sweetheart, where's my reward?

By shelovesneko

299K 3K 715

Nang mataningan ang buhay ng mag-asawang umampon kay Lily Jane Salvador, nanganganib na itong mapatalsik sa p... More

neko
£
characters & aesthetic
PRO£OGUE - sweetheart, i hate my fucked up life
£1 - sweetheart, where's my doll?
£2 - sweetheart, fuck everyone
£3 - sweetheart, let's play detective!
£4 - sweetheart, i nominate them as suspects!
£5 - sweetheart, it's foundation fucking week
£6 - sweetheart, we'll make them pay
£7 - sweetheart, let's lay out our plan
£8 - sweetheart, let the show begin
£9 - sweetheart, plan-success
£10 - sweetheart, what's the reason?
£11 - sweetheart, promise me
£12 - sweetheart, i love you
£13 - sweetheart, that's why we are nominees
£14 - sweetheart, what the fuck?
£15 - lily jane, i'll do anything for you
£16 - sweetheart, the angel has fallen
£17 - sweetheart, we didn't do anything
£18 - sweetheart, we'll get through this
£20 - sweetheart, am i really disgusting?
£21 - sweetheart, i hate myself ⚠️
£22 - lily jane, i just wanted to swim ⚠️
£23 - sweetheart, let's catch a thief
£24 - sweetheart, help
£25 - lily jane, i'll be there
£26 - sweetheart, is this it?
£27 - lily jane, i'm here now
EPI£OGUE - sweetheart, where's my reward?
SPECIA£ CHAPTER 1 - sweetheart, that was fucking hot
SPECIA£ CHAPTER 2 - sweetheart, here's your reward
SPECIA£ CHAPTER 3 - lily jane, my lily jane

£19 - sweetheart, the angel is back

5.2K 51 7
By shelovesneko



✞ £ ✞


Agad na sinarado ni Ali ang kahon at tumayo. Walang salitang namutawi sa pagitan naming dalawa. Basta nalang kaming naglakad nang magkasunod papunta sa elevator. Nang madaan sa receptionist, iniwan ko ang gunting na hiniram ko sa counter at hindi na tinignan ang receptionist.


"Thank you," pasalamat ko at dire-diretso lang na naglakad.


Naunang makapasok si Ali sa elevator. Yakap nito ang kahon at ang mata ay diretso lang na nakatitig. Nang makapasok ako, pinindot ko ang pinakataas na floor at agad na sumarado ang pinto at dinala kami roon.


We both stared at the door of the elevator as the number on the small screen above it ascended. Hindi kami gumalaw na para kaming mga estatwa. Walang laman ang isip ko. Kusa nalang gumagalaw ang katawan ko.


When the elevator dinged and the door opened to the highest floor, Ali and I stepped out like two corporates making their way to a highly confidential meeting where speaking isn't allowed. It's like we lost the ability to speak because shock is an understatement.


Nang makapasok sa aking dorm, binaba ni Ali ang box sa coffee table tsaka siya umupo sa sofa at tinitigan ito. Ako ay nahinto sa entryway at hindi makapaniwalang tinitigan ang kahong iyon.


Naipahid ko ang aking kamay sa bibig ko. Naglakad ako nang pabalik-balik sa tabi ng sofa set habang pinoproseso ang nangyayari.


The doll that we've spent weeks looking for is now here. The doll we worked so hard to find is now back effortlessly in our hands.


Napuyat ako kakaisip sa kung saan ito napunta. Napuyat ako sa pag-iisip kung paano ko mahahanap ang manika ko at mahuhuli ang nagnakaw nito. Hindi ko na nga nabibisita sila Mama at Papa kasi ang pokus ko ay hanapin ang obra kong ito. Pati si Ali ay napagbintangan ko pa at some point para lang dito.


Tapos ano na ngayon? It's now here. In a box, placed in my parcel mailbox like a goddamn gift.


Ang laking insulto nito sa lahat ng ginawa namin ni Ali. Nagpakapagod kami na ikutin ang buong school kasi gusto namin mag-obserba. Nagutom ako kasi nakakalimutan ko ng kumain kakaisip kung paano ko mahuhuli ang salarin. Tapos heto ako ngayon, sinampal ng reyalidad.


My doll is back. My masterpiece is back.


Minasahe ko ang aking sentido nang kumirot ang aking ulo.


I thought that if we found my doll, it would be the end of this. Turns out, it isn't.


