Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.1K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Wakas

Kabanata 27

25 2 0
By imangelaxwp

KABANATA 27

Sa kabila ng mga nangyayari ay may isang lalaking kalmado na paakyat ng lumang gusali ngayon. Mas bumilis ang takbo niya nang marinig si Pacifica na isinisigaw ang pangalan ni Kimberly. Nagulat ang tatlong tao na kasama ni Pacifica nang masaksihan ang pagtalon ng lalaki.

Niyakap niya si Kimberly at sumabay sa pagpapatihulog nito. Kaagad niyang ipinuwesto ang katawan ni Kimberly sa kanyang ibabaw para hindi ito masaktan kapag nahulog sila. Nawalan na ng malay si Kimberly kaya hindi nito alam na may nagligtas pala sa kanya.

Sa kabutihang palad ay nahulog sila sa isang basurahan. Puro damo ito kaya hindi sila nasaktan sa pagbagsak. Ilang minuto silang nasa ganung posisyon hanggang sa dumilat ang mga mata ni Kimberly. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang taong nakayakap sa kanya ngayon.

"Ikaw?! Bakit?! Bakit mo ako niligtas?!" naguguluhang tanong ni Kimberly. Inalis ng lalaki ang mga kamay niyang nakayakap kay Kimberly at inalalayan siyang umupo.

"It's my duty as the first Baron of Pacifica. Hahayaan ko bang mahulog ang assistant ng ating executive," sagot ng lalaki.

"Andrés!" Napalingon silang dalawa kay Casano na kadarating lang.

"Nasa rooftop siya. Bilisan mo dahil nawalan na siya ng malay. Kailangan siyang madala sa ospital kaagad!" saad ni Andrés. Nagmadali naman si Casano na tumakbo paalis nang marinig ito.

"Ikaw ang unang Baron?" nagtatakang tanong ni Kimberly. Ibinalik muli ni Andrés ang tingin sa kanya.

"Yes, I am," nakangiting sagot naman ni Andrés. Napayuko naman si Kimberly at niyakap ang sarili.

"Dapat lang sa akin na mamatay. Ako ang may kagagawan ng paglason sa maraming estudyante noon. At ngayon, inulit ko na naman ito kaya malamang nahihirapan na sila ngayon," lumungkot ang boses ni Kimberly. Hindi na niya napigilang umiyak nang maalala ang ginawang kasamaan sa lahat ng estudyante.

Tinapik naman siya sa balikat ni Andrés para pakalmahin.

"Huwag kang mag-alala. May pinainom na silang antidote sa mga nalason. Malamang nagpapagaling na sila ngayon." Gulat siyang tinignan ni Kimberly nang marinig ang sinabi ni Andrés. Tumigil ito sa pag-iyak saka pinunasan ang mga luha sa mukha.

"Totoo ba yan?" hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Hindi na namin hahayaan na maulit pa ang nangyari noon. Wala ng mamamatay na estudyante."

Nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot ni Andrés. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib. Marahil ay matagal na niya itong kinikimkim. Sa loob ng tatlong taon ay puro kasamaan ang nasa isip niya. Hindi naman talaga siya papatay ng ganun karaming estudyante kung hindi lang namatay si Kiro. Hindi niya namalayan na ang pagkapatay ng minamahal niya ang nagsilbing daan para umabot sa kasukdulan ang kasamaan niya.

Paghihiganti. Ito naman talaga ang tunay na pakay niya. Kinokontra lang ito ng kanyang utak at inisip na apo siya ni Crus Alphano kaya niya ito nagawa. Minahal ng puso niya si Kiro. Ang nag-iisang lalaki na minahal niya ng tunay.

Nang malaman niya ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Kiro ay labis siyang nagsisi. Ang lason na inimbento niya ang nakapatay sa lalaki. Hindi niya matanggap na ang regalong ibinigay niya ang tatapos sa buhay ni Kiro. Sa huli ay napagtanto niyang siya ang may kasalanan ng lahat. Buong buhay niya, pinaniwala niya ang sarili na si Pacifica ang pumatay kay Kiro ngunit ang mga kamay niya lang pala mismo ang totoong salarin.

