Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.1K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 26

25 1 0
By imangelaxwp

KABANATA 26

(OCEANĺA'S POINT OF VIEW)

"My name is Kimberly Yohannes Alphano. The only heir of Crus Alphano."

I heard that rumor before. Totoo nga ang kumalat na balita noon na baliw ang may-ari ng eskwelahang ito. Sinong mag-aakala na nagkaanak siya at nagkaroon ng apo? Magkadugo nga sila, parehong baliw kung mag-isip.

Nang unang pagtapak naming apat sa Assasino University, alam naming hindi magiging ordinaryo ang buhay namin dito. Walang normal dito. Lahat ay may tinatago. Nakipagsabayan man kaming apat sa pakikipaglaban, hindi iyon ang tunay naming pakay.

Pagbabago. Ito ang nais naming gawin sa eskwelahang ito na nagsilbing tahanan ng mga halimaw. Hanggat nandidito kaming tatlo, gagawin namin ang lahat para mapanatili ang kaayusan nito. Itinayo namin ang bawat organisasyon upang magsilbing proteksyon sa bawat estudyante. Hindi ko ninais na mag-away away ang apat na organisasyon. Gusto ko lang naman talagang matulungan ang lahat ngunit iba ang naging kinahinatnan ng mga desisyon ko noon.

Nawalan ako ng kaibigan. Kinamuhian ako ng lahat, itinuring na kaaway. Makalipas ang tatlong taon, dala-dala ko parin ang sakit na idinulot ng pagkamatay ni Kiro. Inako ko ang lahat ng mga paratang nila dahil ayokong kamuhian nila ang matalik kong kaibigan.

"Gusto mo ba talagang malaman ang totoo? Kung anong tunay na nangyari sa kaibigan mo noon bago siya tuluyang mabaliw?" Nilapitan ako ni Kimberly at hinawakan ang kanang pisngi ko. Hindi ko siya sinagot.

"Fine. Ikukwento ko na." Umupo siya sa sahig at hinarap ako. Napansin kong wala ng tumatama sa likod ko. Gusto ko mang lingunin kung sino ang taong gumagawa nito sakin ay isinawalang bahala ko na lang.

Itinuon ko ang buong atensyon kay Kimberly na tinititigan ako. Hindi ko pa lubos ma-proseso ang mga sinabi niya kanina ngunit may kasunod na naman siyang ikukwento. Hindi na kinakaya ng utak ko sa dami nito.

Pero desidido akong makinig dahil may kinalaman ito kay Kiro. Gusto kong malaman ang nangyari sa kaibigan ko nang mga panahon na wala kami sa tabi niya. Nararamdaman ko na naman ang matinding lungkot. It's been three years since you left us, Kiro.

"Gaya ng sinabi ko kanina, I'm the heir of the founder of this school. Katulad ko siyang baliw, basta ganon. Namana ko ang ugali ng lolo ko. Pero hindi lang yon, nakahiligan ko din ang pag-eexperiment. Sa katunayan, marunong ako pagdating sa paghahalo-halo ng mga chemicals. And most of the time, puro lason ang iniimbento ko." Bawat salitang binibitawan niya ay parang suntok sa mukha ko. Unti-unti ng nagkakalinaw ang lahat.

"Matagal na akong nag-aaral dito. Hindi niyo yon alam dahil ako ang apo ng may-ari ng eskwelahang ito. Itinago ko syempre ang tunay kong apelyido. Iilan lang ang nakakaalam nito. Originally, hindi parte ng plano ko si Kiro pero... nang malaman ko na magkapareho kami ng hilig, kinaibigan ko siya. Ipinaramdam ko sa kanya na mapagkakatiwalaan ako."

