You're My Missing String [GYT...

By gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 33

96 1 0
By gytearah

CHAPTER 33 : ELY's POINT OF VIEW ★

Nagtalukbong ako ng kumot nang tumama sa mata ko ang sinag ng araw kahit na nakapikit pa ako, hirao na hirap pa akong imulat ang mga mata ko.

Araw? May araw na!

Bigla akong napabangon, late na ako sa trabaho.

"Aray!" Daing ko.

"Anak, dahan-dahan. Bakit ka ba nagmamadaling bumangon d'yan? Hindi ka pa puwedeng magtrabaho." Sabi ni Tiya Adela at inalalayan akong tumayo. "Ako na ang magliligpit nitong higaan mo, lumabas ka na at magkape. May tinimpla na ako doon, kaya mo bang maglakad?"

"Ako na po ang aalalay."

Halos matumba ako sa gulat nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.

"Hi, good morning."

"Ano'ng ginagawa mo dito?"

"Para ako agad ang makita mo paggising mo sa umaga, hihi. Halika na, your kape is ready." Pilit na hinawakan ni Gwy ang kamay ko, wala na akong nagawa dahil baka matumba kami pareho kapag nawalan ako ng balanse.

"Hindi na pala 'to masyadong mainit, papalita–"

"Hindi na, okay na 'to, ayoko naman ng masyadong mainit." Sabi ko at ininom na agad ang kape.

"Anak, mag-aalmusal ka na ba? Mag-aalas otso na."

"Maya-maya na po."

"Hindi pa kumakain itong si Gwy, hihintayin ka raw kaya hindi sumabay sa amin."

Napatingin ako kay Gwy, may hawak din siyang mug na katulad sa ng mug ko. "Kumain ka na, hindi pa ako kakain." Sabi ko pero umiling siya.

"Hintayin na lang kita. Boring kaya kumain mag-isa." Sabi niya at lumipat siya ng upuan sa harap ko.  

"T'yang, nasaan nga po pala si Eya?"

"Pupuntahan niya raw ang Ate sleeping beauty niya." Sagot ni T'yang at tumingin kay Gwy.

"Kanina pa wala si Tyra, hindi nga namin alam kung nasaan siya e hindi pa nga yata 'yon na nagkakape o kumakain manlang, late din kasi kami nagising." Sabi ni Gwy kaya bigla na lang akong nag-alala.

"Baka nasa ilog na po 'yon T'yang. Hahanapin ko po si Eya." Sabi ko at nagpumilit na tumayo pero napaupo din agad, nanghihina pa rin talaga ako.

"Ako na lang ang maghahanap sa kapatid mo." Sabi ni Gwy at tumayo na, "Baka nandoon siya sa bahay nila Aleng Letty. I'll check her."

Nang malayo na si Gwy sa amin ay tinawag ko si T'yang. "Hindi po nagpapakita si Eya sa kanya. Nagpaalam po ba sa inyo si Eya? Baka kung saan na naman po nagpunta ang batang 'yon, nag-aalala na po ako." Sinubukan ko ulit na tumayo, humawak ako sa mesa.

"‘Tol, aga namang kunot-noo 'yan, masakit pa?" Tanong ni Joepette at inalalayan akong maglakad papunta sa tambayan namin.

"Si Eya, nakita mo ba?"

"Oo, kanina. Kasama ni Aleng Adelyn sa may poultry pero ang alam ko'y nakita niya si Miss Tyra, sumama."

"Saan?"

"Inilabas ulit si Pega, utos daw ni Sir Drammy 'yon, baka naglalakad-lakad lang sa labas ng Farm ng mga Musico."

"Hacienda ng mga Musico." Pagtatama ko sa kanya.

"Oh e bakit parang nalungkot ka?"

"Ha? Kumirot." Sagot ko

"Asus, palusot. Alin ang kumirot, sugat mo o puso mo? Umamin ka nga sa akin 'tol, gusto mo ba si Miss Tyra?"

Siniko ko siya dahil sa lakas ng boses niya. "Hindi ka ba marunong bumulong?" Tanong ko

"Eh bakit pa bubulong? Gusto mo lang naman siya, wala namang masama dun."

Umiling ako.

