Be My Endgame

By Miss_Terious02

10.8K 263 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 16

223 5 0
By Miss_Terious02

Enjoy reading!

Natapos ang birthday ko ngunit hindi pa rin kami nagkakausap ni Kuya Edward tungkol sa sinabi niya noong gabi na 'yon. Hindi pa rin ako mapakali hanggat hindi kami nagkakausap.

Habang sinusuot ko ang relo na regalo sa akin ni Jack Jendrick ay napatingin ako sa pinto ng kuwarto ko nang bumukas iyon at mukha ni Kuya Edward ang nakita ko.

"Tara na, Ki. Baka ma-late pa ako." Wika niya at agad na isinara ang pinto. Binilisan ko na ang pag-aayos at pagkaraan ay lumabas na ako ng kuwarto at mabilis na bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay.

Agad akong pumasok sa front seat at inayos ang seat belt ko.

"Iyan ba ang regalo ni Jack?" Tanong niya habang nakatingin sa daan. Noong una ay naguluhan pa ako sa tanong niya ngunit agad akong napatingin sa relo na sa palapulsuhan ko.

"Oo." Maikli kong sagot.

"Hindi ko na papupuntahin si Jack sa bahay. Hindi na rin kita isasama kapag kasama ko si Jack." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niyang 'yon.

"Pero, kuya, hayaan mo muna ako. Hindi madali iyong sinabi mo." Pagmamakaawa ko.

"Tinutulungan lang kita, Kiera. Please lang tulungan mo rin ang sarili mo." Turan niya.

"Kuya, h-hindi ko na kaya pang... l-lumayo." Muntik ko ng hindi matapos ang sasabihin ko.

"Kaya nga tinutulungan kita. Gawin mo ang sinabi ko kung ayaw mong umiyak ka sa huli. Kilala ko si Jack at alam kong hanggang kapatid lang ang turing niya sa 'yo." Aniya. Hindi na muli pa akong umimik hanggang sa makarating kami sa tapat ng school. Agad na akong nagpaalam at lumabas ng kotse.

Hanggang sa makapasok ako sa loob ng classroom ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Kuya Edward. Iniisip ko pa lang na iiwasan ko si Jack Jendrick ay nasasaktan na ako. Hindi ko kaya.

"Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Jasmin nang umupo ako sa tabi niya.

"Mukhang may problema ka ah." Sabi ni Mojica habang nakatingin sa akin.

"Wala. Napuyat lang ako." Turan ko at pilit na ngumiti sa kanila.

"Huwag kami, Kiera. Kung gusto mo mag kuwento ay makikinig kami." Wika ni Mojica na ikinatango naman ni Jasmin.

"Alam na ni Kuya Edward na may gusto ako sa kaibigan niya." Wika ko.

"Tapos anong nangyari?" Tanong ni Jasmin.

"Gusto niyang iwasan ko si Jack Jendrick. Ayaw niyang masaktan ako sa huli dahil baka masira lang daw ang pagkakaibigan nila kapag nangyari 'yon..." Pagkukuwento ko.

"Pero hindi ko na kayang umiwas." Dugtong ko.

"Ang hirap niyan, Ki. Sinong pipiliin mo sa kanilang dalawa? Ang kuya mo ba o si Jack," turan ni Mojica. Wala naman akong pipiliin sa kanilang dalawa. Parehas silang mahalaga sa akin. Hindi ko kayang iwasan na si Jack Jendrick ngunit ayaw ko rin na magalit sa akin si Kuya Edward. Bumuntong hininga na lang ako.

Halos wala na akong maintindihan sa mga sinasabi ng mga teacher sa harapan. Ilang subjects na ang dumaan ngunit wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila.

Pagsapit nang tanghalian ay hindi ako lumabas ng classroom at ganoon din ang dalawa. Ayaw nila akong iwan kaya nanatili silang dalawa sa tabi ko.

