sweetheart, where's my reward?

By shelovesneko

320K 3.4K 757

Nang mataningan ang buhay ng mag-asawang umampon kay Lily Jane Salvador, nanganganib na itong mapatalsik sa p... More

neko
£
characters & aesthetic
PRO£OGUE - sweetheart, i hate my fucked up life
£1 - sweetheart, where's my doll?
£2 - sweetheart, fuck everyone
£3 - sweetheart, let's play detective!
£4 - sweetheart, i nominate them as suspects!
£5 - sweetheart, it's foundation fucking week
£6 - sweetheart, we'll make them pay
£7 - sweetheart, let's lay out our plan
£8 - sweetheart, let the show begin
£9 - sweetheart, plan-success
£10 - sweetheart, what's the reason?
£11 - sweetheart, promise me
£12 - sweetheart, i love you
£13 - sweetheart, that's why we are nominees
£14 - sweetheart, what the fuck?
£15 - lily jane, i'll do anything for you
£16 - sweetheart, the angel has fallen
£17 - sweetheart, we didn't do anything
£18 - sweetheart, we'll get through this
£19 - sweetheart, the angel is back
£20 - sweetheart, am i really disgusting?
£22 - lily jane, i just wanted to swim ⚠️
£23 - sweetheart, let's catch a thief
£24 - sweetheart, help
£25 - lily jane, i'll be there
£26 - sweetheart, is this it?
£27 - lily jane, i'm here now
EPI£OGUE - sweetheart, where's my reward?
SPECIA£ CHAPTER 1 - sweetheart, that was fucking hot
SPECIA£ CHAPTER 2 - sweetheart, here's your reward
SPECIA£ CHAPTER 3 - lily jane, my lily jane

£21 - sweetheart, i hate myself ⚠️

6.5K 61 34
By shelovesneko



NOTE: Hello. This is a warning that this chapter has topics that can trigger you in one way or another. Please read with an open mind and understand that I do not intend to put people, especially priests or nuns, into a bad light. What you are about to read is not a representation to every priest or nuns out there. Please do understand that this is just fiction. I am not making generalizations so please do not apply what you are about to read in this chapter in real life. But, though I said this is fiction, the scenarios in this chapter do happen in real life but not all the time. You can skip to the second scene breaker (✞ £ ✞) if you find it hard to read. And, you can also correct me if you find it wrong and disturbing.


TW: Sexual violence & exploitation, child abuse, violence, self harm, and suicidal ideation.


✞ £ ✞


I hate myself.


I know I'm not likable. I'm not someone who anyone would stick out for. And I am aware of that fact.


Ang daming rason para kaayawan ako ng ibang tao. Madalas, wala naman akong pake. Hindi ko na sila iniisip dahil kinasusuklaman ko na ang sarili ko. I already hate myself enough that I don't need to listen to others.


I am aware of everything yet I don't change anything. Well, most of what people don't like about me are something I can't really change like my being an orphan.


But so what? Anong pake ko sa iba?


'Yan ako noon bago ko makilala si Alistair.


"LJ."


Lumingon ako kay Sister Noel na papalapit sa akin. Malaki ang ngiti nito at abot hanggang langit. Para siyang nanalo sa lotto. Nanalo kaya siya? Kinukwento pa naman niya sa amin na kapag nanalo siya, pupunta siya ng ibang bansa ta's kukwentuhan niya kami.


"Po?" Binaba ko ang clay na hinuhulma ko. Minsan lang ako makapaglaro ng clay. Madalang kasi magkaroon ng ganito rito.


Lumuhod si Sister Noel sa tabi ko at tinignan ang aking ginagawa. "Ang ganda naman niyang gawa mo."


Nabalik ang tingin ko sa hinulma kong aso gamit ang clay. Agad na sumilay ang malawak na ngiti sa labi ko. Kinuha ko ang aso sa sahig at pinakita ito kay Sister.


"Maganda po?" proud kong tanong.


"Kuhang kuha mo. Parang totoong aso talaga," puno ng pagkamangha niyang sabi. "Pa'no mo na gagawa 'yan?"


"Hindi ko rin po alam. Basta nilalaro ko lang po 'yung clay."


Tumango ito sa aking naging sagot at tinapik ang ulo ko na parang isa akong aso. "Oh, siya. Iwanan mo muna 'yan sa mga kapatid mo. Tawag ka na ni Father Gerson."


Napunta ang tingin ko sa mga kasama ko sa kwarto na kanya-kanyang laro sa maliit na parte ng clay na hinati-hati namin. Simula nang dumating si Sister, tumigil na sila sa paglalaro at nang punahin ni Sister ang gawa ko, ang mga mata nila ay naka-target na sa hawak ko.


Binaba ko ang tingin sa asong ginawa ko. Ngumiti ako bago ito piniga at binilog ang clay. Matapos ay tumayo na ako at binaba sa sahig ang clay.


"Tara na po," aya ko kay Sister.


