sweetheart, where's my reward?

By shelovesneko

320K 3.3K 754

Nang mataningan ang buhay ng mag-asawang umampon kay Lily Jane Salvador, nanganganib na itong mapatalsik sa p... More

neko
£
characters & aesthetic
PRO£OGUE - sweetheart, i hate my fucked up life
£1 - sweetheart, where's my doll?
£2 - sweetheart, fuck everyone
£3 - sweetheart, let's play detective!
£4 - sweetheart, i nominate them as suspects!
£5 - sweetheart, it's foundation fucking week
£6 - sweetheart, we'll make them pay
£7 - sweetheart, let's lay out our plan
£8 - sweetheart, let the show begin
£9 - sweetheart, plan-success
£10 - sweetheart, what's the reason?
£11 - sweetheart, promise me
£12 - sweetheart, i love you
£13 - sweetheart, that's why we are nominees
£14 - sweetheart, what the fuck?
£15 - lily jane, i'll do anything for you
£16 - sweetheart, the angel has fallen
£18 - sweetheart, we'll get through this
£19 - sweetheart, the angel is back
£20 - sweetheart, am i really disgusting?
£21 - sweetheart, i hate myself ⚠️
£22 - lily jane, i just wanted to swim ⚠️
£23 - sweetheart, let's catch a thief
£24 - sweetheart, help
£25 - lily jane, i'll be there
£26 - sweetheart, is this it?
£27 - lily jane, i'm here now
EPI£OGUE - sweetheart, where's my reward?
SPECIA£ CHAPTER 1 - sweetheart, that was fucking hot
SPECIA£ CHAPTER 2 - sweetheart, here's your reward
SPECIA£ CHAPTER 3 - lily jane, my lily jane

£17 - sweetheart, we didn't do anything

5.6K 63 2
By shelovesneko



✞ £ ✞


"Should we call out to her?" I whispered, my voice almost getting buried by the sound of our steps on the grass and dried leaves, and the sound of the forest.


"I don't think that's a good idea for now. The culprit might come back," sagot ni Ali at pinanatili ako sa tabi niya. Hawak niya ang kamay ko at hinila niya ako palapit lalo sa kanya. "And I don't think she's going to hear us." Nakita ko ang paggalaw ng Adam's apple niya. "That scream is different."


Dumaloy pataas ng likod ko ang malamig na pakiramdam na nakapagpanginig sa akin. Naalala ko na naman ang tunog ng sigaw ni Angel na sinundan ng malakas na pagkaluskos at pagbagsak.


"Do you think she fell somewhere?"


Humigpit ang hawak niya sa kamay ko at sinulyapan ako. "I hope she's fine."


Hindi na niya ako sinagot dahil mukhang pareho kami ng iniisip. Ang haba kasi ng tili ni Angel at wala namang titili nang gano'n kung suntok lang o 'di kaya naman ay sipa lang ang natanggap niya. Iba rin kasi ang sigaw na 'yun sa mga unang daing niya sa sakit na narinig namin.


Parang isang hayop na gustong kumawala sa hawla ang puso ko dahil sa bilis ng tibok nito. Nawala na ang ibang bagay sa isip ko. Ang pokus ko nalang ngayon ay malaman ang nangyari kay Angel at hanapin siya.


May hinanakit man ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pagnanakaw sa obra ko, hindi ko na ngayon masyadong maisip 'yun dahil busy ang utak ko sa pag-play ng mga scenario at kung ano na ang lagay ni Angel.


I do feel concerned but not because I care for her. It's just a natural reaction after hearing everything that has happened. Sino bang hindi magiging concerned kapag nakarinig ng ganoong tili?


Dahil tuluyan ng dumidilim, binuksan na muli namin ang flashlight ng aming mga cellphone para tanglawan ng liwanag ang masukal na daan sa gubat na iyon. Hindi ko na alam kung nasaang parte kami ng gubat. Hindi na ako pamilyar sa aking nakikita. Pero feel ko naman ay nasa gitna kami dahil kada lingon ko sa bawat direksyon ay wala akong matanaw kundi mga puno pa rin.