Gusto na niyang tapusin ang kanyang buhay. Sumunod na lang sa kabilang buhay at humingi ng kapatawaran kay Kiro. Sobrang sakit ng katotohanang ito na parang sinasaksak parin ang puso niya hanggang ngayon.


(MAGI'S POINT OF VIEW)

Tatlong araw na sila dito sa ospital at hindi parin nagigising. Nag-aalala na tuloy kami na baka tuluyan na silang ma-comatose na dalawa.

Naglalakad ako ngayon papunta sa room nila Senpai at Zeta. Iisang kwarto lang sila tutal may kalakihan din iyon. Pinili naming ilagay sila sa iisang lugar para mabantayan namin silang pareho.

Pagkarating sa pintuan ay nag-inhale exhale muna ako para humugot ng lakas. Hinawakan ko ang door knob at binuksan ang pinto. Bumungad sakin ang magkapatid na sina Casano at Apolo na parehong tulog. Sila ang nagbabantay mula umaga hanggang gabi. Sila mismo ang nagboluntaryo kaya hindi na kami umangal.

Tig-isa ng babaeng binabantayan, palibhasa mga future girlfriend nila ito. HAHAHA.

Ako naman ang tagahatid ng pagkain nila dahil hindi na nila nagagawang bumaba pa para magtungo sa cafeteria. Ang titigas ng mga ulo. Malamang kapag nalaman ito ng dalawang babaeng binabantayan nila ngayon ay mapapagalitan talaga sila. Paano nila mababantayan ng maayos sila Senpai kung pinababayaan naman nila ang kanilang mga sarili...

Umupo ako sa may gilid at pinagmasdan ang mga mukha nila Senpai at Zeta na wala paring malay.

"Orange yung pinapabili ni Magi!"

"Hindi, Mandarin kaya!"

Kumunot ang noo ko sa ingay na nanggaling sa labas. Bumukas ang pintuan at iniluwal nito ang kambal na sina Roman at Paris. Nagtatalo na naman sila at walang pakialam sa paligid. Nasa likuran naman nila si Ivy na halatang naiinis na sa inaasta ng kambal. Sabay niyang pinalo ang batok ng dalawa at pinandilatan ng mata. Napakamot naman sa ulo ang kambal nang dumaan ito sa gitna nila.

Umupo si Ivy sa tabi ko. Napalingon ako sa isa pang kadarating lang na si Andrés. May hawak siyang dalawang bouquet of flowers. Inilapag niya ito sa mesang pinagigitnaan nila Senpai at Zeta. Naks, ang sweet niya talaga. Wala nga lang lovelife.

Nagising naman pareho ang dalawang lalaki na tulog. Nilingon nila kaming lima na nakaupo ngayon sa gilid. Halata ang stress sa mga mukha nila, kulang na lang maging zombie. Hays. Kelan ba kayo magigising Senpai? Baka paggising niyo, ito namang sina Casano at Apolo ang maospital.

"Kumain na muna kayo. Kami na muna ang magbabantay sa kanilang dalawa," panimula ko.

Hindi sila sumagot. Nilingon muna saglit ni Casano ang natutulog na si Senpai saka tumayo.

"Ikaw din Apolo." Nginitian lang ako nito at ibinaling ang tingin kay Zeta. Mabuti pa yung kapatid niya marunong makinig.

"Look! Gising na si Senpai!" biglang sigaw ni Roman na ikinagulat naming lahat. Agad naman kaming nagsilingunan kay Senpai na totoong gising na nga. Napatayo kaming lahat at nilapitan siya. Para kaming nabuhayan nang makita ang nakadilat niyang mga mata ngayon.

"You're awake," parang maiiyak na si Casano sabay hinawakan ang pisngi ni Senpai.

"Senpai, huwag mo na ulit gagawin yun ah. Huhuhu," sabat naman ni Roman.

"Oo nga. Pasensya na hindi ka namin natulungan kaagad. Ayan tuloy, napahamak ka pa," dagdag ni Paris.

"Sino kayo?" Napanganga kaming lahat maliban kay Casano. Nataranta kami sa tanong niyang ito.

"Senpai, hindi mo na kami kilala? Nabugok ba yung ulo mo? Akala ko ba nasaksak ka lang!" bulalas ni Roman.

"Ako to, yung gwapo mong Baron!" sabat naman ni Paris na tinuro pa ang sarili. Pareho kong tinampal ang bibig nilang dalawa.