Namilog ang mata nito dahil sa ginawa kong pagsira sa asong hinulma ko. Pati ang mga kapatid ko na kasama kong maglaro ay pareho ang ekspresyon.


"Bakit mo sinira?" gulat na tanong ni Sister.


"Sisirain din naman po nila kapag iniwan ko." Ngumuso ako sa mga kapatid ko na nanonood. "Ako nalang po sumira. Kaya ko naman ulit gumawa ng bago." Ngumiti ako kay Sister na hindi pa rin makapaniwala sa aking ginawa. "Tara na po. Baka naghihintay na si Father."


Tinitigan muna niya sandali ang clay na iniwan ko sa sahig bago siya tumayo at inakay na ako papunta sa kwarto ni Father Gerson. Wala ng sinabi si Sister hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ni Father.


Kumatok si Sister. "Father, nandito na po si LJ."


Mula sa loob, narinig namin ang boses ni Father. "Pasok."


Pinihit ni Sister ang doorknob at tinulak pabukas ang pinto. Hinawakan niya ang balikat ko at itinulak ako nang marahan papasok. Pagkapasok ko, nakasalubong ko si Ate Miles na palabas naman. Nginitian ko si Ate pero nang dumaan ang mata niya sa'kin, puno ito ng sakit at namumula na. Nang lumampas siya sa'kin, nahagip ng mata ko ang pagpahid niya sa isang luhang pumatak sa mata niya.


Bago pa ako makapag tanong, nawala na ito at sinarado na ni Sister ang pinto. Umalis na silang dalawa at naiwan akong mag-isa sa kwarto kasama si Father.


"LJ," tawag sa akin ni Father.


Nilingon ko siya at nakitang sinenyasan niya akong lumapit kaya ginawa ko ito. Nang kaharap na niya ako, ngumiti siya sa akin bago niya hinawakan ang dulo ng damit ko.


"Ako na po, Father," saad ko at ako na mismo ang naghubad ng damit ko. Sinunod ko na rin ang pang-ibaba ko hanggang sa hubo't hubad na ako.


Nang matapos, hinimas ni Father ang ulo ko. "Ang bait mo talaga, LJ."


Nang marinig ang sinabi ni Father, nagalak ako. Napuri na naman ako. "Salamat po, Father."


Ngumiti si Father sa akin. "Galingan mo, ah."


Tumango ako nang magiliw at ginawa ang trabaho ko. Hinarap niya ako sa isang camera at doon, sinabihan niya ako na gawin ang lagi kong ginagawa.


Sumayaw.


Nakangiti ako dahil pa rin sa puri ni Father. Lalo na tuwing nakikita ko siyang nakangiti habang pinapanood ako sa isang gilid. Halos magtatalon na nga ako sa saya.


Isang papuri lang, nagiging ganito ako. Kaya gustong gusto kong nakikinig kay Father ay dahil gano'n.


Naging mabilis ang lahat at maya-maya ay natapos na ako. Pinagbihis na ako ni Father. Bago ako lumabas, hinarap niya ako at lumuhod siya sa harap ko.


"Eto oh," sabi niya tsaka niya ako inabutan ng isang bag ng candy. "Dahil ginalingan mo."


Nagningning ang mata ko at agad niyakap ang maliit na bag. "Thank you, Father!"


Ginulo muli nito ang buhok ko tsaka niya ako iginaya palabas ng kwarto niya. Dumeretso ako sa kwarto ko kasama ang lima kong kapatid dito sa ampunan. Pero habang naglalakad ako papunta roon, nadaan ako sa banyo namin kung saan may naririnig akong umiiyak.


Pinuntahan ko agad 'yun para tignan kung sino 'yun. Nang makapasok, natigil ang umiiyak dahil sa gulat nang makita ako.


"Ate Miles?" tanong ko at nilapitan siya. "Bakit ka umiiyak?"


Pinahid agad ni Ate ang luha niya at umiling. Hinila niya ako papasok sa CR at sinarado ang pinto.


"Sorry," sabi niya nang harapin ako.


Mas matanda sa akin si Ate Miles ng pitong taon. Thirteen na siya at dahil hindi pa siya inaampon, nandito pa rin siya. Siya ang pinakamatanda sa aming mga babae na nandito. Siya ang Ate namin na sobrang bait sa amin kaya naman pati ako ay naiiyak na rin dahil nakikita ko siyang umiiyak.


Suminghot ako at inabot sa kanya ang bag ng candy. "Kain ka, Ate. Para hindi ka na umiyak."


Tinitigan lang ni Ate ang inaalok ko. Maya-maya ay umiyak na naman ito. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. Tuluyan na akong naluha kahit hindi ko alam ang dahilan.


"I'm sorry, LJ," bulong niya nang paulit-ulit.


Madalas kong makitang umiiyak si Ate Miles kapag lumalabas siya ng kwarto ni Father. Pero ngayon ko lang siyang nakitang ganito. Noon kasi, kapag tapos na ako sa pagsayaw, nasa kusina na si Ate at tumutulong sa pagluluto. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito sa banyo.