Naihilamos ko ang aking kamay sa aking mukha tsaka umupo sa tabi ni Ali. "What now?"


Ali blinked, getting back from his daze. Nilingon niya ako ng mga mata niyang puno ng pagtataka at pagtatanong. "We have to report it."


Mas lalong nalukot ang ekspresyon ko. "Report what?"


"That the doll is back." Binalik niya ang tingin sa kahon na aming kaharap. "Your case is now close."


Sumandal ako at tumingala sa kisame. "Is this it?"


"Your case is done in the Committee. And that's it."


Napapikit ako at nanlumong lalo sa narinig.


Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Akala ko malala na ang lahat, mas may lalala pa pala. Akala ko, kapag bumalik na ang obra ko na 'to, magiging maayos na ang lahat.


Our first problem here is that it's back. Naging problema pa na bumalik na ito. Kasi dapat ay mahahanap namin ito kasama na ang tunay na identity ng magnanakaw. But, its back in one piece like it was never stolen.


At sumakto pa talaga na ngayong pinoproblema namin ang sitwasyon ni Angel na nadawit lang naman kami.


Dumilat ako at umayos ng upo.


No, hindi ito sumakto lang. Sinakto ito ng may sala. This is the culprit's action as a result of what happened to Angel. Iniisip niya siguro ay matatapos na ito dahil ibinalik na niya ang ninakaw niya.


This is the connection they have with Angel, and they have now severed it. But this is far from over. Maybe on their part, nakapaghugas na siya ng kamay. Pero ngayon, kami naman ang naghahanap ng tubig para hugasan ang sa amin.


Nilapitan ko ang kahon na nasa coffee table tsaka ito binuksan. Tinitigan ko ang manika kong nakahiga sa box. Ayos na ayos ito dahil may mga tissue sa ilalim. Parang ayaw ng salarin na masira talaga ito. Kasi sino ba namang magnanakaw ang ibabalik ang ninakaw nila na secured pa sa isang box?


"Don't touch it," saway sa akin ni Ali na hinawakan pa ang kamay kong susubukan sanang kunin ang manika. "They might've left fingerprints."


Umiling ako at binalik ang tingin sa laman ng kahon. "They've been careful all this time. I'm sure they won't screw up now."


"We should still get it tested," suhestyon niya.


"Will the Committee even bother with that if we show them that this is back?"


Nakita ko ang pag-aalangan sa kanya ng dahil sa sinabi ko. "Let's take this to the Committee and see."


Dahil wala naman kaming ibang magagawa, sinunod na namin ang sinabi niya. Inayos namin ang kahon na parang kanina lang bago namin ito mabuksan.


Siya ang nagbitbit ng box at naglakad lang ako sa tabi niya habang malalim ang iniisip. Nai-imagine ko na kasi kung ano ang mangyayari sa Committee office.


Nang makarating kami sa office, dumeretso kami sa receptionist. Marami ang volunteer na hindi umuwi dahil nakatoka talaga sila sa pagbabantay ngayon summer vacation. Ito kasi ang panahon kung saan pinakalaganap ang pagkawala ng mga artworks.


"Is Farad in her office?" tanong ni Ali sa lalaking nasa likod ng counter.


Binigyan lang kami ng tingin ng lalaki bago ito tumango at ibinalik ang tingin sa kaharap na computer. "Yeah."


Wala man lang emosyon ang boses nito at halatang napipilitan lang na magtrabaho roon. Volunteer ba siya dahil gusto niya o para lang pasikat?


Matalim na tingin ang iniwan ko sa lalaki bago ako sumunod kay Ali papunta sa isang mahabang pasilyo na sa dulo ay may pinto. Sa pinto ay nakalagay ang label na Head Office.


Dahil hawak ni Ali gamit ang dalawang kamay niya ang kahon, ako ang kumatok at nagbukas ng pinto. Hindi ko na hinintay pang magsalita ang nasa loob. Bad trip ako ngayon, eh.


Nang bumukas ang pinto, sumalubong sa amin si Farad na busy sa laptop niya sa likod ng kanyang desk sa maliit na office na 'yun. Tumigil siya sa ginagawa at napunta sa amin ang tingin. Nalukot agad ang ekspresyon nito lalo nang makita kami.


"What do you need?" matigas ang tono niya nang magtanong.


Lumapit kami ni Ali sa desk niya. Makalat ang desk at nagkalat ang mga papel at mga picture. Hinawi ko ang isang part at tinabi ang mga papel para roon ilagay ni Ali ang kahon.


