The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 125

94 10 5
By breakerdreamer


*****Continuation of flashback/s*****

____

Nang makauwi nga si rukawa mula sa ōsaka dali dali niyang pinuntahan ang bahay nila upang kausapin ang ama sa nangyari, hindi alam ni rukawa saan siya mag sisimulang mag sabi sa ama dahil hindi niya naman mismo nakita kung nakuha ba nila si aki.

"RUKAWA!?" pagbungad ng ama kay rukawa habang may hawak na cellphone na nakatapat sa tenga nito. Ibinaba nito ang hawak bago yinakap ang anak.

"Bat hindi na kita makontak? Alalang alala ako saiyo, akala ko pa naman ay napano kana." Asik ni clyde sa anak, kakamot kamot naman sa ulo si rukawa bago tinignan ang ama.

"Pa, hindi iyan ang importante ngayon. Si aki at tita mommy, hindi ko alam kung okay ba sila ngayon o nahuli na sila ni tito kotaro." Saad ni rukawa

"Huminahon ka anak, wag mo munang isipin pa ang bagay na yan." Naguluhan si rukawa sa inaakto ng ama, anong klaseng hinahon ba ang gusto ng ama Niya?

"Pa? Naririnig mo ba sinasabi mo? Si aki at tita mommy nasa kapahamakan tapos gusto niyo, huminahon lang?" Gulat na bulalas ni rukawa na hindi makapaniwala sa ama.

Pero instead na sumagot ang ama ay nagtatype na lamang ito sa cellphone hanggang sa itapat nito sa tenga ang cellphone habang may malawak na pagkakangiti.

"Hon, nandito na si rukawa.. sobrang nag aalala sainyo ni aki kaya tinawagan na kita." Nanlalaki ang mata ni rukawa ng marinig nito ang medyo kalakasang volume mula sa cellphone.

Agad niyang kinuha ang cellphone sa kamay ng papa niya bago tinapat sa tenga Niya.

"Tita mommy? Are you okay? Si aki po, kamusta? Iyong baby niya?" Sunod sunod na tanong ni rukawa, si clyde naman na nagulat sa narinig ay napatingin sa anak ng may nakarehistrong pag tatanong sa kanyang mukha.

"Anak? May kailangan kang sabihin sakin?" Saad ng ama ni rukawa, tumango nalang si rukawa sa ama.

Ilang minutong ring pag uusap bago nagpaalam si akira kay rukawa, nasa narita airport na kasi silang dalawa ng anak nitong si aki may ticket na rin sila at patungo na sila sa america.

"Mom? Totoo ba itong mga nangyayari satin ngayon?" Nababahalang tanong ni aki sa ina, nakahawak ito sakanyang tiyan habang dahan dahang hinahaplos.

"Anak, hindi ko rin alam kung bakit nangyayari ito satin ngayon. Basta ang alam ko lang, gustong gusto kitang makasama." Saad ng ina

"Eh si sakuragi po kaya? Gusto niya kaya kaming makasama ng anak niya? Sa tingin niyo po mommy, nung nalaman niya kaya na may anak kami? Natuwa kaya siya o nagalit?" Kiming ngumiti si akira sa anak bago yinakap.

Naiintindihan ni akira ang nararamdaman ng anak ngayon, dahil sa hormones nito dahil sa pabago bago ng mood niya. Naaawa siya para sa anak pero hindi naman pwedeng magpakita si akira na malungkot siya at baka maapektuhan si aki.

"Anak, Pwede bang humiling si mommy bago tayo umalis sa bansang ito?" Tanong ng ina, tumingala si aki sa ina bago unti unting tumango.

"Hm, okay po." Sagot nito

"Pangako mo, nasa oras na makarating tayo sa america hindi mo na iisipin pa ang lalaki na iyon, okay? Ang dapat isipin mo ay ang kalagayan ng anak mo, alagaan mo siya ng mabuti... Kasama mo naman ako sa oras na pinapalaki mo ang anak mo ng mag isa." Nakangiting saad ni akira, natahimik si aki sa sinabi ng ina, ang kagustuhan ng ina na kalimutan si sakuragi ay lalong nakakapag palungkot kay aki.

