Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

بواسطة Sweetmagnolia

26.5M 620K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... المزيد

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[9] ATTACK OF THE ENEMIES
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[13] WARM WELCOME

502K 12.6K 2.9K
بواسطة Sweetmagnolia

                                     *****

Hila-hila ni Alex ang isang malaking maleta. Sinusundan niya si Blake at ang isang matandang katulong habang gina-guide siya papunta sa kanyang tutuluyang kuwarto.

Dinala siya ni Blake sa isang malaki, malinis at magandang silid. Mayroon itong wall TV, malaking kama, maliit na sala set, aircon at sariling banyo. Napanganga siya sa magarang kuwarto. Pakiramdam niya ay napakalaking kasalanan kung magkakalat siya dito. 

“This is your room,” sambit ni Blake at pagkuway ipinakilala nito ang kasamang katulong. “This is Yaya Cora. She is the one who will guide you around the house.”

“Hello po. Ako po si Maya,” nakangiting bati niya sa kasambahay na mga lampas sisenta na ang edad.

Ngumiti rin ang katulong. “Ineng gusto mo bang tulungan kita sa pag-aayos ng mga gamit mo?”

“Naku huwag na ho! Ako na pong bahala dito. Kayang-kaya ko na po ito.”

“There’s no need for you to help Yaya Cora. She’s not a guest her.”

Kunot noong napatingin bigla si Alex sa lalaki.

“You’re one of them,” direktang sagot ni Blake sa nagtatanong na mukha ng babae.

“Hindi libre ang pagtira mo dito. You have to work for it. You’re one of the maids kapag andidito ka sa bahay,” sabay talikod at labas ng lalaki sa kuwarto.

Inismiran ito ni Alex. “Ang akala ko pa naman ay bumait na ito.”

Muling humarap si Blake at agad na binawi ni Alex ang pagkakanguso.

“By the way your room is next to mine. I think it’s better this way para mas madali para sa akin na utusan ka if I need you to do something for me.”

Tahimik at bahagyang nakasimangot na nakatingin lamang si Alex kay Blake. Napansin ng lalaki ang pagtutol sa mga mata ng kausap.

“What ? You don’t like it?”

“Wala akong alam sa mga gawaing bahay,” diretsong pahayag ng babae.

“Yaya Cora will teach you. Bakit ayaw mo ba? Then I guess you can look for another house to stay.”

Biglang nagbago ang ekspresyon ni Alex. Kaagad itong ngumiti ng masigla.

“Binibiro lang kita. Siyempre natural lang na pagtrabahuan ko ang pagtira ko dito! Sige po Nanay Cora, iwanan nyo na ako. Pagkatapos na pagkatapos ko hong mag-ayos ng gamit ay pwede niyo na akong utusan!”

Ngingiti-ngiting lumabas ng silid si Blake. Hindi big deal sa kanya kung tumira man ng libre sa kanila ang babae ngunit ayaw niya itong ipahalata baka kasi unti-unting abusuhin nito ang ipinapakita niyang kabaitan.

Nag-ring ang kanyang cellphone.

“Hayden bakit?”

“Nasaan ka Bro?”

“Nasa bahay.”

“Blake do you remember Lizette? The one we met at Embassy club.”

“Yeah I do. The super hot and super beautiful Lizette. Why?” 

“She’s inviting us to go out tonight. She’s looking for you.”

“I don’t think I can go out Bro. Nandito sa bahay si Maya.”

“Then pauwiin mo na. Bro, di ba kursunadang-kursunada mo ang Lizette na to kaya huwag mong palampasin ang gabing ito!”

“Maya is not going home. She’s temporarily staying here.”

“What?!!! But why?”

“She was kicked out from their house.”

“Are you out of your mind Bro? Why did you accept her? Don’t you realize kung ano ang magiging epekto niyan sayo? She might control you even more!”

“Naawa ako Bro. Her parents cut her allowance and cards. Wala siyang ibang mapuntahan… And who said she can control me? Pinagbigyan ko lang siya last time.”

“Then prove it. Let’s go out tonight na hindi siya kasama ha.”

“O-okay I’ll find a way. Bye.”

“May lakad ba tayo?”

