Favorite Obsession

By CeCeLib

21.2M 544K 68K

"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay... More

SYNOPSIS
PROLOGUE - Virgo
CHAPTER 1 - Needs
CHAPTER 2 - Visit
CHAPTER 3 - DISAPPEARANCE
CHAPTER 4 - Siblings
CHAPTER 5 - Rogue
CHAPTER 6 - Lie
CHAPTER 7 - Reason
CHAPTER 8 - Bite
CHAPTER 9 - Hunter
CHAPTER 10 - Return
CHAPTER 11 - Memory
CHAPTER 12 - Dream
CHAPTER 13 - Sicily
CHAPTER 14 - Deal With Simonides
CHAPTER 15 - It Couldn't Be Her
CHAPTER 16 - Acceptance and Friendship
CHAPTER 17 - A Rogue's Kiss
CHAPTER 18 - Familiar Scent
CHAPTER 19 - Lucien's Heartache
CHAPTER 20 - Heart in the Dumpster
CHAPTER 22 - Unexpected Visitor
CHAPTER 23 - Vampire Tears
CHAPTER 24 - Searching
CHAPTER 25 - Markings
CHAPTER 26 - Old Script
CHAPTER 27 - My Beloved Rogue
CHAPTER 28 - Red String Bond
CHAPTER 29 - I'm Sorry
CHAPTER 30 - Waterfalls
CHAPTER 31 - Alive and Pissed Off
CHAPTER 32 - Award Winning Illusionist
CHAPTER 33 - Unborn Child
CHAPTER 34 - Little Girl
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 21 - Heart in the Box

452K 13.5K 2.9K
By CeCeLib

CHAPTER 21 - Heart in the Box

"MISS Virgo, may dumating pong package sa inyo." Anang isa sa mga kasambahay nila Vixor ng makauwi siya ng araw na 'yon. Hindi niya kasama ang binata dahil may ginagawa raw itong importante.

"Salamat." Sabi niya na nakangiti saka tinanggap ang maliit na box na inabot nito sa kaniya.

Virgo went to her room and excitedly openS the package.

Napasinghap siya at mabilis niyang binitawan ang box ng makita ang laman niyon. It's a heart. A very fresh heart. 'Yong puso na katatanggal palang sa isang katawan. Blood were still surrounding the organ. Tatakpan sana niya ang box ng mapansing may nakasulat sa likod ng takip ng kahon.

Binasa niya iyon at para siyang nanghina.

The next time you receive a box. Puso na ni Lucien ang laman niyon. So if you don't want your Lucien to die, stay away from him. Don't talk to him. Don't visit him and don't even think of him. Understand? Good.

Mabilis niyang tinakpan ang kahon at nagpalit siya ng sweatshirt at maikling denim short. Saka dala ang kahon na may lamang puso, tumalon siya mula sa teresa ng kuwarto nila ni Vixor at mabilis na tumakbo patungo sa bahay nila Lucien. Hindi niya alam kung bakit doon siya dinadala ng mga paa niya pero hindi na siya nag-isip pa.

Kailangan niyang makita si Lucien. Parang naninikip ang dibdib niya habang paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sulat na nasa likod ng takip ng karton.

Nang makarating sa distinasyon niya, mabilis siyang umakyat sa teresa ng kuwarto ni Lucien at kumatok sa sliding door na kumokonekta sa silid nito.

Seconds later, the door opened. Pumasok siya kaagad at hinanap ng mga mata niya si Lucien. He was casually leaning on the sliding door, door frame, hiding from the sun.

Mabilis niyang isinara ang pinto at humarap sa lalaki.

"May kaaway ka ba?" Tanong kaagad niya.

Kinunotan siya ng nuo ni Lucien. "Wala naman. Bakit?"

Bumuga siya ng hangin at iniabot ang box dito. "I receive that today."

Tinanggap ni Lucien ang kahon at binuksan iyon. He grimaced when he saw a bleeding heart inside.

Itinuro niya ang takip ng kahon. "Read it."

Kaagad naman na binasa ni Lucien ang nakasulat at mahinang napatawa saka matiim siyang tinitigan. "Bakit ka narito, Virgo? Nag-aalala ka sakin?"

