The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.5K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 118
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 119

97 13 7
By breakerdreamer


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted

Chapter 119:

*****Continuation of flashback/s******

Makalipas ang isang buwan, nasa ōsaka na si aki kasama ang ina nito upang mag bakasyon pansamantala, umiiwas kasi sila sa ama ni aki dahil napag alaman nilang pinapahanap pala sila nito sa lugar nila.

Sa isang buwan na iyon, naging malungkutin si aki at halos hindi na kumain dahil sa pag iisip tungkol kay sakuragi. Nag aalala kasi ito para sa lalaki dahil baka ito na naman ang pag diskitahan ng ama.

"Mom, what if? Bumalik nalang tayo sa kanagawa?" Hindi maintindihan ni akira kung bakit ganon nalang ang pag aalalang nakarehistro sa mukha ng kanyang anak para doon sa lalaking hindi pa naman niya tuluyang nakikilala o nakikita.

"Anak, hindi tayo pwedeng bumalik doon, baka kung anong gawin ng tatay mo sayo pag nakita ka niya or worst is ilayo ka niya sakin. Anak, alam mong hinding hindi ako makakapayag na mangyari iyon ulit, Diba?" Malungkot na panayam ng ina, bumuntong hininga si aki sa sinabi ng ina, hindi siya umimik at hindi rin siya tumingin sa ina, bagkus ay tumalikod lamang siya at naglakad nalang palabas ng kanilang bahay.

Nagtungo siya sa garden ng kanilang malawak na harapan ng bahay, may swimming pool rin sa likod na inakala ng ina na hindi ito makakaramdam ng pagkabored subalit kabaliktaran iyon.



Sa ilang araw na nagdaan, unti unting ring napapansin ng ina ang pagiging moody ng kanyang anak, nawawalan nalang ito ng gana minsan at bigla nalang mag susungit kahit wala naman dapat ikasungit.


Nahuli rin niya itong kumakain ng strawberry at mangga sa umaga at hapon. Sa isang buwan na iyon hindi na malaman ni akira kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanyang anak.


May isang katanungang na sumagi sa isipan ni akira at iyon ay sinisigurado niya pa habang pinag mamasdan ang anak. May sintomas din na nahihilo ito at naduduwal twing gigising sa umaga.


Alam na alam ni akira ang ganyang sitwasyon kaya imposibleng magkamali pa siya sa hinala niya, gustong komprontahin ni akira ang anak at deretsahan itong tanungin sa bagay na iyon subalit nag dadalawang isip siya. Paano kung bigla nalang itong magalit at mag desisyong umalis.



Mag isang oras na sa labas si aki kaya sinundo na ito ni akira, nag dala siya nang blanket na nagbabakasaling nakatulog ito sa duyan na nandoon. At tama nga, nakatulog nga ito. Kinumutan ito ni akira si aki bago hinaplos haplos ang buhok.


Naalimpungatan si aki at dahan dahang binuksan ang mata, nakita niya ang kanyang ina na nakatingin sakanya na may tipid na ngiti sa labi.



"Anak? Pasok kana sa loob, nag handa ako ng makakain Natin." Nakangiting saad ni akira sa anak, tumango si aki bago dahan dahang umupo mula sa duyan.


Inilalayan ito ni akira papasok,patungo sa dining area. Nakahanda na nga ang mga pagkain sa hapagkainan kaya umupo na si aki. Hanggang sa masuka suka itong nagmamadaling tumayo patungo sa lababo at nagduwal.


Napatakip na lamang sa bibig si akira dahil sa pagkakataong iyon, tama na ang mga hinalang napapansin niya sa anak. Nilapitan niya ang anak ng hindi nag sasalita, hinahaplos haplos lamang ni akira ang likod nito upang maging komportable ito.


Hanggang sa tumigil na si aki sa pag duduwal, binigyan ni akira ng maiinom si aki na agad namang kinuha at ininom. Napatingin si aki sa ina, sa mga oras na iyon alam ni aki na wala na siyang lusot na maitatago pa sa kanyang ina.


Kahit hindi niya sinabi nung una, alam niya na iniisip ng ina niya na may kakaiba sa kanya subalit hindi ito nag tanong sakanya, instead ay marahil hinintay na lamang nito na magkusa siyang mag sabi.


"M-mom?" Tawag ni aki sa ina habang nakayuko, nahihiya siya at the same time ay natatakot..


"Hmm?" Malambing ang boses na tugon ng ina, unti unti namang itiningala ni aki ang ulo bago tinignan ang ina na naluluha.



"M-mom, I'm s-so sorry po, nakagawa po ako ng isang bagay na alam kong i-ikagagalit niyo ni papa. Alam ko na hindi ko dapat ginawa iyon o nag desisyon na gawin iyon, subalit.. hindi ko iyon pinag sisisihan na nangyari iyon..." Naiiyak na sabi ni aki, hinawakan ni akira ang kamay ng anak bago ngumiti ng matamis.