Muntik nang mabitawan ni Blake ang cellphone. Lumingon siya sa likuran at doo’y nakita niyang nakatayo’t nakahalukipkip si Alex.

“K-Kanina ka pa ba diyan?”

“Ngayon lang. Bakit? Meron ba akong hindi dapat marinig?”

 “N-none,” umiiwas ng tinging sagot niya.

Inalis ng babae ang mga kamay sa pagkakahalukipkip at lumapit sa kanya. “Si Hayden ba ang kausap mo?”

“Oo. Why are you asking?” 

“Pag siya ang tumatawag usually laging tungkol ito sa lakwatsa. May pupuntahan ba tayo ngayon? Sabihin mo kaagad sa akin para bibilisan ko ang pag-aayos ng mga gamit ko.”

“No. We’re not going out. Dito lang tayo sa bahay.”

Lumapit ito sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Unti-unti na namang nanlambot ang kanyang kalooban. Lalong hindi siya nakapalag nang inilapit nito ang mga labi sa kanyang tenga at bumulong.

“Okay... Sinabi mo yan ha. Di-to lang ta-yo sa ba-hay…In short, wa-lang  la-la-bas…”

Tinapik siya ng babae sa balikat saka ito naglakad pabalik ng kuwarto. Hindi siya nakapagsalita habang ramdam ang pansamantalang panghihina ng kanyang mga tuhod. Muling dumaloy ang kuryente sa kanyang katawan nang maramdaman ng mula sa tenga ang mainit na hininga ng dalaga. Pagkuway muling tumunog ang kanyang cellphone. Noon lamang siya natauhan. Nagmadali siyang pumasok sa sariling kuwarto upang doon na sagutin ang tawag. 

Samantala nang mapag-isa si Alex sa kuwarto, binuksan niya ang maleta at isa-isang inilabas ang mga baong gamit. Ipinasok ang mga damit sa cabinet. Dinala sa banyo ang mga toiletries. Itinabi ang ilang bitbit na pares ng mga sapatos. At pagkatapos maayos ang mga personal na gamit, itinira niya sa maleta ang mga kagamitang pampulis. Tinitigan niya ng ilang sandali ang .45 caliber. Kinuha at inilagay ito sa ilalim ng mga nakatuping damit sa cabinet. 

Muli niyang iginala ang mga mata sa silid. Lumapit siya sa bintana at hinawi ang kurtina. Tamang-tama ang pwesto ng kanyang kuwarto. Nakaharap ito sa gate at kalsada. Lumapit ulit siya sa maleta at kinuha ang dalang teleskopyo. Bumalik siya sa bintana. Tiningnan niya ang gate, nakita niya ang tatlong guard ng mansyon. Tiningnan niya ang kalsada. Binusising maigi ang mga lugar na maaaring pagtaguan kung sakaling may magmamanman kay Blake.

Idinako niya ang teleskopyo pabalik sa gate. Dahan-dahan itong nagbukas. May pumapasok na isang magarang kotse. Lumapit dito ang isang guard at kinausap ang nagmamaneho. Itinutok niya ang teleskopyo sa driver. Babae. Ilang sandali lang ay sinaluduhan ito ng gwardya at maluwag na pinapasok. Ibinaba niya ang teleskopyo at ibinalik sa maleta. Sinarado niya ang maleta at itinagong mabuti sa loob ng cabinet.

Kumuha siya ng tuwalya at pumasok ng banyo para maligo. Pagkatapos mag-shower ay nagbihis ng pambahay, jogging pants at T-shirt. Lumabas siya ng kuwarto. Tahimik na binaybay ang pasilyo. Muling inilibot ang mga paningin sa bawat madadaanan. Pinag-aaralang mabuti ang bahay. Nais niyang malaman ang mga lugar na possibleng mapasukan ng tao.

Isa-isa niyang lihim na binubuksan ang bawat silid na nadadaanan at masusi itong tinitingnan. Nalulula siya sa dami ng kuwarto dito. Napahinto siya sa tapat ng isang silid. May naririnig siyang ingay at pagkaluskos sa loob. Idinikit niya ang tenga sa pinto, may kumakaluskos nga. Hinawakan niya ang door knob at dahan-dahan itong binuksan.