Hindi niya kayang hindi ito isipin ng isang araw man lang, naiiyak siya at parang gusto niya itong makita.

"Ma, parang hindi ko po kaya ang gusto niyong mangyari po." Anas ni aki na naluluha na naman

"Anak, kayanin mo. Ikaw ngayon ang mag isang tumatayong magulang ng baby mo. Alalahanin mo na hanggat mag isa kang lumalaban para sa anak mo, nakikipag laban din si sakuragi.. ang gusto ko, gawin mong mag survive na mag isa." Pumikit si aki bago unti unting tumango sa sinabi ng kanyang ina

"Okay mom, susubukan ko po." Tumango na lamang si akira kahit na hindi niya gusto ang isinagot nito. Pero para anak gagawin niya ang lahat ng makakaya niya.

-meanwhile

Lumabas muna si rukawa sa kanilang bahay upang mag pahangin, sa daming nangyari ngayong  taon na ito para sakanya parang drain na drain na siya. Nag aalala siya para sa kapatid at para sa kaibigan na hinuli kahit wala namang ginawang kasalanan.

Habang nag lalakad patungong open space si rukawa makakasalubong nito ang mga kaibigan ni sakuragi, mga mukhang nagmamadali ang mga ito dahil sa kinikilos ng mga ito.

"Mito!?" Tawag ni rukawa sa mga ito

"Oh! Rukawa, pasensya na. Nag mamadali kami, si sakuragi kasi.. nabalitaan naming nahuli ng ama ni aki." Hindi na nagulat si rukawa sa nabalitaan dahil saksi siya ng mangyari iyon kanina.

"Pasensya na, nandoon ako ng mangyari iyon sakanya, hindi ko siya nagawang pigilan dahil nag aalala din ako para sa kapatid ko." Saad ni rukawa, nagulat si mito sa sinabi ni rukawa subalit nailing na lamang ito.

"Okay lang rukawa, inaasahan na naming mangyayari ito. Kaya rin nag mamadali kami para puntahan iyong makakatulong para kay sakuragi sa mga oras na ito." Napakunot ang noo ni rukawa sa narinig bago napagpasyahang sumama sa mga ito.

"Saan kayo pupunta ngayon?" Tanong ni rukawa na sumusunod na sa mga ito habang naglalakad patungo sa train station.

"Sa ōsaka, nandoon iyong taong makakatulong may sakuragi." Ha? Napakunot noo na lamang si rukawa at hindi na lamang nag tanong pa. Tutal makikita din naman nito kung sino ba ang tinutukoy nitong makakatulong kay sakuragi.

"Tsanga pala, kamusta iyong pinapasabi ko sainyo?" Tanong ni rukawa

"Ha? Anong klaseng tanong yan?" Balik tanong ni takamiya

"Hindi pa ba obvious na nahuli si sakuragi dahil sa kagustuhan makita si aki at makumpirma kung totoo bang buntis si aki. Kahit gunggong si sakuragi, alam naming mas tatay pa siya sa ibang tatay dyan." Saad ni noma

"Sayang lang, dahil hindi man lang sila nakapag usap man lang ng kapatid ko. Gustong gusto ni aki na makita si sakuragi, subalit nabalitaan ko rin sa pinakiusap ko na mag manman sa bahay ni tito kotaro na ngayon ang balak nilang pag tungo sa tinutuluyan ni aki. Mabuti na lamang at nakatakas sila at nakalayo bago mangyari ang gusto ni tito." Pagkekwento ni rukawa

"Mabuti naman kung ganon, baka mag alala din iyon si sakuragi sa oras na tanungin tayo mamaya." Saad ni mito

Continue Reading

You'll Also Like

29.6K 118 1
Makulit, Maingay, Sweet, Matalino, Friendly ganyan ilarawan ni Kiarra Kiyota ang ugali nya... Ano kayang mangyayare kung magtagpo ang landas nila ni...
18.9K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
897 282 7
Lists of all the wattpad stories that I have read and still reading on wattpad. . . .
5.9K 269 16
[COMPLETED] (UNDER EDITING) "How would you know if you met your other half?" "How would you know if you are meant to each other?" "Would you feel so...