Be My Endgame

By Miss_Terious02

10.8K 264 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... More

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 15

229 7 0
By Miss_Terious02


Enjoy reading!

Abala ang lahat sa labas habang inaayusan naman ako ng kinuha ni mama na mag-aayos sa akin. Simula sa pag-aayos ng aking buhok hanggang sa pagsuot ng gown ay tinulungan nila ako. Alas siyete ng gabi ang simula ng party at ilang minuto na lang ay magsisimula na. Nang sumilip ako sa bintana ng kuwarto ko ay halos marami ng tao sa labas. Masiyado na ring maingay dahil sa malakas na tugtog.

"Suotin mo na 'tong gown, madame." Sabi ng isang bakla na nag-ayos sa akin. Kinuha ng kasama niyang babae ang susuotin kong gown at agad naman siyang lumabas ng kuwarto kaya naiwan kami ng babae sa loob.

Inalalayan niya ako sa pagsuot hanggang sa pagsara ng zipper sa likod. Nang matapos ay agad akong pumunta sa harap ng malaking salamin sa aking kuwarto at tiningnan ang sarili ko roon.

Hanggang ngayon ay nagagandahan pa rin ako sa kulay ng pinili kong gown.

"Miss Kiera, suotin mo na ito." Sabi ng babae at inilapag sa sahig ang susuotin kong heels. Hindi naman ganoon kataas iyon ngunit hindi ako sanay.

Hanggang sa pagsuot ay tinulungan niya ako at inalalayan sa pagtayo dahil alam niyang hindi ako sanay.

"Kaya ba, Miss Kiera?" Tanong niya habang nakahawak ako sa braso niya. Tumango ako at dahan dahang naglakad upang sanayin ang sarili ko.

Nakailang lakad pa ang ginawa ko at pagkaraan ay medyo nasanay na rin. Masakit nga lang sa paa.

Huminto ako sa paglalakad nang bumukas ang pinto ng kuwarto ko at pumasok doon si Mama, Papa at si Kuya Edward. Halata sa mga mukha nila ang paghanga nang makita ako.

"You're so pretty, anak." Nakangiting sabi ni Mama at nilapitan ako.

"Mabuti na lang at gumamit ka ng heels. Medyo tumangkad ka." Pang-aasar naman ni Kuya Edward kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinampas naman siya ni Mama sa braso.

"Tumigil ka nga, Edward. Birthday ng kapatid mo kaya huwag mong asarin." Saway ni Mama.

"Teka, picture muna tayo. Puwede mo ba kaming kuhanan ng litrato?" Sabi ni Papa sa babaeng tumulong sa akin. Tumango naman siya at inabot ang selpon ni Papa.

Lumapit silang tatlo sa akin at ako ang nasa gitna habang nasa magkabilaang gilid ko si Mama at Papa at nasa likuran ko naman si Kuya Edward. Nakailang picture pa kami at meron pang ako lang mag-isa.

"Edward, ikaw na ang bahala sa kapatid mo. Alalayan mo sa may hagdan." Paalam ni Mama bago sila lumabas ng kuwarto ko. Lumabas na rin ang babaeng tumulong sa akin kanina kaya naiwan kaming dalawa ni Kuya Edward. Siya ang magiging escort ko ngayong gabi at siya rin ang magiging last dance ko mamaya.

"Ready, Ki?" Nakangiti niyang tanong at inilahad ang isang kamay niya sa akin. Huminga ako nang malalim bago inabot ang kamay niya.

Inalalayan niya ako sa paglalakad at siya na rin ang nagbukas ng pinto ng kuwarto ko. Hanggang sa pagbaba ng hagdan ay nakaalalay siya. Sweet naman 'tong kuya ko pero madalas ay mapang asar lang talaga siya.

Naririnig na namin na nagsasalita ang host sa labas. At nang banggitin na ang pangalan ko ay biglang bumukas nag pinto kaya agad na kaming naglakad ni Kuya Edward palabas habang nakahawak ako sa braso niya. Masiyadong maraming tao at lahat sila ay nagpapalakpak at nakatingin sa amin.

Hinatid ako ni Kuya Edward sa nakahandang upuan para sa akin at pagkaraan ay umalis na rin siya.

Nang kumaway si Jasmin at Mojica ay agad akong napangiti. Kasama nila roon si Lennox. At mas lalo pa akong natuwa nang makita ko sa lamesa nila si Jack Jendrick na nakatingin din sa akin at nakangiti.