"Dahil may hacienda sila? Dude, sino ba'ng may sabi na bawal magkagustuhan ang may-ari ng hacienda at ang trabahador? Walang pinipili ang pag-ibig. Mahal mo na ba?"

Mahal ko p– "Kayo nga ang palaging magkasama e, ang saya-saya ninyo."

"Selos? Magkaibigan lang kami 'tsaka alam mo namang si Miss Gwy ang gusto ko, ewan ko ba, hindi ko rin alam kung bakit ko gusto ang babaeng 'yon, magkamukha naman sila maliban sa ugali talaga." 

Napatigil kami sa pagkukuwentuhan nang makita naming palapit sa amin si Gwy.

"Wala ang kapatid mo, maybe nagtatago 'cause you know ayaw sa akin nun, I don't know why nga e." Sabi ni Gwy at umupo sa tabi ko.

"Miss Gwy, hinahanap po kayo ng Tito ninyo." Tawag kay Gwy ng kasamahan namin sa farm.

"He's here? Where is Tyra ba? Iniwan niya ba ako dito sa Farm? No way! Hindi ako magtatanim."

Napatingin ako kay Joepette, tawang-tawa siya kay Gwy.

"Ako na ang magtatanim para sa iyo Miss Gwy, tutulungan kita."

"Shut up Joepette!" Sigaw niya

"Para namang hindi tayo natulog kagabi na magkatabi."

"Shut up!" Sigaw niya ulit.

"Nakayakap ka pa nga sa akin e." Tumatawang sabi ni Joepette kaya lalong naasar si Gwy, "‘Tol, iwan muna kita dito, susundan ko lang 'yong babaeng 'yon." Sabi ni Joepette at hinabol si Gwy.

At talagang iniwan nila ako dito. Paano naman ako nakakapunta sa bahay nito e hirap nga ako maglakad mag-isa? Tsk.

"Anak, ano'ng ginagawa mo d'yan?" Tanong ni T'yang Adela at tinulungan akong tumayo.

"Kanino pong kotse 'yon?" Tanong ko kay T'yang at hindi sinagot ang tanong niya.

"Kay Sir Drammy, bago raw iyon. Ang ganda ano?"

"Pula. Maganda po. Si Eya po, bumalik na ba?"

"Hindi pa nga e."

Napatigil kami pareho ni T'yang sa paglalakad nang makita naming paalis na rin agad ang kotseng pula sakay ang mag-Tito.

"I'll be back later Ely! Pagaling ka." Sabi ni Gwy habang nakababa ang bintana ng kotse.

"Ang lakas talaga ng tama sa iyo ng kambal na 'yon. Kulang na lang ay siya na ang manligaw sa iyo." Natatawang sabi ni T'yang, kinuha niya ang bulak at betadine para linisan ang sugat ko.

"Pati ang Tiya Adelyn mo ay hindi pa bumabalik, mukhang nag-eenjoy na rin dito sa Farm." 

"Presko po kasi ang hangin dito. T'yang, kumain na po ba si Eya? Hihintayin ko na lang po siya dito."

Napatingin kami pareho ni T'yang sa labas ng biglang may tumakbong kabayo sa harapan ng kubo na tinutuluyan namin.

"Dada, good morning!" Bati ni Eya at kumakaway pa. Nakasakay siya sa kabayo at halatang masayang masaya.

"Eya, inabala mo pa si M-Miss Tyra."

"Ayos lang. Aleng Adela, paki-alalayan pong bumaba si Eya, ibabalik ko lang po si Pega sa kuwadra." Sabi ni Tyra at dahan-dahang ibinaba Eya.

"Bumalik ka dito at mag-aagahan."

"Opo." Sagot ni Tyra at pinatakbo na ulit ang kabayo.

"At bakit nakangiti?" Tanong ni T'yang kaya naitikom ko ang bibig ko.

"Hindi po ah." Tanggi ko

"Hindi ganyan ang ngiti mo kanina noong wala pa siya. Anak, may masasaktan at masasaktan ka kung sino man ang pipiliin mo sa dalawa, gusto ko lang sabihin na sana piliin mo kung saan ka mas magiging masaya." Nakangiting sambit ni T'yang at tinapik ako sa braso bago siya naghanda ng mga plato.