"Ayos ka lang, Ate?" tanong ko habang hinihimas ang likod niya.


Umiling ito at biglang kumawala sa yakap ko. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinignan ako nang diretso sa aking mata. "LJ, makinig ka sa'kin."


Tumango ako. Ang seryoso ng boses ni Ate. Parang 'yung boses ni Father kapag pinagsasabihan niya kami.


"Mali ang ginagawa nila Father."


Tumagilid ang ulo ko dahil sa pagtataka. "Bakit naman, Ate?"


"Basta, mali ang ginagawa nila." Niyakap niya akong muli at umiyak sa balikat ko.


That time, I wondered what's wrong that Ate Miles cried like that. Wala naman kaming ibang ginagawa. Pinapapunta lang naman siya sa kwarto ni Father Gerson. Same lang naman kami ng ginagawa. Maghuhubad kami tapos kukuhanan kami ng picture. Oh, 'di kaya naman ay haharap kami sa isang camera tapos sasabihan kami na sumayaw lang.


Hindi ba gano'n ang ginagawa ni Ate Miles? Bakit siya umiiyak? Anong mali?


Pinapasayaw lang kami nila Father, tapos kinukuhanan ng picture. Wala namang mali sa pagsayaw tapos pag-pose para sa isang picture. Wala rin namang sinabi sila Sister. Hindi rin naman nagagalit sila Father.


So, wala namang mali, 'di ba?


Paulit-ulit kong tinanong sa sarili ko kung bakit gano'n ang reaksyon ni Ate at bakit niya sinabi na mali ang ginagawa nila Father. Dahil hindi ko alam, nagtanong na ako.


Isang araw, nang ipatawag muli ako ni Father sa kwarto niya, tinanong ko na ito.


"Father," tawag ko na ikinalingon ni Father na inaayos ang camera. "Mali po ba ang ginagawa natin?"


Nag-iba ang ekspresyon ni Father. Naging galit ito. "Saan mo narinig 'yan?"


Napaigtad ako sa galit ng boses niya. Sumakit ang dibdib ko sa takot pero hindi ako sumagot. Ayokong mapagalitan si Ate Miles kaya nanahimik ako.


Nang walang marinig na sagot, nilapitan ako ni Father at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Tama lang 'tong ginagawa natin. Para may makain kayo at hindi maipasara ang ampunan. Gusto mo ba sa kalsada tumira?"


Umiling ako sa tanong niya. "Ayoko po."


"Ayun naman pala eh." Mahigpit niyang piniga ang mga balikat ko. "Umayos ka, LJ."


Nag-init ang gilid ng mga mata ko at gusto ko nang umiyak pero tumango ako. Bumalik si Father sa pag-aayos niya ng camera. Nang maayos niya ito, pinatayo niya ako sa harap nito.


"Sayaw," utos niya nang halos pasigaw kaya hindi ako nakagalaw.


Nanginig ako sa takot. Naiiyak na ako at gusto ko nang umalis doon.


Nang hinidi ako gumalaw, bigla nalang lumpit si Father sa akin at sinampal ako.


"Sayaw sabi eh!"


Tuluyan na akong umiyak at humagulgol sa harap niya. Hindi ko alam ang gagawin. Hinawakan ko lang ang pisngi kong sumasakit. Hindi ko napigil ang mga hikbi ko. Ang ingay ko ay mas lalong nakapagpagalit kay Father.


Hindi ko alam ang nangyari pero nang makabalik ako sa reyalidad, nagdudugo na ang ilong ko, puno na rin ng pasa ang katawan ko. At dahil sa mga pasa ko, hindi muna ako pinapunta ni Father sa kwarto niya. Hindi ko na rin naman gusto bumalik doon.


Habang iniinda ang sakit ng ginawa niya, si Ate Miles ang nag-alaga sa akin. Sorry siya nang sorry sa akin. Hindi ko naman maintindihan kung bakit.


Sa mga oras na nagpapagaling ako ng mga pasa ko, ang iniisip ko lang ay kung paano akong hindi na pababalikin sa kwarto ni Father. Naisipan kong saktan ang sarili ko pero hindi ko magawa 'yun. Takot ako sa sakit na binigay ni Father na hindi ko maisipang saktan ang sarili ko. Kahit ayoko ng bumalik sa kwarto ni Father, hindi ko magawa.


Ayaw ko man, nang gumaling ang mga pasa ko, tinatawag na muli ako ni Father sa kwarto niya. Ayokong magalit pa si Father kaya sumunod lang ako sa mga pinagagawa niya.


Sa bawat araw na lumilipas, naiintindihan ko na ang sinasabi ni Ate Miles. Pero noon, hindi ko pa talaga alam ang kabuuan ng kamalian ng ginagawa ko sa kwarto na 'yun.


✞ £ ✞


"Nagtino ka na ba, Lily Jane?" salubong sa akin ni Sister Mercy nang lumabas ito sa kusina.


