Hearts In Tune

By skylieeewrites

30 0 0

"Hearts in Tune" Jake, a famous solo singer, gwapo, crush nang bayan pero ultimate snob at suplado. He is at... More

Prologue
Chapter 2- Finally Home
Chapter 3- Misery or Destiny?
Chapter 4- Focus
Chapter 5-

Chapter 1- A Dream Come True

7 0 0
By skylieeewrites

Jake Vargaz, 23 years old. Solo singer, gwapo, matangkad, mistiso, has a beautiful smile at matutunaw ka sa titig niya.

Especially when he starts to form chords in his guitar, strumming a fairytale like melody accompanied by his sweet and angelic voice.

Nagsigawan ang lahat as Jake sings the first line of the song.

"Jake!!!!! Ang gwapo mo!"
"Your voice is soooo addicting!"
"Akin ka nalang Jake, my loves!"

He smirked at the sight of people crazily cheering for him. It was not his first time performing in front of a large and prestigious stage. Yet, it still feels surreal.

He reminisced about the time when he was 19. A freshman at college and hindi sigurado sa patutunguhan niya sa buhay. Pero isa lang ang alam niya, he loves music. He would busk every dusk at the mall near his dorm until 10pm. He would set up his speaker and open his guitar bag for people to donate some amount if they found his performance entertaining. 3-4 hours of singing and playing guitar, and he would be lucky enough to have 500 pesos to bring home. Though tiring, he always has that smile in his face throughout his performance.

Until his world world turned upside down when Kuya Mike, a scout agent who's now his personal manager, saw potential in him and helped him make his debut.

"Anong pangalan mo bata?"

"Sino po kayo?"

"You can call me Kuya Mike. I heard you sing. It was nice. You play enthusiastically."

"Oh, thank you, po at nagustohan nyu." Nahihiyang sabi ng binata.

"You know, I help people who have passion and desires in life."

"I doubt I have any at the moment, po."

"Bakit naman iho?"

"I don't know. I just feel lost at the moment."

"Well, here's a thing. You can start having one now."

"I guess, but I'm not sure how." Napakamot ito sa ulo.

"I have a question. Do you love music? Are you interested in making people love music?

"Well, I'd love to." Napangiti ito ng ma isip.

"Then, let's make people love music because of you." The guy smirked.

He remembered struggling to contain his emotions at that time, kung gaano siya ka excited na at last, someone recognized his talent and passion for music.

He didn't waste any time and followed Kuya Mike to the agency.

And now here he is. Performing in front of hundreds, thousands of people singing at the top of their lungs.

It makes him the happiest. He did it. He made people love music through him.

-

After ng performance niya ay bumaba siya nang stage at nagtungo sa backstage.

Sinalubong siya nang palakpak at hiyawan ng mga staffs na nag-aantay doon.

"Iba talaga ang charisma ng isang Jake Vargas!"
"Nakakaproud talaga netong alaga natin."
"Sobra mo atang ginalingan. Nahiya naman si Justin Bieber sayo."
"The new Justin Bieber na ba you?"

Nagtawanan silang lahat.

"Thank you, everyone! It's also because of your help and support. I owe it to you guys." Sambit ng binata hawak hawak ang dibdib niya.

"As I expected. What an amazing performance!" Tinapik siya ni Kuya Mike sa balikat.

"Of course! I prepared for this." Sabi ni Jake na may konting yabang sa tono ng pananalita.

"Hey bro! Ang galing mo! So, saan tayo?" Tanong ni Carl sabay akbay sa kanya.

Carl is his best friend of 18 years. They've known each other since they were 5. Para na nga silang mag asawa sa tagal ng pinagsamahan nila. Carl was with him all throughout his journey to success. Na witness ni Carl lahat ng paghihirap, pagpupursigi at pagiging determinado niya para maabot ang kinaroroonan niya ngayon.

"Urgh! Not today. Uuwi muna ako sa apartment ko." Sabay tulak sa kaibigan.

"Ang pangit mo naman kabonding. Dapat magcelebrate tayo. Painom ka naman oh! Nag early out ako sa trabaho para lang mapanood ka, tapos walang after performance party? Ano yun?"

"Sinabi ko bang maaga kang umuwi para panoorin ako? Alam ko namang hindi ako ang pinunta mo rito."
Sabi ni Jake sabay baling sa stylist nito na ikinalito naman nang dalaga.

"At isa pa nag-aantay si Chaleur sa bahay. Hindi pa naman kumain yun."

Pangangatwiran ng binata na may konting pagsisinungaling. Ayaw niya lang talaga samahan ang kaibigang uminon. Alam niya kasi na pababayarin lang siya sa mga alak na lalaklakin nito.

Chaleur is Jake's dog. A 6 month old golden retriever. Jake got her when she was 2-3 months old sa isang dog shelter. Like the other dogs out there, she was also abandoned by her owner because she was born with only one eye. The owners decided na iwan nalang yung kawawang aso sa labas ng bahay nila in a box. A dog rescuer found her and took her in.