"Nagtayo siya ng organisasyon diba? Pero hindi ito tinanggap. Nalaman ng buong school ang pagiging nerd niya. Maraming nagreklamo at kinamuhian siya. Pilit siyang pinapaalis. Pinagtabuyan. Itinuring na mababang uri dahil naiiba siya sa lahat. Nagsimula na siyang panghinaan ng loob ng mga panahong iyon. Mag-isa lang siya lagi at nagkukulong. Walang kaibigan na dumating para kamustahin siya." Tuluyan ng nagsibagsakan ang mga luha mula sa mga mata ko.

"Iyon naman ang pagkakataon ko para kunin ang loob niya. Nagpanggap ako na taga-suporta niya. Hindi siya mahirap kausap. Ilang araw lang ay naging close kami. Nag-confess siya sakin, ako naman ay sumakay na lang dahil may pakinabang siya sa plano ko. Bilib ako sa inyong tatlo dahil kahit anong paratang ang sabihin ng iba, hindi niyo sinisi si Kiro sa mga nangyari noon. Guess what? Tama kayo! Hindi naman talaga niya kasalanan ang nangyaring paglason noon sa mga estudyante." Napaluhod na ako habang patuloy na umiiyak. Sobrang linaw ng pagkakarinig ko sa bawat salitang binibitawan niya. Anumang oras ay hahagulgol na ako ng iyak kapag ipinagpatuloy pa niya ang pagkukwento.

"AKO ang gumawa ng lason. AKO ang nagsulsol sa kanya na gumawa ng Loveshot poison. Siya ang kumumpleto sa formula na ginawa ko. AKO rin ang nanghikayat sa kanya na maghiganti sa mga umapi sa kanya. Naging sunud-sunuran siya sa akin dahil mahal niya ako. Nawala ang konsensya niya dahil tinanggal ko ito. Ginawa ko siyang HALIMAW na walang puso. Nilabag niya ang kaisa-isang rule ng eskwelahang ito dahil sakin! HAHAHA! ANG TANGA-TANGA NIYA DIBA?!"

"TAMA NA!" galit na sigaw ko. Sumikip ang dibdib ko at nahihirapan na ako sa paghinga. Tuluyan na akong humagulgol. GALIT. SAKIT. POOT. LABIS NA PAGSISISI. Gusto ko ng mailabas ang matagal ko ng kinikimkim na sama ng loob.

"AHHHHHH!!!" Patuloy ang pagsigaw ko habang nilalabas ang matinding galit na nararamdaman ko ngayon. Tila nawalan na ng kontrol sa sarili. Nagkanda sugat sugat na ang mga tuhod ko sa pagpipilit na matanggal ang tali sa mga kamay at paa ko. Napahiyaw ako sa sobrang sakit nang maramdaman ang pagtama ng matulis na bagay sa likod ko. Pinilit kong iniinda ang sakit habang itinatayo ang sarili.

Nilabanan ko ang mga titig ni Kimberly. May luha paring lumalabas mula sa mga mata ko. Paunti-unti akong naglakad papalapit sa kanya kahit na nakatali ang mga paa ko. Wala na akong pakialam sa dugo sa aking katawan. Nagkalat na ang mga ito sa sahig.

Ang kaibigan namin. Ang bunso saming magkakaibigan. Patawarin mo ako, hindi man lang kita natulungan. Patawarin mo ako, wala ako para damayan ka. Hindi ko natupad ang pangako ko sayong poprotektahan kita. Patawarin mo ako, hinayaan kong gamitin ka nila. Pinagsamantalahan nila ang talento mo. She manipulated you. I'm sorry, Kiro.

"I will KILL you," nagbabantang sabi ko habang palapit kay Kimberly. Hindi siya gumalaw sa pwesto at tila hinihintay ako.

"I will show you the most painful death that you deserve. You don't deserve his love." Sinampal niya ako ng malakas pagkatapos kong sabihin ito.

"Baka nakakalimutan mong ikaw ang pumatay sa kanya!" dinuro duro niya ako. Hindi naman ako natinag. Ipinakita kong walang epekto ang sampal niya.

