The Unfinished Love Story: Fe...

By kulinnn_

662 57 121

"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Mat... More

The Unfinished Love Story: Felix and Asher
Epigraph
Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26

Kabanata 24

17 1 0
By kulinnn_

KUNOT-NOO kong tinitigan ang cell phone ko. Tatlong minuto na lang ay alas nuwebe na ng umaga pero wala pang reply si Felix sa text ko kagabi. Morning person ang isang iyon kaya imposibleng tulog pa iyon. Hinayaan ko muna iyon. Inisip ko na baka abala lang siya. Minsan kasi ay marami rin talagang ginagawa sa window and door shop ni Tito Roque niya. Baka tumutulong.

Bumaba ako at kumain ng agahan saka muling umakyat. Sinilipin ko pa ang cell phone ko bago muling bumaba para maligo pero wala pa ring reply si Felix.

Ah, siguro walang load ang isang 'yon! isip-isip ko.

Madalang 'yong mawalan ng load kasi palagi siyang tumatawag sa mama niya pero baka ngayon natyempuhan. Kaya hindi na ako naghintay pa ng text niya hanggang makarating ako ng university. Siguradong nasa klase na iyon ngayon kaya pupuntahan ko na lang siya mamaya. Sabay naman ang lunch namin.

Natapos ang nag-iisang klase ko sa umagang iyon. Noong lunch break ay nag-abang ako sa labas ng Lab Room. Alam kong doon ang room nila sa oras na ito.

Tiningnan ko ang cell phone ko nang mag beep iyon. May text doon ang classmate at kaibigan kong si Joyme.

Joy: Narito na kami sa kainan. Nasaan ka na?

Agad akong nagreply: Mauna na kayong kumain, Jo. Hintayin ko lang si Felix.

Joy: Okay, sige. Mauna na kami.

Eksaktong naglabasan naman ang mga estudyante sa Lab Room. Umalis ako sa pagkakasandal sa railings nang makita ko sila Krissy.

"Hi!" masigla kong bati.

"Oh, Tamara. Naligaw ka?"

"Si Felix?" Lumilinga ko pang tanong pero sila na yata ang huling lumabas.

"Si Felix?" Nagkatinginan ito at mga kaibigan nila ni Felix.

"Hindi pumasok si Felix, Asher," si Harold ang sumagot.

"Oo, hindi," dustong pa ni Krissy.

"Ha?" Lumingon pa muli ako sa likod ng mga ito. "Bakit?"

"Hindi nga namin alam, eh. Wala rin siyang reply sa mga text namin. Kahit sa tawag namin hindi sumasagot. Hindi mo ba alam kung bakit absent siya?"

Napasimangot ako at lalong nagtaka. Ito ang unang beses na lumiban si Felix sa klase. Magkakasakit na lang 'yon at lahat pero hindi 'yon kailanman lumiban. Kaya nga pinapagilatan namin iyon ng mga kaibigan niya.

"Hindi, eh." Tiningnan ko ang cell phone ko. Wala pa rin siyang reply sa text ko kagabi. Agad na nabuhay ang kaba sa puso ko. Naikuyom ko ang mga kamay. "Wala ba siyang sinabi kahapon bago siya umuwi?"

Nagkatinginan muli ang mga ito saka umiiling na humarap sa kanya.

"Ah, wait," ani Marjay. "Baka may sakit? Kahapon kasi idinadaing niya 'yong ulo niya."

"Kahapon?" sabay nilang tanong ni Krissy.

"Oo. Noong nasa gym kami. Panay daing niya na masakit ang ulo niya, eh. Sabi ko baka sa init."

Bakit hindi ko alam? Hindi siya nagsabi noong nagkita kami nang hapon bago umuwi.

"Oh, sige. Salamat, ha?"

Taranta at hindi ko na nagawa man lang na magpaalam sa kanila. Narinig ko pa ang tawag ni Krissy pero hindi ko na siya nagawang lingunin. Tumakbo ako pababa ng building, kahit noong palabas ng university ay lakad-takbo ako. Nagtungo ako sa gilid ng university kung saan tumitigil ang mga jeep para magbaba at magsakay ng pasahero. Nag-abang ako roon. Pupuntahan ko si Felix. Nagtext ako kina Joyme at sinabing aabsent ako ngayong hapon. May reply sila pero hindi ko muna nagawang tingnan dahil tinawagan ko si Felix. Ilang ring ay walang sumagot sa una at pangalawa kong tawag. Lalo akong nataranta.

Pabalik-balik ang tingin ko sa cell phone at sa kalsada. Napapalatak ako. Kung kailan naman nagmamadali saka naman walang dumadaang jeep na labis kong ikinaiinis.