Nahinto ako sa inuukit na maliit na teddy bear sa kahoy na nakita ko rito sa storage room kung saan nila ako kinulong.


"Muntik mo ng mapatay ang lahat sa ginawa mo." Umiling si Sister at binaba ang isang kahon sa isang sulok ng storage room. Puno ito ng mga plato at baso na siyang ginagamit namin kapag kumakain kami.


"Hindi ko naman po alam na magkakasunog nang gano'n—"


"Hindi mo alam? Tinuturuan ka namin magluto tapos hindi mo pa rin alam?" Nailing muli si Sister at namewang sa harap ko. Tiningala ko siya mula sa pagkakaupo ko sa sahig. "Paano ka mag-aasawa n'yan? Para sa mayaman lang ang hindi sanay mag-luto, LJ. Ako nagsasabi sa'yo."


Ngumuso ako at binalik ang tingin sa hawak kong kahoy at isang maliit na kutsilyong matalim. Napulot ko 'yun sa kusina noong tinuturuan nila akong magluto. Naisipan ko lang kunin para paglaruan. Nagamit ko naman siya dahil nauukit ko ang mga kahoy na napupulot ko kung saan saan.


"Ano 'yan?" Biglang hinablot ni Sister Mercy ang hawak kong kahoy na inuukit. Tumaas ang mga kilay nito nang makita ang kinuha niya. "Ikaw ang gumawa nito?"


Tumango ako habang nakatingala sa kanyang sinusuri pa rin ang aking gawa. "Opo."


Naalis ang tingin niya sa hawak niya at napunta sa kamay ko. Tinago ko agad ang maliit na kutsilyo pero nakita niya pa rin 'yun. Hinablot niya agad ang kamay ko at sinuri ang hawak kong gusto ko sanang itago.


Akala ko ay papaluin niya ako pero laking gulat ko nang bigla niya akong hilahin palabas ng storage room. Nagpadala ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa garden kung nasaan si Father na nagbabasa ng isang libro habang umiinom ng kape.


"Father," tawag ni Sister na nakapagpalingon sa pari. "Ito palang si LJ ang may gawa noong kahoy na inuukit, eh."


Pinakita ni Sister ang kinuha niya sa akin kanina. Kumunot ang noo ni Father at binaba ang kape at ang librong binabasa niya. Kinuha niya ang inukit kong maliit na teddy bear na kahoy. Nang masuri ito, napunta sa akin ang tingin niya.


"Ikaw ba ang nagbigay kay Miles ng manikang kahoy?" tanong nito.


Tinutukoy siguro nito ang manika na ginawa ko para kay Ate Miles. Umiiyak kasi ito kaya binigay ko sa kanya 'yung isa sa inukit kong kahoy na napulot ko sa likod ng garden.


Tumango ako bilang sagot. "Opo."


"'Di ba nagustuhan no'ng isang magandang babae 'yung manika noong makita sa opisina mo?" tanong ni Sister sa pari. "Gusto pa ngang bilin, 'di ba?"


"Binenta ko na sa kanya." Binalik ni Father ang tingin sa hawak na kahoy. "Para raw 'yung sikat na laruang kahoy na mahal sa bayan."


"Ikaw ba talaga ang gumawa no'n?" paninigurado ni Sister na hinila ang kamay ko para lumingon ako sa kanya.


"Opo," sagot ko.


"Kaya mo bang gawin ulit?" tanong naman ni Father ngayon.


"Kaya naman po," sagot ko.


"Sige, gawin mo nga," hamon niya. "Dito ka sa tabi ko. Panonoorin kita."


Inutusan ni Father na kumuha si Sister ng kahoy na gagamitin ko. Nang makabalik siya, pinaupo ako ni Father sa tabi niya at pinanood ako habang gumagawa.


Matagal ang oras na lumipas at tutok lang ako sa ginagawa ko habang nakatabi pa rin sa akin si Father at pinanonood ako. Nang makita ni Father na unti unti kong nauukit ang kahoy sa hugis ng isang manika kagaya ng ginawa ko para kay Ate Miles, naniwala na ito sa sinabi ko.


At hindi lang siya basta naniwala, pinanindigan niya ang ginagawa ko.


Simula noon, hindi na ako bumalik sa kwarto ni Father para sumayaw. Sumasakit man ang mga kamay ko, mas ginusto ko na umupo sa isang tabi at umukit sa mga kahoy na binibigay nila sa akin. Sa katahimikang dala ng aking pag-iisa at paggawa ng mga manikang kahoy, nagkaroon ako ng tunay na kasiyahan.


Binenta ni Father ang mga ginagawa ko. Simula noon, binigyan na nila ako ng magagandang gamit para sa ginagawa ko. Tapos, binigyan na rin nila ako ng pampintura. Hindi ko alam kung gaano kapatok ang naging mga gawa ko, sila Sister kasi ang siyang namamahala ng pagbebenta ng mga 'yun.


