Be My Endgame

By Miss_Terious02

10.8K 264 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 20

293 9 4
By Miss_Terious02


Enjoy reading!

Kanina pa ako pabalik balik sa pagbabasa dahil hindi ko naiintindihan. Naiisip ko pa rin ang mukha niya kanina. Pagkatapos ng birthday niya ay ngayon lang ulit kami nagkita.

Ngunit ganoon pa rin ang sakit. Gusto kong ngumiti man pabalik kanina ngunit kailangan kong protektahan din ang sarili ko. Ayokong dagdagan pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ayokong umiyak na naman.

"Ki?" Napatingin ako sa pinto nang marinig ko ang boses ni Kuya Edward. Bumukas iyon at pumasok siya.

"Umalis na ba sila?" Tanong ko.

"Hindi pa. Pero baka gusto mong magpaalam sa kaniya bago ka pumunta ng Iloilo?" Mahinahon niyang sabi.

"Huwag na, kuya. Dito na lang ako." Sagot ko. Bumuntong hininga siya.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo. Bumalik kami rito dahil nag-aalala si Jack sa 'yo kanina dahil naiwan kang mag-isa rito. Kaya rito na lang kami tumambay." Paliwanag niya. Tumango lang ako. Pagkaraan ay naglakad na rin siya palabas ng kuwarto.

Hindi na muli pa akong nagbasa ng libro. Ipinatong ko iyon sa maliit kong mesa at nakita ko roon ang pinaka unang relo na regalo sa akin ni Jack Jendrick. Kinuha ko iyon.

Ito na lang ang natitirang alaala niya sa akin. Ang pinaka unang regalo niya sa akin noong birthday ko. Ngunit hanggang alaala na lang ang relo na 'to. Hanggang alaala na lang ang mga masasayang nangyari sa amin noon.

Lumipas ang dalawang araw at tapos na ako sa pag-aayos ng mga gamit ko at nakahanda na ang lahat sa pag-alis ko ngayong araw. Nanatili ako sa loob ng kuwarto habang tinitingnan bawat sulok dahil sigurado ako matagal pa bago ako makakauwi rito.

"Anak?" Napatingin ako sa pinto ng kuwarto nang pumasok doon si Mama at Papa.

"Okay na ba lahat?" Tanong ni Papa. Tumango lang ako.

"Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?" Malungkot na tanong ni Mama.

"I'm sorry, Ma. Buo na po ang desisyon ko. Tatawag naman po ako rito sa inyo palagi." Nakangiti kong sabi. At nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Mag-ingat ka roon. Huwag mong pababayaan ang sarili mo." Naiiyak na sabi ni Mama.

"Opo, Ma." Mahina kong sabi.

"Tara na. Ihahatid ka namin sa airport." Sabi niya habang pinupunasan ang luha sa kaniyang pisngi. Sabay kaming tatlo na lumabas ng kuwarto habang dala ang mga gamit ko.

Pagdating namin sa sala ay naroon na si Kuya Edward habang nakatingin sa amin. Halata rin sa mukha niya ang lungkot sa pag-alis ko.

Habang bumibiyahe kami ay walang sawa na pinapaalala sa akin ni Mama ang mga dapat kong gawin. Paulit ulit na iyon ngunit natatawa na lang ako.

"Huwag kang tumawa riyan, Ki. Dapat alam mo kung paano magluto kahit prito lang para hindi ka gutumin doon." Sermon niya.

"Opo, Ma." Sagot ko.

Ilang oras din ang biyahe namin bago nakarating sa airport. At nakikita ko na naman ang iyak ni Mama at niyakap ako.

"Ang mga sinabi ko sa 'yo huwag mong kalimutan." Naiiyak niyang sabi. Tumango lang ako.

"Mag-ingat ka roon." Sabi rin ni Papa at niyakap din ako.

"Opo, Pa." Sagot ko pagkatapos niya akong yakapin. Tiningnan ko naman si Kuya Edward.

