Be My Endgame

By Miss_Terious02

15.8K 299 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 21

396 9 2
By Miss_Terious02



Enjoy reading!

"Congratulations, anak!" Nakangiting sabi ni Mama nang matapos na ang graduation program namin.

Magkasama sila ni Papa na umuwi ng Iloilo para pumunta sa graduation ko.

"Salamat, Ma." Nakangiti kong sabi at niyakap siya.

"I'm so proud of you, anak." Sabi ni Papa at niyakap din ako.

"Salamat din po, Pa." Sagot ko.

"Sayang at wala rito ang Kuya Edward mo. Hayaan mo may regalo naman iyon sa 'yo pagbalik mo ng Cavite." Turan ni Mama.

Sinabi rin iyon ni Kuya Edward noong tumawag siya noong nakaraang araw. Meron siyang regalo sa akin ngunit hindi niya sinabi kung ano iyon. Kapalit daw iyon nang hindi niya pagpunta sa graduation ko.

"Doon na lang tayo mag celebrate ng graduation mo sa Cavite, Ki? Bukas kasi ay babalik kami agad ng papa mo." Wika ni Mama.

"Opo, Ma. May mga aasikasuhin pa kasi ako rito." Turan ko. Tumango lang sila.

"Ki, congratulations!" Nakangiting bati ni Gichel at Kate nang lumapit sila.

"Thank you. Congratulations sa atin!" Masaya kong sabi at niyakap sila.

"Mamimiss ka namin, Ki." Sabi ni Kate at nawala ang ngiti sa labi.

"Bisitahin niyo na lang ako sa Cavite." Sagot ko at tumawa.

"Talagang pupuntahan ka namin doon." Sagot ni Gichel na ikinatawa namin.

Pagkatapos nang pag-uusap namin ay agad na rin kaming nagpaalam dahil pupunta pa si Mama sa grocery store niya sa kabilang barangay.

Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong umalis ako ng Cavite at sa susunod na mga araw ay babalik na muli ako roon. Kahit papaano ay namiss ko rin umuwi roon.

Kinabukasan, maaga pa lang ay nag-aasikaso na ng mga gamit sina Mama at Papa. Tanghali ang flight nila pauwi ng Cavite at kailangan pa nilang bumiyahe papunta sa airport.

"Anak, aalis na kami. Sumunod ka agad pabalik ng Cavite." Wika ni Mama.

"Opo, Ma. Ingat po kayo sa biyahe." Paalam ko. Agad nila akong niyakap at pagkaraan ay hinatid ko sila sa gate. Naroon na si Nica at Tita Wilma upang ihatid sila sa Airport.

"Bye, anak." Pahabol na sabi ni Mama bago sila tuluyang umalis.

Agad na rin akong nag asikaso dahil pupunta ako sa school para asikasuhin ang mga kailangan kong kuhanin doon bago ako umuwi ng Cavite.

Sabay kaming tatlo nina Gichel at Kate na pumunta sa school at hindi rin naman kami nagtagal doon.

At pag-uwi ko ng bahay ay nadatnan ko si Denver sa labas ng gate at mukhang hinihintay akong dumating.

"Denver." Pagtawag ko sa kaniya. Agad siyang humarap sa akin at ngumiti.

"Hi, Ki." Bati niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong. May dala siyang isang maliit na paper bag at iniabot niya iyon sa akin.

"Regalo ko sa 'yo." Halatang nahihiya pa siyang binigay iyon sa akin. Agad kong tinanggap ang bigay niya at isang teddy bear iyon na kulay brown ang nasa loob.

"Thank you, Denver. Congratulations din pala sa 'yo." Nakangiti kong sabi.

"Thank you, Ki. Kailan pala ang alis mo papuntang Cavite?" Tanong niya.

"Sa makalawa. May inaasikaso lang ako." Sagot ko.

"Ganoon ba? Ingat ka sa flight mo. Sige, uwi na ako." Paalam niya at agad ding umalis.

Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at tiningnan ang regalo niyang teddy bear.

Pagkaraan ay pumunta ako sa kuwarto upang ilabas ang isang maleta ko at inilagay roon ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-uwi sa Cavite. Medyo marami akong dala ngayon at mukhang mahihirapan akong dalhin lahat ito. Isang maleta at dalawang malaking bag ang dala ko. Sa totoo lang ay kulang pa nga mga 'yan kung dadalhin ko talaga lahat ng gamit ko.


Sa loob nang dalawang araw ay inasikaso ko ang mga dapat kong dalhin sa Cavite. Ayoko na kasing bumalik balik pa dahil malayo.

Nang makuha ko na ang mga kailangan kong kuhanin sa school ay agad na rin akong bumiyahe papunta sa airport. Hinatid ako ni Nica at ni Tita Wilma.

"Mamimiss ka namin, Kiera." Malungkot na sabi ni Tita Wilma nang makababa na ako sa kotse.

"Mamimiss ko rin po kayo, Tita. Thank you po sa lahat ng tulonh niyo sa akin." Turan ko.

"Wala 'yon. Pamangkin kita at para na ring anak. At saka ibinilin ka ng Mama mo sa akin." Nakangiti niyang sabi.

