong ko pabalik. Kaya siya nasusungitan eh, mga tanungan niya kasi psh.

Hindi naman ito umimik. Tahimik na tinutuyo niya ang sarili kaya naman nag-iwas ako ng tingin.

Ang ikinagulat ko lang ay imbes na umalis siya, umupo pa sa tabi ko!

Hindi naman siya gano'n kalapit at hindi rin naman siya naupo sa tela na inilatag ko.

And the following minutes went awkward. Napaikot na lang ang mata ko. Nandito pa naman ako para makita ang tigreng 'yon tapos iba pala maaabutan ko rito.

I was just silently waiting for the effin' tiger while he was doing his own business. He's playing with is own element. He's currently making snowflakes in his palm then make it disappear and repeat.

Napahinga na lang ako ng malalim at saka binulatlat ang laman ng basket na dala ko. Nakita ko ang isang malaking mansanas doon at kinuha.

Nag-aalangan pa ako kung ibibigay ko ba ito aa kaniya o hindi. But in the end, ay iniabot ko rin sa kaniya ng hindi nagsasalita.

Akala ko ay mangangalay pa ako sa pag-aabot sa kaniya pero hindi, kinuha niya agad 'yon.

In my peripheral vision, I saw him making something on his palm. Mayamaya ay lumitaw roon ang isang thin ice sheet na pa-tatsulok ang hugis at ginamit niyang panghiwa sa mansanas into half.

Ang kalahati ay hawak niya sa kanan at ang isa ay inaabot niya sa akin. Imbes na magsungit at mag-inarte ay kinuha ko na lang ito at kinagatan.

In the end, abutan ng pagkain ang ganap. Inaabutan ko siya, hihiwain niya sa dalawa at ibibigay sa akin hanggang sa kami na ang nakaubos ng dala ko ng wala kaming imikan.

Kinuha ko ang lagayan ng tubig at uminom ng hindi dumidikit ang labi ko roon at saka iniabot sa kaniya. He stared at it before accepting at agad na uminom.

"This place is nice, isn't it?" panimula ko. Mula sa peripheral vision ko ay nakita ko namang sinara na niya ang lagayan ng tubig ngunit hindi pa muna binalik sa akin.

"Yeah. Of all places in this whole place, this one's my favorite," sagot niya na himalang matino at walang halong kasungitan.

Huminga ako ng malalim at saka ipinuwesto ang dalawang kamay ko sa likuran at inilagay ang bigat ko roon. "Hindi ba nakakatakot lumusong? The water seems to have some things I cannot explain. The first time I stepped on it, it feels like there is a power rushing over my entire body."

"I felt the same way. Matagal na since naramdaman ko 'yon kaya minsan nalangoy ako rito. And when I got up from the water, it feels like I was refreshed."

Akala ko ako lang ang nakaramdam noon. "Haven't you seen any white tiger here?" tanong ko sa kaniya.

For the first time ay nilingon ako nito at nakakunot ang noo. "You're still in touch with that animal?"

"Hindi ba halata?" pilosopo kong sagot. Napaikot naman ang mata ko, "Just answer me."

"Nah."

Nalaglag ang balikat ko. Saan naman kaya nagpunta ang animal na 'yon? Nakakalabas kaya siya rito sa kakahuyan?

"I'll go now," napatingin ako s akaniya at nakita kong tumayo na ito at kinuha ang mga damit niya. "Thanks for the food."

"Hmm," iyon pang ang isinagot ko at nagligpit na rin. Nasa kalagitnaan na ako ng pagtutupi ng telang ginamit kong panapin ng may sumagi sa isip ko.

". . .It was a book inside the library of Zeban's Palace." Tila ba parang nag-echo sa oandinig ko ang sinabi ni Light kagabi. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong may masasayang akong oportunidad.

"Azriel!" sigaw ko at hindi na naitupi pa ang tela at agad na kang na sinalpak sa basket at tinangay na ito. "Azriel, sandali!"

Ngunit wala na akong naabutan. Wala akong mabakas ni anino niya. Mukhang nakaalis na siya-

"Bakit?"

Agad na napalingon ako at napangisi ng makita siya. Nasa kabila pala siyang pathway at kasalukuyang itinatali ang damit niya.

"Sama ko."

"Huh?" Muling namuo ang kunot sa noo niya. "Sama saan?"

"Sa inyo. Sasama ako sa 'yo pauwi sa inyo."

