LOVE IN MISTAKE

By author_na_ewan

67.2K 1.8K 108

Two person from different world. Got tangled by a mistake. Can this love find its way to forever? More

part 1
part 2
part 3
part 4
part 5
part 6
part 7
part 8
part 9
part 10
part 11
part 12
part 13
part 15
part 16
part 17
part 18
part 19
part 20
part 21
part 22
part 23
part 24
part 25
part 26
part 27
part 28
part 29
part 30
part 31
last part
special part

part 14

1.7K 55 1
By author_na_ewan


Becky's POV

Napagdesisyunan kong sundan si Freenie ngayon araw. Dahil ayon sakanya kagabi ay bibisita daw siya dun sa Baby niya. Inabot ang biyahe ng dalawang oras. Buti na lang at hindi niya napansin na sinusundan ko siya dahil hiniram ko ang kotse ni Irin at iyon ang pinadrive kay Mike, ang aking personal driver.

Bumaba si Freenie sa sasakyan at sinalubong siya nang isang babae mas lumalim ang galit ko nang makita kong magbeso sila at pumasok sa isang malaking gate. Kayat bumaba din ako para sundan sila. Nagtago ako sa likod ng isang sasakyan para makinig sa pinag uusapan nila.

"Ah Baby kailan ba to matatapos?" tanong nito sa babae. Parang dinudurog ako sa mga sandaling ito.

"Malapit na to. Ilalagay na lang ang mga inorder na furnitures then ready to move na" sagot naman nung babae na tinatawag na Baby ni Freenie.

"Sige Baby salamat" pagkasabi niya nito ay lumabas ako sa likod ng sasakyan at nakita ko ang pagkagulat ni Freenie.

"Babe what are you doing here?" taka niyang tanong sakin.

"Ikaw!? What are you doing here? So siya pala yung kausap mo kagabi na tinawag mo pang Baby. Freen alam mo, akala ko nagbago ka na totally. Akala ko matino ka na. Pero nagkamali ako, dahil puro akala ko lang pala lahat nang yun" galit kong sambit sakanya.

"Hey babe wait let me explain ple-" hindi ko na siya pinatapos at bumalik na ako sa sasakyan para umalis.

Bumalik ako sa bahay at nag empake ng gamit ko. Pagkatapos ko mag empake ay lumabas ako, sakto namang nandun na at naghihintay ang taxi na tinawag ko. Nang pagsakay ko ay sakto namang paparating na ang sasakyan ni Freen kayat inutusan ko ang driver na umalis na kami agad upang di na niya ako maabutan.

Freen's POV

Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan para abutan si Becky. Pagdating ko sa bahay ay pumasok agad ako sa kwarto ngunit wala dito si Becky. Nakita ko ang cabinet na nakabukas, pagtingin ko dito ay wala ang ibang gamit ni Becky. Kayat dali dali akong bumaba.

"Yaya flor!? Manong Ador?! Mike?!" tawag ko. Sabay sabay naman silang nagsidatingan.

"Bakit anak?" tanong ni Yaya flor

"Si becky ho?" tanong ko naman sakanya

"Abay umalis siya kanina kasama si Mike" sagot nito

"Mike asan ang Maam Becky mo?" tanong ko sakanya.

"Eh Sir kaninang pagdating namin inutusan niya lang akong tumawag ng taxi tapos umakyat na siya sa taas. Diko na po alam kung saan sila pumunta" sagot naman niya. Biglang dumating sina mommy at daddy

"Hey what's happening here?" tanong ni daddy.

"Dad naglayas po si Becky" sagot ko.

"What?! Oh my gosh, delikado na apra sakanya ang mag isa. Malapit nang manganak yun" singhal ni Mommy.

Biglang lumapit sakin si daddy. Binigwasan ako at sinikmuraan, pagkatapos ay hinawakan ako sa kuwelyo.

"Ano nanaman bang ginawa mo at naglayas ang asawa mo ha?!" sigaw nito sakin.