"Kiera, may naghahanap sa 'yo sa labas." Napatingin ako sa kaklase kong tumawag sa akin. Agad na kumunot ang noo ko at tumayo upang tingnan kung sino ang naghahanap sa akin sa labas.

"Lennox." Banggit ko sa pangalan niya nang lumabas ako ng classroom.

"Hi. May ibibigay lang ako sa 'yo." Sabi niya at inabot ang isang paper bag.

"Ano 'yan?" Tanong ko.

"Libro. Merong horror books at iba pa na puwede mong basahin." Sagot niya. Agad kong inabot iyon at sinilip ang loob at tama nga ang sinabi niya. Pero hindi ko na rin mapapahiram si Jack Jendrick ng mga horror na libro dahil pinagbawalan na ako ni Kuya Edward na lumapit sa kaniya. 

"Para saan ang mga 'to, Lennox? Tapos na ang birthday ko at meron ka namang regalo na binigay kaya okay na 'yon." Wika ko.

"Hindi ko na kasi madadala ang mga 'yan sa Quezon." Sagot niya na ipinagtataka ko.

"Quezon? Anong gagawin niyo roon?" Kunot noong tanong ko.

"Lilipat na kami roon. Lilipat na rin ako ng school kaya huling pagkikita na siguro natin 'to kaya ngayon ko na binigay sa 'yo ang mga 'yan." Sagot niya.

"Sure ka na ba? Hindi na ba magbabago ang isip niyo?" Tanong ko na ikinatawa niya.

"Hindi na. Bakit, nagkakagusto ka na ba sa 'kin at ayaw mo na akong paalisin? Sabihin mo lang at magpapaiwan ako." Natatawa niyang sabi na ikinangiti ko.

"Hindi ko alam na assuming ka pala." Nakangiti kong sabi.

"Biro lang. Ayokong maging malungkot ang pagpapaalam ko sa 'yo kaya pinapatawa lang kita." Nakangiti niyang sabi.

Naging mabuting kaibigan din siya sa akin. Kahit na umamin siya ng nararamdaman niya at kahit hindi kami parehas ng nararamdaman ay hindi siya nagbago. Siya pa rin ang Lennox na nakilala ko noong una.

"Basta huwag mo kaming kakalimutan, ah. Baka kapag nagkita tayo sa susunod ay hindi ka na namamansin." Pagbibiro ko.

"Grabe ka naman. Paano ko makakalimutan ang ganiyan kagandang mukha." Turan niya na ikinatawa ko.

"Tama na 'yang pambobola mo. Pero thank you sa mga libro. Huwag kang mag-alala aalagaan ko ang mga 'to." Wika ko.

"You're always welcome, Kiera. Basta kapag may problema ka ay huwag kang mahiyang tawagan ako sa messenger. I'm always here for you." Sabi niya at ngumiti. Tumango lang ako.

"Thank you, Lennox. Thank you dahil naging kaibigan kita." Sabi ko.

"Thank you rin, Kiera. Sige na, balik na ako sa classroom. Sabay na lang ako mamaya sa inyo palabas ng school." Paalam niya na ikinatango ko. Kumaway siya bago tuluyang naglakad at umakyat nang hagdan patungo sa classroom niya.

Bumalik na rin ako sa upuan at nakatingin ang dalawa sa bitbit kong paper bag.

"Ano 'yan?" Tanong ni Mojica nang umupo ako.

"Libro." Maikli kong sagot.

"Bakit binigay ni Lennox sa 'yo?" Tanong ni Jasmin.

"Lilipat na raw sila ng bahay sa Quezon kaya binigay niya na ang mga 'to sa akin." Sagot ko.

"Ay sayang naman wala ng masisilayan si Jasmin." Pang-aasar ni Mojica kay Jasmin kaya sinamaan siya nito ng tingin.