“Ay kabayong palakang ewan!”

Nagulat siya sa bumulaga sa kanyang tanawin. Si Blake may kasamang babae. Bigay todo ang mga ito sa paghahalikan. Nakaupo sa console table ang babae habang nakapulupot ang mga kamay nito sa leeg ni Blake. Nasa loob naman ng suot nitong maiksing palda ang isang kamay ng lalaki. Tila walang pakialam ang dalawa sa paligid. Hindi man lang namamalayang may nanonood na pala sa kanila. Napapalunok siya sa napapanood. At nang matauhan ay nahihiya niyang isinarado ang pinto.

Napapailing na lamang na itinuloy niya ang paglalakad subalit ilang sandali lamang ay bigla siyang natigilan. Napangisi siya nang may pumasok na isang bagay sa kanyang isipan. Bumalik siya sa nasabing kuwarto at muling binuksan ang pinto.

“Blakee!”

Muntik nang maitulak ni Blake ang kahalikan sa matinding pagkagulat. Nanlalaki ang mga matang napalingon siya sa pinanggalingan ng boses.

“Ma-Maya what are you doing here?”

“Who is she Blake?” tanong ng kalampungan nito.

“Sh-she’s one of our maids Li- lizette…” nauutal na sagot ni Blake.

Dahan-dahang humakbang papalapit sa dalawa si Alex habang tinititigan ng seryoso ang lalaki nang may naniningkit na mga mata.

“Maid? Maid mo ako? Somosobra ka na Blake! Tinatanggap ko na ngang nambabae ka sa labas pero pati ba naman dito sa loob ng pamamahay natin ay nagagawa mo pa rin akong pagtaksilan!”

Nanlaki bigla ang mga mata ni Blake sa narinig. “W-What the hell are you talking about Maya?”

"Sa una pa lang ay alam ko nang babaero ka pero tiniis ko yun alang-alang sa magiging anak natin. Pumayag pa rin akong magpakasal sayo. Pero hindi ko na kayang tanggapin pati ito! Sukdulan na ang panlolokong ginagawa mo sa akin Blake," medyo naluluha-luha pang sabi ni Alex.

Nataranta si Blake at hindi alam kung papaano magpapaliwanag sa kasamang babae na noon ay may galit ng mukha.

“Are you crazy Maya?! Sinasapian ka ba ng masamang ispiritu?" tarantang sambit ni Blake sabay tingin  sa kinakalantari.  "Look Lizette-"

Pak! Walang pagdadalawang isip na pinadapo ni Lizette ang palad sa pisngi ng lalaki. “You’re a liar! You said you’re single! But what is this? You’re not only married but soon to be a father too!”

Nagmamadaling nag-ayos ng sarili si Lizette. Kinuha nito ang handbag at naglakad papalabas ng kuwarto. Agad namang hinabol ito ni Blake.

“I’m not lying Lizette. That woman is crazy. She is the one who’s lying!”

Tumigil sa paglalakad ang babae at hinarap ang lalaking nagpapaliwanag. “Then why is she here?”

Natigilan si Blake at naghanap ng isasagot. "W-Well... that’s because...because..." nauutal na wika niya habang napapakamot sa ulo. Wala siyang maisip na kapani-paniwalang sagot.

“Liar!” singhal sa kanya ng babae.

Tinalikuran ulit siya ni Lizette. Dire-diretso na itong naglakad papalayo at hindi na siya muling nilingon pa.

Bumalik siya sa kuwarto nang namumula ang mukha sa galit. Gigil na gigil na hinarap niya ang noon ay ngingisi-ngisi lamang na dalaga. “What do you think you’re doing Maya?”

Hindi sumagot si Alex sa halip ay dumila siya sa lalaki. Sa wakas ay nakaganti na rin siya sa mga pang-aapi nito sa kanya. Lalo itong napikon sa kalmadong reaksiyon niya.

Dahan-dahan itong lumapit sa kanya. Papalapit ng papalapit hanggang sa siya na mismo ang kusang umaatras. Hindi ito tumigil sa paglapit hanggang sa umabot sila sa isang cabinet bookcase. Itinulak siya bigla ng lalaki at napasandal siya sa bookshelf. Binigyan siya nito ng maiinit na mga titig habang unti-unting inilalapit ang mukha.

