Checkmate, Mr. Great!

By SunkissedPaige_

1.5K 1K 716

Every story has some unspoken truth. A lie that is covered up by another lie. It became more thrilling as it... More

Warning ⚠️
starter.
ABOUT
CHARACTERS & SETTING
prologue.
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11

10

63 71 52
By SunkissedPaige_

Buhat buhat ko ang baboy papunta sa kusina habang dala ko rin ang aking lalagyan ng tubig.

Kanina nauuhaw lang ako at kukuha ng tubig ngayon iba ang nakuha ko —responsibilidad. Inilapag ko muna siya bago kumuha ng pitsel sa ref.

Hindi ko alam pero sa tuwing nagsasalin ako ng tubig sa lagayan ko ay palagi nalang din akong natutulala. Na para bang may kailangan akong isipin na napakalalim.

Normal bang gawing pet ang baboy?

Naputol ako sa aking iniisip nang tumunog ang mga beads ng kurtina sa pintuan. I quickly turned my gaze toward it.

Zytho FUCKINGredrick "HOT" De Travera

Ginaya ko ang ginawa niyang pag simangot sa akin habang kumukha ng tasa.

"What?" He cocked his eyebrow as he leaned his back against the fridge. "Ngayon ka lang nakakita ng gwapo?" He lifted the corner of his lips.

Tuluyan ko siyang pinakatitigan at tinaasan ng kilay. "Excuse me?"

"You're excused," he said mockingly, while his hand is busy mixing his coffee.

"Ah..." I awkwardly laughed and scratched my nape. "Sige,"

I mentally slapped myself. Nagmukha akong tanga don ah? 

I pouted.

"Can't sleep?" he asked, before sipping in his coffee. 

Nakasandal na siya ngayon sa tapat ng counter top kung saan ako nakaupo. His holding his usual cup while straightly looking at me. 

Hindi ako sanay sa ganun katalim na titig kaya inilipat ko nalang 'yung tingin ko sa kape. Hindi talaga ako umiinom ng kape pero wala akong ibang option dahil hindi pa ako nakakapag grocery.

"What's bothering you?" tanong nito, habang prenteng nakasandal parin doon at hinihipan ang kanyang mainit na kape. 

The way he leans on the sink while holding the cup gives emphasis to his biceps. Parang galit na galit iyon at any time puputok sa sobrang sikip. 

"Hello? Inez, I asked what's bothering you?" he said, bursting the bubbles of my thoughts.

"Ah.. Deptals," (departmental exam) maikling sambit ko at yumuko. Itinuon ko nalang ang pansin ko sa pag ihip ng kape.

"Why?" he asked while sipping on the cup casually.

Pabagsak kong ibinaba ang aking siko at tumingin sakaniya. "Obviously, i don't know if I will be able to survive it,"

"Papasa ka. Kung mas may kailangan kang ikatakot iyon ay kung makakapasa ka sa internship mo," sabi nito na ikinakunot ng noo ko. Natawa siya sa naging reaksyon ko. "Just kidding... But trust me you'll be able to pass it,"

I merely nodded.

"Ikaw ba? Bakit hindi ka pa makatulog may iniisip ka ba? What's bothering you?" inosenteng may pag-aalala kong tanong.

"You know what?" panimula niya. "Global warming," he said then, burst out laughing.

I rolled my eyes. 

Tumawa tawa pa ito bago tuluyang tunggain ang kape at inilapag ang pinag inuman sa lababo. Lumikha pa ito ng kaunting tunog kaya naagaw nito ang atensyon ko. 

"Don't forget to wash that cup, okay?" he said before walking out of the kitchen.

✿ ✿ ✿

"If you think you're safe...think again," dumagundong ang boses ng isang lalaki.

Hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa kwarto ko. Isa lang ang sigurado ako, pamilyar saakin ang boses na 'yon. Hindi ako makagalaw para akong nakagapos at mga kamay ko na hindi. Mga bulong lang ng lalaking tila nasa likod ko ang malinaw sa akin.