"Left or right?" bulong na tanong ni Ali at tinanglawan ng flashlight niya ang parehong direksyon.


"I don't know..." I clutched his arm tight. Tinapat ko ang flashlight sa kaliwang parte. Medyo hindi pa steady ang hawak ko dahil may panginginig pa rin ang mga kamay ko sa takot.


"Should we just go back?" suhestyon niya nang lumilinga pa rin.


"What if she's really in danger?" I asked, voice shaking.


Ali deliberated on what to do while still trying to navigate the forest we got ourselves into. "Should we call out to her at least once to see if she's really okay?"


"No, 'wag na. Let's just call other people to look for her," suhestyon ko. "Hayaan na natin sila." Nilingon ko ang kanan namin. "Now, let's find our way back."


Pinakawalan ni Ali ang hiningang matagal niyang pinigilan. Ramdam ko ang kaba at pangamba niya. Pero kahit pareho naming gustong mahanap si Angel, wala kaming mapapala kung kami lang.


Tinahak namin ang daan namin kanina. Kaso, dahil sa dilim, hindi na namin makita pa ang pinanggalingan namin. We travelled blind in that forest.


Sinubukan naming gumamit ng maps sa cellphone kaso mahina ang signal kaya wala rin kaming napala. Sa huli, sinubukan nalang namin ang lahat ng direksyon. At binasehan na rin namin kung saan nanggagaling ang simoy ng hangin. Ang goal namin ngayon ay mahanap ang lawa na pinuntahan namin kanina.


Pasalungat kaming pumunta sa direksyon ng hanging malamig. Alas siete na pero kahit gabi na ang langit, may konti pa ring liwanag na kahit papaano ay nakakatulong sa aming hindi maligaw at madapa.


"The air is cooler here." I motioned my phone with it's flashlight on in the direction to his left. Lumiko naman kami roon at dahan dahang tinahak ang damuhan.


Malamok na at nagiging sagabal na ang mga sanga at puno sa paligid namin. Buti ay pareho kaming naka-pants. Pero dahil short-sleeves lang ang damit namin, medyo napapapak na kami ng mga lamok kaya bukod sa tunog ng kaluskos ng aming mga yapak, naririnig din ang paghampas namin sa aming balat para pumatay ng lamok.


There was a bit of a clearing sa 'di kalayuan ng direksyong tinahak namin. Thinking na it was near the lake, nagpatuloy kami. But soon, we realized we were wrong.


Mabagal lang ang lakad namin. Magkaiba ang direksyon na tinitignan namin ni Ali. Siya ang nakatoka sa kaliwang side habang ako ang sa kanan. I was busy looking around, surveying the forest when he suddenly stopped. Dahil preoccupied, hindi agad ako nakahinto kaya naman bumagsak ang puso ko sa kalamnan ko nang wala akong maapakan.


Mabuti ay huminto si Ali. Naagapan niya ang nangyari at agad akong hinila. Sa pwersa ay napaupo kami sa lupa.


"Ah..." daing ko nang tumana ang puwet ko sa matigas na lupa.


"Are you alright?" Agad akong chineck ni Ali. Sinuri niya ang buong katawan ko at nang makitang ayos lang ako ay napunta ang tingin naming pareho sa kaharap na bangin.


Bumalik ang malamig na pakiramdam na gumapang pataas ng likod ko. At kahit hindi ako nalaglag, ang puso ko ay naranasan ito. Mas masakit pa sa pagkaupo namin sa lupa ang sakit sa tiyan ko dahil sa takot at sa bigla.


I could've fallen off that cliff!


Kung tuluyan man akong naglaglag, hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin.


Hindi ako nakagalaw, ang mata ko ay hindi rin naalis sa bangin sa harap namin. Hindi talaga mukhang may putol na ang lupa dahil sa mga puno. At ngayong huminto na kami sa paglalakad at hindi na nakapokus sa paghahanap ng daan pabalik, na-register na sa utak ko na kung titignan nga nang maigi, may bangin nga roon.