Hindi ko na inisip kung saan napupunta ang mga gawa ko. Basta ang gusto ko lang gawin noon ay magpatuloy para hindi magalit si Father at para hindi na ulit ako sumayaw sa harap ng camera.


Ganoon ang naging gawain ko sa ampunan simula noon. Gumagawa ako ng mga laruan na binebenta nila. Araw araw ang naging trabaho ko at minsan gusto ko nalang sumuko. Kaso, naiisip ko palang ang sampal na matatanggap ko kapag hindi ako nakinig kay Father, nangingilabot na ako kaya kahit sugat-sugat na ang kamay ko, nagpatuloy ako.


Hindi ko alam kung saan na nakakarating ang mga gawa ko. Wala akong pake. Pero isang araw, nagkaroon ako ng pake nang may dumating na mag-asawa sa ampunan at hinahanap ako–ang batang gumagawa ng mga manikang kahoy.


Sampung taon ako noon, tatlong taon simula nang madiskubre nila Father ang talento ko. Wala na akong iniisip na iba noong mga panahon na 'yun kundi ang makatapos lang sa mga ginagawa kong manika. Nakalimutan ko na nga rin na nasa ampunan ako.


Hindi ko na hinangad noon na magkaroon ng pamilya. Lipas na ako sa pangarap na 'yun dahil nakita ko na ang buhay ng isang ulila.


"Hi, Lily Jane. Do you want to become part of our family?"


Pero nang itanong sa akin nila Caius at Adeline Salvador ang tanong na 'yun, isa lang ang naging sagot ko.


"Opo. Salamat po."


✞ £ ✞


Sampung taong gulang na bata. Ang tanda ko na para ampunin. Ang mga karaniwang inaampon lang sa ampunan na 'yun ay ang mga sanggol at ang mga bata na edad lima pababa.


Pero ayun ako, nakatira na sa isang malaking mansyon, nakasuot ng magagarbong dress, nakakain tatlong beses isang araw, may sariling kwarto, may sariling laruan, at nakakapag-aral.


May pamilya na ako.


Hindi lang basta pagmamahal ang ibinigay sa akin nila Mama at Papa. Sila ang nagmulat sa akin sa katotohanan ng mundong ginagalawan ko noon.


Naaalala ko pa, eleven years old ako noon nang mapagtanto ko ang mga pinagdaanan ko. Tama pala si Ate Miles. Mali pala ang ginagawa nila Father sa akin noon.


Nang mapagtanto ang lahat, isa lang ang naramdaman ko.


I hate myself.


I don't know what hurts more: what happened to me or the fact that I do not know that what happened to me is bad at all. I accepted everything like it's normal. I went years asking why it's wrong but never getting an answer until today.


Hindi ako makapaniwala sa nangyari sa'kin. Ang akala kong laro laro lang, hindi pala tama.


I never told anyone what I've been through, even to my parents. Kahit normally ko namang nasasabi sa kanila ang nararamdaman ko, for some reason, whenever gusto kong sabihin sa kanila ang nangyari sa akin noon, hindi ko magawa.


But they know something happened. Ayaw lang nila akong piliting magsalita. At ako naman, hindi ko rin magawang sabihin.


I wanted to move on, forget about it. I want to take back what I lost.


Doll-making was what brought me out of that misery. I did it to survive in that orphanage. And now that I am out of it, doll-making serves another role in my life.


Doll-making became a way for me to try and love myself. I tried to make female dolls to represent me. I made those dolls beautiful who can be anything like an astronaut, a teacher, an engineer, anything.


I created those dolls so they can be the "clean" representation of me.


Lagi kong tinatanong ang sarili ko, pwede pa ba? Ganito nalang ba talaga ako? Ito na ba talaga 'yung "ako"?


When I met Ali, when I found how he likes taking picture of me, it excited me. Nahuli ko siya sa isang lihim niya. But at the same time, I was shocked at the fact that someone can like me that much. Maybe 'yung looks ko lang, 'yung katawan ko lang. Pero 'yun na eh. Pwede pa pala. May magkakagusto pa pala sa ako na sinira na ng ampunan na 'yun, may magkakagusto pa pala sa ako na nawalan na ng puri.


I hate myself, even now. I know I'm disgusting so I tried my best.


I pursued him, I kissed him, I hugged him, I cared for him, I treated him with support and love just like how Mama and Papa treated me.


But, doing all that doesn't erase the fact that I am still disgusting. And me continuing to push him to the edge, stir him up, was disgusting.


Gusto niya kaya ko pinagpatuloy ko. Pinilit ko. Pero tama ba? Gusto niya ba talaga? Ayos lang ba sa kanya 'yung ako?


Hindi ko alam. Pero nakuha ko na ang sagot ko ngayon. 


Nakakadiri talaga ako.


✞ £ ✞


"Good morning po," bati ng babae sa likod ng counter nang lumapit ako at ibaba ang bibilhin ko sa harap niya. "Eto lang po, Miss?"