"Ang tapang mo para lumayo. Tawagan mo ako palagi." Mahina niyang sabi nang yakapin niya ako.

"Thank you, kuya." Mahina kong sabi pagkatapos niya akong yakapin.

"Pasok na po ako sa loob. Bye." Paalam ko at agad na binitbit ang mga dala kong gamit. Kumaway pa ako bago tuluyang pumasok sa loob. Ayokong tumagal pa sa harapan nila at baka umiyak na rin ako kasama nila.

Ilang minuto na lang din at lilipad na ang eroplano na sinasakyan ko. Nakatingin lang ako sa may bintana habang tinitingnan ang araw na papalubog.


Halos isa at kalahating oras din ang naging biyahe ko. Pagdating sa airport ng Iloilo ay naroon na agad ang pinsan ko na susundo sa akin.

"Pinsan!" Sigaw niya kaya agad akong kumaway. Sinalubong niya ako at kinuha ang iba kong dala.

"Kumusta?" Nakangiti niyang tanong.

"Okay lang. Ikaw lang ba sumundo sa akin? Si Tita Wilma?" Tanong ko.

"Hindi pa nagsasara ang grocery store niyo kaya hindi siya nakasama." Turan niya.

"Tara na. Hindi ka pa yata kumain ng hapunan." Wika niya. Ngumiti lang ako at tumango.

Huminto kami sa isang puting kotse. Agad niyang binuksan ang back seat at inilagay roon ang mga gamit ko. Agad naman akong pumasok sa front seat at pagkaraan ay sumakay rin siya sa driver's seat.

"Nga pala doon na kita ihatid sa bahay niyo. Doon ako nagluto ng hapunan natin nina Mama." Sabi niya.

"Sige. Salamat, Nica." Sagot ko.

Medyo madaldal din siyang kausap kaya hindi rin ako makatulog sa biyahe. Mukhang hindi siya nauubusan ng kuwento. At masaya rin naman siya kausap.

Halos kalahating oras din ang biyahe namin bago nakarating sa Sto. Niño kung saan naroon ang bahay noon namin.

May ilaw na sa loob hudyat na may tao na roon.

"Nariyan na yata si mama sa loob." Sabi ni Nica.

Sabay kaming lumabas ng kotse at kinuha ang mga gamit ko sa likod. Ako na rin ang nagbukas ng gate at nagsara pagkatapos.

Agad namang bumukas ang pinto ng bahay at bumungad sa akin si Tita Wilma.

"Welcome home, Kiera!" Masayang bati ni Tita Wilma.

"Salamat po, Tita." Nakangiti kong sabi at niyakap siya.

"Nako, namiss kita. Dati ang liit mo pa noong umalis kayo rito. Ngayon ay dalaga ka na." Wika niya na ikinatawa ko.

"Halika sa loob. Siguradong gutom ka na. Nakahanda na ang pagkain natin sa mesa." Sabi niya at hinila ako papasok sa loob ng bahay.

Ganoon pa rin ang puwesto ng mga gamit. Malinis na rin ang paligid. Nilinisan siguro nila.

Sabay rin kaming tatlo na kumain ng hapunan. Maraming inihanda si Tita Wilma at mukhang hindi rin namin mauubos ang mga 'to.

"Pagkatapos nating kumain mamaya ay magpahinga ka na. Ako na ang bahala sa mga hugasin. Mukhang pagod na pagod ka sa biyahe." Nag-aalala niyang sabi. Sa totoo lang ay gusto ko ng pumikit. Hindi talaga kasi ako nakatulog kanina sa biyahe papunta rito dahil ang daldal ni Nica.

"Salamat po, Tita." Nakangiti kong sabi.

"Wala 'yon. Ibinilin ka rin ng Mama mo sa akin." Nakangiti niyang sabi.

Pagkatapos naming maghapunan ay hindi na ako hinayaan pa ni Tita Wilma na mag ligpit ng mga pinagkainan namin. Kaya agad na akong pumasok sa kuwarto upang maghugas ng katawan at pagkaraan ay lumabas muli upang silipin sina Tita Wilma.