"What's that?" naguguluhang tanong ni Farad.


Tumayo ito sa desk niya at dinungaw ang ibabaw ng box. Binuksan naman ni Ali ang kahon para makita nito ang laman. Napalitan ng gulat ang ekspresyon niya nang makita ang manikang hinahanap namin.


"Oh, nahanap niyo na?" Her brows rose, looking at us with wide eyes.


"Obviously," hindi ko napigilan ang taray sa tono ko. Nakatanggap ako ng mapagbantang tingin kay Ali dahil doon.


"How did you find it?" Tinapunan lang ako ng tingin ni Farad na ibinaling ang tingin kay Ali. "Who stole it?"


"We don't know." Umiling si Ali. "It just magically came into her parcel mailbox in a package."


"Huh?" Nabalik ang pagkagulo sa kanyang ekspresyon. "What do you mean?"


"It literally means what I said. It's in the parcel mailbox and we don't know who sent it."


Hindi nagbago ang ekspresyon ni Farad na parang hindi pa sapat ang paliwanag na ibinigay ni Ali. Wala naman na kaming maibibigay na ibang paliwanag kaya ano pa ang masasabi namin sa kanya?


Napunta ang tingin niya sa akin. Lukot pa rin ang ekspresyon niya dahil siguro sa hindi niya kami maintindihan. Pero nabakas ko ang ibang emosyon sa mga mata niya. She turned hostile to us.


Bumalik ang tingin niya kay Ali pero hindi nagtagal 'yun at binalik rin sa akin. Tapos, binalik niya ulit kay Ali.


"Did you two plan this?" bigla niyang tanong.


"What?" Agad na nag-alab ang dibdib ko sa galit. Matagal na akong naiinis sa Committee pero iba na talaga ang inaabot ng inis ko ngayon nang dahil sa head na kaharap namin ngayon. "You think we planned this?" I asked, more like an accusation rather than an actual inquiry.


"How else can this happen just like that?" she asked back. "Why would your work come back just like that? In a box delivered to your parcel mailbox?"


"We don't know either, okay?" inis kong balik.


"Was it really stolen in the first place?" Tinignan niya si Ali tapos bumalik sa akin ang galit niyang tingin. "Or you two just want attention?"


"Ano bang problema mo—" Nagtangis ang bagang ko at lalapit na sana sa kanya pero hinawakan ni Ali ang balikat ko.


"LJ." Ali gave me a warning look, his grip tight on my shoulder. I rolled my eyes, glaring at the girl in front of us.


Bumuntong hininga si Farad at pasalampak na umupo sa swivel chair niya. "My problem is you two wasting the time and effort of the Committee."


"This is our effort. You rarely did a thing," I spat.


"Because we have limited time. And you're even wasting our time with this."


I scoffed, shaking my head in disappointment. "Ewan ko sa'yo."


So, inadmit nga talaga nila na wala silang ginawa sa case ko. Tapos napunta pa sa'min ang sisi dahil iniisip niya na plinano namin ito.


"It was really missing, Farad," singit ni Ali, nagpapaliwanag. "We can't just hide it then involve everyone. Dinala namin 'yan sa dome hall. Alam ng mga butlers 'yun. Then, us, nominees, saw it displayed. And then it was stolen."


"Hm..." Pinag-krus ni Farad ang mga braso niya sa tapat ng kanyang dibdib at pabalik-balik ang mata na tinignan kami ni Ali. Sinusuri niya kami pero hindi ko makita sa mata niya na natutuwa siya o naintindihan niya ang dahilan namin. "Okay."


Hindi kumbinsido ang tono niya. Halata rin na hindi siya naniniwala sa kwento namin dahil nanatili ang mapanghusga niyang tingin. Tinarayan ko nga rin ito at namewang sa harap niya.


"So what are you going to do now?" tanong ko.


"Tell the director," she said, like it's the most obvious thing in the world. "What else do you want us to do?"


"Find out who did it."


Natawa ito at lumayo sa pagkakasandal sa kanyang upuan. "LJ, read that." Tinuro niya ang pader sa kanan namin kung saan nakalagay ang pangalan ng Committee sa pader. "'Artworks Lost and Found Committee'. It doesn't say 'Police Station'." Ngumisi ito na parang nagyayabang sa sinabi niya. "Do you think we can do what you want us to do?"


I looked away, rolling my eyes. "Pwede namang sabihing hindi eh."