Binaba ko ang tingin sa dalawang tub ng ice cream na nasa counter. "Yeah."


Sobra pa nga 'to. Bakit ba dalawa bibilhin ko?


Binuksan ko ang wallet ko at kinuha ang card ko habang ang cashier ay ini-scan ang bibilhin ko. Inabot ko sa kanya ang card nang sabihin niya ang price.


"Need niyo po ng kutsara?" tanong niya sa akin nang iabot pabalik sa akin ang card ko.


"Yes, please," sagot ko.


Sinilid naman ng cashier sa paperbag ang binili ko tsaka nilagyan ng dalawang kutsara. "Thank you po, Miss!"


Dala ang paperbag, lumabas ako ng convenience store na 'yun at bumaba sa unang palapag ng cafeteria. Then, dumeretso ako ng labas at tinahak ang daan pabalik sa department ko.


Hindi muna ako bumalik sa atelier kung saan ko balak magligpit. Nang makita ko palang kanina ang lahat ng gamit ko roon, tinamad na ako kaya naman nagpahangin muna ako at nilibang ang sarili. Hindi ko alam pero naisipan ko rin mag-ice cream kaya ito ako.


Umupo ako sa isang bench at nilabas ang ice cream na binili ko. Nilagay ko ang isa sa tabi ng inuupuan ko at ipinatong ang kutsara sa ibabaw nito. Ang isa ay binuksan ko tsaka itinapon ang takip sa paperbag na nilagay ko sa gilid ko.


I took the spoon with it and started eating the ice cream mindlessly as I stared at a tree that is just a few meters away from me, watching as the afternoon sunlight passed through the gaps of its leaves. Halos mag-dadalawang linggo na simula nang mag-summer vacation pero marami pa ring estudyante rito sa school. Perhaps we all have different reasons to stay.


Me, why am I still here?


Well, tinatamad akong magligpit kaya nandito pa rin ako.


Tinanggal ko ang phone ko na nasa bulsa ng pants ko at nilapag sa tabi ng ice cream tub na nasa bench para maibaluktot ko ang paa ko at maipatong sa bench.


I placed the tub of my ice cream in between my legs and my stomach in an unhealthy position. It's a strain on my back but I found it comfortable. Gusto ko sanang humiga kaso wala naman akong unan.


Natawa ako nang bahagya at sumubo ng ice cream.


Wala na si Ali para gawin kong unan ang mga hita niya.


Habang patuloy na tulalang kumakain ng ice cream nang nakangiting parang baliw, nag-vibrate ang cellphone ko sa tabi ko. Agad akong nawala sa posisyon ko nang makitang si Nurse Luna ang tumatawag.


Napatayo ako at itinusok ang kutsara sa ice cream ko tsaka kinuha ang cellphone at sinagot.


"Hello, Nurse Luna? Did something happen?" humahagos kong tanong.


["Nope. It's just us."]


Ang dibdib kong kumirot sa biglang pagbilis ng tibok ng aking puso ay napanatag nang marinig ang boses ng aking ina. Kahit mahina ang boses niya at alam kong may sakit, hindi ko napigilang ngumiti.


"Oh, Mama." Nagpakawala ako ng hininga at umupong muli. "Hi."


["Hi, baby,"] magiliw na bati ni Mama.


["Hi, Lily,"] narinig ko naman ang boses ni Papa na mahina sa likod ni Mama.


"Hi, Papa." Lumawak ang ngiti ko. Akala ko mas lalong mamamaga ang mata ko sa kakaiyak. Buti ay ayos lang sila at walang emergency. "What's up?"


["We just called 'cause you didn't come back yesterday."] Puno ng lungkot ang tono ni Mama. Parang may kumurot sa puso ko dahil doon.


"Ah, that." Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Sorry, nagkaroon lang ng emergency sa school. Pinatawag ako."


["Hmm... What is it about?"]


"Uhm..." My eyes trailed to the ground as I tried to find an answer. "My works."


["Did you get another award?"] puno ng excitement na tanong ni Papa.


Medyo natawa ako. "No, not this time. It was just for a client."


["Oh, okay."] Hindi naman disappointed ang tono nila kaya napanatag ako.


"Sorry hindi ako nakabalik," paumanhin ko. "Inabot ng gabi. Hindi ko rin kayo nasabihan."


Wala kasi akong nagawa buong gabi kundi ang umiyak. Matapos kong talikuran noon si Ali, pumunta lang ako sa dorm ko at dumapa sa kama ko. Tapos, minutes later, I found myself wetting the sheets with my tears and snot. My mattress ate all of my screams and sobs.


["Its okay. Its for your artworks,"] puno ng assurance ang boses ni Mama.


Hindi ko napigilang mapangiti nang mapait. I don't want to lie to them but I don't want to stress them and make their condition worse. Buti hindi pa sinasabi ni Lolo ang nangyari sa kanila.


"How are you two? Any changes?" pag-iiba ko ng usapan.


