Hated by the Gangster Prince

By happyicy

702K 9.4K 768

She made the Gangster Prince hate but she also made him love for the first time. (I won't edit this anymore... More

PROCEED TO PROLOGUE
Hated by the Gangster Prince
CHAPTER 1 - I kissed a stranger
* Part 2 - Trouble Maker
* Part 3 - He wanted to kill me
* Part 4 - Now I know, he's a gangster
* Part 5 - Their on and off relationship [ RaiLa ]
* Part 6 - The Picture
* Part 7 - So Starstruck
* Part 8 - Wow, What a surprise!
* Part 9 - Destiny?
CHAPTER 2 - Thou shall not rape!
* Part 2 (ch.2) - The Wangjas and their game
* Part 3 (ch.2) - Alone with the Gangster Prince
* Part 4 (ch.2) - The introduction to his favor
* Part 5 (ch.2) - My lost cellphone
* Part 6 (ch.2) - His secret
* Part 7 (ch.2) - The contract and the cellphone
* Part 8 (ch.2) - Strange things might happen
CHAPTER 3 - Ysa, Luke and Layla
* Part 2 (ch.3) - An Accident
* Part 3 (ch.3) - Then I met Stormy
* Part 4 (ch.3) - Wrong sent
* Part 5 (ch.3) - Layla's Side
* Part 6 (ch.3) - His sweet lie
* Part 7 (ch.3) - I promise
* Part 8 (ch.3) - three minutes
CHAPTER 4 - Start of something fishy
* Part 2 (ch.4) - Lost in the Rain
* Part 3 (ch.4) - Piggy Back Ride
* Part 4 (ch.4) - His question [TiffLance]
* Part 5 (ch.4) - Help!
* Part 6 (ch.4) - There's just something
* Part 7 (ch.4) - His promise
// CHAPTER 5 - Meet Krisel
* Part 2 (ch.5) - Girls' Day
* Part 3 (ch.5) - For Real
* Part 4 (ch.5) - Not anymore
* Part 5 (ch.5) - Blue Moon [KriZeth]
* Part 6 (ch.5) - Stormy's Chocolate Cake
* Part 7 (ch.5) - Gummy-Bear-Date Failed
* Part 8 (ch.5) - Getting Serious?
* Part 9 (ch.5) - He's a bomb!
// CHAPTER 6 - Last tears
* Part 2 (ch.6) - She cries, you bleed
* Part 3 (ch.6) - Being Chased Together
* Part 4 (ch.6) - The Past
* Part 5 (ch.6) - What matters right now
* Part 6 (ch.6) - A wish
// CHAPTER 7 - Closure
* Part 2 (ch.7) - Fake Boyfriend
* Part 3 and 4 (ch.7) - Weekend
* Part 5 (ch.7) - Melting Me [KriZeth]
* Part 6 (ch.7) - No title for this update XD
* Part 7 (ch.7) - Stuck (Luigi's Birthday)
// CHAPTER 8 - Ysa's Side
* Part 3 (ch.8) - True Friend
* Part 4 (ch.8) - Pie
* Part 5 (ch.8) - The fight
* Part 6 (ch.8) - It takes effort
* Part 7 (ch.8) - Fallen [TiffLance]
//CHAPTER 9 - The near end
Final Chapter I
Final Chapter II
EPILOGUE
Acknowledgements
Special Chapter

* Part 2 (ch.8) - First Time

7.6K 100 9
By happyicy

AUTHOR: Happy Summer, guys! Anyways, sorry again sa late update. I'm really trying to catch up since konting UD's nalang at tapos na ang storyang ito. Thanks for waiting and sana, magugustuhan niyo ang UD na ito :)

Note. This will be improvised.


~~

CHAPTER 8 PART 2
ZYLA'S POV


Classroom. Dismissal.



"Bakit kaya umiyak yung si Ysa?" Tanong ko sa sarili ko habang naglalampaso ng sahig namin sa classroom- buhay daily cleaner nga naman ang peg XD Mehehe.



Bigla ko lang kasi naalala yung mukha ni Ysa kanina. Ewan ko nga kung bakit nakatatak yun sa isip ko eh hindi naman kami close noon. Siguro dahil first time ko siyang nakita na ganoon. Matapang kasi lagi yun eh.