Medyo marami pang inihandang program ngayong gabi. Ngunit ang hinihintay ko ay ang makasayaw si Jack Jendrick. Hindi man siya ang last dance ko ngunit masaya na ako na masasayaw niya ako sa pinaka importanteng gabi kong ito.

Isa-isa rin silang nagbigay ng mensahe sa akin. Pinipigilan kong hindi umiyak sa mga sinasabi nila dahil sayang ang make up ko.

"Pakinggan natin ang mensahe ng isang Kuya Edward!" Pasigaw na sabi ng host. Agad na lumapit si Kuya Edward sa akin habang may dalang microphone.

"Happy birthday, Ki. I hope that you're happy tonight. Lagi mong tandaan ang sinasabi namin nila Mama at Papa na huwag munang mag boyfriend. I already know your secret and don't worry hindi ko ipagsasabi kahit kanino. Kahit sa kaniya pa. I'm always here if you need as your older brother. Again, happy birthday." Seryoso niyang sabi na mas ikinakaba ko. Anong ibig niyang sabihin? Anong secret ko ang alam niya na? Peke siyang ngumiti bago binigay ang regalo niya para sa akin.

"Thank you." Mahina kong sabi at inabot ang regalo niya.

May mga sumunod pang nagbigay ng mensahe para sa akin ngunit hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi nila dahil sa sinabi ni Kuya Edward. Tungkol ba iyon sa sinabi kong crush? Alam niya na ba kung sino ang tinutukoy ko? Ngunit paano niya nalaman?

Nang matapos na ang pagbibigay ng mensahe ay lihim akong natuwa dahil maisasayaw ko na si Jack Jendrick. Ang una kong sinayaw ay si Papa. Nakangiti siya habang sumasayaw kaming dalawa sa gitna

"Happy birthday, nak." Nakangiti niyang sabi kaya ngumiti na rin ako.

"Salamat, Pa. Thank you po sa lahat." Turan ko.

"Wala 'yon. Makita ka lang namin ng Mama mo na masaya ay masaya na rin kami. Mag-enjoy ka ngayong gabi dahil birthday mo." Wika niya na ikinatango ko.

Nang matapos niya akong isayaw ay meron namang pumalit. Halos lahat ay mga pinsan ko lang din kaya konportable ako. Minsan ay inaasar pa ako ngunit imbis na magalit ay natatawa na lang.

Halos sumasakit na rin ang paa ko sa kasasayaw ngunit hindi pa rin tapos.

"Hi." Napatingin ako kay Lennox nang iabot niya ang isang pulang bulaklak. Isinama ko siya sa eighteenth roses ko dahil naging kaibigan ko rin naman siya kahit papaano.

"Hi." Bati ko at inabot ang bigay niyang bulaklak. Pagkaraan ay nagsimula na rin kaming sumayaw.

"Happy birthday, Kiera. Sana maging masaya ka palagi. Nandito lang din ako kapag kailangan mo. Nga pala ang ganda mo ngayon." Seryoso niyang sabi.

"Thank you, Lennox." Turan ko at ngumiti. Ilang sandali pa kaming nagsayaw hanggang sa natapos at agad na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita si Jack Jendrick na papalapit sa kinatatayuan ko habang may hawak na bulaklak.

"Can I have this dance?" Mahina niyang sabi at sapat lang upang marinig ko. Agad niyang binigay sa akin ang bulaklak na hawak niya at nagsimula kaming sumayaw.

Diretso ang tingin niya sa akin ngunit hindi ko kayang salubungin ang mga titig niya. Hindi ko kayang magsalita o ngumiti man lang sa kaniya dahil sa sobrang kaba.

"Are you okay, Ki?" Tanong niya na agad naman akong tumango at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Oo. Medyo masakit lang ang paa ko." Turan ko.

"Don't worry, last dance mo na ang kuya mo. Makakapag pahinga ka na rin pagkatapos." Nag-aalala niyang sabi.

Puwede bang ihinto muna ang oras para makasama ko pa siya nang ganito kalapit? Maisayaw ko pa siya nang matagal. Dahil kahit kailan ay hinding hindi ako magsasawang makasama siya nang ganito. Hinding hindi ako magsasawang titigan siya. At hinding hindi ako magsasawang mahalin siya.

Gustong gusto ko ng umamin sa kaniya. Ngunit pinapangunahan lang ako ng takot. Baka bigla siyang umiwas kapag umamin ako sa kaniya. Baka masira lang ang pagiging magkaibigan namin kapag nangyari iyon.