Mabuti ay naging maagap si Ali at huminto siya agad. Kung pareho kaming mas pokus sa paglinga sa paligid, baka pareho na kaming bumagsak at magkatabi na sa ibaba ng bangin.


Nanginginig ako at nakaawang ang labing nakatulala. Kumurap lang ako nang maramdaman ang paggalaw ni Ali sa tabi ko. Nilayuan niya ako at maingat na gumapang patungo sa dulo ng bangin. Tinanaw nito ang baba kung saan kami muntik nang mahulog.


"Angel is down there."


Ang sinabi niya ang nakapagpabalik sa akin sa huwisyo. Kahit nanginginig pa, ginaya ko siya at gumapang papunta sa dulo ng bangin. Nanlaki ang mata ko at lalong nalaglag ang aking panga nang makitang tama siya. Nandoon si Angel sa baba ng bangin at nakahiga.


She's on lying on her back, her arms and legs spread out. Sa tulong ng tanglaw ng buwan, kita namin ang sinapit niya. Wala mang dugo, kita naming nakapikit siya. Hindi na ito gumagalaw at kahit paninkitan ko ng mga mata ay hindi ko matukoy kung gumagalaw ba ang dibdib niya o ang tiyan bilang indikasyon na humihinga pa siya.


Isa pa ang napansin namin dahil sa liwanag. Maliit man sa aming paningin dahil medyo may kataasan ang bangin, kita ko sa tabi ni Angel, malapit sa kanan niyang kamay ay isang pamilyar na manika. It's the doll I put in my parcel mailbox, the one she stole earlier. Mukhang hindi niya ito nabigay sa kausap niya.


"What do we—"


"Shh..." putol ni Ali sa tanong ko.


Bumaba siya ng pagkakaluhod sa lupa at halos idikit na ang mukha sa maduming lupa. Pero, hindi niya alintana 'yun at mas lumapit lang lalo at tumigil nang halos idikit na niya ang pisngi sa lupa.


Pinanood ko lang ang ginagawa niya at nanahimik. Kuliglig nalang ngayon ang naririnig namin. Pero nakahalo sa tunog ng mga hayop na 'yun, may humalong mahinang daing ng sakit.


"Ah..."


Nanlaki ang mata ko at nabalik sa babaeng nakahiga sa baba ng bangin. Angel was softly groaning in pain.


Umayos si Ali at inilayo na ang mukha sa lupa matapos marinig ang gusto niyang marinig. "She's still alive."


Mataas ang bangin. Hindi sobrang taas pero sapat na kung malaglag ka man, siguradong magtatamo ka ng mga injuries at kung sa maling paraan ka nalaglag, pwede kang mamatay. Angel landed on her back. Iyon siguro ang dahilan kung bakit buhay pa rin siya.


Tumayo na si Ali at ginaya ko ito agad. Pinagpagan niya ang sarili habang sinusuri ang paligid.


"Call an ambulance," utos niya sa akin.


Agad akong tumango at kinuha ang cellphone ko. Kaso, walang signal sa parte kung nasaan kami. "Walang signal."


I heard him clicking his tongue in frustration. "Let's check on her. Find a signal along the way."


Hinawakan niyang muli ang kamay ko at hinila ako pasunod sa kanya habang binabagtas namin ang dulo ng bangin.


Nakakabilib na kalmado pa rin ang boses niya pero ramdam ko sa kamay niya ang bahagyang panginginig. Nakakaya niya pa ring tibayan ang loob niya. Kung pareho kaming mahina, baka tumakbo na kami palayo o umiyak nalang sa nasaksihang lagay ni Angel.


Hawak ko ang cellphone ko at hindi maalis ang tingin sa X na nasa bar ng signal sa aking notification bar. Hinihintay kong mawala ang X habang maingat na naglalakad sa tabi ni Ali. Pababa na kami sa gilid na parte ng bangin. Hindi naman kasi tuluyang bangin ang buong lugar. Para itong bundok sa gilid na pwedeng bumaba. Sa gitna lang talaga naputol ang lupa.


"Would she be alright?" nag-aalalang tanong ko.


