Runaway Girl

By orangeyrabbit

434 115 0

NOTE! This story is ON HOLD. After knowing her Dad already have someone new in his life, Bianca Donitta beca... More

Prologue
Extra 0.9
Chapter 1
Chapter 2
Extra 1.0
Chapter 3
Chapter 4
Extra 1.1
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Extra 1.2
Chapter 8
Extra 1.3
Extra 1.4
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19

Chapter 9

14 4 0
By orangeyrabbit

- Aretha -

"Ano sa'yo?" Tanong sa akin ni Jai. 


"Kahit ano." Saka ko inabot sa kaniya ang 500 peso bill bago siya nilayasan.


Nandito kami ngayon sa Mcdo to eat lunch. Palaging wala si Justin kaya no choice ako kung hindi sumama kay Jai. Hindi ko alam kung bakit ba palagi nalang ako binibilin ni Justin kay Jai kahit kaya ko naman mag-isa. Mukha ba akong batang paslit na kailangan samahan palagi?


Nilibot ko ang buong fastfood sa ibabang palapag pero wala ako nakitang bakanteng table na pwedeng upuan namin ni Jai kaya naman nagtungo ako sa itaas na palapag para magtingin naman doon. Buti naman madaming bakante. 


Ibinaba ko ang bag ni Jai sa isang upuan bago ako naupo sa katapat nitong upuan. 


Pinili ko ang table na malapit sa bintana. Gusto ko lang tignan ang view dito sa taas, ang public market. Para hindi naman ako ma-bored kakahintay kay Jai na nakapila sa baba para um-order ng pagkain namin. Pinanood ko nalang ang mga estudyanteng dumadaan pati na din ang mga natatanaw kong tindera ng mga gulay sa palengke. 


Tumingin ako sa wrist watch ko para tignan kung anong oras na.


12:20 PM


Tumayo ako. Iniwan ko ang bag namin ni Jai sa table para walang maupo doon na kung sino. Bababa ako para i-check kung anong nangyari sa lalaking 'yon at bakit napakatagal niya. 


"Why?" 


Pababa ako ng hagdan nang makasalubong ko si Jai na paakyat. 


"Wala." Sagot ko sa kaniya.


Bitbit niya ang dalawang tray naglalaman ng inorder niyang pagkain namin. Akmang kukunin ko sana iyong isang tray mula sa kaniya para tulungan siya sa pagbibitbit pero nilayo niya ito sa akin.


"Kaya ko." He said. 


Napairap ako. Nauna akong umakyat pabalik sa taas, nakasunod siya sa akin. Naupo ako sa upuan ko. Pinanood ko siyang ilapag ang mga inorder na pagkain. Hindi ko siya tinulungan. Kaya niya pala e 'di ba? 


"Ibaba ko lang itong tray. Mauna ka nang kumain." Jai left. 


Napabuntong-hininga ako. Ipinatong ko ang siko sa lamesa at ang baba ko naman sa palad ko habang hinihintay si Jai. Sabi niya mauna na akong kumain pero hindi niya tinuro saan ang akin dito. 


Malay ko ba kung ano ang inorder niyang pagkain ko. Baka mamaya makain ko pa 'yong kaniya. 


"Why you're not eating?" Tanong niya nang makabalik. 


Binuhat niya ang bag niyang nakapatong sa upuan at ibinaba ito sa sahig. Naupo siya sa tapat ko. 


"Saan 'yong akin?" Tanong ko sa kaniya. 


"Sorry." He said at saka inabot sa akin 'yong isang meal. 


May kanin at chicken fillet na may kung anong sauce. 


May inabot din sa akin na pera si Jai. "Sukli mo."  


Agad kong hiniwalay ang barya sa paper bills. Binalik ko ang mga barya sa kaniya. 


"Ayoko ng barya." I said. 


Hindi naman sa nagpapamigay ako ng pera pero 'yong wallet ko kasi walang lalagyan ng barya kaya aanuhin ko iyon. 


Tahimik niyang kinuha iyon at itinabi. Ipinaibabaw niya iyon sa resibo sa tabi ng plato niya. 


Binuksan ko ang rice ko. Hiniwa ko ang chicken fillet gamit ang plastic na kutsara at tinidor. Akmang susubo na sana ako ng pagkain nang makita ko si Jai na nagdadasal. Napatigil ako at napadasal din nang wala sa oras. 


Kunwaring dasal lang. Nakapikit ako kunwari at sinisilip siya kung tapos na ba siyang magdasal. Nakita kong nag-sign of the cross na siya. Mukhang tapos na kaya ako din, tapos na din... kunwari. 


Nagtama ang tingin namin. Tinaasan niya ako ng kilay. Awkward lang akong nangiti sa kaniya. 


"About your addiction in cigarettes..."


"Mhmm?" Tanong ko, my mouth is stuffed with food. 


Inabutan niya ako ng dalawang lollipop. Kinuha ko nalang.


Ever since that day, iyong nangyari sa student's area where he caught me red handed smoking cigarettes, araw-araw niya na akong binibigyan ng lollipop.


Hindi siya pumalya ng araw sa pagbibigay ng lollipop sa akin. Sa tingin ko nga e may isang supot siyang lollipop sa bag para lang sa addiction ko.


"Papasok ka ng hapon?" Curious na tanong ko kay Jai. 


Palagi kasi siyang wala ng afternoon class. Pang-umaga lang kumbaga pag-aaral niya. Hindi naman kami ganoon ka-close para tanungin ko siya kung ano ang pinagkaka-abalahan niya at wala siya parati ng hapon. 


"Yep." Maiksing sagot ni Jai.