"Bakit ko naman sisilayan 'yon? Sa yabang no'n." Inis na sabi ni Jasmin na ikinatawa ni Mojica. Ang hilig niyang asarin palagi si Jasmin at inis na inis naman itong isa.

"Nako, ayaw pang aminin na gusto si Lennox." Mahinang sabi ni Mojica at sapat lang upang marinig ko iyon kaya napatingin ako sa kaniya.

Anong ibig niyang sabihin? Na may gusto si Jasmin kay Lennox?

Nanatiling tahimik si Jasmin sa tabi ko habang hawak ang kaniyang selpon at abala roon sa mga pinapanood.

Pagsapit nang hapon ay sabay kaming tatlo na lumabas ng classroom at paglabas ay naroon na agad si Lennox kasama ang boyfriend ni Mojica.

"Hi, Lennox, balita ko ay lilipat ka raw ng school?" Tanong ni Mojica.

"Oo. Baka huling pasok ko na 'to ngayon. Bukas kasi kami aalis." Sagot ni Lennox. Agad ko namang tiningnan si Jasmin na tahimik lang sa tabi ko. Ang kilala kong Jasmin ay madaldal at matapang. Ngunit ngayon ay ramdam ko ang lungkot niya kahit hindi niya sabihin.

"Lennox, puwede ko bang ibigay ang ibang libro kay Jasmin? Mahilig din kasi siyang magbasa at saka marami din kasi 'to." Wika ko kaya napatingin sa akin si Jasmin at halata sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

Tiningnan naman siya ni Lennox at ngumiti. Hindi ko alam pero napangiti na lang din ako sa kanilang dalawa.

"Sure. Hindi mo naman sinabi, Jas na mahilig ka rin pala magbasa. Sayang at binenta ko na 'yong iba." Sabi ni Lennox. At mas lalo pa akong napangiti nang lumipat ng puwesto si Lennox at kinuha ang paper bag kong dala at nay kinuha roon na tatlong libro. Pagkaraan ay binigay niya iyon kay Jasmin.

Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Mojica at ngumiti.

"S-salamat." Nauutal na sabi ni Jasmin at tinanggap ang binigay na libro.

"You're welcome, Jas. Hayaan mo mag-iipon ulit ako ng mga libro tapos kapag nagkita tayo bibigyan kita. Huwag ka na mag tampo." Biro ni Lennox na ikinangiti ni Jasmin.

"Hindi naman ako nagtatampo." Sagot ni Jasmin na ikinatawa ni Lennox. At least napasaya ko kahit papano ang kaibigan ko. Ayokong nakikita siyang malungkot dahil nakokonsensiya ako kahit hindi ko naman kasalanan.

Nang tuluyan na kaming makalabas ng school ay agad na ring nagpaalam si Lennox. May naganap pang group hug bago siya tuluyang umalis.

"Nakaka-miss din ang isang 'yon." Malungkot na sabi ni Mojica. Tiningnan ko ulit si Jasmin na wala na ang saya sa kaniyang mukha. Wala rin naman kaming magagawa dahil kailangan umalis ni Lennox. Pero kung sila talaga sa huli ay pagtatagpuin pa rin naman sila ng tadhana balang araw.

Agad na rin akong nagpaalam sa kanila dahil kanina pa naghihintay si Kuya Edward.

Pagbukas ko ng front seat ay agad akong pumasok at inayos na ang seat belt.

"Mabuti at mukhang kaibigan niyo na talaga 'yong Lennox na 'yon. Hindi ba nanliligaw iyon sa 'yo? Bakit hindi mo bigyan ng chance?" Tanong ni Kuya Edward habang bumibiyahe kami pauwi. Siguro ay nakita niya kanina na sumabay si Lennox sa amin sa paglabas sa gate. At may group hug pang nangyari.

"Magkaibigan lang kami ni Lennox, Kuya. At hanggang doon lang talaga." Turan ko. Hindi na muli siyang nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay.