“You send her away… now you have to replace her,” nakataas ang isang kilay at ngingisi-ngising sabi nito.

Hindi siya naapektuhan sa narinig sa halip ay ginantihan niya rin ng malalagkit na mga titig ni Blake. Iniumang niya pa ang kanyang mga labi habang nakikita ang papalapit na mga labi nito. Ngunit bago pa man maglapat ang di dapat maglapat, bigla niyang inapakan ng pagkadiin-diin ang isang paa ng lalaki.

“ARAY!”

Napaupo at napahawak sa paa niya si Blake. Ngingisi-ngisi namang tiningnan ito ni Alex habang napapangiwi sa sakit.

“Akala mo kaya mo na ako ha. Di ba pinagsabihan na kitang huwag na huwag mo na ulit gagawin ang ganitong biro?” salita ni Alex habang pinandidilatan ng mga mata ang kausap.

"Sumosobra ka na! Pwedeng-pwede na kitang idemanda ng physical injury!” reklamo ni Blake habang nakahawak sa paa.

Ngingiti-ngiting lumabas ng silid si Alex. Nagpumilit namang tumayo si Blake at iika-ikang sinundan nito ang babae.

“Sobra ka na Maya! Lagi mo na lang sinisira ang mga diskarte ko! Sino ka ba sa palagay mo?!”

“Barkada mo,"kaswal na sagot ng dalaga nang hindi lumilingon sa bumubuntot na lalaki. 

“No! You’re almost acting like a girlfriend. Ayaw mo akong palabasin and now that I invited the girl here, nangingialam ka pa rin. Mukhang mas matindi ka pa sa girlfriend ah!”

Hinarap ni Alex ang nagrereklamong kausap. “Ayaw mo nun. Nababawasan ang mga kasalanan mo kay Sophia,” nakangiting sagot niya.

“But Maya you are not Sophia. Wala kang karapatang makialam kung nambababae man ako! You have no right to control me this way!”

“Bakit? Kinokontrol ba kita?” sabay lakad ulit ni Alex.

“Yes you do! Lagi mo na lang akong dinidiktahan sa mga dapat kong gawin.”

“Bakit mo ako sinusunod? Sinabi ko bang sundin mo ako?”

Natigilan bigla si Blake, napaisip at biglang naguluhan. “N-No-”

Eksaktong nasa tapat na sila ng kuwarto ni Alex. Hinarap ulit ng babae ang nagpoprotestang kausap sabay bulong sa tenga nito.

“Yun naman pala eh...Wala naman pala akong sinasabing sundin mo ako bakit ka nagrereklamo? Sige na pumasok ka na ng kuwarto mo at matulog na tayo. Goodnight Blake," nakangiti at nanunukso bigkas nito.

Binuksan nito ang kuwarto habang nanatili pa ring nakatayo si Blake sa tapat ng pintuan. Walang balak umalis sa kinatatayuan ang lalaki hangga’t hindi natatapos ng maayos ang kanilang pag-uusap.

“Ano pang tinatayo-tayo mo dyan. Pumasok ka na sa kuwarto mo. Maaga pa ang klase natin bukas."

“We’re not done talking Maya."

Pinandilatan ni Alex ang kausap at sabay nguso sa direksiyon ng kuwarto nito.

“See this is how you do it!” dabog ni Blake subalit agad din naman itong naglakad papasok ng sariling kuwarto.

“Susunod din naman pala. Ang dami pang sinasabi," nakangiti at napapailing na bulong ng dalaga habang sinisilip ang lalaki sa papasarang pintuan.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

5M 75.3K 65
PUBLISHED UNDER LIBPC. Divided into four books dahil sa kahabaan hehehhe already available in bookstores nationwide. But mas madali syang mahanap sa...
432K 16.3K 31
{{THE QUEENS SERIES IV: The Average Queen}} Just another bestfriend story. - This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events...
24M 406K 46
This is the second book of ANG ALALAY KONG ASTIG. A continuation of the love story of the most eligible billionaire bachelor Blake Monteverde and the...
12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...