Naawa si Jake na iwan din yung aso like her former owners did so he decided na iadopt nalang ito. Para somehow may kasama rin siya sa apartment niya. It's sickening to be all alone in the massive sized room, after all.

"Edi wag! KJ naman neto." Pang-aasar ni Carl.

Lumapit si Kuya Mike sa kanila.
"Sigurado ka? ayaw mong gumala kasama si Carl?" Tanong ni Kuya Mike

Tumango ang binata. "Sigurado po, I'm sick of his face."

"Wow, ha! Nahiya naman ako na kahit saan ako lumingon andyan yung muka mo. May sa posters, tarpaulins, at kahit sa karton ng toothpaste."

Napatawa lang ito sa sinabi ng kaigiban. "Kasalanan ko bang ganito ako kagwapo ngumiti para kuning endorser ng toothpaste? Dapat nga magpasalamat ka kasi libre yung supply mo ng toothpaste dahil sakin."

"Nakaka-umay na nga eh. Makabili nga ng ibang brand." Pangbibiro ng kaniyang kaibigan.

"Edi tara na kung ganon. Ihahatid na kita sa apartment mo. May susunodin pa ako sa airport eh." Pang-aagaw atensyon ni Kuya Mike sa kanila.

Tumayo ito at kinuha ang guitarang gamit kanina.
"Sige po tara na. Alis na kami mokong!" Sabi niya sa kaibigan sabay tapik ng malakas sa likod nito.

Napa aray ang kaibigan. "Umalis ka na! Sipain kita diyan eh."

Ngumiti lang ito sa kaibigan bilang tugon at umalis na nang backstage.

"Hey Lorraine! Gusto mong magdinner?" Baling ni Carl sabay kindat sa stylist ni Jake.

"Busog papo ako." Nahihiyang sagot ng dalaga dahilan para mapayuko ang at mapakamot ng ulo sa hiya dahil tinanggihan ang alok niya.

"Sige next time nalang Lorraine!" Ngumiti ito sa dalaga.

Tumango lang ito at niligpit ang mga gamit niya.

-

Habang nasa loob ng sasakyan napatanong si Jake.

"Sino po susunduin niyo sa airport?"

Malaki ang ngiti sa mga labi ni Kuya Mike.

"Yung anak kong galing Australia. Yung panganay ko, naalala mo?"

"Huh? May anak ka sa Australia?"

"Oo, kakagraduate lang. Baka hindi mo na naabutan kasi doon na nagcollege yun mula 1st year. Hindi rin nakauwi mula non."

"Ah, okay. Edi, matagal tagal ring hindi mo siya nakita noh?" Sagot niya sabay patong ng paa niya sa harap ng passenger seat.

Ngumiti lang si Mike na halatang sabik makita ang anak.

-

Nang makarating sa parking lot ng apartment niya ay bumaba na ito at kinuha ang gitara sa likod ng sasakyan.

"Hindi na kita mahahatid sa taas ah. 30 minutes pa kase yung biyahe papuntang airport. Nagtext narin sakin yung anak ko, nakalapag na raw yung eroplanong sinakyan niya." Pagpapaliwanag ng manager habang tinutulungan siya sa mga gamit niya.

"Wala pong problema. Sige, ingat po. Pati narin sa anak niyo." Sambit ng binata sabay patong ng hawakan ng guitara sa balikat niya at tumungong elevator papuntang apartment niya.

Pagbukas na pagbukas niya ng pintu an ay agad na sumalubong sa kanya ang sabik na sabik na aso.

"Hi Chaleur! Namiss moba ako? I've missed you a lot."

Yumuko ito at ikinarga ang aso papuntang kusina upang kuhanan ng pagkain.

Umupo ang binata sa harap ng aso habang ito ay kumakain. Pinagmamasdan niya lang ito.

"Alam mo ba? Ang galing ni daddy kanina sa stage. Ang dami ngang pumunta eh, more than I've expected."

"Tili ng tili din yung mga babae. Ganon siguro ako kagwapo noh?"

Napangiti ito at kiniskis ang ulo ng kanyang aso.

Nang matapos niyang ligpitin ang pinagkainan ng aso ay pumasok siya sa kwarto para matulog.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama sa sobrang pagod. Unti-unting pumikit ang kanyang mga mata at tuluyan nang nakatulog.







_______________________________________

Hey Guys! Wooh! 1 chapter down, more to go!

Slow paced muna tayo sa story and mga scenarios. Don't wanna rush this story, kaya discover nyu muna yung mga characters.

It's my first time so, don't expect too much! But I do appreciate feedback and critics to improve my writing.

God Bless Everyone! Mwah mwah kayo sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

75.3K 244 11
As the title says
23.6K 101 18
naughty girl with naughty professor. story is kind of new and interesting. read it to enjoy it!
53.2K 1.2K 23
Alessia is a 14 year old girl, her whole life she has been protecting her little brother, but one day their mother gets killed and they have to live...
3.7M 87.7K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...