Inilapit muli nito ang swivel chair sa kanyang desk at hinarap ang kanyang laptop. "Umuwi na kayong dalawa. Tutal, you're work is finally found."


Bumuntong hininga si Ali at sinulyapan ako. "Thanks."


Binitbit na muli ni Ali ang kahon at dinala namin 'yun palabas. Sinarado ko nang malakas ang pinto ni Farad nang iwan namin siya. Sa galit ko, nagpapadyak akong naglakad sa tabi ni Ali pabalik sa aking dorm.


Nang makapasok sa dorm ko, sumigaw ako sa inis at sumalampak sa sofa sa living room.


"They're really useless!"


Ali placed the box down on the coffee table, sitting down beside me. "She's just right, LJ. This is outside their scope."


"Kapag nahanap na, wala na? The issue doesn't end there at all," I hissed. "Kaya maraming nawawala rito, eh. Hindi nila hinahanap ang mga salarin. Once an artwork is found, its done."


He gave me a stare of understanding. "Yeah, it's frustrating. But there are risks and I don't think capable sila on doing that on every theft case here."


I clicked my tongue, rolling my eyes. "Right."


I heard him releasing a breath before he pulled me in for a hug, letting me rest my face on his chest. "Why don't you take her advice? Go home to your parents. Magpahinga muna tayo."


I grunted on his chest. "Bakit ba kasi nangyayari 'to?!"


I felt his hand on my back, patting it gently. "This'll end." Hinalikan nito ang noo ko na ikinatingala ko sa kanya. "Now, let's go pack up."


Frowning, I turned my head to its side, looking at the box on the coffee table. "I'll take that doll to my parents."


"I'll help you."


Sa kabila ng inis, napangisi ako nang may maisip. Lumayo ako sa yakap ni Ali at tinignan siya nang diretso sa mata. "You want to meet them?"


"Huh?" Tumaas ang dalawa niyang kilay.


"My parents." My smile turned more playful. "You should meet them."


✞ £ ✞


"Thanks, Nurse Luna, for letting me use this greenhouse," pasalamat ko sa katabing nurse na lumilinga sa paligid.


"Always welcome. Hindi naman ito ang first time na may nag-request nito," aniya.


Nilibot ko ang paningin sa buong greenhouse at pinanood ang ilang taong ginagayak ang mga manikang dinala ko. Nahanap ng mata ko si Ali na hindi mapakali at siyang namumuno sa pag-aayos ng mga glass cases at kung saan ipoposisyon ang mga stool kung saan ipapatong ang mga iyon.


"But, ikaw ang pinakamaganda ang hinandang ganito." Kita ang mangha sa mata ni Nurse Luna habang tinitignan ang paligid at tuwing mahahanap ng mata niya ang isa sa mga gawa kong manika. "You're parents are gonna love this."


Mas lumawak ang ngiti ko. "Thanks. This wouldn't be possible without your help."


"We adhere to requests especially for those patients na—" Nurse Luna cut her words, realizing what she said. Nilingon niya ako nang ang mata ay puno ng pagpapaumanhin. "Sorry."


"No, its fine." Umiling ako at ngumiti sa kanya. "We both know they're not well."


Nagpakawala ito ng hininga. "I'll go check on them." She gave me an apologetic smile. "Maiwan ko muna kayo."


"Okay." Tumango ako at pinanood siyang lumabas ng greenhouse.


This greenhouse is a really special place dito sa hospital. Mostly kasi ng mga pasyente sa hospital na ito ay puro respiratory health problems ang kondisyon kagaya nila Mama. So, to help on their treatment, they have this greenhouse. Bukod sa maganda na ito, nakakatulong pa sa mga pasyente.


Madalas ginagamit ang greenhouse para sa mga requests ng mga pasyente na ganitong event kagaya ng ginagawa ko. I remember, Mama and Papa attended a birthday for a girl na cancer patient din. Dito 'yun ginanap para nasa hospital pa rin and at the same time, dreamy ang paligid.


Its my first time organizing something this big for my parents here in this greenhouse garden. Noon kasi ay malaya pa silang nakakalabas kahit paminsan-minsan. Ngayon, hindi na.


Masaya ako kasi naging posible na ito lalo na't nasa akin na muli ang obra ko. Maipapakita ko na rin ito sa mga magulang ko here in this special place. Kaso, syempre, hindi nawawala 'yung isipin na kaya nandito kami sa magandang garden na ito ay dahil lumalala na lalo ang lagay nila. Tapos, dumagdag pa na may iniisip pa ako tuwing titignan ko ang obra maestra kong ninakaw na nasa gitna ng greenhouse.