"Sumagot ka naman, Felix. Please!"

Ngayon ko pinagsisihan kung bakit hindi ko nagagawang hingin ang cell phone number noon ni Tito Roque. Muli kong tinawagan si Felix. Kapag hindi niya pa ito sinagot, tatawagan ko na si Mama at itatanong ang number ni Tot Roque.

Pero dalawang ring ay may sumagot doon na ikinahinga ko nang maluwag.

"Felix, nasaan ka? Kumusta ka na?" mabilis kong tanong.

"Asher?"

"Oo, ako nga. Nasaan ka?"

"On my way sa school. Bakit?"

Napatalikod ako dahil eksaktong may dumating na jeep. "Ano? Akala ko masama ang pakiramdam mo?"

"Maayos na ako, Asher. Teka, paano mo nalaman?"

Malalim akong napabuga ng hangin. Nawala ang bigat sa dibdib ko nang malamang okay na siya. "Kina Krissy. Sa kanila ko rin nalaman na absent ka ngayon. Hindi ka kasi nagre-reply sa text ko kagabi kaya nag-alala ako."

"Nako, pasensya na. Hindi ako nakapagload, eh. Kaya rin hindi ako nakapagtext sa kanila."

Natawa ako. "Sabi ko na nga ba, eh. Malapit ka na ba? Narito ako sa labas ng gate. Hihintayin kita."

"Baka mayamaya pa ako, Asher. Medyo traffic, eh."

"Ah, ganoon ba." Pinag-isipan ko kung kakain muna. One-thirty pa naman ang start ng klase ko sa hapon pero mukhang matatagalan si Felix.

"Nag lunch ka na?" tanong bigla ni Felix.

"Hindi pa, eh."

"Ano? Twelve-forty na, ah?"

Pigil ang tawa ko nang marinig ang galit na boses niya. Para talaga siyang si Mama.

"Kakain na muna ako," sabi ko na nag-umpisa nang maglakad patungo sa carenderia. Katapat pa rin naman 'yon ng university pero malayo-layo sa gate. Pwede akong dumaan doon sa kabilang gate kapag papasok pero iikot pa ako sa building ng Tourism kapag pupunta sa building namin.

"Doon ka kina Mang Papoy kakain?"

"Oo, Felix."

"Okay, sige. Doon na lang ako bababa."

"Okay! Ingat, ha?"

"Salamat, Asher."

Nakarating ako sa carenderia. Doon 'yong madalas naming kainan talaga. Mura kasi at marami pang serving. Masarap pa ang luto at malinis ang paligid. Eksaktong palabas sila Joyme nang papasok ako.

"Oh!" Turo sa akin ni Diane. Gulat na gulat.

"Mag-isa ka?" Si Joyme na tumingin pa sa likuran ko. Tumango lang ako.

"Hindi ka sinamahan ni Dion maglunch? Nako nako! Baka ipingapalit ka na no'n."

Napasimangot ako sa sinabi ni Diane. Pabiro ko itong inirapan saka tinalikuran ang mga ito. Nakipila ako sa mga bumibili. Sinundan naman ako ng dalawa.

"Bakit wala ang lalabs mo?" tanong ni Joyme.

"Papasok pa lang siya."

"Di ba may klase sila kanina?"

"Absent siya kanina. Masama ang pakiramdam."

Nakalabing tumango ang dalawa. "Kulang sa alaga 'yon, Tamara."

Natatawa kong inirapan si Diane.

"Kulang 'yon sa sagot mong oo."

"Tumigil nga kayo! Doon na kayo!" natatawa kong pagtataboy na pilit na iniharap pa silang pareho sa gate.

"Hintayin ka na namin."

"Huwag na. Pupunta naman dito si Felix."

"Asus! Kaya naman pala. Oh, siya, sige na. Mauna na kami. Bilisan mo at baka malate ka," ani Joyme at inakbayan na si Diane.

Sinundan ko pa sila ng tingin bago humarap sa unahan ng pili. Naka-order na ako ay wala pa rin si Felix. Mabuti na lang pala at hindi ko na siya hinintay. Marami-rami pa ang kumakain dahil bago pa lang mag-la-lunch ang ibang course pero mabuti na lang ay nakakuha pa ako ng vacant na table.

Nag-umpisa na akong kumain habang panaka-nakang lumilingon sa gate. Ngunit habang tumatagal ay lumalalim ang gatla sa aking noo.

Sinilip ko ang cell phone nang matapos ako sa pagkain. Walang text o tawag si Felix. Muli kong tiningnan ang gate ng carenderia pero walang bakas na paparating na siya.