"Dweeb. Aren't you done yet?" Napatingin agad ako sa doorway. Ayun siya, nakalean sa gilid with crossed arms. Yung isang kilay pa, nakataas. Bago ko pa siya igreet back ay nagsalita siya ulit. "Ikaw lang ba ang daily cleaner ngayon? Where are the others?" Tanong niya sabay lapit sakin.


"Tapos na silang maglinis. Umuwi na silang lahat." Sabi ko.


"How dare they." Sabi niya. "Pumayag ka naman na iwanan ka nalang nila? You aren't even done cleaning yet." Kinuha niya naman yung panyo sa bulsa niya tapos pinahid ito sa noo ko. "See, you're sweating already." Tinignan niya ako saglit pagkatapos ay binuksan niya yung cabinet kung saan nakatago yung cleaning materials namin- kumuha siya ng isa pang lampaso tapos ay naglalampaso na rin siya.


Akala ko joke joke lang niya pero ayun, naglalampaso nga siya. Nakatingin lang siya sa sahig ta's mukhang seryoso.


 Whoooooooa. o_______o


"Ya, why are you staring?" (-___-)> Napatigil siya bigla tapos nagkamot nang ulo. Nakatigtig na pala ako sa kaniya.



Wala lang. Napatitig lang naman kasi ako kasi hindi ko inaakala na marunong pala yan maglinis. Akala ko kasi pambubogbog lang ang alam niyan eh. Nakaka-amaze nga. Tapos hindi lang yun, bigla siya kasing mas gumwapo sa paningin ko. Ay. Ano ba yan.



Pft. Binawi ko kaagad ang tingin ko. Ang awkward kasi eh. "Ah, wala, wala." Umiling ako noon. Bigla nalang na uminit yung pisngi ko. Hala, ano nang nangyari sakin?



Dubdubdub.


Napansin ko naman sa peripheral view ko na nakangiti siya na nakatingin sakin. Nahihiya na tuloy akong tumingin sa kaniya. Eeeeek. Bakit ba. Hindi naman ako ganito dati eh.



Tinignan ko siya ulit. Tumigil na pala siya sa paglalampaso tapos mas lumapad lalo yung ngiti niya nang napangiti na rin ako sa kaniya. Napatitig lang kami sa isa't isa hanggang sa napakalaki na nga talaga ng ngiti niya.



"Ano bang nakakatawa sa mukha ko?" (-__-)? Sabi ko sa kaniya pero siya, namumula na sa kangingiti. Umiling lang siya pero nakangiti pa rin. "Eeee, may mali sa mukha ko eh. Prince naman, ganiyan na pala." Sabi ko sa kaniya na may konteng pout.



Ngayon, hindi na siya naglalampaso. Naka cross arms nalang siya. Yung isang paa, nakataas sa wall. He sighed and then gave me the most angelic half smile. "I just like you so much."


Nakatitig pa rin siya sakin. Naku. Castiliogne, alisin mo na yang eyeballs mo sa mukha ko ngayon din, kung hindi. Naaaah.



Nagpumigil na lang ako ng ngiti habang pabilisan naman akong pumunta sa cabinet para ibalik yung lampaso tapos ay nagbura nalang ako ng mga writings sa blackboard. Pero actually, excuse ko lang yan para malayo kay Prince- nasa likuran kasi siya. Basta, ewan ko ba, may nagbago eh. Hindi ko alam ano yun basta sa tuwing mas malapit ako sa kaniya... ewan eh. Tumitibok lalo puso ko. Gulp. Ano ba tawag dito? (-*o*-)



Nakatalikod na ako sa kaniya noon kasi nga nage-erase na ako sa blackboard. Ewan ko na nga ba talaga. Ang lakas ng tibok ng puso ko eh. Anyare dito. Luuuh.



Zyla, could it be na---



"Prince!" jabsdkab! Nagulat ako noon ah. >o<



Napatingin kaming dalawa ni Prince sa doorway. Nakita namin ang isang Luigi na nakahawak sa may binti niya at mukhang hinihingal at pinagpawisan pa.



"I need your car. Please let me borrow." Sabi nito na nahihirapan kasi nga hinihingal. Mukhang ang layo ng tinakbo nito at parang natataranta siya.



"Why? You have your car why do you--" Prince asked in a cold tone.



"PLEASE!! Just this once!! I need it now!! Please!" Napasigaw na si Luigi noon. Napansin ko na may tumulo ng luha sa mata niya. It's actually the first time na narinig ko siyang sumigaw- except sa mga movies niya but in real life, ngayon lang. Sa actions niya, malalaman mong may masamang mangyari at kung ano man yan, for sure, sobrang sama.