I shook my head, releasing a long breath. I should stay positive kahit ngayon lang. Espesyal ang araw na ito. Sa susunod na ako mag-o-overthink.


Lumapit ako kay Ali na pinapanood ang ilang mga taong hinire namin para mag-ayos. Nang maramdamang palapit ako, napunta sa akin ng tingin niya at napangiti.


"How's everything?" tanong ko sa kanya.


"Good." He smiled. "Is the arrangement okay?"


"Its really beautiful." Nilibot ko ang paningin sa paligid bago ibalik sa kanya ang tingin ko. "Ikaw ba, okay lang?"


With pursed lips, he inhaled deeply. "Yeah."


Napangiti akong lalo at nailing. Inayos ko ang kwelyo ng button-down niyang nasa ilalim ng isang knitted vest na nagulo sa pag-aasikaso niya sa lahat. Kaso, kahit sabihan ko naman sa kanya na huwag na mag-abala na asikasuhin ang lahat, hindi talaga siya mapakali.


Tinanggal ko ang unang butones ng button-down niya dahil ako ang nasasakal sa kanya. "Don't be too nervous. They're cool parents."


Tinitigan niya lang ako. Mukha namang naniniwala siya pero hindi pa rin nawala ang kaba niya. "Remind me again from time to time."


Natawa akong muli sa kanyang turan. "Okay."


Tatlong araw din naming pinaghandaan ang gagawin naming ito. At kasama sa paghahanda na 'yun ay ang pagkumbinsi ko kay Ali na makilala ang mga magulang ko. Nahihiya siya pero pinilit ko siya dahil minsan lang naman ang opportunity na ito. Gusto ko kasi talaga siyang ipakilala sa parents ko.


What happened in the Committee office three days ago was an upset. Masama pa rin ang loob ko kila Farad. Tapos, when the director called me to congratulate me on finding my artwork, mas lalo lang akong nainis.


I've been stressed out since then but at least today, I'll relieve it for a while. I've been looking forward to this day and it's finally happening. Ayoko man ng mga nangyari before this, at least I can distract myself for a while.


Nang masiguro na okay na ang lahat, dinala ko na si Ali paalis ng greenhouse para sunduin ang parents ko at dalhin sila rito. Hawak ang kamay ni Ali na mahigpit ang kapit sa kamay ko, tinahak namin ang daan papunta sa loob ng hospital.


"Relax, Ali," medyo natatawa kong sabi sa kanya at hinimas ang kanyang braso. "Hindi sila nangangain."


"But, aren't they strict?" he asked, his voice almost a mumble. "I read articles online."


Pinigilan kong mapangiti sa sinabi niya. "That's when they do their job. Gano'n talaga sila as film directors but hindi sila gano'n when it comes to me." I tapped his arm. "So, loosen up. Ako bahala sa'yo."


Nilingon niya ako at nabakas ko sa mata niya ang kaba. "Totoo, ah."


I pursed my lips to contain another smile. "Oo, promise." I fought so hard para hindi matawa at mas lalo siyang kabahan. Idinikit ko ang ulo ko sa balikat niya habang patuloy kami sa paglalakad sa pasilyo ng hospital. "Don't worry. Nandito ako."


Nang makaliko kami sa pasilyo kung nasaan ang kwarto nila Mama, nakita kong kalalabas lang ni Nurse Luna. Nang makita kami, malawak ang ngiti na sinalubong niya sa amin.


"They're ready to go," anunsyo niya nang papasok na kami ni Ali sa kwarto.


"Thanks," pasalamat ko sa nurse. "I'll take it from here."


Tumango ang nurse. "Tawag ka nalang if anything happens." Tinapik nito ang aking balikat. "Enjoy the day."


Pinanood namin siyang makalayo bago kami humarap ni Ali sa pinto. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Umangat ang balikat niya nang humugot siya ng malalim na hininga at mabagal itong pinakawalan. Pinanood ko lang siya hanggang sa matapos siya.


"Okay ka na?" tanong ko.


Nilingon niya ako nang tikom ang mga labi tsaka tumango. Bakas pa rin ang kaba sa mga mata niya sa likod ng kanyang salamin. Hindi ko nalang ito pinuna at sinuklay ang buhok niya para bawasan ang takot niya.