"Saan ba kayo nagpunta Eya?"

"Ipinasyal po si Pega. Naglakad-lakad po kami Dada, magkahawak po ang kamay namin tapos nakita po namin kung paano sumikat si Haring araw Dada, tapos ang sarap sarap po ng hangin doon, may pinitas po kaming bulaklak na ligaw, ang ganda po, binigyan nga po ako ni Ate Tyra e, ang gaganda po talaga at kulay pink pa. Dada, sumakay po kami sa kabayo nung pauwi na kami pero hindi po pinatakbo kasi baka raw po matakot ako. Ang saya saya ko po Dada, paglaki ko po gusto kong mag-race habang nakasakay sa kabayo, katulad po nung pinapanood ni T'yong Jerry." Ngiting-ngiti ang kapatid ko habang nagkuk'wento.

"Pasensya ka na Eya ha, hindi ka maipasyal ni Dada. Busy si Dada sa work e para maka-survive tayong lahat sa araw-araw. Babawi na lang si Dada ha."

"Ayos lang po 'yon Dada, nag-eenjoy naman po ako dito e. I love you Dada."

"I love you bunsoy. Kumain ka na ba?"

"Opo pero gutom po ako ulit. P'wede po bang kumain ulit?"

"P'wedeng-p'wede anak, maupo ka d'yan at bibigyan kita ng pagkain sa plato." Sabi ni T'yang at nilagyan ng sinangag at pritong tuyo ang pinggan ni Eya.

"Ateng sleeping beauty, halika na po, kumain po tayo. Hindi pa po kayo nag-aagahan 'di po ba? Narinig ko nga pong tumunog ang tiyan ninyo kanina habang nakasakay tayo kay Pega."

Napahawak sa batok si Tyra. "Oo nga e, parehas tayo, nag-duet pa ang tiyan natin." Natatawang sabi ni Tyra at umupo sa tabi ni Eya.

"Kumain ka ng maraming gulay para lumakas ang katawan mo." Nilagyan niya ng nilagang okra at talong ang plato ni Eya, "Dapat umiinom ka rin ng gatas, huwag na muna 'yong kape ha."

"Opo Ate."

"Maiwan ko muna kayo d'yan, pipitas lang ako ng ilang gulay para sa pakbet na uulamin sa pananghalian." Sabi ni T'yang.

Tumayo si Tyra at nagtimpla ng kape niya, kumuha din siya ng tubig at ibinigay sa amin. "Uminom ka ng gamot pagkatapos mong kumain." Sabi niya sa akin, tumango ako.

"P'wede bang makikain d'yan? Sarap ng ulam ninyo ah." Sabi ni Joepette at bigla na lang kaming pinicturan.

"Kuya Joepette, sumakay na rin po ako sa kabayo, maangas na rin po ako." Kuwento ni Eya

"Maangas na tayo pareho pero mas maangas pa rin si Boss Madame Tyra Musico!" Pang-aasar niya kay Tyra, "Balik muna ako sa trabaho ko bago pa ako masipa ni Miss Tyra, hehe! Iwan ko muna kayo d'yan, para kayong pamilya na kumakain ng sama-sama ah. Si Dada Ely, si Mami SB at si Baby Eya, yeah! Happy family." Tumatawang sabi ni Joepette at tumakbo na palayo sa amin. Nabulunan ako, mabuti na lang at may tubig sa tabi ko.

Napatingin ako kay Tyra, nakatingin din siya sa akin. "Kailan tayo p'wedeng mag-usap?" Tanong ko, umiwas siya ng tingin.

"Kapag kaya ko na." Sagot niya at iniabot sa akin ang gamot ko.

Wala akong ibang gusto kun'di makausap si Tyra ng kaming dalawa lang–

Para kay Eya.

* End of Chapter 33 *

A/N : Keep rockin' and stay guurjess!!

— gytearah 🎸

Continue Reading

You'll Also Like

353K 12.9K 44
Rival Series 1 -Completed-
75.7K 2K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found baby. And no...
37.1K 686 51
Paano kung sa gabing di inaasahan at makaka one night nya ay hinahanap-hanap sya palagi? At paano kung sa pag tago mo, sa anak nyo ay malalama't mala...
387K 577 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