The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 131

122 12 8
By breakerdreamer


Continuation....

'dapit hapon na ng matapos ang lahat ng mga trabahador sa malawak na lupang sakahan, halos lahat ay pagod na pagod at gutom na gutom bagamat may mga pagkain namang pine'prepare ang mansyon para sa kanila ay sa utos na rin ni sakuragi sa kanya lolo na ikinatuwa naman din nito.

Hindi lubos maisip na napakabuti pala ng kalooban ng kanyang apo sa kanyang magsasaka. Kaya unti unti'y napapaisip si don fermin sa bagay na ginagawa ni sakuragi para sa sarili, isa iyong desisyong hinding hindi pag sisisihan ni don fermin.


Sa bukid kung saan may kubo kung saan pahingahan ng karamihan, hiwalay ang kubo ng babae at lalaki para iwas na rin dahil may nag bibihis at may naliligo bago umuwi ng kani kanilang bahay.


Naisip ni sakuragi na mag pahinga saglit sa isa sa malaking puno ng mangga. Napakasariwa ng hangin doon habang tinatanaw ang green na green palay mula sa kaduluhan na sinasaka.


Nasa katahimikang iyon si sakuragi ng marinig niya ang tatlong magkakaibigan na jun, hajime at sokomo na nag uusap sa di kalayuan. Hindi na sana papansinin ni sakuragi dahil wala naman talaga siyang balak makipag usap sa mga ito.


"Jun? Ano ba kasing binabalak mo?" Tanong ni sokomo ng pinipigilan nito si jun na tumungo sa kubo ng mga babae. Gusto kasi nitong makita si sachi at makiusap narin na wag ng lalapitan pa si sakuragi.


"Ano ba! Wag niyo nga akong pagbawalan. Wala naman akong gagawing masama eh. Kakausapin ko lang si sachi." Giit ni jun kay sokomo. Napaface palm naman si hajime sa kulit ng kanyang kaibigan.


"Pre, hindi mo ba alam o sadyang kinakalimutan mo lang ang rules dito. Sabing walang pwedeng pumunta sa tuluyan ng mga babae sa kabila, unless asawa mo iyong na andoon. Pag may nakakita sayo na pumunta ka doon, mapapahamak ka lang." Saad ni hajime, natigilan naman si jun subalit inaalala nito na baka nakaalis na si sachi.


"Pero baka hindi ko na maabutan si sachi, kung pipigilan niyo pa ako baka hindi ko na naman siya makausap." Inis na saad ni jun, blangko namang napakinggan ni sakuragi ang mga pinag uusapan nila. Nakasandal ang braso ni sakuragi sa puno bilang unan ng kanyang ulo.


"Wag niyo na siyang pigilan pa, kung gusto niyang pumunta doon 'hayaan niyo siya." Saad ni sakuragi sa walang emosyong mukha. Nakatingin na ito sa tatlo na nagulat pa ng makita siyang nakahiga doon.


"Sakuragi, pag ginawa niya iyon mapapahamak siya." Giit ni sokomo, umiwas ng tingin si sakuragi bago umupo.


"Iyon na nga ang mangyayari sakanya kung ipagpipilitan niya ang sarili niya. Swerte niya na nga sainyong dalawa dahil may kaibigan siyang takot na mapahamak siya.. pero ipinag pupumilit niya parin ang gusto niya." Pagpaparinig na sabi ni sakuragi at pagkaraan ay tumingin kay jun.



"Ano bang pakialam mo?" Saad ni jun kay sakuragi


"Wala akong pakialam sayo. Pero sa mga kaibigan mo na madadamay sa kabaliwan mo, meron. Isa kayo sa masisipag na trabahador dito, kaya kung mapapaalis kayo sayang naman." Giit ni sakuragi, may naisip kasing kalokohan si sakuragi sa mga oras na iyon.


Natigilan ang dalawang nakahawak sa balikat ni jun upang pigilan subalit inalis ng mga ito ang kamay sa balikat ni jun na ikinagulat naman ng huli.


"Wag niyong sabihin na hahayaan niyo ako ng dahil lang sa sinabi niya." Saad ni jun, hindi umimik ang dalawa bagkus ay tumingin kay sakuragi.


"Sakuragi, tama ka. Baka kapag sumunod kami kay jun ikapahamak lang namin.." unang saad ni sokomo na ikinailing ni jun


"Pero... Matagal na kaming magkakaibigang tatlo, kung ano man ang mangyari pagkatapos nito. Bahala na, minsan lang ako makatagpo ng totoong kaibigan kaya hindi ko pwedeng pabayaan nalang si jun na mag isa. Tutal, wala namang umaasa sakin sa uuwian ko." Saad ni hajime na tinanguan naman ni sokomo.