"Are you crazy? At ano namang gagawin mo roon? Magkakalat ng kabaliwan?"

Kung wala lang akong kailangan sa bahay nila kanina ko pa 'to binangasan eh.

Nagpilit na lang ako ng ngiti para pigilan ang inis ko, "Gusto ko lang maglibot sa palasyo niyo. Wala naman din kasi akong ginagawa. Let's say I'm bored."

Tinitigan ako nito. Nginitian ko naman siya kahit na tinaasan niya ako ng kilay, "Ayoko."

Argh! Gusto ko sabunutan ang sarili ko dahil sa frustration!

"Sige na! Maglilibot lang naman ako. Pretend that I'm not there."

"I cannot just pretend that you're not there when you are there. Malay ko ba, baka mamaya may balak ka pa lang i-assassinate pamilya ko," aniya at saktong tapos na siyang ayusan ang sarili.

"H-Hoy! Ang sama ng bibig mo, ha! Paano ko naman magagawa 'yon kina Azee?!"

"It's hard to trust a person nowadays, even your closest friend can betray you," aniya na parang malalim ang pinanghuhugutan.

"Teka!" hinabol ko siya at para mapigilan ay hinila ko ang damit niya.

"What the. . . Bitaw!"

"Teka lang kasi!" inis na sabi ko, "Ni wala nga akong powers at maalala, paano ko magagawa 'yon? Sige na, isama mo na ko!"

"You're persistence makes me even think that you're up to something. No."

"Fine!" sigaw ko rito at binatawan na siya. Pinagpag naman niya ang parteng hinawakan ko na akala mo pinahiram ko ng putik.

Peste! Ang arte!

Huminga ako ng malalim. This is my last resort. Kapag humindi pa siya maghahanap na lang ako ng ibang paraan pero mukhang mahihirapan ako, "Just let me come with you and. . ."

"And?" tanong niya. "Make it fast, nagugutom na ko."

Kakakain mo lang kanina! Argh!

Napaismid na lang ako bago ko sinabi ang kondisyon, "Pasamahin mo ko and I. . . I will be your maid again, at least for a day."

Matagal niya akong tinitigan. At sa titig niyang 'yon ay mas lalo akong naiinis. Pinagti-trip-an yata ako nito! "What!?"

"Deal," nakangisi niyang sagot. "Let's go, maid"

Kung wala lang talaga akong kailangang gawin!


SA ISANG IGLAP ay nasa harap na agd kami ng palasyo ng mga Zeban. Hindi nga lang ganoon kalapit, may ilang kilometro pa kaming lalakarin bago marating ang mismong gate.

"Ituro mo rin sa amin paano mag-teleport para naman makapunta kami kung saan-saan," sabi ko sa kaniya habang nakasunod sa likuran niya

I heard him scoffed, "You think it's easy to acquire such spell?"

"Oo, kung ikaw ang magtuturo," sagot ko sa kaniya. Huminto naman siya kaya agad rin akong tumigil. Nilingon ako nito ng kaunti.

"It took me a lot of time before succeeding on performing this spell. Everytime I've done it wrong, it causes too much pain or worst lead you to another places. This is not only about learning it, but also having the enough power to perform the spell." At nagmartsa na siyang muli.

Napaikot na lang ang ata ko sa sinabi niya. Manong diniretso na lang niya na ayaw niyang ituro, psh.

Mayamaya ay nakarating kami sa pinaka-gate ng palasyo nila. Sa sobrang laki nito, siguro hahapuin ka muna bago makaakyat sa pinakaitaas.

May dalawang kawal na agad siyang binigyan ng galang sa pamamagitan ng payukod rito. Natawa naman ako sa katotohanang never kong niyukuran ang isang to kahit pa prinsipe siya.

Like, duh, I won't ever do such thing.

Pagkatapos siyang yukuran ng mga kawal ay agad nitong binuksan ang gate sa paraang di ko inaasahan. Kapwa nasa magkabilang dulo ng gate ang dalawang kawal. Imbes na lumakad pagitna para itulak ito, Iniumang nila pahaba ang kamay at ang palad ay nakaharap sa mismong metal ng gate. Sa direksyon pa rin namin sila nakatingin, mayamaya ay bumukas na ang gate.

Wait, they used spell to open it? So, even them have the owers?

Of course, Sam. Ang weird naman kung taga rito sila tapos wala silang kapangyarihan like you?