"Dad, nasundan kasi ako dun sa pinapagawang kong bahay. Eh diko naman alam na susundan niya ako today eh. Tapos namisinterpret niya pa yung pangalan ng pinsan kong si Baby. Mag eexplain na sana ako dad pero bigla siyang umalis di na niya ako hinintay. Sinundan ko siya pauwi pero pagdating ko nakaalis na siya" kwento ko sakanila.

"Anak sinabi ko naman kasi sayo na kami na nang daddy mo ang bahala dun sa bahay at ang dapat mong asikasuhin ay ang asawa mo lalo na't malapit na siyang manganak. Oh pano na yan ngayon. Saan natin siya hahanapin?" alalang sabi ni mommy.

"Tatawagan ko po si Irin. Itatanong ko kung nandun si Becky" agad kong tinawagan si Irin buti na lang at sumagot agad ito.

"Hello Irin?" bungad ko.

"Oh bat napatawag ka Freen? Anong atin?" tanong niya.

"Kasama mo ba si Becky?" tanong ko.

"Ah hindi eh, sila Noey, Heng, Nam, at Kade ang kasama ko bakit ba?" tanon din nito.

"Ah Irin, naglayas kasi si Becky. Nag aalala ako Irin kabuwanan na niya baka mamaya kung ano pa ang mangyari sakanya" sagot ko.

"Ha! Anong naglayas? Teka, ano bang nangyari?" saad nito.

"Nasaan kayo? Pupuntahan ko kayo. Itext niyo na lang yung location niyo. Magdadrive nako" agad kong binaba ang tawag.

"Mom, dad, puntahan ko lang sila Irin. Magpapatulong ako sakanila na hanapin si Becky. Promise iuuwi ko siya dito" paalam ko sakanila then umalis na ako. Nang nasa sasakyan ako ay nareceive ko na ang location nila Irin kayat binilisan ko na ang pagpapatakbo. After 20 minutes ay naratinko na ang location nila. Agad akong pumasok.

"Uy pre anong nangyari bat naglayas si Becky?" salubong na tanong ni Heng.

"Oo nga Freen, bat naman maglalayas si Becky?" tanong din ni Nam.

"Inulit mo lang tanong ko" saad ni Heng kay Nam.

"Ano ba kayong dalawa pwede ba saka na yang bangayan niyo" pagsaway ni Kade kila Nam at Heng.

"Freen tell us what happened. Kasi sabi ni Pat sakin lately you've been acting so weird. Saka aalis ka nang maaga sa bahay tapos hatinggabi ka na uuwi. Kahapon aling siya sa office akala niya andun ka eh diba nga di ka pa pumapasok since tuesday." Sambit ni Irin.

"Ganto kasi yun. Lately kasi naging busy talaga ako. Nagpapatayo ako ng bahay namin ni Becky. I was going to surprise her. Pero mas nasurprise ako kasi kanina sinundan niya pala ako. And namisinterpret niya yung pangalan ng pinsan ko. Remember Baby guys, yung pinsan kong engineer. Gusto kong mag explain sakanya that time pero bigla na lang siyang umalis, sinundan ko siya sa bahay pero diko na siya inabutan. Pati ilang gamit niya wala sa cabinet. Guys tulungan niyo ako, hanapin natin siya" kwento ko sakanila.

"Ah try kaya natin sa dati nkyang apartment" suggest ni Irin.

"Sige tara" pagsang ayon ko. Agad kaming nagtungo sa dati niyang apartment, ngunit wala siya dito.

"Irin can you try to call her?" pakiusap ko kay Irin.

"Wala eh kanina ko pa tinatawagan pero nakapatay ang phone niya" saad ni Irin.

Napaupo na lang ako sa kalsada. Hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Sobrang nag aalala na ako sa mag ina ko.

Becky's POV

Nandito ako ngayon sa isang inn. Ayokong magcheck in sa hotel dahil baka matunton lang ako ni Freen. Ayoko na siyang makita pa. Sobrang sakit ng ginawa niya sakin. Bakit ngayon pa siya magloloko kung kailan malapit nang lumabas ang anak namin. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayong araw kayat tinulog ko na lang ito.