"Ang mga gamit ba niya ay naroon na sa kuwarto niya, Nica?" Rinig kong tanong ni Tita kay Nica.

"Opo, Ma." Sagot ng pinsan ko. Nang marinig nila ang pagsara ng pinto ng kuwarto ko ay napatingin silang dalawa sa akin.

"Kiera, uuwi na kami. May tira pang ulam sa ref pwede mong initin bukas ng umaga iyon." Bilin niya.

"Sige po, Tita. Salamat po." Sagot ko.

"Wala 'yon. Kapag may kailangan ka ay tawagan mo lang ako. Nasa kabilang barangay lang naman ang bahay namin pati iyong grocery store niyo." Turan niya na ikinatango ko. Pagkaraan ay agad na rin silang umuwi.

Ngayon ko lang napansin na meron din pala akong mga kapit bahay. Gusto ko sanang makita iyong malawak na bakuran sa dulo ngunit madilim na rin. Naaalala ko pa dati doon kami naglalaro kasama ang mga dati kong kaibigan. Narito pa kaya sila?

Pagkatapos kong i-lock ang gate ay agad na rin akong pumasok sa loob ng bahay at ni-lock din ang pinto. Sunod ay pinatay ko ang ilaw sa sala at kusina at pagkaraan ay pumasok na sa loob ng kuwarto.

Nakakapagod ang araw na 'to. Sa simula lang naman 'to. Kapag nagtagal ay masasanay rin akong mag-isa.

Kinabukasan ay maaga pa lang dumating na agad si Nica. Dahil sasamahan daw niya ako sa University upang mag-enroll.

"Dala mo ba mga requirements mo?" Tanong niya habang bumibiyahe kami.

"Oo." Sagot ko.

"Doon tayo sa Leon pupunta. Doon lang may malapit na University." Turan niya. Tumango lang ako.

Ang dami na ring nagbago sa paligid. Ilang taon na rin kasi noong umalis kami rito. Ngunit masaya pa ring bumalik sa probinsiya.

Ilang minuto rin ang naging biyahe namin bago kami nakarating sa Iloilo Science and Technology University–Leon Campus.

Kahit papaano ay malawak din ang University.

Tinulungan ako ni Nica para sa pag submit ng mga kailangan. Medyo mahaba rin ang pila kaya medyo nagtagal din kami sa loob.

Nang matapos ay agad na rin kaming umuwi. Ngunit hindi rin siya nagtagal sa bahay dahil kailangan pa niyang pumunta sa grocery store dahil walang kasama roon si Tita Wilma. Gusto ko sanang sumama ngunit kailangan ko rin ayusin ang mga gamit ko.


Lumipas ang mga buwan at taon ay naging maayos rin naman ang pagtira ko sa Iloilo mag-isa. Marami rin akong nakilala at naging kaibigan. Minsan ay binibisita rin ako ni Tita Wilma at ni Nica sa bahay. Minsan ay dito na rin sila kumakain ng hapunan para may kasama ako kumain.

Palagi ring tumatawag sina Mama sa akin lalo na si Kuya Edward. Kapag tumatawag siya ay mahaba ang pag-uusap namin dahil ang dami niya palaging kuwento.

Sa nakalipas na apat na taon ay nakaya kong mag-isa. Nakaya ko ang college. Nakaya ko ang Business Administration sa loob ng apat na taon. At sa susunod na buwan ay graduation ko na.

Naka-graduate na rin si Kuya Edward sa kursong architecture dalawang taon na ang nakararaan. At hindi ko rin akalain na magkakaroon ako ng pamangkin isang taon pagkatapos ng graduation niya. At mukhang balak na nila ni Caila na magpakasal at ako na lang ang hinihintay para kompleto kami sa gaganapin nilang kasal.

Binuhos ko lahat ng atensiyon ko sa pag-aaral para lang makalimutan ang mga nangyari noon. Kahit papaano ay naging magaan din ang loob ko. Ngunit hindi ko masasabi kung tanggap ko na ba. Siguro nga tanggap ko na. Ang tagal na rin no'n.