Mabilis siyang umiling. "Gusto ko lang magtanong kung may kaaway ka. Ayoko ng tinatakot ako. Halos buong buhay ko, takot ang naghahari sa buo kong pagkatao, pero hindi na ngayon. Kung sino man ang nagpadala sakin niyan, sisiguraduhin kong puso niya ang ilalagay ko sa isang kahon." Galit na sabi niya saka bumuga ng hangin para pakalmahin ang sarili niya.

Nanginginig ang kamay niya sa galit na nararamdaman niya. Virgo knew that her eyes are now red.

Inilapag ni Lucien ang kahon sa ibabaw ng isang mesa na malapit dito at naglakad ito palapit sa kanya.

Virgo can see the uncertainty in his move. Parang gusto nitong lumapit pero may pumipigil dito.

She blew a breath and sat on Lucien's bed. "Take away my anger. Oh god. Take it away. Erase it." She wanted to strangle someone to death. She wanted to kill someone.

Mapaklang tumawa si Lucien. "I can't."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "At bakit? 'Di'ba magaling ka sa pag-control ng emosyon. Bakit hindi mo kayang gawin 'yon ngayon?"

"Virgo, i regret what i did to you two years ago. Hindi ko na gagawin ulit 'yon sayo kahit pa may permiso mo." Anito at bumuga ng hangin.

Mahina siyang tumawa. "Ganoon ba? Nagbago ka na pala. Good for you then."

Tumabi ito ng upo sa kanya sa kama at huminga ng malalim. "So you can run around in the sun, huh? How do you do that?"

Unti-unti siyang kumakalma. "Vixor tattooed me." Ipinakita niya ang tatoo sa daliri. "Protection from the sun."

Napatango-tango ito. "Royalty thing."

"Yeah."

"Masaya ka ba sa piling niya?"

"Oo. He's good to me. At palaging sinisiguro ni Vixor na safe ako."

"That's good." He sounds like choking.

"Lucien?"

"Hmm?"

"I hate you for controlling my emotion before. Pero ayoko namang makita ang puso mo na nakalagay sa kahon."

"Then stay away from me."

Napatitig siya sa binata. "Sa tingin mo hindi iyon ang ginagawa ko?"

Lucien chuckled sardonically. "Virgo, tumakbo ka patungo sakin ng matanggap mo ang kahon na 'yan. Sigurado ka ba na ayaw mong makita ang puso ko sa kahon? Kasi sa ginawa mo, malaki ang posibilidad na mangyari nga 'yon."

Virgo cursed. Bakit ba hindi niya naisip 'yon? "I'm so sorry. I'm just worried—" Virgo stops talking when she realized what she just said.

"Worried?" Lucien smiled. "Why? Why are you worried over me, Virgo?"

Napipilan siya sa tanong nito. She didn't know the answer to that.

Napailing-iling si Lucien ng hindi siya makasagot. "Huwag kang mag-alala sakin, alalahanin mo ang sarili mo. Ikaw ang tinatakot ng kung sino man ang nagpadala ng kahon sayo, hindi ako. Kaya mag-ingat ka."

Nagbaba siya ng tingin. "Hindi ako natatakot."

"Virgo, i can still feel your emotion. Alam kong natatakot ka. Don't lie to yourself. Kailangan sabihin m okay Vixor na nakatanggap ng ganoong bagay para malama niya kung paano ka mas mapo-protektahan."

She sighed. "Ayokong sabihin ito kay Vixor, ayokong mandamay ng ibang tao."

Tumayo si Lucien at naglakad patungo sa pinto ng terrace saka binuksan iyon. "Kung ganoon, makakaalis ka na."

Napatitig siya sa nakabukas na pinto at kay Lucien. "Noon, gusto mo manatili ako. Ngayon naman gusto mong umalis ako. Ang gulo mo."

Mabilis siyang lumabas ng silid nito at tinahak ulit ang daan patungo sa mansiyon ng mga Simonides.

NANG makaalis si Virgo, naglakad si Lucien patungo sa Vault ng silid niya at kinuha mula roon ang kaparehong kahon na natanggap ni Virgo. Natanggap niya ang kahon kaninang madaling-araw

Inilapag niya ang box sa tabi ng box ni Virgo at binuksan niya ng sabay ang dalawang kahon.

Bleeding heart.

'Yon ang laman ng kahon na natanggap niya. At katulad ng kay Virgo, may nakasulat din sa likod ng takip.