Sinundan ko na lang si Azriel, bago pa man ako makarating sa gate ay agad na humarang ang mahahabang sibat ng kaawl sa daan ko. Napaatras ako sa gulat at napatingin sa bulto ni azriel na papalayo na ng papalayo.

"Azriel!" tawag ko sa kaniya. He immidiately stopped. Kunot ang noo nito ng nilingon ako. Kita ko ang pagbaba ng balikat nito, senyales na nagbuga ito ng hangin.

"Let her in. She's with me," sa sinabing 'yon ni Azreil ay otomatikong nawala sa daan ko ang mga sibat nila at nakaporma na sila ulit kagaya sa kung paano namin sila inabutan kanina.

Pasimple kong nilagpas ang paa ko sa gate, nang masigurong puwede na akong makapasok ay mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo na ako papasok. Hindi naman naging mahirap sa akin na mahanap ang prinisipe na naglalakad pa rin.

Nang mahabol ko siya ay binagalan ko na rin ang lakad ko. May nakita akong isang babae di kalayuan sa may pintuan ng palasyo na mukhang nag-aayos ng mga halaman doon. Halata namang nanay niya 'yon kasama ang ilang kasambahay na mukhang tinuturuang mag-ayos ng hardin.

"Mom."

"Wait lang," kulang na lang ay matawa ako sa isinagot ng mama niya sa kaniya dahil busy ito sa pagtuturo ng halaman.

". . .Like this. Kapag nabubulok na, remove it-"

"Ma. . ." tunong bagot na tawag niya sa mama niya kaya nakaalpas na ang mahinang tawa sa akin. Mabilis na sinamaan ako nito ng tingin at muling tinawag ang mama niya, "Mom, I'm gonna tell you something. Pay attention to me."

"Ang tanda-tanda mo na, Azriel. Ano ba kasi 'yon-" Natigilan ito ng malingon na sa amin, "Oh, you didn't told me you're with someone, a lady."

"Kanina ko pa tinatawag ang atensyon mo, paano ko masasabi-"

"Hello, dear." Lumapit ito sa akin at hinawakan ang balikat ko. Mainam ako nitong tiningnan at ngitian kalaunan. "Ang ganda mo talaga."

"Tsk," singhal ni Azriel at naglakad na ito paalis.

"You can have your lunch, son!" sigaw ng ina nito nang hindi man lang siya nililingon. Wala naman na siyang isinagot, bagkus ay dire-diretso itong pumasok sa palasyo nila. "How about you? Have you eaten? Tara at hahainan kita-"

"A-ay, huwag na po," agaran kong sagot sa ginang. "Nakakain na po ako kanina pa. Isa lang naman po ang dahilan bakit ako sumama rito kay Azriel."

"You like him?"

"H-Ho?" Medyo napataas ang boses ko sa naging tanong niya. Nagulat lang ako dahil sa pagiging diretsahan ng reyna na kaharap ko.

"My son, Prince Azriel Frost, do you like him?" one more time, she asked it again.

"Hindi ho. Mali ho kayo ng iniisip," sagot ko habang umiiling pa. "Hindi po 'yan ang dahilan ng pagsama ko rito."

"Oh," aniya at bumakas ang lungkot sa mukha. "I expected too much then."

What?

"Uhm, then, what brings you here?" muli niyang tanong sa akin. Huminga ako ng malalim at lakas loob na sinabi ang pakay ko.

"Nais ko po sanang libutin ang palasyo niyo, kung puwede po sana-"

"Go ahead," nagulat ako sa naging mabilis niyang pagpapasiya. Hindi ko akalain na ganito pala kabilis mapapayag ang reyna ng nga yelo. "Hindi ako mabilis mapapayag. Sadyang alam ko lang na wala kang masamang pakay sa pagpasok sa aming tahanan."

Napanganga na lang ako. Nababasa niya ang iniisip ko?! "Hindi, hindi ako nakakabasa ng isip. Sadyang alam ko lang na 'yan ang iniisip mo," aniya sabay tawa.

Napakamot na lang ako sa ulo ko at muling nagpaalam na para makapasok na sa kanila. Hinatid niya pa muna ako hanggang sa pintuan ng palasyo nila. Agad namang binuksan ng mga bantay ang pintuan sa ibang paraan ulit kagaya sa may gate nila, doon ay iniwan na niya ako at muling bumalik sa paghahardin.