"Thank you, Tita. Thank you, Nica." Sabi ko at niyakap silang dalawa.

"You're always welcome, Ki. Balik ka ah." Sabi ni Nica na ikinatawa ko.

"Sige na, at baka mahuli ka pa sa flight mo. Ikumusta mo na lang ako sa Mama at Papa mo." Sabi ni Tita Wilma.

"Sige po. Ingat po kayo sa pag-uwi. Bye po." Paalam ko at agad ng pumasok sa loob ng airport.

Tanghali ang flight ko dahil na rin sa kagustuhan ni Mama. Gusto ko sana ay hapon o gabi ngunit wala raw susundo sa akin sa airport kapag ganoong oras.

Ilang minuto rin akong naghintay sa loob ng eroplano at ilang sandali lang ay agad ding lumipad nang makapasok na ang lahat ng pasahero.

Pagkatapos nang apat na taon ay muli rin akong nakabalik ng Cavite.

Napangiti ako nang tuluyan na akong makalabas ng eroplano at pagkatapos kong makuha ang mga bagahe ko ay lumabas na rin ako.

Okay na lahat. Mukhang tanggap ko na nga ang mga nangyari. Okay na rin ako. Ngunit hindi ko lang alam kung kaya ko na ba siyang makita. Kung kaya ko na ba siyang makausap? Kung kaya ko na bang tumitig sa mga mata niya ng hindi nasasaktan? Sana nga kaya ko na.

Habang hinihintay si Kuya Edward na susundo sa akin ay inilabas ko ang selpon ko kung meron ba siyang text na male-late siya ng sundo sa akin. Alam niya kung anong oras ang flight ko at kung anong oras ang dating ko rito sa airport ngunit bakita wala pa siya?

Baka na-traffic lang. O baka may pinuntahan pang importante. Ngunit nagugutom na ako. Tatawagan ko na sana siya nang may narinig akong tumawag sa pangalan ko.

"Kiera." Napatingin ako sa tumawag sa akin at para akong ipinako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino iyon. Anong ginagawa niya rito? Bakit nandito si Jack Jendrick?

Habang papalapit siya sa akin ay mas lalo ring bumibilis ang pag tibok ng puso ko. Napahigpit din ang paghawak ko sa maleta dahil sa kaba na nararamdaman ko.

"Naroon ang kotse ko sa dulo. Akin na 'yang maleta mo." Sabi niya at akmang kukunin sa akin ang hawak kong maleta nang ilayo ko iyon sa kaniya. Nasaan na ba kasi si Kuya Edward? At bakit kaibigan niya ang narito?

Tumingin tingin ako sa paligid at nagbabaka sakali na makita ko si Kuya Edward ngunit wala! Huwag niyang sabihin na itong lalaking 'to ang sumundo sa akin?

"I'm your driver for today, Ki. Inutusan ako ng Kuya mo." Seryoso niyang sabi.

"Magta-taxi na lang ako. U-umuwi ka na." Turan ko at akmang aalis na ako nang hawakan niya ang maleta ko na ikinatigil ko sa paglalakad.

"Hanggang ngayon ay matigas pa rin ang ulo mo. Let's go." Seryoso niyang sabi at tuluyan niyang naagaw sa akin ang maleta ko. Ayoko man sumunod ngunit hila-hila niya na ang bagahe ko.

Huminto kami sa isang itim na BMW Sedan. Hindi ito ang dati niyang kotse. Agad niyang binuksan ang compartment sa likod at inilagay roon ang maleta ko. At pagkaraan ay kinuha rin niya ang dala kong dalawang bag at inilagay rin niya roon.

Hindi ko inaasahan na ngayon kami magkikita ng lalaking 'to. Bakit parang ang bilis naman. Kararating ko lang ng Airport tapos mukha niya agad ang bumungad sa akin.

"Get in." Sabi niya at hindi ko namalayan na binuksan niya na pala ang front seat ng kotse. Agad akong pumasok roon at pagkaraan ay siya na rin ang nagsara. Pagkatapos ay umikot siya at sumakay rin sa driver's seat.

Diretso lang ang tingin ko at ayokong tingnan siya. Hindi ko talaga inaasahan ang pagkikita namin ngayong araw na 'to.

Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagtitig niya sa akin kaya tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. At ang hindi ko inaasahan ay ang paglapit ng mukha niya sa akin. Konti na lang ay mahahalikan niya na ako.

"Seat belt." Mahina niyang sabi at narinig ko ang tunog ng seat belt sa aking gilid. Pagkaraan ay umayos muli siya ng upo kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Kumusta?" Pagsisimula niya ng usapan habang bumibiyahe kami.

"O-okay lang." Sagot ko habang tumitingin sa dinadaanan namin.

"Bakit nga pala sa Iloilo mo napiling mag-aral ng college?" Tanong niya muli.

"May problema ba kapag doon ko pinili mag-aral?" Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko pagkatapos kong sabihin iyon. Muli na namang bumalik ang mga nakaraan na pilit kong kinakalimutan sa loob nang apat na taon. At siya ang dahilan kung bakit pinili kong lumayo.