Next morning

Nandito ako ngayon sa airport nakaupo sa waiting area at hinihintay ang flight ko. Nang biglang may tumabi sakin paglingon ko ay nagulat ako kung sino ito.

"Non? What are you doing here?" tanong ko sakanya.

"Ah lilipad na kasi ako sa New York today. My fiancee is waiting for me na kasi" napangiti ako sa sinabi niya.

"So you're getting married na ha. Congrats!" bati ko sakanya.

"Thanks Bec. And uhm sorry nga pala sa mga nagawa ko sayo dati, sana mapatawad mo ako" saad niya.

"Ano ka ba matagal na yun, tapos na yun" sagot ko.

"Teka mag isa ka ba? Asan asawa mo?" tanong niya. And kinuwento ko ang lahat ng pangyayari sakanya. "Bat naman di mo siya hinayaang iexplain ang side niya. Alam mo Bec, hindi ka dapat pinangungunahan lagi ng akala mo-" naputol ang sasabihin niya nang biglang nag announce ng boarding.

"All passenger of flight OKL018 bound to John F. Kennedy International Airport, please board the plane"

"Ah Bec, flight ko na yan. Til next time. And don't forget to give your husband the chance to explain things. Ok? Bye" paalam niya then umalis na siya.

Naiwan ako dito dahil 12:30 pm pa ang flight ko. And it's 11 am pa lang.

Irin's POV

Patuloy kami sa paghahanap kay Patricia Halos lahat na ata ng hotel ay napuntahan namin pero wala ni isa sa mga hotel na yun ang pinagcheck inan ni Patricia.

After a while ay may natanggap akong dm sa ig ko. Binuksan ko ito and it was Non. Pag open ko nang message niya ay nabigla ako.

"Hi Irin, it's Non. Tell her husband that Bec is in the airport, I saw her. GF0784 bound to Japan this 12:30 pm. Yan ang flight ni Becky."

"Guys sa airport tayo bilis. Aalis ng bansa si Becky" sambit ko.

"Kanino mo naman nalaman yan?" tanong ni Heng.

"Hindi na importante yun, tara na at anong oras na oh 12:15 na. Paniguradong boarding na sila" sagot ko.

Freen's POV

"Heng ikaw magdrive tatawag lang ako sa airlines" saad ko kay Heng. Mabuti na lang at may airlines din kami at madali kong mahahanap ang gate ni Becky. Nang magpalit kami ni Heng ay agad kong tinawagan ang contact ko sa airport.

"Hello? This is Freen Sarocha Chankimha of Apollo Airlines. I have an emergency situation. Can you delay a flight for 30 minutes?" tanong dito.

"Ah sir that would be difficult as the pilot are on their way to the cockpit already" sagot nito

"Well then habulin niyo yung mga piloto. I' shoulder all the damages for the passengers. I just need you to delay it a little bit" sambit ko

"Okay Sir we'll try our best" sagot nito at pinatay ko na ang tawag.

"Malapit na tayo Freen, relax ka lang" saad ni Heng. Maya maya lang ay narating namin ang airport.

Mayroon namang nag escort saaking mga gwardya at airport police papunta sa eroplano kung nasaan si Becky.

Becky's POV

Hays grabe naman tong airline na to bat ngayon pa nagdelay. Dahil medyo matagal nang delay ay natulog muna ako. Maya maya ay may tumabi sakin at nagulat ako ng magsalita ito.

"Babe?" pagmulat ko ay bumungad sakin si Freen.

"Anong ginagawa mo dito? At pano mo nalaman ang flight ko?" Tanong ko sakanya.

"Babe hindi na importante kung pano kita natunton. Please let me explain everything." pakiusap niya.

"Wala na tayong dapat pag usapan." mariin kong sagot.

"Babe please ayusin naman natin to oh. Magpapaliwanag ako please" pagmamakaawa niya

"No. Wala na akong dapat pang marinig. Hayaan mo na kami please. Kailangan ko mun annag space please Freen para samin ng anak natin." nakita kong naluha na lang siya at tumayo paalis. Kahit mahirap sa loob ko ang paglayo sakanya, ay kailangan ko tong gawin dahil sobr akong nasaktan.