"S-sino na!" sigaw ko. "A-Anong ginagawa ko di-"

Natigilan ako. Pigil hiningang nanlaki ang mata ko habang pinagmamasdan ang aking suot na bistida. Unti-unti iyong nadudugisan ng kulay pulang mga patak - dugo. Tuloy tuloy na kumakalat ang dugong iyon sa buong palda ko. Ang kaninang bistidang kong puti ay naging pula na.

Nagpupumiglas at humahangos akong nakaupo. Sobrang sikip ng pagkakatali sa akin. Sobrang dilim din ng silid kong nasaan ako at mismong ilaw lang ng nag iisang paubos na kandila sa paanan ko ang nagbibigay ng kakaunting liwanag. Kulay pulang sahid. Ano 'to dugo?

"I'll destroy your sanity and everything you believe in. I'll break you down until you're nothing," matalim at malalim na sabi ng kung sino.

Napasinghap ako't napabalikwas matapos kong marinig ang hindi matigil na ingay ng alarm clock ko. Habol hiningang dumilat at napagtantong pananaginip nanaman ito.

"Anong oras na ba?" I asked myself nang matapos kong pindutin ang alarm clock. Inabot ko ang aking cellphone na nasa bedside table ko.

Alas-singko pa lang pala ng madaling araw. Hindi ko pa naaadjust ng tama ang oras sa alarm ko. Nag asikaso ako saglit para maghanda papunta sa palengke.

Balak ko rin kasing mag grocey dahil nakakahiya sa doktor at nakikitira na nga ako ng libre magiging palamunin pa ako. Sandali nga... Libre ba talaga ang pagtira ko dito? Kailangan ko sigurong tanungin si Doc tungkol don.

"Oink!" I heard pinky's sound. Isa pa 'to. Anong dapat kong ipakain sakanya? Tinapay lang ang mayroon ako. Kumakain ba ang mga baboy ng tinapay?

"Good Morning, Pinky." sabi ko bago siya buhatin at i-rub ang tyan nito.

Alam kong mahilig ang mga alagang hayop na kinakamot ang mga tyan nito lalo na ang mga aso.

Habang nagiisip kung anong dapat naipakain sa baboy ay naalala ko si Svet. Alam kong matutulungan niya ako. Mahilig iyon sa mga alagang hayop sa bukid. Dahil naging pansamantalang katiwala sila sa ng villa afra noon. Isang farm iyon na kilala sa bayan namin ngunit kinalaunan ay nagsara din. Dahil hindi na gusto pang ipagpatuloy ng asawa ng may ari.

"Hello?" panimula ko.

"What is it now, Finez." Her voice was so husky that I assumed I woke her up.

Tinanong ko lang sakanya saglit kung ano ang mga pwede at bawal ipakain sa baboy. Dahil mukhang baby pa ito at napakaliit. Bumili ako ng mga sinabi ni Svet na pwede para don. Importante rin ang gatas dahil baby pa siya at walang ina na magbibigay ng gatas sakanya.

Bago ako umalis ay hinanap ko muna ang doktor upang magpaalam. Sinubukan ko siyang hanapin sa kusina dahil baka nagkakape na ito. Sunod sa opisina nito, kumatok ako ngunit walang sumasagot.

"Masyado pa bang maaga?" tanong ko sa sarili ko.

Hindi ko ng tinangkang kumatok sa silid ng doktor dahil posibleng tulog pa ito. At dahil bigo akong makita ito ay nag iwan nalang ako ng note sa pintuan ng opisina nito - na lalabas muna ako para bumili ng mga kailangan.

Humigit kumulang trenta minutos din bago ako makarating sa palengke. Umulan kaya maputik, hindi ko napaghandaan 'to ah?

✿ ✿ ✿

Humigit kumulang isang oras lang din ang ginugol ko sa pamimili ng mga kailangan ko at supply ng pagkain para sa isang linggo tyaka ko na iisipin 'yong sa susunod. Bumili rin pala ako ng mga sahog sa lulutuin kong sinigang na hipon.  Nang pakiramdam ko ay kumpleto na ang mga kailangan ko ay sumakay na ako ng tricycle pauwi para makamura.