Tinignan ako saglit ni Prince ta's kinuha niya ang keys niya at hinagis kay Luigi. Which is surprising kasi parang this time, nakikiramay siya kay Luigi. Dati rati naman galit lang ang nararamdaman niya para dito pero ngayon, nakikita ko na konti ang brotherhood nila.



*********


AUTHOR'S POV


Luigi drove as fast as he can. He can't believe this is happening. No. Not to her. He's having that guilt in his heart again. Habang nagda-drive siya ng sobrang bilis sa daan, na halos mabangga na niya halos lahat ng sasakyan ay tumutulo rin ang mga luha sa kaniyang mukha.


Hindi niya naman talaga alam kung bakit niya iniiyakan ang lahat ng ito. Kung tutuusin, wala na siyang karapatan sa kaniya. He doesn't have to care anymore dahil hindi na niya ito obligasyon. Pero hindi. Mahal niya pa kasi. Mahal niya pa si Ysa.


"Where is she?" Tanong niya sa Kaibigan niya as soon as na bumaba siya ng kotse. Nasa labas ng Bar siya ngayon kung saan si Ysa kanina. Ito yung Kaibigan niya na tumawag sa kaniya at sinabihan na nakikipag-inuman raw si Ysa kasama ang mga hindi kakilalang lalaki. Sabi pa ng Kaibigan niya, hinaharass raw nila si Ysa tapos yung isang lalaki, hinalikan raw si Ysa sa labi.



"Sinama siya ng mga lalaking naka van. Ayun oh! Sinubukan kong tigilan pero sinuntok nila ako at sabi huwag raw akong mangialam." Sabi nang kaibigan niya sabay hawak sa pisngi kung saan siya sinuntok noong mga lalaki. Habang yung isa naman nitong kamay, nakaturo sa van na kaaalis lang.



Agad namang pumasok ulit si Luigi sa sasakyan tapos ay sinundan niya naman agad ang van. He was on his fastest speed na halos na niya mabubunggo ang mga kotse na malapit sa sasakyan niya. Wala na siyang pakialam kung ano pang mangyari sa kaniya, basta ang nasa isip niya ay si Ysa.



Tumigil ang sinusundan niyang Van sa isang malaki at sikat na condominium. Tumigil na rin si Luigi at nagparking sa tapat ng condominium na hindi masyadong malapit sa van.


Maya maya, bumaba na yung mga lalaking sinasabing kasama ni Ysa. Tatlong mga lalaki ito at puro mga strangers. Hindi naman ito mukhang mga lasing kasi ayos pa kung gumalaw. Isa kanila ay binuhat si Ysa na yung para sa mga bagong kasal. Nakatulog na si Ysa pero halatang lasing ito dahil namumula ang cheeks nito. Ganito kasi si Ysa pag lasing na. Pinasok na noong mga lalaki si Ysa sa loob ng condominium.


Agad namang lumabas ng sasakyan si Luigi at palihim na sinundan ang mga ito. Syempre, nagkeep siya ng distance apart sa kanila pero sinisigurado niya na hindi nawawala ang mga ito sa kaniyang paningin.



"Luigi! Oh my! Si Luigi!" Biglang may nakapansin na ilang mga babae sa kaniya. Biglang tumingin naman ang lahat ng tao sa kaniya at nilapitan na siya ng mga ilan. "WAAAAH! LUIGI!!" Pinagikutan na siya ng mga tao sabay pa ang pagflash ng mga camera nito sa kaniyang mukha.



Nawala na sa kaniyang paningin ang tatlong lalaki na kasama ni Ysa pero at the same time, dumadami na rin ang mga taong nagpapapicture sa kaniya- kahit hindi naman siya naka smile at nakatingin lang siya sa dinaan ng tatlong lalaki ay may mga ilang nagpapicture pa rin talaga.



"LUIGI!! I LOVE YOU!!!" Sigaw ng karamihan.


Pinagtutulak nalang niya ang mga ito, natapakan, binunggo para lang makaaalis siya sa kinatatayuan niya. Mga five minutes pa siguro hanggang sa nakaalis na siya sa crowd pero habang tumatakbo siya ay hinahabol pa rin siya ng mga ito. May guard na rin na sumita pero may iba pa rin na nakahila pa sa shirt niya pero wala na siyang magawa kundi itulak ang mga ito. Wala na siyang pakialam kung snob ang paningin ng mga tao sa kaniya. Mapuntahan niya lang si Ysa.