Nang abutin ko ang doorknob, inayos niya ang posture niya at nang pihitin ko ito pabukas, binitawan na niya ang kamay ko at umayos ng tayo. Hinayaan ko nalang siya at binuksan ang pinto.


Sumalubong sa amin si Mama at Papa na ready ng lumabas. May dalawang nurse na nandoon at inaasikaso ang oxygen tanks nila. Nang bumukas ang pinto, lumingon silang lahat sa direksyon namin.


"Hi, Mama, Papa," bati ko at agad silang nilapitan.


"Hi, baby," bati ni Mama at ibinuka ang kanyang mga bisig para sa isang yakap.


"Hi, Lily," bati naman ni Papa nang halikan ko siya sa pisngi niya at siya naman ang yakapin. "How are you?"


Malawak ang ngiting binigay ko sa kanya. "I'm fine."


I'm half lying, half not. Ayos na ako dahil nakita ko na naman sila. Medyo bumabalik na ang kulay nila pero mapayat pa rin sila. But they look better than when I last saw them at least. Hindi lang ako ayos kasi ang dami ko pa ring kakaharaping problema paglabas ko ng hospital na ito at pagbalik ng school.


"Oh, you have a guest." It was Mama who first noticed Ali's presence.


Dahil sa sinabi ni Mama, nilingon ni Papa ang bukana ng pinto kung saan nakatayo si Ali na parang tuod. Ang mga kamay niya ay nasa gilid niya at diretsong diretso ang tayo niya.


"Hi," bati ni Mama kay Ali at nginitian ito.


Sinulyapan ako ni Mama maging ni Papa. Nagtatanong ang mga mata nila. Si Mama ay nakangiti habang si Papa ay seryoso ang mukha. But it's not the hostile type of serious. It's rather civil, not really scary. Pero para sa akin 'yun. Hindi ko alam kung matatakot si Ali sa ekspresyon ni Papa.


Lumapit ako kay Ali at hinila siya papasok tsaka sinarado ang pinto. Hinarap ko ito sa parents ko na tinitigan siyang parang isang movie na nire-review nila.


"Ah, Ma, Pa. This is Ali. My..." I gave Ali a look.


Nang mapansin ang tingin ko, napunta sa akin ang puno ng nerbyos niyang mata. I raised my brows at him to emphasize my question. Tumikhim naman ito at umayos ng tayo.


"Friend...?" Nahihiya niyang sinulyapan ang mga magulang ko na kaharap namin.


Natawa ako sa sinabi nito. "You heard him," I turned to my parents, "my friend, Alistair Wy."


Yumuko nang kaunti si Ali sa mga magulang ko at nag-mano. "Hello po," magalang at nahihiya niyang bati.


Ang tingin nila Mama at Papa sa akin ay kakaiba at alam kong naiintindihan na nila ang nangyayari sa harapan nila. Tumango si Papa at nag-alok ng handshake kay Ali. Medyo nataranta pa si Ali pero tinanggap niya ito at nakipagkamay sa aking ama.


"Nice to meet you, Ali," Papa said, smiling. "My daughter's friend."


Sumulyap si Papa sa akin at kumindat nang pasimple. Natawa naman kaming pareho nang mahina.


Nang bawiin ni Papa ang kamay kay Ali, si Mama naman ang lumapit sa kanya at niyakap si Ali at idinikit ang kanyang parehong pisngi sa pisngi ni Ali na halatang hindi alam ang gagawin.


"Nice to meet you, Ali," nakangiting sabi ni Mama.


Dahil ready na sila Mama at Papa, lumabas na kami ng kwarto nila. Nakasunod lang kami sa kanilang maglakad habang inaalalayan ko silang dalawa. Nakapagitan ako sa kanila tapos si Ali ay medyo nauuna sa amin. Ang dalawa namang nurse na nasa kwarto kanina ay nakasunod sa amin.


"So, how did you and your friend meet?" pagbasag ni Papa sa katahimikan nang makalabas na kami sa kwarto nila.


Papa gave me a knowing look so I bit my inner cheek to contain my laugh. "He's a freshman in the Photography Department."


Tumaas ang mga kilay ni Mama sa aking sagot. She turned to look at Ali, asking a question. "How old are you?"


"Uhm... Eighteen," sagot ni Ali tsaka sumulyap sa akin. "Turning nineteen three months from now."


"Oh..." Mom nodded, lower lip jutted out.


"He's not a minor, Mama," I told my mother.


"I was just curious," dipensa niya.