Nang makarating ako sa mansyon ay mukhang tulog pa rin ang doktor at nakasara pa rin ang clinic. 

Teka? Ako ba ang dapat magbukas non?

Nagkibit balikat at tumungo na ako sa aking silid. Pagkabukas na pagkabukas ko ay siya namang pagbungad ng hindi katanggap tanggap na amoy na nanggagaling sa loob ng kwarto.

"Oink!"

What the?! Pinky did poop inside.

"Pinky!" Isang mahaba at nanlulumong tawag ko sa alaga. 

Nagkalat ang dumi niya sa sahig sa bandang gilid ng aking higaan. Para iyong maliit na choco bits. Cute pero mabaho!

Agad kong kinuha ang wipes na nasa supot na bitbit ko. Kakabili ko lang nun kanina. Hindi ako informed na para dito pala 'yon. 

Takip ilong kong dinampot at pinunasan ang mga kinalat ni  Pinky. Habang ikinulong ko muna siya sa improvised frence na ginawa ko gamit ang maleta ko at iilang karto para hindi siya mang gulo habang naglilinis ako. 

Nag spray na rin ako ng mabangon perfume dahil kakaiba talaga ang amoy. Kaasar! Ano bang pinakain ni Zytho sa baboy na 'to.

Napatigil ako sa ginagawa ng biglang may kumatok. Binuksan ko ito na tama lang para maisuot ang ulo ko doon. 

"Yes, doc?" 

"Where's the pig?" tanong nito habang nakakunot ang noo.

"Nandito po," sabi ko at sabay nguso sa loob. Pilit ko paring pinipigilan ang pag bukas ng pinto at baka maamoy din nila ang himala na ginawa ni Pinky.

"What are you doing?" mas lalong kumunot ang noo ng doktor. He even crossed his arms as if he suspected me of doing something. 

"Ha?!" pabiglang sabi ko. "Wala doc," sabi ko pa habang umiiling iling.

"Akala ko po ba ayaw mo sakanya? Tapos ngayon hinahanap mo siya?" sumbat ko sa doktor habang nakahalukipkip pa rin sa harapan ko. Halata sa mga mata niya ang pag dududa sa inaasal ko. Ngunit wala akong pakialam basta wag lang niyang maamoy itong...

"Are you hidding some—What the hell is that smell?!" tanong niya ng tuluyan niya ng mabuksan ang pintuan. Napansin ko ring itinapat niya ang kamay niya na pinagbukas sa pinto sa aking ulo na nakadikit doon kanina. 

"I told you so nakinig ka ba?" Ako naman ang humakipkip at humilig sa hamba ng pintuan.

"Oink!"

Tinanaw niya lang si Pinky at hindi man lang hinawakan. Arte! 

Napangisi ako dahil mukhang may natuklasan akong kahinaan ng isang 'to. 

"The fucking owner is here," he announced. 

Kita ko ang pag iiba ng ekspresyon ng doktor habang nakatanaw kay Pinky.

"Grabe galit na galit!" rinig ko mula sa labas ng pinto.

"Hi," bati ng abogado with all smiles. "What the?!" napatakip din siya ng ilong bigla na naging dalhilan ng pakabitaw niya sa dala niyang kulay pulang kulungan. Hindi yon kalakihan at mukhang tama lang kay Pinky.

"Ikaw?" I asked.

"Yes, hindi ba pwede?" sabi nito habang nakahawak parin sa ilong at tinatanaw si pinky kung saan ko siya nilagay kanina. 

Nagpatuloy ako sa pag spray ng pampabango para kahit papano ay mawala. Wala na ang kalat sa sahig pero ang amoy ay nandoon padin. 

"How are you here, tequila?" the attorney said while rubbing Pinky's tummy. 

"Tequila?!" pabigla kong sabi. "Who the hell will name a pig, Tequila?"

"Me," he confidently said.

"You crazy lover boy," I whisper.