Takbo siya ng takbo at hinihingal na siya pero hindi pa rin siya tumigil. Umabot siya sa ilang floors at nakakagulat lang kasi sa tuwing lalabas na siya sa elevator, may mga ilang fans na nakahintay na sa kaniya. Grabe, ang die hard fans lang.



Inikot na niya lahat ng floors para mahanap yung mga lalaki sa kung anong unit man ang mga iyon. Dumating na siya sa 35th floor, nakahawak sa mga tuhod niya at hinihingal habang tumutulo na ang mga pawis niya mula sa kaniyang noo.



"Sh*t pre, grabe. Ang sarap niyang humalik ah." Napatingin agad si Luigi sa lalaki na naninigarilyo kasama ang isang lalaki. Nasa labas ito ng isang pintong nakasarado.


"Oo nga pre. Ang kinis pa ng balat niya. Akala ko nga hindi na virgin eh!" Sabi pa nang isa at sabay ay nagtawanan sila.


Sila. Sila ang mga lalaking kasama ni Ysa.



Agad na sumugod si Luigi sa kanila at sinuntok yung huling nagsalita. "You son of a b*tch!" Sinuntok niya ito pero nagback up na rin yung isang naninigarilyo. Susuntukin sana siya nito pero naunahan niya ito sa tiyan.



Duguan na ang dalawa.



Hindi nga niya alam kung paano niya nagawa ang mga ganoong kilos- dala na siguro nang galit niya. Hindi naman pala lasing ang mga ito pero nagawa pang paglaruan ang isang babae. Ang babaeng mahal niya. He's damn mad na parang granada na kung sakaling sasabog man siya sa galit.


Nakakumo pa rin siya, hinihingal at nangungugat sa galit.



Sinuntok niya ang dalawa ng ilan pa at noong nabagsak na ang mga ito, pumasok siya agad sa pinto.



"Tulungan niyo ako!! Tulong!" Nakarinig siya ng sigaw mula sa isang kuwarto. Napatingin tingin siya saglit sa paligid at ilang segundo lang, sinipa na niya yung pinto kung saan niya narinig ang boses. *BOGS!*



"Tulong!!!!" Lalo siyang nag-apoy sa galit nang nakita niya si Ysa na nakahiga sa kama. Nakatali ang magkabilang kamay nito sa headboard at ang magkabilang paa nito ay nakatali sa mga paanan ng kama.


Nakabra nalang ito. Yung lalaki ay nasa itaas nito at sinusubukang tanggalin ang skirt ng uniporme nito pero agad na sinipa ni Luigi yung lalaki sa likuran at tinulak niya ito at bumagsak yung lalaki mula sa kama. Dali dali naman niyang tinanggal yung tali sa magkabilang kamay ni Ysa.


Napatingin si Ysa sa kaniya. Yung tingin niya na may tumulong luha mula sa kaniyang mga mata. Hindi niya inaakala na sa laha ng taong pwedeng makatulong sa kaniya ay si Luigi pa. Bigla siyang nakaramdam ng paghinayang at saya sa puso niya.



"Luigi.." Yun lang ang nasabi niya habang tumulo na naman yung luha niya. Natanggal na ni Luigi ang tali sa mga kamay ni Ysa. Agad naman niyang tinanggal ang suot niyang blazer at binigay kay Ysa para isout ito. Sinout naman agad iyon ni Ysa nang biglang --



*BLAM!*



Nakatayo yung lalaki at hinampasan niya ng silya si Luigi sa likuran. Napagulong naman si Luigi at nahulog ito sa sahig. Napa-aray nalang si Luigi habang hinimas niya ang kaniyang likuran.


"Hoy! Ikaw! Huwag kang mangialam! Nag gogood time lang kami ng girlfriend ko!" Sabi noong lalaki na dumudugo na ang ilong sabay turo kay Luigi.



Sinubukan ni Luigi na abutin yung empty bottle ng red horse na nakita niya sa ilalim ng kama. Nang naabot niya ito ay agad niya itong hinagis at tinama sa ulo mismo nang lalaki tapos ay nagback flip siya sabay sipa niya sa tiyan nang lalaki ng pagkalakas lakas at napatumba na yung lalaki. Kinuha pa ni Luigi yung silya na hinampas sa kaniya at hinampas niya doon sa lalaki.