["Wala naman. Energetic pa nga 'tong Papa mo ngayon."] Bahagyang natawa si Mama.


["I wanted to go for a run but they won't let me,"] biglang sabi ni Papa.


"Please don't, Pa." I shook my head, laughing as I imagine my father running. "Bisita nalang ulit ako next time, Ma. Sorry talaga medyo busy pa."


["Ayos lang, Lily,"] sabi ni Mama. ["Buti nga at nabibisita mo pa kami despite your schedule."]


"Of course I'll visit you. I'm sorry I don't visit often."


["You don't have to visit us all the time,"] says Papa. ["We want you to focus on your life more."]


"You're part of my life," I told them, pressing a bit to emphasize it. "I promise, once this is over, I'll stay in the hospital everyday."


["We're looking forward to that."] I can imagine my mother smiling just from her tone.


["And bring your friend. I want to talk to him some more."]


Bumaba ang mga balikat ko sa narinig na request ni Papa. Sumandal ako sa bench at tumingala. Pinikit ko ang mga mata ko at minasahe ang aking mga talukap.


"Yeah, I'll bring him sometimes," I said almost with no enthusiasm. Sana hindi nila napansin ang tono ko.


Mukha namang hindi nila napansin dahil nagbiro pa si Mama. ["Tell us when you're not just friends anymore."]


Natawa naman ako dahil may katotohanan ang biro niya. "Yeah, we're not friends anymore."


Those words tasted like rust in my mouth. It tasted like the most bitter ginger in a porridge.


["He's really cute. Bagay kayo,"] biglang sabi ni Mama.


["And he's really polite,"] Papa added.


["And also talented,"] dagdag pa ni Mama.


I found myself smiling at their words. That reality seems far off when in reality, that happened just yesterday.


"I know," I barely whispered. "That's why I like him."


["So, it is what I really think it is,"] Papa teased.


"Not really." Natawa ako nang mapait. "Magulo, pero basta 'yun na 'yun."


They both laugh in the other line. They sound so alive. And yet here I am, the walking dead.


["Well, I hope it won't be magulo anymore next time,"] said Mama.


"Yeah."


Hindi na magulo. Wala na eh.


Bumuntong hininga ako sa naisip. "Anyway, Mama, I'll be on my way," paalam ko. "May gagawin pa ako. Punta nalang ako d'yan bukas or sa susunod na araw. May aayusin lang ako."


["Okay, baby,"] sagot ni Mama. ["Stay safe. Love you."]


["Love you, baby,"] si Papa naman.


"Love you too."


Binaba ko na ang tawag at hinayaan ang phone ko sa aking kandungan. Napatitig ako sa kaparehong puno na kanina ko pa tinititigan. Matutunaw na ito na parang ang ice cream na hawak ko kanina pa.


My ice cream has now melted, the condensation outside the tub dripping on my hand.


Naihilamos ko ang isang kamay ko sa aking mukha. Hinigop ko ang natunaw na ice cream at inubos ito. Nang maubos, tinapon ko ito sa paperbag na pinagbilhan ko kanina. Dala ang paperbag at ang isa pang ice cream, pumasok na ako sa Atelier Building ng department ko.


Tinapon ko ang paperbag along the way pero sinama ko sa'kin papunta sa aking atelier ang isang ice cream. Nang makabalik sa atelier, binaba ko ang ice cream sa isang stool sa tabi ng pinto at hinayaan ito roon.


I stared at the mess in front of me. My art materials are everywhere. Ang dami kong table at lahat 'yun ay either puno ng sketch materials or paint. Isang table sa gilid at puro clay. Sa sulok, nandoon ang potter's wheel ko at ang sewing machine ginagamit ko sa paggawa ng damit ng mga manika ko. Sa isang sulok, nandoon ang maliit na setup ko para sa mga photoshoot namin ni Ali for reference photos. Tapos katabi noon ang mga kahoy na materials ko.


Hindi ko alam pero lumapit ako sa isang table at sinipa ito nang malakas. Nagulo ang table at nalaglag ang ilang gamit. Pero hindi ako nakuntento, sinipa ko itong muli. Nang hindi masiyahan, tinulak ko ang isang table at nalaglag ang lahat ng clay ko sa sahig. Pati ang mga nagkalat na kahoy sa sahig ay sinipa ko na rin. Tumilapon ang mga ito at tinamaan ang ibang gamit ko.


Nabasag ang mga babasagin, nagulo ang maayos, nasira ang mga buo. Hindi ko na alam pero hindi ko nakuhang tumigil kahit nakikita kong mali ang ginagawa ko. Hindi lang talaga ako makuntento.


Habang iniikot ang mata ko sa buong kwarto na 'yun para humanap ng pagbubuntunan ko ng galit, nakuha ng safe sa pinakasulok ng atelier ko ang aking tingin. Ito lang ang nanatiling hindi nagalaw sa lahat ng gulong ginawa ko.