"Hmm, kahit hindi mo naman sakin sinabi ay nahahalata ko naman sa kilos mo anak na may nag bago sayo e. Alam mo, masaya ako dahil kahit nag kalayo tayo ng napakatagal na taon ay may blessings na agad na dumating sakin. At iyon ay ang makasama kayo." Mangiyak ngiyak na saad ni akira sa anak.



"M-mom, I t-think I'm pregnant.." garalgal ang boses na saad ni aki sa ina, tumango ang ina habang nakatingin sa anak na lumuluha.


"Congratulations anak, masaya ako para sayo pero hindi ibig sabihin non ay itotolerate ko na ang ginawa mo. Kahit naman siguro magalit ako, wala rin namang magagawa pa iyon, natapos na.. nandyan na yan, nagkulang ako bilang ina.. pero alam ko namang hindi ka magiging katulad ko anak." Saad ni akira, tumango si aki sa ina bago ito yinakap ng mahigpit.


Hindi akalain ni aki na matatanggap agad ng kanyang ina, alam niyang mali ang ginawa niya dahil napaka bata niya pa para maging batang ina. Pero ni isang beses sa kanyang isipan ay hindi niya iyon pinag sisisihan na nangyari iyon sakanya. Nandoon ang sobrang saya habang iniisip na totoong mag kakaanak na sila ng taong pinakamamahal niya, subalit malayo ito at wala na marahil pakialam pa sakanya.



"Anak? May plano kabang ipaalam sa ex boyfriend mo na buntis ka?" Tanong ng ina, hindi sumagi sa isipan ni aki na gawin iyon subalit tila nagkaroon siya nang dahilan para gawin ang sinabi ng ina saknya.


"Siguro po, kapag naging okay na po ang lahat.. natatakot po ako sa kalagayan ng anak ko mommy." Sagot ni aki sa ina



"O Sige, kung ano man ang maging desisyon mo sa buhay ay susuportahan kita. Sabay nating palakihin ang anak mo na mabuti at masaya, ako ang tatawaging best lola mommy in the world." Saad ni akira sa anak, tumawa naman si aki sa naging panayam ng ina bago tumango bilang pag sang ayon  dito.


Nag patuloy ang dalawa sa pag kekwentuhan habang kumakain, masaya silang dalawa ng mahinto sila bigla ng may kumatok mula sa pintuan ng kanilang bahay.


Nagkatinginan ang mag ina, tumayo naman ang ina ni aki bago sinabi sa anak na siya na ang mag bubukas ng pintuan.


Ilang minuto narinig ni aki na paparating ang yapak patungo sa dining area, nang tignan niya kung sino iyon ay napatayo siya.



"Rukawa?!" Gulat na sigaw ni aki


"Hey, lil sis. May balita ako sainyong dalawa ni tita mommy.. kailangan niyo nang umalis dahil balak ng daddy mo napuntahan ka dito at sampahan ng kaso si tita mommy dahil sa pag kuha niya sayo." Nagulat ang dalawa sa narinig



"Si sakuragi? Kamusta si sakuragi kuya?" Tanong ni aki kay rukawa



"Wala akong balita, pero ang alam ko inaakusahan din siya ng iyong ama na itinago ka niya kaya hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon." Naiyak si aki sa narinig, agad naman siyang inilalayan ni akira.



"Anak, tumahan ka please.. baka maapektuhan si baby sa ginagawa mo." Nagulat si rukawa sa narinig, napatingin siya kay aki at sa kamay nitong nakapatong sa tiyan nito.



"Aki? Buntis ka?" Gulat na pagtatanong ni rukawa



Tumango si aki sa tanong ni rukawa kaya napamura ng malutong si rukawa dahil doon..


"Tsk. Sige na, mag asikaso na kayo, hanggat maaari umalis na tayo dito. Mag paibang bansa na muna kayo mommy. Ako na bahala dito." Anas ni rukawa


"P-pero rukawa, si sakuragi.. gusto ko sakanya sabihin na may anak kaming dalawa.." masamang tinignan ni rukawa si aki


"Tumigil ka, hindi makakabuti ang gusto mong mangyari ngayon. Ako na ang bahala sa bagay na iyan, ako na ang mag sasabi sakanya ng kalagayan mo. Ang importante ay makaalis na kayo agad at makalayo.." saad ni rukawa sa seryosong boses. Naiyak na lamang tumango si aki



Continue Reading

You'll Also Like

11.5K 1.1K 62
Si Hanamichi Sakuragi ay napaibig sa isang babae na kasing siga at kasing basag-ulo niya. Ang kanilang pagkilala ay hindi inaasahang may mamumuong da...
3.1K 88 11
#230 In Poetry Ito ay ala-ala tungkol sa namayapang Hara Durie na si Sang'gre/Hara Amihan
18K 1.2K 74
Kilala si HANAMICHI SAKURAGI bilang isa sa pinakamahusay na manlalaro sa kanagawa, isang manlalarong makikitaan mo talaga ng determinasyon sa twing s...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...