"If we make it in time."


Mas lalong nanginig ang kalamnan ko sa narinig. Pero tama si Ali, maililigtas lang namin si Angel kung maaagapan namin.


Narating na namin ang babang parte ng bangin pero malayo pa si Angel dahil nasa gilid kami dumaan. Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kanya nang maingat, hindi ko mapigilang mag-isip sa kung sino ang gagawa nito.


Base sa pag-uusap na narinig namin mula kay Angel, kahit hindi sumagot ang kausap, mukhang tama ang sinabi ni Angel na gustong gusto ako ng taong gumawa sa kanya nito. At kung sino mang nagtulak kay Angel, siya rin ang may utos sa dalaga na kuhanin ang manika ko sa Museum.


Now, who is it? Is it among the suspect I have in mind, or a different person that was not with us that day? Napag-utusan lang talaga si Angel. Sumunod naman ito at nagkaroon sila ng pagkakaintindigan. Pero ngayon, bakit siya tinulak ng kausap niya? Sino ang kausap niya?


Unti unti na naming naaninag ang nakahigang si Angel sa lupa. Habang papalapit nang papalapit, hinahanap ko ang tamang posisyon sa hangin kung saan may signal. Nang makitang mawala na ang X at magkaroon kahit isang bar, hindi ko ginalaw ang phone ko sa anggulo na pinaghintuan ko. Huminto ako sa paglalakad kaya tinignan ako ni Ali.


"I found signal," anunsyo ko sa kanya.


Kinuha ko ang isang kamay ko sa pagkakahawak niya at sinubukang mag-dial. Pero, habang pinipindot ang numero ng telepono para sa ambulansya ng school na ito, nahinto ako.


My hand stopped mid-air and Ali noticed quickly. "LJ?" tawag nito sa pansin ko.


Binaba ko ang mga braso kong nangangawit na at kinalimutan na ang patawag. Tinignan ko siya nang magkaroon ako ng realization na parang binuhusan ako ng malamig na tubig.


"We shouldn't," puno ng kaseryosohang sabi ko.


Nalukot ang mukha nito. "We shouldn't what?"


I took in a breath, glancing at Angel lying in a distance. "Tayo ang mapapagbintangan."


Maging si Ali ay ginaya na ang pagtanaw ko kay Angel. "But she's dying."


"We'll call an ambulance." Lumunok ako nang maramdaman na naman ang panibagong guilt na umaakyat sa dibdib ko. "We just can't be seen here or we'll be the suspects."


Ali's voice was shaky. Kita ko ang bawat malalim niyang paghinga sa pag-angat at pagbaba ng kanyang balikat. Inalis niya ang tingin kay Angel at nilingon ako. His eyes are hesitant, kurap siya nang kurap at ang mukha niya ay halatang ayaw gawin ang sinusuhestyon ko.


"A-Are you sure?" nauutal niyang tanong.


Kahit maging ako ay nag-aalangan dahil sa guilt, tumango ako. "Yes." Lumunok ako. "Do you want to go to jail?"


Binalik niya ang tingin niya kay Angel. "N-No..." he barely whispered.


Slowly, I blew out a breath. "Let's do it." Nilingon niya ako at tumango lang ako sa kanya at sinubukang ngumiti. "Take the doll and be careful."


Naguluhan siyang muli sa utos ko. "Why do we need to take the doll?"


"So they won't be able to trace it back to us," saad ko. Kahit puno ang isip ko, pumasok pa rin ang mga mahahalagang posibilidad kaya buti ay napigilan ko ang gagawin namin. "Take it."


Hindi siya tumalima sa aking sinabi. Even his gaze is now shaking. Para na itong maiiyak in any minute.


Humugot ako ng hininga at kahit nanginginig din, hinawakan ko ang mga balikat niya at bahagya itong pinisil. Dahil sa panghihina sa nangyayari, hindi ko alam kung ramdam niya ang pagpisil ko sa matitigas niyang bakikat.


"Ali, we have to do this," I paused to gain more confidence on this decision, "or else tayo ang mapapahamak."