Nilapitan ko ang safe na nasa sahig at nilagay agad ang code para buksan ito. Hindi ko naman masisira ang safe kaya kung ano mang nasa loob nito ay 'yun nalang ang pagbabalingan ko ng galit ko.


Wala na rin namang saysay ang lahat. Ano pa ba ang gagawin ko rito? I'll be officially dropped soon. And Lolo will surely find ways to kick me out of his family.


I just want to forget everything. Lahat ng ito, wala na akong magagawa. Kasalanan ko rin naman. Pinaabot ko hanggang dito. Gulo ko 'to at hindi ko 'yun sinukuan.


Siguro oras na para talikuran na ang lahat. Wala na rin namang nasa harap ko kaya kahit tumalikod ako, wala ng mawawala.


Nang tumunog ang huling mahabang beep ng safe matapos kong ilagay ang code, nag-click ito bago bumukas. Handa na akong dakmain ang nasa loob at ihagis ito sa sahig. Pero tumigil ang kamay ko sa ere nang makita ang nasa loob.


Lumabo ang paningin ko at bumuhos ang luhang hindi ko pa pala nauubos. Akala ko naubos ko na ang lahat ng luha ko kagabi. Meron pa pala.


In the safe is the last doll I made with Ali. The one and only Ali doll. It is seated on the prop sofa that I made. And just like how I left it, the other doll that is supposed to be me is seated on his lap. Nakayakap ang braso ng manikang lalaki sa babae at magkahawak sila ng kamay.


Hindi ko na kinaya at napaupo na akong tuluyan sa sahig.


Right, I left this here. The original work that I did just for the sake of catching the culprit that put us in the situation we are in right now.


I failed. And here we are.


I encased my head in my arms, running my hands to my nape. I sobbed like a kid. Tears and snot covered my face like I was deprived of the toy I like the most.


Never once have I thought of not having Ali beside me since the day that I realized that I like him. He just never gave me a reason to have that thought. But then here it is, here I am, here we are.


I am so not ready for this.


I continued to weep, the floor catching my tears. The walls of my atelier have been witnesses to my breakdowns. But I bet these walls haven't seen me this broken.


I cried without a sound. Kinimkim ko ang lahat ng sigaw ko. Maririnig ng iba ang iyak ko. I don't really care but right now, I mind. Ayokong may biglang pumunta rito at magtanong kung ano ang nangyayari. Wala ako sa mood makipag-usap.


I sniffled, still crying like a baby. My tears flowed like an endless river. It never ceased like a storm pouring.


Lahat ng sigaw ko ay nasa isipan ko. Wala na akong maintindihan sa mga bagay na nasa utak ko. Puro na ito sigaw ng galit, disappointment, lungkot, at pagsisisi. Ang sahig ang naging katitigan ko na siya ring sumalo ng mga luha ko.


Habang patuloy sa paghagulgol, biglang may kumatok sa pinto. Kusa nalang lumingon ang ulo ko roon kahit wala na talaga akong naririnig pa sa dami ng boses sa isip ko.


Eto na nga ba ang kinaiinisan ko. May nakarinig siguro sa akin. Naging maingay akong masyado. Wala na nga masyadong tao rito sa school, swerte ko pa at may nasaktong nakarinig ng iyak ko.


Iba talaga ang buhay ko. Tangina talaga.


Tumayo ako at pinunasan ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Alam kong hindi pa rin maayos ang itsura ko kagaya ng kwartong ito. Pero kung gusto nilang malaman kung ano ang nangyayari, ede ipapaalam ko sa kanila.


Nilapitan ko ang pinto at doon ko lang narinig ang kumakatok. Hindi pa rin tahimik ang mga boses sa isipan ko pero ngayong malapit na ako, narinig ko na ito kahit papaano.


Hinawakan ko ang doorknob at pinihit itong pabukas. Nakahanda na ang matalim kong tingin na makakapugot agad ng ulo.


Pero nawala lahat ng 'yun nang makita si Ali sa labas.


"LJ?" He assessed my face like he always does. His beautiful eyes scanned me like what he always does. Worry was in those eyes and with his voice that was as gentle as my mother's touch, he asked, "What happened?"


Natawa ako at nailing sa tanong niya kasabay ng pagbuhos muli ng luha ko.


"Tangina mo, Ali."


Binalik ko ang tingin sa kanya at nginitian ang naguguluhan at nag-aalala niyang ekspresyon.


"Mahal na mahal talaga kita."


✞ £ ✞


Continue Reading

You'll Also Like

10.9K 63 2
Is there really true love on the internet? Or it's just a play time without feelings involved. Is it just for a strong? But what if we go beyond the...
191K 4.5K 35
I was about to hug her when she turned to back to me. She pulled the comforter to her, at ibinalot yon hanggang sa leeg niya. Hindi ko na ipinilit an...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
1.8M 26.4K 35
Laki sa hirap si Xy at dahil doon ay isa lang ang gusto niya sa buhay: Ang yumaman at magkaroon ng maginhawang buhay. Kaya nang biglang dumating sa h...