Nagkibit balikat naman si sakuragi bago tumango..


"Okay. Desisyon niyo yan, mag iingat nalang kayo.." huling sinabi ni sakuragi bago tumalikod at umalis. Napangiti si sakuragi ng marahan sa pagiging loyal ng magkakaibigang iyon.


Limang buwan na ang nakakalipas, namimiss niya na ang mga kaibigan niya sa kanagawa. Gustuhin man niyang pumunta doon ay hindi pa pwede, iyon ang pakiusap ng lolo niya sakanya na hanggat di pa siya tapos sa sakahan hindi siya aalis.



'nang malapit na siya sa bahay na maliit patungo sa mansyon, tinawagan niya si butler lee at may pinakiusap na wag aalisin ang tatlong lalaki kung sakaling may mabalitaan na reklamo bukas sa sakahan.

Sinunod naman ni butler lee ang pakiusap ng kanyang amo bago natapos ang usapan.


Nang makarating sa mansyon agad siyang tumungo sa palikuran kung saan may malawak na paliguan, naligo na muna siya at nagpalit ng damit bago pumasok sa loob ng mansyon.


Medyo may kahabaan na ang buhok ni sakuragi, ang kulay ng kanyang balat ay mas naging tan pa, isama mo pa ang pangangatawan nitong mas lumaki pa kesa nung dating hindi pa siya sumasabak sa trabahong pang bukid.


Karamihan sa mga dalagita sa kanilang lugar ay maraming nahuhumaling sa kagwapuhang taglay ni sakuragi, hindi iyon maitatanggi ng iba dahil kahit sila'y napupuna ang kakaibang karisma na meron si sakuragi. Hindi rin nito ugali makipag usap sa mga babaeng nagpapacute sakanya, kundi kay sachi lang..


Alam ni sakuragi na may gusto si sachi sakanya at may gusto naman si jun kay sachi, walang balak si sakuragi na mangialam sa pagitan ng dalawa. Dahil ang tanging babae lamang na nag mamay ari sakanya ay nasa malayo at hindi siya sigurado kung kamusta na ba ito at ang kanilang anak.



Nang matapos sa pagligo si sakuragi agad siyang dumeretso sa likod bahay papasok. Nakita siya ng mga katulong doon na agad siyang binati ng magandang gabi, tumango lamang si sakuragi bago ito nilagpasan.


Nangangalahati na si sakuragi sa paglalakad ng mapailing siya dahil sa tilian ng mga babae sa kusina. Nakarinig ng mahinang tawa si sakuragi mula sa sala ng mansyon. Nandoon ang kanyang lolo na naiiling na pinag mamasdan siya.


"Hindi kana dapat manibago apo ko, dahil kung titignan ka naman ngayon ay lahat talaga ng babaeng dalaga at may asawa na'y mahuhumaling sayo. Napakagwapo mo apo ko." Nakangiting saad ni don fermin


"Iwan ko sayo, lolo. Lagi mo nalang sinasabi iyan sakin kahit na wala naman akong pakialam sa kanila. Alam mo namang kay aki lamang ako." Saad ni sakuragi sa lolo na nagmano sakanya lolo ng makalapit ito sa pwesto ng lolo niya.


"Biro lang apo ko, nag aalala rin ako para sa kasintahan mo. Ilang buwan na ang nakakalipas baka nahihirapan iyon sa isa ko pang apo." Giit ni lolo fermin, natahimik si sakuragi at naalala nga ang bagay na iyon. Sa araw araw na busy siya, hindi iyon nawawala sa kanyang isipan.



"Lo, namimiss ko na siya. Namimiss ko na sila." Saad ni sakuragi na naluluha


"Alam ko apo, pero hindi ka pa tuluyang nag babago.. babaguhin na muna kita bago ka mag pakita sakanila." Nakangiting saad ni lolo fermin. Tumango na lamang si sakuragi sa kanyang lolo.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 269 16
[COMPLETED] (UNDER EDITING) "How would you know if you met your other half?" "How would you know if you are meant to each other?" "Would you feel so...
91.2K 3.5K 126
Nang gumraduate si 'Hanamichi Sakuragi' sa Shohoku High School mula sa Kanagawa Prefecture ay nagpasya siyang makipagsapalaran sa Tokyo bilang 1st-ye...
1.2K 280 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...