Unti unti at mabagal siyang tumango. Kita pa rin ang pag-aalala sa mga mata niya lalo na ang kaparehang guilt na nararamdaman ko.


Pareho naming ayaw gawin ang balak namin pero kung hindi namin gagawin 'yun, siguradong masasama kami sa gulo na ito kahit wala kaming kinalaman sa pagkalaglag ni Angel at sa kung sino ang gumawa nito sa kanya.


"We'll still save her, right?" he asked for assurance.


"Yes, but we won't stay," sagot ko.


Hindi siya gumalaw o sumagot dahil sa takot niyang halata sa ekspresyon niya. Ang tingin ko ay lumampas sa kanya at napunta sa dalagang nakahiga sa lupa. Kita ko na ngayon ang pagbaba at pagtaas ng dibdib niya dahil nasa gilid niya kami kahit malayo. Humihinga pa si Angel.


Binalik ko ang tingin kay Ali at bahagya siyang inalog. "Hurry or she might die."


He bit his lower lip, glancing at Angel's direction. "O-Okay."


Sabay naming nilapitan si Angel. Nang makita ang lagay niya sa malapitan ay nangilabot ako at nanginig lalo. Wala mang bakas ng dugo, kita na maputla na si Angel at mukhang mamamatay na talaga. Humihinga pa siya pero paputol putol. Tapos, hindi natigil ang daing niya na parang hindi nauubusan ng boses.


"Nhng...." Patuloy lang ang boses niya kahit 'di siya gumagalaw. Sarado ang mata niya at kung hindi lang gumagalaw ang dibdib niya at kung hindi siya dumadaing, mukha na talaga siyang patay.


Mabilis pero maingat na yumuko si Ali para abutin ang manika. Nakahawak lang ako sa isa niyang kamay at hindi lumayo sa tabi niya. Parehong ang tingin namin ay na kay Angel. Nang makuha ang manika, humakbang palayo si Ali na parang ayaw nang mapalapit pa sa dalagang nakahiga sa lupa.


Nagpakawala ako ng hininga na noon ko lang napagtanto na napigil ko habang kinukuha ni Ali ang manika.


"Let's go..." Hinala na ni Ali ang kamay ko at tumalikod na agad kami roon.


Sumulyap pa ako kay Angel habang mabilis kaming umaalis doon. When I looked back, she's still the same. I'm not expecting her to move, I just hope she's still breathing when we finally get help for her.


Para kaming bulag na tinahak ang gubat. Bumalik kami sa una naming pinuntahang direksyon at nanghula lang ng daan. Dahil mabilis na ang paglakad namin ngayon at hindi na kami nag-aabalang itago ang tunog ng bawat tapak namin, mas mabilis naming nahanap ang dulo ng gubat.


Hindi kami nakabalik sa Performing Arts Department kung saan kami pumasok sa gubat. Bagkus ay nasa likod na kami ng Museum. Nang makita ang liwanag mula sa malaking Museum, pinatay na namin ni Ali ang flashlight namin para walang makakita sa amin. Siya ang nag-lead sa amin papunta sa gilid ng Museum. Nasa gubat pa rin kami at nagtatago sa mga puno dahil baka may makakita sa amin.


Dahil sa gilid kami dumaan, napunta kami sa likod ng auditorium. Madilim na roon pero sinikap namin na aninagin ang daan dahil baka kapag nag-flashlight kami ay may makakita sa amin at itanong kung ano ang ginagawa namin doon at saan kami galing.


Nang matanaw ang pathwalk, mabilis namin 'yung nilakad at umaktong normal nang nasa daan na kami sa campus.


Nagpakawala kami ng hininga pero hindi kami tumigil at nagpatuloy lang sa paglalakad hanggang sa marating ang department ko. Pumunta agad kami sa dorm ko at umastang ayos lang ang lahat nang madaan sa lobby at sumakay sa elevator. Pero nang nakalabas kami sa elevator nang nasa top floor na kami ay halos patakbo na kaming pumunta sa dorm room ko.