Bago pumasok ay ikinuskos ko pa muna ang suot kong sapin sa paa sa semento bago nagdesisyon nang pumasok. Ang kintab kasi ng tiles nila, nakakahiya naman kung madungisan ko.

Pagkapasok ay sumalubong sa akin ang mataas na ceiling ng palasyo. Well, expected na. Sa itsura ng laki pa lang nito mula sa labas alam kong magiging marangya itong loob.

Sa pinakagitna ng ceiling ay ang engrande at malaking kumikintab na chandelier. And by just looking at it, halatang hindi ito ordinaryo. I think it is made of ice crystals. Iniisip kong baka ang pamilyang 'to ang gumawa ng ganoong kagandang obra.

"But I am not here for that," sabi ko sa sarili ko at iniikot ang paningin sa paligid. Kasalukyan akong nasa sala. Sa gitna ng sala na kinalalagyan ko ay may engrandeng pinto sa gitna. Di katulad ng front door, nakabukas na ito at hindi na kailangan pa ng kawal para ipagbukas ako.

Diretso kong nilakad ang malawak na sala. Nang marating ko ang pintuang nakita ko ay isang malawak na namang hall ang sumalubong sa akin na kung saan sa gitna ay may grand staircase.

"Aabutin ako ng siyam-siyam nito kakahanap sa library," bugnot na sabi ko sa sarili. Bakit nga ba ngayon ko lang na-realize na mahihirapan akong maghanap dahil nga 'palasyo' itong bahay nila?

Pero mas lamang ang pagiging desidido kong mahanap ang library kung saan nahanap ni Light ang libro dahil gusto ko ng makauwi sa mundong kinabibilangan ko.

Sinimulan ko na ang pagpasok kada kwarto. Sa pintuan pa lang, kapag nakikita kong hindi ito aklatan, agad na umaalis na ako. Papahirapan ko pa ba sarili ko?

Busangot na ang mukha ko at hindi ko na rin nabilang pang-ilang silid na ba itong nasilip ko. Karamihan sa nakita ko ay mga halls, siguro nagsasagawa rin sila ng nga celebrations doon. Banquet siguro?

Meron pa akong room na nabuksan kung saan pulos mga kalasag ang nakita ko. Sa kaki ng kwarto, ilang kawal din ang maaaring magsuot ng mga iyon. Nainspeksiyon ko pa ang isa sa mga kalasag at masasabi kong ang kakapal ng metal na ginamit doon, hakatang mabigat din. Buti at kaya nilang isuot 'yon?

Ah, I'm not in my usual world.

Mayamaya ay kumalam ang sikmura ko ng makaamoy ng masarwp na aroma. Naaamoy ko ang oagkain mula sa kaharap kong hallway. Tanaw ko rin ang isang malaking bukana sa kaliwa at alam kong kusina 'yon.

Nalaman kong tama ang hinuha ko ng makarating ako roon. Walang pintuan ang kusina bagkus ang bukana nito at bukas na bukas, nakahulmang bahaghari at maganda ang pagkakapostura ng pader.

Wala naman sigurong masama kung papasukin ko ito, di'ba?

Mga private rooms nga napasok ko, eh.

Pumasok na ako at muling namangha sa laki ng espasyo. Ang kusina nila di hamak na mas malaki sa kusina namin sa mansyon. Triple siguro ang laki nito o higit pa.

Puro kabinet ang nasa itaas. Habang sa pinaka gitna ng kusina ay may mahabang patungan rin na gawa sa tiles na sobra naman talagang linis at sa ilalim non ah mga kabinet din.

Ang mga nakasabit na sandok ay ginto at hindi ko na gugustuhin pang malaman kung purong ginto ba talaga ang mga iyon o sadyang kinulayan lang. Sa isang tabi naman nakatayo ang ubod ng laki na kabinet. Bukod ang kabinet ng mga kubyertos, mula sa plato, mangkok at mga malalaking lalagyan ng ulam. Sa dulo nitong kusina ay may panibagong hall na muli ay walang pintuan at doon natanawan kong puro mga kubyertos din ang laman. Sa kabilang sulok ay siyang kaisa-isanv pintuan at malamang ay doon nakaimbak ang mga pagkain o hilaw na materyales.

Lumapit ako sa sentro ng kusina kung saan andoon ang pahabang marmol na patungan ng mga pagkain. Nagkaway ang bibig ko sa mga pagkaing nakita.