Wala pa sina Mama at Papa kaya dumiretso muna ako sa kuwarto at nagpalit ng damit. Nang matapos ay bumaba ako at pumunta sa kusina. Nadatnan ko roon si Kuya Edward na abala sa paghahanda ng lulutuin niyang ulam. Agad na rin akong nagsaing at naghugas ng mga natirang pinagkainan namin kaninang umaga.

Abala kami ni Kuya Edward sa kusina nang biglang may nagsalita mula sa sala at mukha ni Jack Jendrick ang nakita ko.

"Paano ka nakapasok? Dire-diretso ka na, ah." Gulat na sabi ni Kuya Edward na ikinatawa ni Jack Jendrick.

"Well, sabi ni Tita feel at home ako rito kaya pumasok na lang ako." Sagot niya at tumingin sa akin.

"Hi, Ki." Bati niya. Matutuwa na sana ako ngunit agad na tumingin sa akin si Kuya Edward kaya nanatiling seryoso ang mukha ko.

"Hello." Maikli kong bati at pilit na ngumiti.

"May dala akong donuts at milkshake. Tara sa sala hayaan mo 'yang kuya mo." Wika niya at magsasalita pa sana ako nang lumapit siya sa akin at inakbayan ako at sabay kaming naglakad palabas ng kusina. Nakita ko pa ang tingin ni Kuya Edward sa amin. Paano ako iiwas nito kung siya mismo ang lumalapit?

Pagdating namin sa sala ay agad kong nakita ang isang box ng donuts at tatlong milkshake. Naroon din ang bag niya at ang ibang gamit sa school.

Umupo ako sa sofa at ganoon din ang ginawa niya. Agad niyang binuksan ang donuts at binigyan ako.

"Bakit ka nga pala narito?" Tanong ko at kumagat ng donut.

"May gagawin kaming project ni Edward. Gusto niya nga sana sa bahay kaso mas gusto ko rito kaya wala siyang nagawa." Turan niya. Tumango lang ako.

"Mabuti at nagustuhan mo ang regalo ko sa 'yo." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin sa relo na suot ko.

Tumango lang ako. "Thank you sa relo."

"Wala 'yon. Gusto mo ba ng isa pa? Para naman may salitan 'yan." Sabi niya. Agad akong umiling.

"Huwag na. Okay na ako rito." Sagot ko.

"Mukhang masaya ang pag-uusap niyong dalawa," agad akong napaayos ng upo nang dumating si Kuya Edward. Tiningnan niya ako saglit bago umupo sa kaharap kong upuan at kumuha ng milkshake at donut.

At pagkaraan ay muli siyang tumingin sa akin na para bang gusto niyang umalis na ako sa sala. Muli akong kumuha ng donut at tumayo na.

"Maiwan ko muna kayo. Thank you ulit sa meryenda." Paalam ko habang nakatingin kay Jack Jendrick.

"You're welcome, Ki." Sagot niya at kumaway. Ngumiti lang ako at agad na umalis sa sala at pumunta na sa kuwarto ko.

Kahit labag sa loob ko na umalis roon ay kailangan ko pa ring gawin. Ayokong magalit si Kuya Edward sa akin at baka hindi na ako pansinin. Ngunit hanggang kailan itong pagkukunwari kong 'to? Gusto kong masilayan palagi ang mukha niya. Iyong ngiti niya. Iyong mga mata niya.  Hindi ko alam kung kakayanin ko pang umiwas.


••••

Thank you so much for reading!

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 290 22
WINSTON LEGACY SERIES 1 LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH CALIX TRAVIS MADRIGAL WINSTON'S STORY. He was then ruthless, at his young age, he managed their fam...
198K 3.1K 28
Si Grayson Pritzker ay may ari ng sikat na bar at airport sa San Miguel. Madalas siyang na sa ibang bansa. Kaya naisipan niyang maghanap ng kasambaha...
1.9M 95.3K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
110K 5.2K 41
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...