I'd never hit on a minor even though I'm not that far from the legal age. It just doesn't feel right.


"So, do you film or just photography?" tanong ni Papa.


"I know how to but I'm more into photography," sagot ni Ali. Nakakatingin na siya nang diretso sa aking ama. A really great progress.


"He's a nominee, Papa," kwento ko. "The best in his department."


"On your first year?" gulat na tanong ni Mama.


Tinikom ni Ali ang mga labi niya at tumango. "Opo."


"Oh, you're great great," komento ni Papa. He nodded approvingly as he looked at the shy Ali. "What's your specialization?"


"Uhm, portraits, forensic and fine-art photography," sagot ni Ali.


"Forensic? That's interesting." Tumango tango si Papa, a gesture he does a lot kapag may nahanap siyang nakapukaw ng interest niya. "Are you in practice?"


"Still in training."


Tumango muli si Papa. Napansin ko ang pagbaba at pagtaas ng tingin niya sa kabuoan ni Ali na parang inoobserbahan ito. Wala naman siyang kinomento at hindi naman sumama ang ekspresyon niya.


"Do you take pictures of Lily?" biglang tanong ni Mama.


Sumilay ang ngisi sa labi ko sa narinig na tanong. Si Ali naman ay nakita kong namula at tinikom ang bibig. Hindi na ito makatingin nang diretso.


"Ali, tinatanong ka," I said.


Sinulyapan niya ako. Para siyang isang batang nahuli sa isang kalokohang ginawa. Naitikom niya nang mariin ang bibig bago sumagot sa aking ina.


"Sometimes..." nahihiya niyang sagot sa mahinang boses.


Tumaas ang kilay ni Papa sa naging sagot ni Ali pati na rin ang reaksyon nito. "What for?"


Nagkatinginan muli kami ni Ali. Kabado na naman siya kaya ako nalang ang sumagot kay Papa. Naiba rin kasi ang tono nito at medyo seryoso na.


"He helps me in making my doll. He takes reference photos for me," paliwanag ko.


Binigyan na naman ni Papa ng tingin si Ali at inobserbahan ito. Si Ali ay sinalubong lang ang tingin niya at halos manginig na sa takot. Buti composed siya kaya hindi naman siya bumigay.


"Actually, he helped me set up something for you today," bawi ko na ikinalingon ni Papa sa akin.


"What is it?" nakataas ang kilay niyang tanong.


Lumawak ang ngiti sa aking labi. "A mini exhibition of my works."


I heard Mama squeal silently, holding my arm and squeezing it weakly with all the strength she has. "Finally, it's here!"


"Hmm..." Tumangong muli si Papa at sumulyap kay Ali. "Do you like her works?"


Sa tanong na iyon, nawala na ang hiya ni Ali. "I love it."


Napunta ang tingin ni Ali sa akin. Napangiti lang ako lalo at kinindatan siya. He looked away at that and I saw him wiping his mouth dry, hiding his smile.


I saw Mama and Papa shared a look. They both glanced a me and I just gave them a grin. Wala na silang sinabi at pareho lang na napangiti.


Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa greenhouse. Si Ali ang humawak sa pinto ng greenhouse habang kami nila Mama at Papa ay hinintay na buksan niya ito.


"Ready?" I asked both my parents.


Mama was giddy so she answered like a kid, almost jumping. "Yes!"


Natawa si Papa sa naging reaksyon ng asawa. Tumango lang ito kay Ali na hinihintay ang sagot niya. Nang makuha ni Ali ang tango ni Papa, tinulak na nito pabukas ang pinto sa greenhouse.


The light bathed us along with the smell of fresh plants and flowers. We slowly made our way inside and I guided my parents until we got to the center of the greenhouse where my works are.


Marami ang nakaayos na manika ko na nakapalibot sa paikot na gitna ng greenhouse pero hindi na naalis ang tingin nila Mama sa isang partikular na gawa ko. In the center of the greenhouse, the doll we've been looking for is located. Its back on its glass case, kneeling again like a devoted angel.


Mula sa glass na bubong sa gitna ng greenhouse, pumasok ang mga sinag ng araw na diretsong tumama sa glass case ng manika. The sunlight travelled down and when it hit the crown of the doll inside, light scattered and a set of wings formed on the back of the doll.


This is the effect I was trying to achieve. Ito sana ang makikita ng mga tao sa exhibit sa Museum kung hindi lang ninakaw ang manika ko. Ito sana ang kamangha-manghang tanawin na makikita ng lahat kung hindi nila ako pinalitan as centerpiece.