Kung ayaw mong ang puso ni Virgo ang maging laman ng kahon na ito. Lumayo ka. Kalimutan mo siya at huwag kang manggugulo. Understand? Good.

His jaw tightened. Ayos lang sa kaniya na takutin siya pero hindi puwedeng pati si Virgo ay madamay sa kalokohang ito. Kawawa naman ang dalaga. Alam niyang natatakot si Virgo. Nararamdaman niya iyon. He badly wanted to erase her fear but he reigned himself. 'Yon ang hindi maganda sa kaniya, e. Pagdating kay Virgo, he can do anything, even do forbidden things, like controlling her emotion, just to keep Virgo safe.

Napatitig ulit siya sa dalawang kahon na nasa harapan niya.

The box has no trace. Kung sino man ang nagpadala no'n, nasisiguro niyang sanay na 'yon magpadala ng kung ano-ano sa ibang tao. He should investigate. Walang puwedeng manakot sa babaeng mahal niya.

Bumukas ang pinto ng silid niya.

"Since when did you let threats stop you?" Anang boses ng kaniyang ama.

Tinakpan niya ang dalawang kahon at humarap sa kaniyang ama. "Tinatakot din nila si Virgo. She's my strength and also my weakness. Hindi ko kakayanin kapag may nangyari sa kanyang masama at ako ang dahilan no'n."

Napailing-iling ang kaniyang ama. "You need to mate with her, Lucien."

Bumuntong-hininga siya. "That's impossible to happen. As you know, she hates me."

"It's not impossible." Tinapik nito ang balikat niya. "Naniniwala akong mahal ka ni Virgo. Kailangan mo lang siyang suyuin at ipakita sa kaniya na mahal mo siya." Pagkatapos ay kinuha nito ang dalawang kahon na may lamang puso. "Sa akin na 'to. Tandaan mo ang sinabi ko. Huwag kang matakot sa kung sino man ang nagpada nito. Ako na ang bahala."

"Thanks, Dad."

"No problem, Lucien. Just do what you have to do."

Iniwan siya ng kaniyang ama sa silid niya. Bumuntong-hininga siya at napapikit ng maamoy ang mabangong halimuyak ng dugo ni Virgo. Her scent still lingers in the air of his room. Holy hell! I miss her so much!

WHEN Virgo arrived in Simonides Mansion, she went invisible when she heard shouts inside the mansion. Pumasok siya sa loob ng mansiyon at dahan-dahang naglakad patungo sa nagsisisgawan.

It's Vixor and his mother.

"Stop it already!" Sigaw ni Vixor sa ina nito. "You're destroying lives! Ilang buhay na ba ang nasira niyo ni Daddy?! Pati buhay ko sinira niyo! Kaya namatay ang kakambal ko dahil sa inyo. You made him a monster. You killed him—"

"Si Lucien ang pumatay sa kakambal mo!" Balik sigaw ng ina nito. "Siya ang may kasalanan! Kaya si Virgo, alagaan mo siyang mabuti kasi siya lang ang alas natin kay Lucien. Make her fall for you. Mate with her if you must. Siya ang kahinaan ni Lucien. At habang magkasama kayo ni Virgo, nasasaktan si Lucien. Dapat lang 'yon sa kanya!"

Umiling-iling si Vixor. "No. Kayo ang pumatay kay Vixon. Kung hindi mo kami pinag-expirentuhan, buhay pa siya sana ngayon. And Virgo is not someone that i want to fool. Ayoko."

Tumawa ng nakakainsulto ang ina nito. "Virgo is a pawn, Vixor. Gumising ka. Nasa poder na natin siya. At gagamitin natin siya para makapaghiganti tayo kay Lucien. Hindi naman 'yon malalaman ni Virgo dahil wala naman siyang alam palagi."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang sarili na sigawan ang ginang na akala niya ay mabait. 'Yon pala ay may binabalak na masama at gusto pa siyang idamay.

"No, mom." Ani Vixor. "Hindi isang pawn si Virgo."

Vixor's mother shrugged nonchalantly. "Bahala ka. Basta tuloy ang plano para mas lalo pang maging makapangyarihan ang mga kalahi natin."

Umingos si Vixor. "They'll stop you and Dad."

"Sino? Ang mga pesteng Hunter's na 'yon?" Tumawa ito. "As if they can stop me."