Ngunit ngayong gabi ay may lakas ng loob na akong umamin. Kaming dalawa lang ang makakarinig dahil malakas ang tugtog. Ngunit paano ko sisimulan?

"Jendrick, may sasabihin ako sa 'yo---"

"Jack, ako na." Naputol ang sasabihin ko nang lumapit sa amin si Kuya Edward. Epal 'to palagi sa moment ko.

"Happy birthday ulit, Ki." Sabi niya bago umalis.

Agad na pumalit si Kuya Edward at binigay sa akin ang dala niyang bulaklak.

"Happy birthday again, Ki." Bati niya.

"Thanks, Kuya." Sagot ko at ngumiti. Tumingin ako saglit kay Jack Jendrick na kauupo lang. Iyon na sana e. Aamin na sana ako.

"I know your crush." Napatingin ako kay Kuya Edward dahil sa sinabi niya.

"A-anong pinagsasabi mo? Niloloko lang kita no'n." Turan ko at pekeng tumawa ngunit nanatiling seryoso ang kaniyang mukha.

"Si Jack ang crush mo, hindi ba?" Tanong niya. Hindi agad ako nakapagsalita. Paano niya nalaman?

"H-hindi. B-bakit ko naman magiging c-crush 'yon." Pagtanggi ko. Narinig ko siyang tumawa.

"Huwag mo ng itanggi, Kiera. Huwag kang mag alala dahil hindi ko rin naman sasabihin sa kaniya." Wika niya.

"P-paano mo nalaman?" Kunot noong tanong ko. Ngumiti siya na para bang proud sa sarili niya.

"Masyado kang halata kapag kasama mo siya, Kiera. Manhid lang talag si Jack at hindi niya naramdaman iyon. Pero tinitingnan ko bawat galaw mo sa tuwing kasama mo siya. Ibang iba, Ki." Aniya.

"Kuya, ipangako mo sa 'kin na atin-atin lang itong sekreto natin. Huwag mong sabihin kay Mama at Papa." Turan ko na ikinatango niya kaya naging panatag ako.

"Pero, Ki, ayokong magkagusto ka sa kaibigan ko. Ki, magkagusto ka lang sa kaklase mo pero huwag sa kaibigan ko." Sabi niya na ipinagtataka ko.

"A-anong ibig mong sabihin? Bakit bawal?" Nagtataka kong tanong.

"Ayokong masira din ang pagkakaibigan naming dalawa dahil lang sa 'yo. Kapag nasaktan ka dahil sa pagkakagusto mo sa kaniya ay siguradong lalayuan ko na rin siya. Ayokong makita kang umiiyak dahil sa kaibigan ko. Mas lalong ayokong nakikita kang nasasaktan, Ki." Paliwanag niya.

"Pero, Kuya--"

"Tapos na ang sayaw. Kung maaari hanggat kaya mo pa ay lumayo ka na kay Jack." Seryoso niyang sabi bago ako iwan sa gitna.

Hanggang sa matapos ang party ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang huling sinabi ni Kuya Edward. Ngunit hindi ko na kaya pang lumayo. Mas lalo ko lang masasaktan ang sarili ko kapag ginawa ko 'yon.

Pagkatapos kong magbihis ay agad na rin akong lumabas muli upang puntahan ang mga bisita. Una kong pinuntahan ay ang mga bisita ni Mama at Papa sa isang mesa. Pagkatapos nilang bumati ay pumunta naman ako sa mga mesa ng mga pinsan ko. Lahat sila ay nag-enjoy dahil halata naman sa kanilang mga mukha. Iyong iba ay mga lasing na rin.

Ang huli kong pinuntahan ay ang mesa nina Jack Jendrick. Naroon din si Jasmin at Mojica kasama ang boyfriend niyang si Pierre at si Lennox. Papalapit pa lang ako ay nakatingin na sa akin si Kuya Edward na para bang binabalaan ako sa ano mang gagawin ko.

"Happy birthday, Ki!" Bati ni Jasmin at Mojica nang lumapit ako sa kanilang dalawa.

"Salamat." Sagot ko at pilit na ngumiti sa kanila.

"Hi, Kiera. This is my gift for you. Pasensiya na at 'yan lang ang nakayanan ko. Hayaan mo kapag ako yumaman reregaluhan kita ng mamahalin." Pagbibiro ni Caila at inabot sa akin ang bigay niyang regalo.

"Salamat." Sagot ko at ngumiti.

"You're welcome. Happy birthday." Wika niya.

"This is my gift for you, Ki." Biglang sabi ni Jack Jendrick sa tabi ko at may inabot na isang maliit na box.