"Wala naman. Pero hindi mo man lang sinabi sa 'kin na aalis ka pala. Hindi ka man lang nagpaalam sa akin." Halata sa boses niya ang pagtatampo.

"Hindi naman na kailangan sabihin sa 'yo. Kaibigan ka lang naman ng Kuya ko." Turan ko. Ilang sandali siyang nanahimik. Wala namang mali sa sinabi ko dahil totoo namang kaibigan lang siya ni Kuya Edward.

"I'm sorry. Akala ko kasi Kuya mo rin ako. Pumayag pa naman ako na sunduin ang kapatid ko sa airport dahil walang susundo. Tapos susungitan lang pala ako." Sagot niya na para bang kailangan makonsensiya ako sa ginawa niyang pagsundo sa akin at sa pagsusungit ko.

Hanggang ngayon ba naman ay kapatid pa rin ang turing niya sa akin? Hindi na rin naman nakakagulat. Sino ba naman ako para magustuhan niya.

"Hindi mo na sana ako sinundo. Kaya ko naman mag taxi pauwi kung talagang busy sila sa bahay." Sagot ko. Napakunot-noo pa ako dahil tumawa lang siya.

"Well, nag presinta ako na susundo sa 'yo. Ilang taon ko ring hindi nakita ang kapatid ko and I really miss her." Sagot niya kaya napatingin ako sa kaniya. Nakakainis, bakit nga ba ako umaasa na magugustuhan ako ng lalaking 'to? Mali ba na bumalik ako ng Cavite? Bakit parang hindi ko pa rin tanggap ang lahat?

Hindi na muli pa akong nagsalita. Sa buong biyahe namin ay naging tahimik kaming dalawa. Hanggang sa makarating kami sa bahay.

Sa labas pa lang ay rinig ko na ang ingay mula sa loob. Agad na kinuha ni Jack Jendrick ang bagahe ko sa likod ng kotse niya at kukunin ko na sana sa kaniya iyon nang inilayo niya.

"Ako na. Iyan na lang sa 'yo." Sabi niya at binigay sa akin ang isa kong bag. Nauna siyang naglakad papasok sa loob ng gate at pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa akin ang maraming balloons.

"Welcome home, Kiera!" Sabay-sabay nilang sabi at meron pang confetti.

"Welcome home, anak." Masayang sabi ni Mama at niyakap ako. Lumapit din si Papa ganoon din ang ginawa niya.

Pagkaraan ay tumingin ako sa kinatatayuan ni Kuya Edward at ni Caila kasama ang maliit nilang anak na lalaki.

"Welcome home, Ki." Masaya nilang bati.

"Hi, Tata Ki." Bati ng anak ni Kuya Edward sa akin. Agad akong ngumiti at pumantay sa kaniya.

"Hi. What's your name?" Tanong ko.

"Esbatyan. But you can call me Baste." Bulol niyang sabi at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Siya si Sebastian, Ki." Pagtatama ni Caila.

"Nako, naglalambing na naman itong batang maliit dahil hihingi 'yan ng chocolate." Pang-aasar ni Mama kay Baste.

"Tama na muna 'yan. Tara na sa kusina at kumain. Mukhang gutom na si Kiera. Jack, dito ka na rin kumain." Sabi ni Papa at sabay silang naglakad ni Mama papunta sa kusina. Sumunod naman sina Kuya Edward habang karga niya si Baste.

Inilagay ko naman ang dala kong bag sa sala at akmang maglalakad na ako nang magsalita si Jack Jendrick sa likuran ko.

"Welcome home, Ki. Congratulations and I'm so proud of you." Seryoso niyang sabi.

"Thanks." Malamig kong sagot at naglakad na patungo sa kusina. Ilang sandali lang ay sumunod din siya at hindi ko inaasahan ang pag upo niya sa tabi ko at ang pagsandok ng kanin at inilagay iyon sa pinggan ko.

Tiningnan ko naman si Kuya Edward at Caila na ngayon ay nakatingin sa aming dalawa.

Apat na taon na ang nakararaan ngunit ganoon pa rin siya. Ito na naman siya sa mga ginagawa niya na hindi ko alam kung bibigyan ko ba ng kahulugan o sadyang ganiyan lang talaga siya sa lahat.


••••

Thank you so much for reading!

Add me on Facebook:
Rovelyn Ogayco

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

85.2K 2.7K 26
Sa paniniwalang mahal siya ng taong mahal niya, sa edad na labing-walo ay naranasan na ni Dylan ang pagkabigo sa pag-ibig dahil kay Rhaime, ang babae...
210K 4.1K 53
(COMPLETE - ✓) Billionnaire Series#04: Thaddues Montegamo "If loving you means letting go of everything I have then I will!" - "Ikaw ang mahal ko kay...
147K 2.3K 51
Warning: R-18. Not suitable for young readers. Read at your own risk. ________ Kapit sa patalim. Iyan ang ginagawa ng isang mahirap na katulad ko sa...
600K 13.7K 27
"She was raped and blackmailed to marry her rapist." ****** "Pakakasalan Kita," walang emosyong mababakas sa boses...