"What?" he asked with his brows furrowed.

"Ano bang pinakain niyo sakaniya kahapon ha?" I asked.

"I didn't fed her anything," nakataas kamay pang sagot ng abogado.

Sabay naming nilingon ang doktor na nasa tabi ko. 

"Carbonara," he said

Akala ko ba matalino 'to? Bakit pinakain niya ng carbonara yung baboy. Halos masampal ko ang sarili sa naisip.

"Well, there's two options. I'll let her starve to death or I'll feed her carbonara?" he asked. "Because that's the only thing I had last night. And she keeps on doing that oink sound," 

Halata sa boses ng doktor na iritable talaga siya sa nangyare. 

"Alam mo mabuti pa Zhion. Iuwi mo na ang baboy na 'yan baka mapatay pa 'yan ng kung sino dito,"

"Hey!" rinig kong saway ng isa dito. "Are you insinuating something?" he asked, then arched his brows too.

Nagkibit balikat ako at umaktong walang alam.

"That's the problem," Zhion said. "Prohibited kasi siya sa condo,"

"Now, that's your problem." sabi ko, sabay tango. 

"Inez..."nakita ko ang nahihiyang ekspresyon sa mukha ni Zhion. "Would you mind- "

"I really would mind lalo na pag iniwan mo nanaman siya dito," pagmamaktol ko.

"Look I can pay you naman. Name your price. Just look after her for a while. It's just temporary don't worry. I'll give her as a gift to someone,"

Ayun! Raket din pala 'to. Taray! May raket pa ako. 

I tilted my head. "Pero Zhion sabi mo ireregalo mo siya bakit hindi mo na ibigay ?"

Natatawang napakamot ito sa batong niya. "Uhm... kasi busy pa siya,"

"Eh, bakit kasi baboy ang iireregalo mo?" tanong ko uli.

"That's what she wants," he reasoned out. 

"She?!" pabiglang sabi ko.

He looked at me with brow furrowed. "Why? Is it impossible?"

I shook my head. Hindi na ako nagsalita ba at baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.

Pagkatapos kong mag ayos ng kwarto ay dumiretsyo na agad ako sa kusina para maghanda ng makakain. Bumili ako kanina ng mga sangkap para sa lulutuin ko. 

Habang abala ako sa paghahanda ng pagkain ay inaayos naman ng magkapatid ang kulungan ni pinky dahil sila naman ang dahilan ng mga paghihirap ko sa batang 'yon. 

Nang matapos akong maghanda ay tinawag ko na sila upang kumain. Nagkanya kanya kaming kuha ng ulam at kanin. Pinauna ko munang kumuha ang dalawa para makita kung anong masasabi nila sa aking luto. Kaya tahimik muna akong umupo. 

Nasa kabisera nakaupo ang doktor habang nasa kaliwa niya ako at nasa tapat ko ang kapatid niyang maloko kung makatingin.

"What?" I asked, annoyed.

Umaktong tumikim siya ng sabaw sa mangkok niya. "Hindi masarap..." 

Aba?! 

"Just kidding," bawi niya sa sinabi kanina at nagsimula ng kumain. 

Nagsimula naring kumain ang doktor at mistulang walang pakialam sa paligid niya. Kaya kumuha na rin ako ng akin. Kaunti lang ang kinuha ko dahil malapit na ang recital hindi ako pwedeng tumaba at bumigat.

"Your diet suffers from eating very little food," pambabasag sa katahimikan na sabi ng doktor. 

Kunot noo akong tumingin sakanya. Napansin ding ganun ang ginawa ng abogado na nakaupo sa tapat ko.

"Your muscles are like marshmallows," sabi pa nito at lumingon sa gawi ko.

"P-Po?" hindi sigurado kung anong tinutukoy nito. 

Biglang tumaas ang kanyang isang kilay. "You're rehearsing for the yearly ballet recital, right?"

"Yes, doc." sagot ko nang makumpirang ako pala ang tinutukoy niya

"You're dancing ballet?" kuryosong tanong ni Zhion.