"Hindi naman masama kung tikman ko," sabi ko sa sarili. Iniwan ko sa isang tabi ang basket ko at kumuha ako ng mangkok at kutsara sa lagayan bago sumandok sa mga nakahain.

Sa pagsasandok pa lang ay naaamoy ko na na ang aroma ng mga nakahain. Kulang na lang ay tumulo ang laway ko na para bang hindi ako kumain kanina.

Limang putahe ang nakahain at ni isa ay hindi pamilyar sa akin. Sa nangkok na hawak ko ay magkakasama doon. Malaki naman to at hindi naman sila masyadong naghahalo.

At tinangay ko ito palabas ng kusina. Kaya't habang naglalakad ako ay nakain din ako. Muli akong nagsimulang magbukas ng mga pintuan.

Mayamaya lang, sa paglalakad sa hallway ay naagaw ng pansin ko ang isang makipot na daan sa kaliwa. Halata naman daan ito dahil kada hallway ay may makitid na mesa at plorerang may bulaklak sa ibabaw nito magkabilaang gilid.

Katakataka na sa parteng ito ay madilim ang daan hindi tulad sa ibang hallways na maliwanag dahil sa chandeliers. Mula sa hallway na pinanggalingan ko hanggang pintuan, siguro mga nasa limang metro ang kayo nito. And upon getting close to the door, my eyes widen and my heart's starting to pound faster and faster. The word 'Library' were attached to the door!

Ang aklatan! Ito na!

I was about to open the doon when suddenly a fast moving object interrupt me. Ni hindi ko pa nga nahahawaka ang door knob!

Sa gulat ko ay napaatras ako. Unang sumalubong sa akin ang damit ng sinumang pangahas na gulatin ako. Salubong ang kilay ko na tiningnan kung sino ito.

Bwisit.

"This is the least room you could ever enter. You have already entered most of the rooms in this palace. Those rooms are free to open, but this one. . ." he said at looked at me, intently, ". . .are not one of those."

"Sisilipin ko lang," pilit ko at humakbang ngunit mas humarang lang ang katawan niya sa daan. Inis na umatras ako. "Titingnan ko lang saglit. I won't touch anything!"

"You're being quiet persistent, huh," aniya at nagsimulang humakbang kaya napapaatras ako. Alangan namang hayaan kong makalapit 'to sa 'kin?!

"First, you persist to come with me in this palace where I live. Second, you want to have a glimpse in the library that I said is not allowed to enter, and third. . ." Nagulat na lang ako ng bigla niya akong kinorner sa pader sa mabilis na paggalaw niya.

Dalawang kamay niya ngayon ang nakapiid sa magkabilang gilid ng ulo ko. Matiim ang tingin niya sa akin, suot na naman niya ang malamig niyang ekspresyon.

". . .are you looking for something?" madiin niyang tanong at base sa tono niya ay mukhang hinuhusgahan niya na ako.

And I don't care about it.

But for now, I need to lie low and let the chance pass, "Go on and think what you wanted to think about me. Basta ako, nagpaalam akong 'mag-iikot' lang."

Bigla kong iniumang ang mangkok na kanina ko pa hawak kaya tumama sa tiyan niya. Dahil doon ay mabilis na nawala sa pagkakapiid ang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko at sa mangkok napahawak.

Mabilis ang naging kilos ko at sa wakas ay nakawala ako sa pagitan niya, I felt suffocated. Ang hirap huminga kapag ang lapit niya.

Mabilis na nagtaas-baba na agad ang dibdib ko ng naglalakad na ako sa pinaka hallway ng palasyo. Naiinis ako. Iyon na sana ang pagkakatao ko para masilip man lang ang lugar!

"Mag-iikot means you're just gonna tour around but you opened the door of each room in this place. I'll keep an eye on you, Samantha. Mark my words." Parang binalot ako ng ng yelo sa paligid dahil sa lamig na naramdaman ko and I know it's because of him.

Huminto ako sa paglalakad at nlingon ko siya ng kaunti, "Go on," and left the place.

Continue Reading

You'll Also Like

321K 11.5K 40
She's neither a princess or a noble. She is chosen to be a vessel to hold a power that humanity don't know. A power that will change the world.
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
100K 3.6K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
586K 26.7K 68
TAGLISH- A Girl who live's in a very tall tower inside of a very dangerous mystic forest,she's the shadow lady who was born to be alone and sad...