"Hindi ko siya pinatay!" malakas na bulyaw ko. Apat na salitang matagal ko ng gustong ipagsigawan sa buong eskwelahan. Ang paulit-ulit na pagdidiin sa akin ng kasalanang hindi ko kayang gawin.

"Namatay si Kiro dahil sa lason! Lason na meron mismo sa katawan niya! Matagal ko ng gustong sabihin ito. Itinago ko ang katotohanan dahil ayokong madagdagan pa ang galit nila sa kaibigan ko. Inako ko ang kasalanan niya. Hinayaan kong ako ang sisihin nila sa pagkamatay ng napakaraming estudyante!" Napaatras siya nang marinig ito.

"Lason?? Anong ibig mong sabihin?! Sabihin mo anong lason ito!" Nanlalaki ang mga matang tinignan niya ako.

"Ang suot niyang relo. May nahalong lason dito. Ipinatest ko ang katawan nya noon kaya alam ko ito. Ako lang at ang doctor na nag-examine ng katawan niya ang tanging nakakaalam nito."

"Relo?!" Napatakip siya sa bibig dahil sa gulat. May tumulong luha mula sa mga mata niya, bagay na ipinagtataka ko.

"Bakit niya suot iyon? Ang tanga-tanga mo, Kiro! Alam mo namang may lason na natapon sa relong binigay ko sayo! Bakit mo parin sinuot ito?! KIRO, ANO BANG KATANGAHAN ANG GINAWA MO?!" sigaw niya habang umiiyak. Nakatingala siya at tila ba si Kiro ang pinagsasabihan niya nito.

Natulala lang ako nang masaksihan ko ang paghagulgol ni Kimberly sa harapan ko. Pakiramdam ko ay labis siyang nasaktan sa nalaman niyang ito. Kung ganon, may nararamdaman din siya para kay Kiro. Kitang-kita ko ang pagsisisi sa mukha niya. Sinampal niya ang sariling mukha ng ilang beses hanggang sa dumugo ang gilid ng labi.

"Bakit mo ginawa yon?" humihikbi niyang tanong at hinawakan ang dibdib.

Katulad ko ay naghihinagpis rin siya sa pagkamatay ni Kiro. Hindi ko man lubos maintindihan ang totoo niyang nararamdaman para sa kaibigan ko, natitiyak kong nasaktan din siya. Pareho kaming nagdadalamhati sa pagkawala ng taong minahal namin.

Pinanood ko siyang umiyak ng ilang oras. Nang mahimasmasan ay tumayo siya at tumalikod sa akin. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan nang umakyat siya sa makapal na harang ng rooftop. Nakatayo siya dito kaya nataranta na ako ng todo.

"Kimberly! Huwag kang tatalon! Alam kong nasaktan ka pero hindi yan ang solusyon!" Pinilit kong makalapit sa kanya pero nahihirapan na rin akong gumalaw dahil sa dami ng sugat na natamo ko. Narinig ko ang pagtakbo palapit sa amin ng mga taong hindi ko kilala. Sila siguro ang kanina pang nagpapatama ng matutulis na bagay sa likuran ko. Dalawang lalaki ito at babaeng kasama ni Kimberly kanina.

"Ms. Kimberly, huwag mo itutuloy ang binabalak mo," saad ng isa sa mga lalaki. Nakataas ang kanilang mga kamay para alalayan si Kimberly.

"Ano pa bang silbi ng buhay ko? Natapos ko naman na ang misyon ko sa eskwelahang ito. Gusto ko na ring magpahinga," nakangiti niyang sabi. Ibinaling niya ang tingin sa akin. Nagbago na ang ekspresyon ng mukha niya, hindi katulad kanina na mukhang baliw. Bumalik siya sa dating Kimberly na nakilala ko na maamo ang mukha.