Mama gasped audibly, and she even placed a hand over her mouth that is agape. Si Papa ay hindi naalis ang tingin sa manika at ang mga mata ay nagniningning na parang pati roon ay nagre-reflect ang sinag ng araw.


"Lily..." Mom couldn't even take her eyes away from the doll. Nang lingunin ko siya, nakita ko ang isang luhang tumulo sa mata niya.


Agad ko siyang inakbayan at maingat na inilapit sa aking dibdib. I felt her relaxing in my arms as she still couldn't take her eyes off the doll.


Naramdaman ko ang braso ni Papa sa balikat ko. When I turned to him, he was looking at me proudly. Yumakap na rin siya sa amin ni Mama tsaka binalik ang tingin sa obra maestra kong nasa harap nila.


In the side, I saw Ali watching us. Ang kamay niya ay kabababa lang. Doon ko lang napansin na may hawak siyang maliit na camera. He was smiling from ear to ear. His gaze was solemn and warm. Ang mata niya ay nasa amin lang. It's like, in his eyes, the sight of me and my parents is the best art he's seen.


Nagtagal kaming ganoon lang. Hinayaan ko sila Mama na lapitan ang glass case at obserbahan pa lalo ito sa malapit. Kahit gaano nila katagal tignan ang gawa ko, hindi nagbabago ang mangha na nakikita ko sa mga mata nila.


"It's beautiful," Mama whispered.


"This is... art," it was Papa.


Hinayaan ko sila Mama at Papa na titigan ang gawa ko. Pinakanagtagal sila na tignan ang nasa gitnang manika. Medyo nakalimutan na nga nila na may iba pa akong hinanda. Buti ay medyo nawala ang sinag ng araw kaya naantala ang light show. Noon ay tsaka palang sila lumipat sa ibang gawa ko at 'yun naman ang tinignan.


Nilapitan ko si Ali at tumabi sa kanya habang pinagmamasdan namin ang mga magulang ko. He's taking pictures of them with his camera. Kasya sa bulsa ang camera at mukhang doon niya nilagay 'yun kaya hindi ko alam na may dala siya.


"How are you?" tanong ko kay Ali.


Binaba niya ang camera matapos kuhanan ng litrato ang mga magulang ko. Nilingon niya ako at nginitian. "I'm doing great."


Kusang ngumiti ang mga labi ko. Idinantay ko ang ulo ko sa balikat niya at bumulong sa kanya. "Thank you, Ali."


He rested his head gently on mine. "You're always welcome."


Pinanood lang namin ang mga magulang ko. Siya ay siyang siya sa pagkuha ng litrato. Pinakita niya sa akin ang mga kuha niya at nakita kong kung gaano kapuno ng emosyon ang bawat picture na kuha niya. It was a memory that is alive.


Habang pinapanood ang mga magulang ko na nag-uusap habang sinusuri ang gawa ko, nag-vibrate ang phone ko na nasa aking bulsa. Iniwan ko muna si Ali at lumayo dahil may tumatawag sa akin.


Nilabas ko ang aking cellphone at tinignan ko kung sino ito. It was an unknown number. I debated whether I should answer it or not. I don't just give my personal number to anyone kaya nakakapagtaka kung sino ito.


Para masagot na ang tanong ko, sinagot ko na ang tawag at inilapit ang cellphone sa aking tenga.


["Hello, Miss Salvador,"] matigas ang tono at seryosong seryoso ang bati ng tumatawag nang sagutin ko ito.


"Director Claremont?" Nagsalubong ang kilay ko nang mahimigan kung sino ang nasa kabilang linya. "Why are you calling?"


I heard her take a breath. ["I want you and Mr. Wy here in my office immediately."]


Mas lalong nalukot ang mukha ko. "Why?" tanong ko. "I'm visiting my parents."


["Good timing. Bring them here because this is regarding Miss Dimasilang's case. I need to hear what you two have to say right now. And I want your parents present after."]


✞ £ ✞


Continue Reading

You'll Also Like

29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
530K 11.8K 25
"I am a fool for letting you go,and I won't do the same mistake again. Push me, run away from me, it won't change the fact that this time...I intend...
1.8M 25.3K 35
Laki sa hirap si Xy at dahil doon ay isa lang ang gusto niya sa buhay: Ang yumaman at magkaroon ng maginhawang buhay. Kaya nang biglang dumating sa h...