"Salamat." Sagot ko at inabot iyon.

"You're always welcome, Ki." Nakangiti niyang sabi na mas lalong nagpa guwapo sa kaniya. Ngayon ko lang din napansin ang suot niyang itim na long sleeve at ang suot niyang gray pants. Hindi ko alam ngunit hulog na hulog na ako sa lalaking 'to. At hindi ko alam kung kaya ko pa bang umahon sa sitwasyong 'to.

Nanatili ako sa mesa nila. Doon na rin ako kumain dahil nakaramdam na rin ako ng gutom. Sinabayan na rin nila ako kaya mas lalo akong naganahan kumain.

Hindi rin naman nagtagal sina Jasmin at Mojica dahil lumalalim na ang gabi at kailangan na talaga nilang umuwi. At dahil ipinaalam ko sila sa kani kanilang mga magulang kaya hinatid din sila ni Papa upang safe silang makakauwi. Sumabay na rin si Lennox at ang boyfriend ni Mojica.

"Alis muna ako." Paalam ko sa mga taong naiwan sa mesa namin. Agad akong tumayo at pumunta sa isang sulok na walang tao. Dala ko pa rin ang binigay na regalo ni Jack Jendrick at gusto ko ng bukas 'to kaya ako lumayo sa kanila.

Mabilis kong binuksan iyon at bumungad sa akin ang isang relo. Kulay puti iyon at halatang mamahalin.

"You like it?" Napalingon ako at mabilis na itinago ang relo sa aking likod.

"A-anong ginagawa mo rito?" Gulat kong tanong.

"Hindi ka okay kanina. May problema ba ang birthday girl namin?" Nag-aalala niyang tanong.

Agad akong umiling at pilit na ngumiti sa kaniya.

"Okay lang ako. Napagod lang siguro." Turan ko.

"Nagustuhan mo ba ang regalo ko? Nakita ko kasi na wala kang suot na relo sa tuwing papasok ka ng school. At saka nagrereklamo rin kasi ang kuya mo na lagi kang late kaya iyan ang regalo ko sa 'yo." Paliwanag niya na ikinatawa ko.

"Thank you sa regalo mo. Nagustuhan ko." Sagot ko.

"Wala pa tayong picture na dalawa. Tutal ay birthday mo naman puwede ba akong makipag picture sa 'yo?" Tanong niya. Bakit ba sa tuwing gusto ko ng umiwas 'tsaka naman siya ganito.

"S-sige." Sagot ko. Agad niyang inilabas ang selpon niya sa bulsa ng kaniyang pants at saktong nakita ko ang pinsan kong lalaki kaya agad ko siyang tinawag. Inilabas ko rin ang selpon ko para meron din akong kopya ng litrato namin.

Tumabi siya sa amin at umakbay sa balikat ko. Unang kuha ng litrato ay sa selpon niya sunod naman sa selpon ko.

"Thank you, Nica." Sabi ko nang ibigay ng pinsan ko ang dalawang selpon. Ngumiti at tumango lang siya at umalis na rin.

"Masaya ka ba ngayong gabi, Ki?" Tanong niya habang tinitingnan ko ang litrato naming dalawa sa selpon ko.

"Oo naman." Sagot ko at tiningnan siya.

"That's good. Iyon lang naman ang gusto kong marinig sa 'yo. Gusto ko maging masaya ka palagi. Kaya kahit anong mangyari ay nandito lang ako bilang kuya mo. Kung malungkot ka ay tawagan mo lang ako. Nandito lang kami ng Kuya Edward mo para protektahan ka palagi." Wika niya. Kahit masakit pakinggan na hanggang kapatid lang talaga ang turing niya ay tumango ako.

••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 290 22
WINSTON LEGACY SERIES 1 LANGUAGE: TAGALOG-ENGLISH CALIX TRAVIS MADRIGAL WINSTON'S STORY. He was then ruthless, at his young age, he managed their fam...
212K 6K 40
COMPLETED STORY DESCRIPTION: Who would think that someone will search for the owner of the panty that just left on his bed. Only Wyatt will do that...
27K 638 48
Young, rich, happy go lucky, a womanizer. That is Enrico Joaquin Montefalco's life. But in one snap everything has changed. May nag iwan ng bagong si...
314K 7.9K 37
(COMPLETED)✓ Billionaire Series#02: Yexel Andrew(Arew) Muller Tanggap na ni Arew na ilang taon nalang ang itatagal ng buhay nya at ang tanging nasa...