Napahinga ako nang malalim saka tumayo at nagbayad ng mga kinain ko. Umalis ako roon na masama ang loob. Umasa pa ako na makakasalubong ko siya habang papasok sa university at maski noong naglalakad ako papunta sa building namin pero bigo ako.

Muntik na nga akong maiyak nang tinatanong ako nila Joyme at Diane kung bakit ako malungkot pagkarating ko sa classroom pero hindi ko na lang sinabi sa kanila ang dahilan. Nagkuwari na lang akong masaya at sinabing dahil lang sa init sa labas. Agad naman silang naniwala. Pero hindi nawala ang bigat sa dibdib ko lalo pa nga't wala pa ring text si Felix hanggang sa natapos ang unang klase namin nang hapong iyon.

"Restroom lang ako," paalam ko sa dalawa nang makalabas ang professor.

"Sama kami."

Agad silang tumayo. Kumapit pa sila sa magkabilang braso ko habang palabas ng room kaya nang nasa pintuan na tawang tawa sila dahil hindi kami makalabas. Kaya naman tumagilid sila at ganoon kami lumabas. Hindu talaga sila bumitaw sa braso ko. Tawa pa ako nang tawa sa kalokohan nilang dalawa nang makita ko ang nakatayo sa tapat ng room. Mabilis na sumeryoso ang mukha ko.

"Ow, ayaw na pala si Papa D," malokong ani Joy. "Hi, D!" bati pa nito kay Felix habang kuamkaway. Ngumiti naman si Felix.

Nangunot ang noo ko dahil madalas ay nasasabayan niya ang kaingayan ng mga kaibigan ko. Pero ngayon ay para bang ang tamlay-tamlay niya. Tuloy ay bumalik ang pag-aalala ko at mabilis siyang nilapit.

"Okay ka lang ba?"

"Ha?" Napahilamos siya sa mukha saka natawa. "Oo naman, Asher."

"Bakit nandito ka?"

"Kanina kasi..."

Tumingin siya sa likuran ko. Nang lingunin ko ang mga kaibigan ko ay ngiting-ngiti ang mga ito habang sa amin nakatingin.

"A-Ah, mauna na kayo sa restroom," sabi ko sa mga ito.

"Tara na at gusto yatang mapagsolo no'ng dalawa," ani Diane kay Joyme.

Naghagikgikan pa sila habang naglalakad palayo. Sabay pa naming hinarap ni Felix ang isa't isa.

"Sorry kanina, Asher." Tumungo siya pagkasabi niyon.

"Bakit hindi ka dumating? Naghintay ako kanina," malungkot kong ani. Hindi naman kasi ako maghihintay kung hindi siya nagsabi na pupuntahan niya ako. At isa pa, iyon lang ang unang beses na nakalimot siya. O baka hindi naman niya nakalimutan?

"I'm sorry, Asher!"

"A-Ayaw mo na ba sa akin?"

Mabilis niyang inangat ang mukha. Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa kamay. "Hindi, Asher! Bakit mo naman iniisip 'yon?"

Nag-init ang mga mata ko. Kumurap ako para pigilan ang pagpatak niyon. "Dahil parang nagagawa mo na akong kalimutan." Pero hindi ko nasabi iyon. Ayokong magmukhang immature sa paningin niya. Ayokong isipin niya na dahil lang sa isang pagkakamali ay nagkakaganoon ako.

"Wala, Felix." Pilit na ngumiti ako. "Okay ka na ba?"

"O-Oo. Okay lang, Asher."

"Mabuti naman. Wala ka na bang klase?" tanong ko kahit alam kong mayroon pa.

"Mayroon pa." Tiningnan niya ang braso niya. "Wala pala ang wristwatch ko," aniya na parang niyon lang niya napansin.

Natatawang napailing ako. "Himala na nakalimot kang magdala ng wristwatch. 'Di ba sabi mo hindi ka sanay na walang suot na relo," ani ko habang tinitingnan ang wristwatch ko. "Two fifty-five na."

"Alas tres ang klase ko. Mauna na muna ako, Asher."

"Okay, Felix." Kumaway ako sa kanya.

Kumaway siya bago nagtatakbo. Habang pinapanood siyang tumatakbo papalayo ay parang may kung anong napupunit sa puso ko.

Ayaw ko niyon. Ayokong nakikita ang tumatakbong Felix palayo sa akin na para bang hindi na siya babalik pa sa tabi ko.

Continue Reading

You'll Also Like

487K 23.2K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
11.6M 472K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...
29.2M 1M 69
From strangers to friends. From friends to close friends. From close friends to lovers. When Joey met Psalm, she didn't think that they'd ever be to...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

96.6K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]