Nang umayos ako ng upo ay bigla akong nakaramdam ng tubig, flowing down my thighs. Kasabay nito ang pagkirot ng tiyan ko.

"Ah, ah!!" Sigaw ko. Napalingon sakin ang lahat. At agad na tumakbo si Freen palapit sakin.

"Babe what happen? Oh my gosh love pumutok na panubigan mo." nag aalala niyang sabi. "Miss tumawag ka ng ambulansya bilis!" utos nito sa flight attendant at agad naman itong tumawag.

"Babe don't worry I'm here okay? I'll be here for you and our son" saad niya.

"Ahhhhhh! Hooo hooo!" sigaw kong muli ng maramdaman kong muli ang kirot.

"Sir ito po wheelchair on the way na po ang ambulance" saad ng isang airport police. Agad naman akong sinakay ni Freen sa wheelchair at nagpunta palabas ng airport.

Saktong paglabas namin sa airport ay nakaabang na ang ambulance kayat sinakay na nila ako.

"Hmmmm! Ahhhh! Hooo hooo. Now I-i'll give y-you a chance to ex-explaaaiiiin!" utal utal kong saad kay Freen habang on the way kami sa ospital. At bigla kong nahablot ang buhok nito dahil sa contractions.

"Ahhhh! Babe masakit! Ahhhh opo opo magpapaliwanag ako!! Ahhhh!" sigaw nito dahil sobrang higpit ng hawak ko sa buhok niya. "That girl I called Baby- Ahhhhh!" sigaw nito dahil mas napahigpit ang hawak ko ng marinig ko ang baby.

"Babe she's my cousin. Ahhh aray! Pinsan ko yun anak ni Tita Angie, kapatid ni dad. Ahhh aray ko babe bitawan mo na yung buhok ko please Ahhhh!" binitawan ko ang buhok niya at hinawakan niya naman ang kamay ko. "And yung place kung san moko nasundan. That's our house. Our dream house. Sabi mo diba near the beach. Kaya lagi akong busy dahil malapit nang matapos yun kayat minamadali ko na para makalipat na tayo. Sorry please babe"

"Babe I'm sorry" saad ko and pinunasan ang luha niya nang bigla nanaman akong nagcontractions at nahablot kung muli ang buhok niya.

"Ahhhhh baaaabe! Babe yung buhok ko!! Kuya pakibilisan naman!" sigaw niya. Nakita kong tumatawa ang isang medic na kasama namin. "Oh kuya bat ka naman natatawa? Kita mo nang makakalbo na ako dito eh!" sambit ni Freenie sa medic.

"Ngayon lang po kasi ako nakakita ng lalaking sinasabunutan ng asawa nito kapag nagcocontractions" pangiti ngiti nitong sabi. Kinatok naman ni Freenie ang driver.

"Manong pakibilisan po! Bago pa ako maging kalbo!" napapatawa na lang din ako kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ko.

Continue Reading

You'll Also Like

354K 31K 89
Sequel to my MHA fanfiction: •.°NORMAL°.• (So go read that one first)
186K 9.6K 28
Cierra Rose takes on the Villa.
137K 10.1K 57
BOOK #2 They say love heals scars, but Seokmin's scars were lessons-bitter reminders that twisted him into a creature of darkness. His life was a ser...
57.1K 2.5K 37
╰┈➤ *⋆❝ 𝐢'𝐦 𝐧𝐨𝐭 𝐣𝐨𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐩𝐚𝐜𝐤, 𝐝𝐮𝐦𝐛𝐚𝐬𝐬; 𝐚𝐧𝐝 𝐢'𝐦 𝐦𝐨𝐬𝐭 𝐜𝐞𝐫𝐭𝐚𝐢𝐧𝐥𝐲 𝐧𝐨𝐭 𝐠𝐨𝐧𝐧𝐚 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐨𝐫𝐝𝐞�...