"I forgot to tell you. Kiro once said to me that he admired someone. He said it's a girl. Hindi mo pa ba narerealized na ikaw ang tinuturing niyang kapatid? You were his sister, the one who treated him right. It was nice serving you until my last breath. Your assistant is now signing off, my dear executive. Sayonara (Goodbye)." Yun lang at ipinikit niya ang mga mata saka inihulog ang katawan.

"Kimberly!!!" malakas na sigaw ko nang makita ang ginawa niya. Nagdilim bigla ang paningin ko at tuluyang nawalan ng malay.


(ZETA'S POINT OF VIEW)

Tumatakbo kami pareho ni Apolo papunta sa kinaroroonan ni Pacifica. Kailangan namin siyang iligtas mula kay Kimberly. Hindi namin alam kung bakit rinig namin ang kanilang usapan mula sa mga speaker na nakakalat sa buong campus. May gumagamit sa mic ng eskwelahan at kasalukuyang nirerecord ang usapan nila Pacifica at Kimberly.

Ngayon ay naririnig ng bawat estudyante ang katotohanan sa likod ng mga masasamang nangyari sa eskwelahang ito. Nakita ko ang pagsisisi sa mga mukha nila nang mapagtantong walang kasalanan si Pacifica. Nasa Gym parin sila ngayon at kasalukuyang nagpapagaling na. Tahimik na nakikinig sa speaker.

Nagtataka naman ako kung bakit hindi pa dumarating si Casano para tulungan si Pacifica. Kanina pa namin siya hinahanap ngunit nawala na lang na parang bula.

"Apolo!" Napalingon kami sa taong sumigaw malapit samin. Kilala ko ang may-ari ng boses na ito. Si Leona.

*Bang!

Pagkalingon na pagkalingon ko ay bigla na lang akong nakaramdam ng sakit sa kanang balikat ko. Gulat akong napatingin kay Leona na nakatutok ang baril sa direksyon ko.

Hindi pa ako nakapagpahinga simula nang makalaya kami kaya ramdam ko ang panghihina ngayon ng aking katawan. Nawalan na ako ng balanse at tuluyang napahiga.

Naramdaman ko ang pagsalo ng kamay ni Apolo sakin. Lumalabo na ang paningin ko. Parang maiiyak na siya nang makita ko ang mukha niya. Hinawakan ko naman ang kanang pisngi niya tsaka ngumiti.

"Don't you dare die, Zeita!" natatarantang sabi niya. Binuhat niya ako saka nagsimula ng maglakad.

"Ang OA mo," biro ko naman na naging dahilan para magsalubong ang dalawa niyang kilay.

"Ayokong mawalan ng bride, okay?" inis na sabi niya. Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Ang korni mo."

"Papakasalan pa kita, Anndrew Zeita! Makikipagpatayan ako kay kamatayan para makapiling kita." Nagkatitigan kaming dalawa. Ang seryoso niya habang sinasabi ito. Ano bang ginawa ko para magustuhan niya ako? Hindi ko naman siya ginayuma. Nagkatitigan lang naman kami sa canteen noon. Napangiti na lang ako nang maalala ang una naming pagkikita. Talagang kung kelan nasa peligro na ang buhay ko, saka naman nagsisilitawan ang mga memories ko.

"Siguraduhin mong mabubuhay ka." Napapikit na ako nang maramdaman ang matinding antok. Sa wakas, makakapagpahinga na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
56M 989K 32
Join Lorelei and Loki as they unravel the threads of mystery, unveil the masks of evil intentions and put together the pieces of the puzzle in their...
42.9K 1.5K 52
"SHE WAS SOFT LIKE AN ANGEL BUT OH., SHE FIGHTS FURY OF A DEMON" A most popular Mafia organization.,with the most Mysterious leader., What if the fra...
8.1K 120 112
Tunghayan natin ang pakikipaglaban at pakikipagsapalaran nang limang grupo laban sa panganib na mararanasan sa kanilang pupuntahang lugar. Tao laban...