I nodded.

"Bagay mo," he commented.

"Salamat," sabi ko.

"Teka paano mo po nalaman na yearly 'yun?" nang maalala ang sinabi ng doktor. 

"He's watching it," aktong pabulong pa ng abogado at natawa. Narinig naman din siya ng doktor.

"Not yearly though," ismid na singit ng doctor.

"Why?"

"Can we just eat first?" pigil niya sa akin. 
"And you, Mag ambag ka naman ng budget. Napapadalas uwi mo dito eh," sabi niya sa kapatid.

I unconsciously laughed and made it catch their attention.

"Wag kang tumawa, Inez. Mukha raw marshmallow muscle," laban naman ni Zhion.

"Whatever."
I rolled my eyes.

"Sige ka hindi ka makakasayaw ng maayos pag naging marshmallow ka," hirit pa niya.

I shrugged."Okay lang may next year pa naman. First time ko uling mag sasayaw ng ballet after a long time. Kaya I doubt na mapipili ako,"

"Can you please stop blabbering about things you are unaware of?" the doctor intervened. 

My jaw partly dropped. He stood up.

"I'll be in my office. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka,"

He them turned his back and went out.

Naiwan kami ni Zhion na nakaupo sa hapag. Napakurap kurap pa ako dahil hindi maintindihan ang nangyari.

"Problema nun?" I asked.

Walang pakialam na nagpatuloy lang sa pagkain ang abogado na parang walang nangyare. 

Pagkatapos kumain ay nag presinta na agad si Zhion na maghugas ng pinagkainan namin habang ako ay umakyat sa silid para tingnan ang kalagayan ni Pinky. 

Tahimik at tila nagpapahinga ito habang kumportableng nakahiga sa dinalang kulungan ng kanyang amo. May maliit na fluffy pillow pa ito sa side kung saan siya nakahiga. 

Habang nagpapatunaw ng kinain ay naalala kong bisitahin ang thesis namin. Kaunting polishing nalang iyon dahil inayos ko na ito nakaraan. Si Iris? Ayun bahala siya. Malapit na ang research congress. At tanging pamagat lamang ang sure akong alam niya.

Naihanda ko na ang mga materials sa pag conduct ng research namin. 

✿ ✿ ✿

The day ended quickly. May mga iilang out-patient ang dumating pero for checkups lang. Sandali kong sinulyapan ang aking cellphone, nagbabakasakali na nagreply na si Iris, pero wala pa rin talaga. I made a few notes, but I wasn't done yet.

So far, I was really enjoying it myself... Though I doubted kung ma-enjoy ko pa ito once Iris showed up again. Ipinagtanong ko na rin kung bakit ang tagal ng wala ni Iris pero pare-pareho ang naging sagot ng mga prof, may personal matter daw na inaasikaso. 

Hanggang five PM lang talaga 'yung shift ko, but it was almost six PM when I decided to change my clothes, from scrubs to my decent pambahay. Inayos ko iyung gamit ko. Isinara ko na rin ang clinic dahil mukhang wala naring darating na pasyente at mukhang wala ring balak na isara iyon ng doktor.

"Aren't you going to check the music hall and practice?" bungad ng doktor pagpasok niya ng kusina. Good mood na kaya siya?

Kumakain ako habang binabasa ang mga nilagay ko sa bawat parte ng thesis namin.

"Maybe on my vacant, doc." usal ko at hindi tinatanggal ang mata sa laptop.

"What are you doing?" tanong niya at sinilip ang aking ginawa.

"On the brink of death: The life stories of heart transplant recipients in the Philippines," Pagkakabasa niya.

"Why heart transplant recipients?"

"I don't know," I shrugged, and  looked at him."It's just there's that one moment when I suddenly felt that it was something important to me,"

Continue Reading

You'll Also Like

Psycho next door By bambi

Mystery / Thriller

4.3M 203K 51
Cosima Sanctuary is a one of a kind safe house for teenage survivors, but when they realize that one of them is a psychopath, all hell breaks loose...
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
63.2M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!