"Himala." Komento ko.


"Why?"


"Palagi kang wala ng hapon e." 


I heard him chuckled. 


May nakakatawa ba?


Binalot kami ng katahimikan matapos no'n. Wala na ni isa sa amin ang umimik. Tahimik lang kaming kumain.


Nauna siyang matapos kumain kaysa sa akin. He waited for me. As soon as natapos akong kumain, nagulat ako sa ginawa niya. Niligpit ba naman niya iyong pinagkainan namin.


Ganito ba talaga siya kabanal at kabait na tao? Pati service crew tinutulungan niya. Hiyang hiya tuloy ako na nakatunganga lang buong oras na nagliligpit siya ng pinagkainan namin.


Ba't ba kasi 'di ako kumilos kanina at tinulungan ko siya?


Hindi kami dumiretso ni Jai sa school campus pagkatapos naming kumain. May dadaanan lang daw kasi si Jai saglit kaya naman hindi ako makatanggi. Paano ba naman e sinabi niya iyon kung kailan naka-angkas na ako sa kaniya.


Pagkababa ko ng big bike ni Jai, saka ko lang napagtanto na nasa Tarlac kami ngayon. Mismong lungsod ng Tarlac at nasa CLDH kami.


Gusto ko sanang tanungin si Jai kung anong ginagawa namin dito sa ospital pero hindi ko na nagawa pa. Naglakad na kasi siya papasok. Kumaripas ako ng takbo para makahabol sa kaniya.


Sinundan ko lang si Jai kung saan hanggang sa tumigil siya sa tapat ng isang hospital room.


"Don't ask anything."


Alright, fine! Hindi magtatanong.


Inopen niya ang pinto. Pinauna niya akong pumasok saka siya sumunod. Bumungad sa akin ang dalawang pasyenteng nakahiga.


Iyong isa na nasa malapit sa pintuan ang kama ay isang matandang babae na may kung anong nakakabit sa tagiliran niya, tulog. At, ang isa naman ay babaeng nasa mid 30's na mukhang lantang gulay. May tubo sa lalamunan niya na hindi ko din alam kung ano.


Maliban roon, may isa din babae na mahaba ang buhok na morena. May hawig siya sa babaeng nakahilata sa hospital bed, iyong may tubo sa lalamunan. Mukhang ka-edad ko lang siya.


"Kuya." Napatayo ito at sa tingin ko ay ang tinutuloy niya ay si Jai.


Sinalubong naman ni Jai ang babae ng yakap. Sumunod na niyakap ni Jai ang babaeng may tubo sa lalamunan.


Mukhang makakawitness ako ng family drama.


"Kuya, sino 'yang kasama mo?" Tanong ng babae.


Napatingin sa akin si Jai. "You don't need to know her."


Napairap ako.


"Hintayin nalang kita sa labas."


"Better."


And with that, I walked out of the hospital room. Hindi naman kasi ako belong doon. Naalala ko lang din si Mommy doon sa babae kanina. I can't bear to watch them. 


Napabuntong-hininga ako, pinipigilan ang mga luha na bumagsak. Hindi talaga mawala sa isip ko si Mommy dahil sa nakita ko. 


"Bianca," I heard Jai walked out of the hospital room. 


Napatingin ako sa kaniya dahil sa pagtawag niya ng pangalan ko. 


"Ba't?" Tanong ko.


Nakatitig lang siya sa akin. Isinara niya ang pinto ng hospital room, not taking his eyes off of me. After few seconds, umiwas siya ng tingin. What's his deal?


"Is that you, Jai?" Napalingon ako sa babaeng umagaw ng atensyon naming dalawa. Matinis ang boses niya.


Mahaba ang buhok ng babae na itim na itim at bagsak na bagsak. Daig pa rebonded. May katangkaran din siya at medyo may itsura. Maputi siya. Suot niya ang uniform ng school namin. Abot tenga din ang ngiti niya na parang wala nang bukas pa. 


"What a coincidence!" Dagdag pa niya sabay yakap kay Jai. 


"Paalis na din ako, sabay na tayo?" 


Umiwas ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin ni Jai nang mapatingin siya sa akin. Napatingin ako sa sahig, pader at sumunod sa ceiling naman. 


"No." Maiksing sagot ni Jai sa babae. 


"Oh come on, Jai... huwag ka nang mahiya!" Pgapupumilit ng babae. 


"Dala ko motor ko tsaka may kasama ako, Aretha." He said. 


Napatingin sa akin iyong babae. Nag-iba ang ekspresyon niya sa mukha nang ngitian ko siya. 


"The new girl..." She crossed her arms against her chest. "Anyway, andiyan na 'yong driver ko so... bye?"


"Bye." 


Pinanood kong naglakad palayo iyong babae. 


"Never befriend that woman, Bianca."


"Hindi ako friendly." May tonong sagot ko kay Jai sabay ng pag-irap ako. 


"Right!" He said at naunang naglakad palabas ng ospital. Nakasunod ako sa kaniya. 


Dahil sa sinabi ni Jai, na-curious ako nang sobra bakit niya nasabi. May mali ba sa babaeng iyon?


Kinabukasan, habang naglalakad ako papunta sa canteen para bumili ng snacks ko, someone cling on my arms without a warning. Napatingin ako sa katabi ko and its that girl.


"Canteen?" Tanong niya.


Napatango na lang ako. 


"Sabay na tayo, sis!" She smiled at me and I know its a fake one. 


Something's wrong with this woman. Aretha reminded me of someone... of Sam.

Continue Reading

You'll Also Like

177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
1M 33.8K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...