Pagkatapos noon ay tinulungan niya si Ysa na tanggalin yung tali sa paa nito. Pagkatapos noon ay hinila niya ito sa kamay at tumakbo sila palabas ng unit.



Nang lumabas sila ay may nakaatang ng mga paparazzi. May mga fans na rin na nakaabang at yung mga ilan pang mga taga-media. Binungguan niya lang ang mga ito at tinakbuhan.



"Luigi! Tell us, totoo nga ba talaga yung issue na naging kayo ni Ysa?" 
"Bestfriend lang ba talaga kayo or kayo talaga?"
"Kayo pa ba hanggang ngayon?"
"Ano bang nangyari kay Ysa?"
"Bakit ngayon lang ulit kayo nagkasama?"


Hinahabol habol silang dalawa ni Ysa ngayon at pabilis ng pabilis ang takbo nila  kahit na masakit pa ang nahampasan na likuran ni Luigi pero kahit paano, malakas pa rin silang tumakbo at humigpit pa ng humigpit ang pagkahawak nila sa kanilang mga kamay.



Habang tumatakbo naman sila ay napansin ni Ysa na magkahawak pala sila ng kamay. Napatingin siya saglit sa mga kamay nila habang tumatakbo hanggang sa umabot sila sa elevator. Buti nalang at silang dalawa lang ang naroon.


Mahigpit pa rin ang hawak ni Luigi sa kaniya. Napatingin ulit si Ysa sa kanilang mga kamay na magkahawak. Matagal tagal na rin simula noong magkahawak ang kanilang mga kamay.


"Magalit ka na sa akin." Sabi ni Luigi nang napansin niyang nakatitig si Ysa sa mga kamay nila. Diretso lang ang tingin ni Luigi sa pinto ng elevator.



Tinignan ulit ni Ysa ang kanilang mga kamay. Bibitawan na sana niya ang kamay ni Luigi kasi mukhang awkward na. Pero instead, mas hinigpitan pa ni Luigi ang paghawak sa kamay niya. "Sorry but I can't stop caring about you."



Napatingin si Ysa sa kaniya pero agad naman niya itong binawi. Ayan na naman, ayan na naman ang emosyon sa puso niya. Kahit kailan talaga, lalabas at lalabas ang katotohanan. Ang katotohanan na hindi siya matapang na tao- na nagtatapang tapangan lang siya lalo na sa harap ng kaniyang kahinaan.



"Ysa, I'm sorry." Sabi ni Luigi na hindi pa rin makatingin sa kaniya ng diretso. "I'm sorry na ito pa ang unang pagkakataon na dumating ako para sa'yo." He gulped. "First time kong hindi na-late. First time kong hindi nagpostpone. First time kong naging on time. First time akong sumipot." This time, tinignan na niya si Ysa. Tears were forming in his eyes- ayaw niya man, hindi na rin niya mapigilan ang nararamdaman niya.



He looked straight in her eyes. "I'm sorry kung ngayon ko lang naipakita kung gaano kita kamahal."


"Luigi.." Sabi ni Ysa. Ewan at hindi niya alam na basta basta nalang na lumambot ang puso niya.



"Ysa, patawarin mo ako." Luigi looked at her still at hindi na niya napigilan na tumulo ang mga luha sa mga mata niya.


Bigla namang tumibok ang puso ni Ysa- isang tibok ng puso na matagal na niyang hindi naramdaman, na matagal na niyang minimithi na sana ay maramdaman niya ulit.



She hugged him, he hugged back.



Mas lalong naramamdaman niya ang pagtibok ng puso niya. Yung kalungkutan at paghihinayang niya, biglang napalitan ng kakaibang feeling pero yung feeling na yun, familiar na sa kaniya.



Is she feeling the same feeling again?



Or did the feeling never stopped?


*****************

Continue Reading

You'll Also Like

184K 7.2K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
141K 2.9K 46
it's all about a girl who will experience different trials to gain her happiness. Then she will meet this two gangster who will change her entire lif...
39.6K 1.1K 36
Im ABigail AHensyano, Abah for short. Half Trying-Hard, pure gaya-gaya. Yes, Im not original but Im not fake. Im just me, and I am 'Avah Maldita Wann...
1.2M 21.1K 57
Secretly Married to the person you hated the most. A gangster that loves fighting, drinking and smoking. Kaya mo ba mabuhay nang kasama siya? Maiinlo...