Nang buksan niya ang pinto at pumasok ako, bumigay na ang mga tuhod ko at napaupo ako sa entrance.


Hingal akong yumuko sa aking mga tuhod at hinabol ang aking hininga. Si Ali ay abala sa pagsarado at pag-lock ng pinto. Pati 'yung chain na madalang lang namin gamitin ay nilagay niya na parang takot na takot itong may makapasok.


"LJ," tawag niya na ikinaangat ko ng tingin sa kanya. Lumuhod siya sa harap ko at hinimas ang ulo ko. "We have to call for an ambulance."


Tumango ako nang agaran. Hawak ko na ang phone ko kaya binuksan ko na ito at nag-dial. Habang hinihintay may sumagot, I unconsciously chewed on the nail on my thumb. Nanatili sa harap ko si Ali at mataman akong pinapanood.


Nang may sumagot ay lumunok muna ako para basain ang nanunuyo kong lalamunan.


["Hello po, ano po ang emergency?"] tanong ng dispatcher sa kabilang linya. Kilala ko ang nurse na 'yun dahil madalas ko ring nadadaanan ang clinic sa Lecture Building. Ngayon, makakausap ko na siya.


"W-We need an ambulance," nauutal kong sabi. Naramdaman kong patuloy na hinimas ni Ali ang ulo ko. Nakakuha ako ng lakas kahit doon.


["Bakit po? Anong nangyari?"]


"There's someone who fell down the cliff," mabilis kong sabi.


["Ma'am saan po?"]


"In the forest. I don't know..." humina ang boses ko at tumigil ako sandali. I held Ali's gaze as I spoke again. "I don't know where we are. Just in the middle of the forest at the back of the Museum. Please hurry."


["Tatawag na po kami ng ambulansya,"] sagot ng dispatcher. ["Ano po ang lagay ng nalaglag?"]


"She's..." Napikit ako nang maalala ang itsura ni Angel. "She's alive. I can hear her groaning. But her eyes are closed and she's not moving. But she's breathing."


["Okay po. Papunta na po ang mga paramedic. Huwag niyo pong ibababa ang tawag."]


"Uhm..." Nangatal ang mga ngipin ko sa kaba. "Sorry..."


Pinutol ko agad ang tawag. Binaba ko ang phone sa sahig na inuupuan ko at nilayo iyon sa akin. Tinitigan ko lang 'yun, nanginginig pa rin sa ginawa kong pagsisinungaling.


I turned my gaze to Ali, still feeling his hand on my head. "Can they trace the call? Baka malaman nila na ako ang tumawag."


"Turn your phone off," aniya. "Airplane mode mo."


Kinuha kong muli ang phone ko at nilagay ito sa airplane mode bago pinatay. Nilayo kong muli ito sa akin matapos na parang isa ito sa mga bagay na pinaka ayaw kong makita.


We both stared at my phone for a while, not saying anything. Ang dami na namang pumapasok sa isip ko. Ang sakit na ng batok ko sa stress tapos kumikirot na rin ang ulo ko. Minasahe ko ang sentido ko at binaon ang aking mukha sa aking mga kamay.


I heard Ali sighed heavily. I looked at his state. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-stressed at bothered. Napaka-composed niya kasing tao at madalas ay napapanatili niya ang kalmado niyang akto pero hindi ngayon.


He ran his hands up his face and onto his hair, pulling it by the roots. "My God, what have we done..."


"We didn't do anything," sabi ko.


He gave me a hopeless look. "I know but we... we didn't help her there and then."


"If we did, tayo lang din ang ituturo," paliwanag ko. "'Bakit siya nalaglag?' 'yan ang itatanong nila sa'tin. Pa'no natin sasagutin na may nagtulak sa kanyang ibang tao if maging tayo hindi natin nakita?"


"Is that better than explaining why we're there in the first place?"


"I—I don't know," I stuttered. "But surely, sisisihin nila tayo. Lalo kapag nalaman nila kung bakit tayo nandoon. Iisipin lang nila ginantihan ko si Angel sa pagnanakaw niya ng manika ko."