"Ki, tara manuod ng basketball sa Plaza." Pag-aaya sa akin ni Gichel.

"Oo nga, Ki. May laro pala ang Sto. Niño ngayon." Sabi naman ni Kate. Sila ang naging kaibigan at kaklase ko sa loob nang apat na taon.

"Sige, mamaya. Sunduin niyo na lang ako sa bahay." Turan ko.

Pag-uwi ko galing sa school ay agad akong nagbihis at nagluto ng hapunan ko. Natuto na rin akong magluto dahil walang ibang gagawa kung hindi ako lang din. Kahit papaano ay marami na rin akong nalalaman na pwedeng lutuin.

Pagkatapos kong magluto ay agad na rin akong kumain dahil baka biglang dumating si Gichel at Kate. Binilisan ko na ang pagkain at pagkaraan ay naghugas na rin ako ng ginamit kong pinggan.

Nakabihis na rin ako at handa na. Hinihintay ko na lang ang dalawa dahil wala pa. Hindi pa naman nagsisimula ang laro ngunit mas mabuti kung mauna kami roon para sa unahan kami makaupo.

Nang may narinig akong busina ng kotse sa labas ay agad akong tumayo at lumabas ng bahay. At pagbukas ko ng gate ay mukha ni Kate ang nakita ko sa front seat habang nakangiti sa akin.

"Doon ka na sa likod, Ki." Pang-aasar niya. Wala akong naggawa kung hindi buksan ang pinto sa back seat. Pagkaraan ay agad na kaming pumunta sa Plaza.

Medyo marami ng tao roon kaya nakatayo na lang kami sa likod. Kita pa naman kahit papaano ang mga naglalaro sa court.

"Go, Denver!" Sigaw ni Kate. Halos mawalan na kami ng boses kasisigaw ngunit masaya naman.

Ngunit sa huli ay natalo rin ang sinusuportahan naming barangay. Kaya malungkot na umalis si Kate habang natawa na lang kami ni Gichel.

"Ki!" Napatingin kami kay Denver nang tinawag niya ako.

"Denver." Nakangiti kong sabi.

"Sorry, talo." Sabi niya.

"Okay lang 'yon. Bawi na lang next game." Sagot ko.

"Uuwi na ba kayo? Sabay na ako." Turan niya. Tiningnan ko si Gichel at nag kibit balikat lang siya. Iisang barangay lang kami ni Denver at isang bahay lang din ang pagitan at bahay na nila. Gagraduate na rin siya sa susunod na buwan sa kursong Marine Transportation.

"Oo, uuwi na kami. Gabi na rin kasi." Sagot ko.

"Sige, hintayin niyo ako. Sabay na ako sa inyo." Sabi niya at mabilis na bumalik sa mga kasama niya. Ilang sandali lang ay muli siyang bumalik at iba na ang suot niyang damit. Dala rin niya ang kaniyang bag na laman ang mga gamit niya.

"Tara na." Sabi niya kaya sabay na kaming apat na pumasok sa kotse ni Gichel.

Ilang minuto lang ay nakarating na rin agas kami.

"Salamat, Gichel at Kate." Nakangiting sabi ni Denver nang bumaba ng kotse.

"No problem." Sagot ni Gichel.

"Thank you. Mag-ingat kayo sa pag-uwi." Wika ko. Kumaway lang sila sa akin bago pinaandar muli ang sasakyan.

Humarap naman ako kay Denver. "Pasok na ako. Nice game pala."

"Thanks, Kiera. Good night." Nakangiti niyang sabi.

"Good night." Sagot ko at pumasok na sa loob ng gate. Kumaway naman siya sa akin bago tuluyang umalis.


••••

Thank you so much for reading!

Add me on Facebook:
Rovelyn Ogayco

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

69.4K 1.4K 43
R-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazi...
31.7K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
998K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
185K 4.8K 26
Thaddeus Montero Villafuente