"Puro kayo biro!" sita ko sa kanila na syang nagpatahimik sa kanila. Narinig namin ang mahinang pagtawa ni Senpai. May tinatago rin pala siyang kalokohan. Napangiti na lang ako dahil mukhang maayos naman na siya.

"Kamusta na ang pakiramdam?" tanong naman ni Andrés.

"Fine, I guess. Pang-ilan ko na bang buhay ito," mahinang sagot ni Senpai ngunit rinig namin ito.

"Naks! Parang pusa lang e, may siyam na buhay," biro ni Ivy.

"Mabuti na lang nagising ka na kung hindi ay susunod talaga ako sayo," nag-aalala pero may halong birong sabi ko.

Ngumiti naman siya ngunit napalitan din kaagad ng lungkot nang mapansin niya ang taong nakahiga malapit sa kanya.

"Kamusta si Zeta?" Pinilit niyang bumangon kaya inalalayan siya ni Casano. Pinagmasdan namin ang nakapikit parin na si Zeta. Nakatulog ulit si Apolo na nasa paanan niya. Hindi na rin siguro niya nalabanan ang matinding antok.

"Hindi pa siya nagigising. Nabaril siya ni Leona sa kanang balikat. Maraming dugo ang nawala sa kanya tapos sinamahan pa ng panghihina ng resistensya ng katawan niya dahil ilang araw silang hindi pinakain," malungkot na sagot ko.

"She's strong." Napalingon kami kay Andrés nang magsalita ito.

"Kaya wag na kayong mag-alala. Magigising din siya."

Dalawang araw matapos magising si Senpai ay nadischarge na rin siya. Kahit na kagagaling sa ospital ay agad siyang bumalik sa office para asikasuhin ang papeles ni Kimberly. Aalis muna kasi siya at magpapakonsulta sa isang Psychiatrist. Desidido na kasi siyang magpagaling at magbagong buhay. Sinuportahan siya ni Senpai kaya siya na mismo ang umasikaso nito.

Humingi na rin ng tawad si Kimberly sa lahat ng estudyante na naging biktima ng lason. Kahit na nahihiya ay nilakasan niya ang loob para harapin ang mga ito. As usual, galit ang mga ito sa kanya. Hindi naman kasi kaagad na magbabago ang tingin nila sa kanya. Muntik na silang mamatay kaya ganon na lang ang pagkamuhi nila kay Kimberly.

Tungkol naman kay Leona, kasalukuyan parin siyang kinakausap ng mga higher officials ng eskwelahang ito. Wala pang parusa na ipinapataw sa kanya pero nasisiguro kong magiging mabigat ito dahil naging parte siya ng Black Org at isa sa mga lumason sa mga estudyante. Sa katunayan, lahat ng kasali sa planong iyon ay mapaparusahan.

It's either mapapaalis sila sa eskwelahan o bibigyan sila ng mahihirap na tasks. Hindi napaalis si Kimberly dahil si Senpai mismo ang nagkumbinsi sa mga officials na huwag siya papaalisin. Alam ni Senpai na nasaktan lang si Kimberly kaya niya yon nagawa. At isa pa, wala namang namatay na estudyante. Pagbalik ni Kimberly ay bibigyan siya ng task para bumawi sa mga kasalanan niya.

Mabalik sa kasalukuyan...

Magkasama kami ni Senpai ngayon na naglalakad papunta sa gate ng school. Natanaw namin si Kimberly na kanina pa kami hinihintay. Nakatayo siya at nakasandal sa sasakyan.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit.

"Magpapagaling ka ah." Hinimas-himas ko ang kanyang likuran.

"Oo naman. May duty pa ako sa Red Org tsaka madami pa akong kailangang gawin para sa mga estudyante ng eskwelahang ito," nakangiting saad niya.

"Hihintayin ka namin," sabi naman ni Senpai at nagyakapan silang dalawa.

"Kung may maghihintay talaga sa akin. HAHAHA!" biro ni Kimberly.

"Ops! Meron syempre, hihintayin ka ni Andrés! Yiee!" panunukso ko naman saka siniko siya. Magmula nang malaman ko na si Andrés ang nagligtas sa kanya, ay naku walang araw na hindi ko sila tinutukso pareho. May pa 'utos ni Pacifica' pang sinasabi si Andrés e chuma-chancing lang naman ata siya kay Kimberly noon.