He pursed his lips, huffing out a breath out his nose. "Are we really safe from the blame now?"


I shook my head. "We're not. But at least, we're not there to be their stepping stone."


"What if they found out that—"


"Ali! I don't know! I panicked, I blacked out! I didn't know what to do!"


Mabilis at maikli ang mga hininga ko matapos ang naging sigaw ko na 'yun. Hindi ko namalayan ang aking naging akto. Napagtanto ko nalang nang makita ang gulat na mukha ni Ali.


"Sorry..." I quickly whispered, burying my face in my hands again.


Bumugso ang damdamin ko at hindi ko na namalayang lumuluha na ang mga mata ko. I sniffled and soon, I felt Ali hugging me.


"I'm sorry." He rubbed my back for comfort. "We'll be fine."


I hugged him back and buried my face on his shoulder. "I don't know what to do. What if they ask us?"


"I don't think they will."


"We know Angel. Sure, hahanap sila ng mga tao na pwedeng gumawa ng krimen na 'yun."


"Then we'll answer. We'll defend ourselves."


Natahimik ako at bumaba ang mga balikat. "We'll lie?" My lips quivered. "Again?"


"If we have to."


Tuluyan ko ng nailabas ang mga hikbi ko. Humigpit lalo ang yakap ni Ali sa akin. Hinayaan niya lang akong umiyak sa balikat niya.


"How have we come to this?" naibulalas ko.


I felt his shoulders rise and fall when he heaved out a heavy breath. "If they ask, we can be each other's alibi. We just have to coordinate our story." Patuloy niyang hinimas ang likod ko. "Don't worry, we won't go to jail."


Lumunok ako at tumango. "Okay."


"I'm sorry it became like this," puno ng pagsisisi ang boses niya.


"It's not your fault." I moved and rested my cheek on his shoulder so I can look up to his face. "It's not you who pushed her."


Sinalubong niya ang tingin ko. Puno pa rin ng guilt ang mata niya. "Maybe if I've thought of another plan—"


"Is there even another way?" I asked to cut him off.


He went silent, probably going through his mind to find an answer. "CCTV footage?"


"She's wearing a jacket with a hood. And nakatakas na siya noon, at sa Museum pa 'yun. She can do that again."


Wala na siyang naisagot at bumaba nalang ang tingin at ang mga balikat sa dismaya. "I'm sorry."


I took my hand and reached for his cheek. Hinarap ko siya sa akin at marahang hinimas ang pisngi niya. "I was also thinking of the same plan of catching her on the act." I tried to smile. "Don't worry, pareho lang tayo ng iniisip. Hindi lang talaga natin na-anticipate 'to. We didn't know they'll go this far."


"Should we have interfered?"


"Maybe. But we also should've let them know we're there." I sighed. "Ngayon ko lang naisip, pero kung tinawag natin siya, baka nabago ang nangyari. Baka sinigaw na rin niya kung sino ang humahabol sa kanya."


"But we can't know for sure. We're only focused on catching them," he assured me, also trying to give me a smile. Pero kita namin sa mata ng isa't isa ang tunay na lalim ng emosyong dulot ng nasaksihan namin. "For now, let's rest and wait for the news."


"Okay." Binalik ang mukha ko sa pagkakabaon sa balikat niya. "Thank you, Ali. Nadamay ka pa."


"I told you, you can include me in everything." Tumaas ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang aking buhok. "We're in this together, okay?"


Hindi ko na napigilan ang totoong ngiti ko kahit naluluha pa rin ako. Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya.


"I love you," he whispered, kissing my head. "We'll get through this. She'll be fine, we'll be fine."


"Hmm..." Hinarap ko siyang muli at ako naman ang humalik sa pisngi niya. "I love you too."


✞ £ ✞


Continue Reading

You'll Also Like

532K 11.8K 25
"I am a fool for letting you go,and I won't do the same mistake again. Push me, run away from me, it won't change the fact that this time...I intend...
10.9K 63 2
Is there really true love on the internet? Or it's just a play time without feelings involved. Is it just for a strong? But what if we go beyond the...
21.6M 752K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.