Napailing-iling si Vixor. "Bahala kayo sa mga binabalak niyo. I'm out. I don't want to be one of your pawn, mom. No."

Umalis si Vixor at iniwan ang ina nito sa loob ng Library. Siya naman ay dahan-dahang umalis na rin at nagtungo sa silid nila ni Vixor habang bumubuo ng plano para isalba ang sarili niya.

Hindi niya hahayaang kontrolin na naman siya ng kung sino! No way in hell she let that happen.

VIXOR stood on the edge of the rooftop in their mansion. May earphone sa tainga niya habang pinapakinggan ang sinasabi ng kausap sa kabilang linya.

"We located five rogues. Kapareho niyo sila ni Lucien Kallean. They are now in the dungeon. Hinihintay lang namin ang utos mo para sa susunod naming gagawin."

He sighed and looked at the dark sky. "Ikulong niyo muna. Wait for my orders. May kakausapin pa ako."

"Masusunod, Kamahalan."

Nang mawala ang kausap sa kabilang linya, tinawagan niya ang taong matagal na niyang gustong kausapin.

"This is Vixor," sabi niya ng sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag niya. "We need to talk."

"What do you want?" Matalim ang boses ng nasa kabilang linya. "Where did you get my number?"

"I'm a Prince, i have connections."

Pagak na tumawa ang nasa kabilang linya. "Anong kailangan mo?"

"Kailangan ko ang tulong mo. Rogue's like us were captured and they are now being held in the dungeon."

"Like us?" May pagkabahala ang boses nito. "Anong ibig mong sabihin?"

"There are lots of Rogue's like us. Not a normal Rogue." Sabi niya. "Kasalanan 'yon ng nga magulang ko. They have to be stop. Baka pati ang nag-iisang kong kapatid madamay sa mga plano nila. Hindi 'yon puwede. Nagpapahiwatig na sila at kilala ko ang kapatid ko, hindi 'yon tatanggi."

"So kaya mo 'to ginagawa dahil may personal kang dahilan."

Vixor chuckled. "Oo. So, ano, tutulong ka?"

Bumuntong-hininga ang kausap. "Paano ko masisigurong hindi ka ka-isa ng mga magulang mo sa kabaliwan nila?"

He smiled. "My mom wants to use Virgo—"

"I'm in."

Natawa siya. "Kapag si Virgo talaga kahit ano gagawin mo."

"Yeah. See you in Hegro Lake."

Natigilan siya. "Paano mo nalaman na naroon ang Headquarters na itinayo ko?"

"I do know how to spy and investigate, your highness." Pagkasabi no'n ay pinatayan siya nito ng tawag.

Napailing-iling nalang siya at tumalon mula sa rooftop.

HABANG nasa banyo si Virgo at naliligo, paulit-ulit na pumapasok sa isip niya ang sinabi ng ina ni Vixor kanina.

She is Lucien's weakness. At nasasaktan si Lucien dahil sa kaniya.

Is that true?

Her heart wouldn't stop beating so fast. And her mind is now in turmoil. Ano ang nararapat niyang gawin? Oo nga at galit siya kay Lucien pero hindi naman niya inisip na paghigantian o saktan din ito tulad ng ginawa nito sa kanya.

Kung magiging tapat lang siya sa sarili niya at hahayaan ang baliw niyang puso na mag desisyon para sa kaniya, baka nasa piling na siya ngayon ni Lucien. Gusto niyang i-deny at magkunwari na hindi niya alam ang dahilan ng kakaibang pagtibok ng puso niya.

Pero hanggang kailan niya kayang mag maang-maangan sa nararamdaman ng puso niya.

Hanggang kailan? 


A/N: Sino 'yong mga #TeamLucien dito? Its time to party!. Hahaha.

Continue Reading

You'll Also Like

21.2M 544K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
146K 148 1
Book 3 of The Casanova's Slave PLAGIARISM is a Crime This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwis...
193K 9.1K 45
Hey Wattpadders, panahon na naman para sa pinakamasayang party rito sa Wattpad! Halina't maki-celebrate sa buong buwan ng Mayo. Handa na ba kayo to...
418 70 4
[ongoing] 'I wrote letters for my crush but it were received and read by the wrong guy' -Rio Started: 04.04.22 Re-publiahed: 11.01.23 Finished: Langu...