"Puro ka kalokohan. Oh siya aalis na ako baka mahuli pa ako sa flight. Ibigay niyo na lang kay Zeta ang sulat ko tutal hindi ko na maabutan ang paggising niya," paalam ni Kimberly. Muli namin siyang niyakap bago siya pumasok sa loob ng sasakyan. Kinawayan ko naman siya habang pinapanood na umandar ang sasakyan.

Nagtungo naman kami kaagad ni Senpai sa ospital nang masiguro na naming nakaalis si Kimberly.


(ZETA'S POINT OF VIEW)

Napamulat ako nang may maramdamang mabigat na nakapatong sa kaliwang kamay ko. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng silid kung nasaan ako at napagtantong nasa ospital pala ako.

Nilingon ko ang taong nasa tabi ko na kasalukuyang tulog. Si Apolo. Nakahawak ang kanang kamay niya sa kamay ko. Napangiti naman ako nang masilayan ang mukha niya. Halatang pagod ito. Hinawakan ko ang buhok niya at dahan-dahan itong hinimas-himas.

Nakita ko ang paggalaw ng mga kilay niya saka dumilat ang mga mata. Tila nabuhayan siya nang nakita ako. Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang minuto. Tahimik lang at hinayaan na pagmasdan ang isa't-isa. Mas lalo akong napangiti nang hagkan niya ang kaliwang kamay ko. Hindi siya nagsasalita ngunit ramdam ko ang tuwa sa tamis ng ngiti niya ngayon.

Nakahawak parin siya sa kaliwang kamay ko habang nakatingin sa akin. Masaya rin ako na makita siyang hinihintay ang paggising ko. Hindi ko alam kung ilang araw akong walang malay. Nangingibabaw ang tuwa sa puso ko dahil siya ang unang nakita ko pagkagising.

Bumukas naman ang pintuan at nakita sina Magi at Pacifica. Lumiwanag pareho ang kanilang mga mukha nang makita ako.

"Zeta! Huhuhu." Una akong nilapitan ni Magi na parang batang umiiyak. Yayakapin niya na sana ako pero pinigilan siya ni Apolo.

"Ayos na ako," saad ko naman saka bumangon. Itinaas ko ang aking mga kamay para ipahiwatig na yakapin niya ako. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ramdam ko ang sobrang pagka-miss niya sa akin.

"I miss you," mahinang sambit niya saka bumitaw na sa yakap namin. Napatingin naman ako kay Pacifica na nakatingin lang sa amin.

"Magpagaling ka kaagad. Bakante ang posisyon ng assistant kaya ikaw muna ang pansamantalang papalit kay Kimberly." Hindi ko kaagad naintindihan ang ibig nyang sabihin ngunit nginitian ko na lang siya bilang sagot.

Nagpaalam din sila kaagad dahil madami pa raw aasikasuhin. May magaganap daw na celebration party next week para sa mga estudyante. Icecelebrate daw ang successful na pagliligtas sa mga nalasong estudyante. Mabuti na lang nailigtas lahat, nagtagumpay kami.

Iniwan nila ang sulat na pinapabigay sa akin ni Kimberly. Saka ko na lang babasahin kapag nadischarge na ako. Kailangan ko munang magpalakas saka aalamin ang mga nangyari nang mga panahong wala akong malay.

Nang makaalis sila Magi ay tumabi bigla sa akin si Apolo na nakasimangot. Sobrang dikit niya sakin na kulang na lang ay magdikit na rin ang mga mukha naming dalawa.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko.

"Hindi mo ako inalok ng yakap kanina. Tapos si Magi---" Hindi ko na siya pinatapos pa. Niyakap ko kaagad siya para tumigil na sa pagrereklamo. Naramdaman ko ang higpit ng yakap niya na para bang matagal niya na itong gustong gawin sakin. Ramdam na ramdam ko ang pananabik sa yakap niya. Napangiti naman ako at hinayaan siyang yakapin ako ng ilang oras.

Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
13.6K 163 41
She stole something no one has ever stole no matter how hard they try. But, instead of getting locked up in prison... He got her locked up in his hea...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
52.4K 2.4K 40
[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of...