Beware of the Class President

By JFstories

1.7M 100K 57.6K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... More

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 9 - Depression
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 16 - Incense
CAPITULO 17 - Fever
CAPITULO 18 - Nun
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 22 - Crushed
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 25 - Trip
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 19 - Luggage

40.8K 3.4K 2.5K
By JFstories

Hello, BOTCP readers! JF has finished editing the manuscript! Nabigay niya na sa amin nang buo, and we'll be the one to update it! No more schedule of updates, since it's already finished, magbi-based na lang kami kapag marami nang votes and comments, mag-a-update na agad kami! -G


-----------------------------------------------------------



CAPITULO 19


"MAY MADRE SA LIKOD MO!"


Sa muling aking pagkurap, wala na ang imahe sa repleksyon ng mga mata ni El na kanina'y nasisinag ko. Namamalik-mata lang ba ako?


Gusto ko pang paniwalain ang sarili na kung anu-ano na naman ang aking naiisip, nang bigla na lang mapasabunot si El sa kanyang ulo. Nabaling ulit sa kanya ang pag-aalala ko. Hinawakan ko siya sa balikat. Kahit may suot siyang shirt ay naramdaman ko ang panlalamig niya. Tumatagos sa tela ang lamig ng balat niya.


Nang mag-angat siya sa akin ng paningin ay pawis na pawis ang makinis na mukha niya. As in naliligo siya ng pawis. "Kena, I'm thirsty..."


"Ikukuha kita ng tubig!" Nanakbo na agad ako papunta sa kusina para ikuha siya ng tubig. Kandatapon-tapon mula sa baso ang tubig dahil sa pagmamadali ko.


Pagbalik sa kuwarto ay muntik akong mapatili. Nakahubad si El pagpasok ko!


Hinubad niya na ang shirt na suot. Iyong may mukha ni Jesus sa harapan. Nasa sahig na iyon. Hubad na ng pang-itaas si El. Napatalikod ako bigla.


"Basa ng pawis, Kena," paliwanag niya sa mahina at paos na boses.


"S-sa labas muna ako!" mabilis na sabi ko sabay talilis palabas sa pinto. Pero pumasok din ulit ako. Pumasok ako nang patalikod. Inilpag ko sa sahig ang baso ng tubig. "K-kunin mo na lang itong tubig mo." Pagkatapos ay dali-dali ulit akong lumabas.


Naroon lang ako sa labas ng pinto habang hinihintay na makapagbihis si El. Nagbilang ako ng up to one hundred bago bumalik. Nakahinga ako nang maluwag nang pagpasok sa kuwarto ay nakabihis na siya. Iyong white t-shirt niya na patong sa polo uniform ang kanyang suot ngayon.


Doon ko lang siya nilapitan. "Uhm, okay ka na ba? Masakit ba ang ulo mo? Gutom ka ba?"


Tumango siya. Humingi pa ulit siya ng tubig. Mas uminom siya ng tubig kaysa kumain. Grabe ang pagkauhaw niya na aakalain mong galing siya sa malayong disyerto. Ilang baso yata ang naubos niya na kinailangan kong dalhin na ang buong pitsel para lang hindi siya mabitin. 


Pagkainom nang marami ay bumalik siya sa pagkakahiga. Tulala siya sa kisame. Parang may iniisip na kung ano. Iiwan ko na sana siya para makapag-isa siya, nang pumigil ang kamay niya sa aking pulso.


Bumaling siya sa akin ng tingin. Malamlam ang mga mata. "Puwede bang 'wag kang umalis?"


"O-okay..."


Hindi na lang muna ako umalis sa tabi niya. Pansin ko ay gusto niya pang matulog, pero may kung ano siya na ikinababalisa. 


Nakaupo ako sa gilid ng hinihigaan niya. Hindi niya pa rin binibitiwan ang pulso ko, hindi ko rin naman iyong hinihila para bawiin sa kanya. Nang lumuwag-luwag ang pagkakahawak niya sa akin ay doon ko natiyak na natalo na siya ng antok na kanyang pinipigilan. Nakatulog na siya nang tuluyan.


Maingat na inalis ko ang pagkakahawak niya sa akin. Hindi na siya malamig. Hindi na rin mainit. Sakto na ang temperatura ng katawan niya. Nakakapagtaka lang iyong sobrang lamig niya kanina, pero pawisan siya.


Iniwan ko muna si El dahil ako naman ang nauuhaw. Init na init ako. Iyon para bang may nakadikit sa akin na katawan kaya ako naiinitan. Ang alinsangan sa pakiramdam.


Pagkainom sa kusina ay pumunta ako sa sala. Si Ekoy ay busy pa rin sa pakikinig ng mga drama sa TV. Naroon ay matawa ito, maluha, at mapasigaw sa inis o gulat. Nang matapos ang sinusubaybayan ay saka lang ako nito kinausap.


"O saan kayo pupunta?" tanong nito na palipat-lipat ng baling sa dalawang direksyon. Akala yata ay may kasama ako.


"Ako lang ito, Ekoy. Nasa kuwarto si El." Akala ko ba ay malakas ang pakiramdam nito? Bakit hindi nito alam na mag-isa lang ako?


"Ah, ganoon ba? Eh, kumusta na ang syota mo?"


"Ayun, tulog ulit ang syota ko."


Ang kulit kasi ni Ekoy, kaya hinahayaan ko na lang ito sa tawag nito sa amin ni El. Mukha namang nang-aasar na lang ito.


Napabungisngis ang binatilyong bulag. "Ikaw, Kena, ha?! Maloko ka pala! Akala mo, matatakot mo ako, ah!"


Nagtaka naman ako. Anong ginawa ko?


"Sus!" Lalo itong bumungisngis at dumi-quatro sa pagkakaupo. "O di ba kanina, kung kailan nasa magandang tagpo na ang pinanonood ko, bigla mong pinatay ang TV!"


Ano? Ngayon lang naman ako pumunta ulit dito sa sala?


"Hmp! 'Di ko tuloy narinig kung sino iyong pumatay roon sa isang character. Kung di pa ako um-acting na naiiyak, hindi mo pa ibabato sa akin pabalik ang remote."


Napailing ako kahit hindi nito nakikita. "Ekoy, hindi ko pinatay ang TV. Bakit ko naman gagawin iyon? Mas lalong hindi ko kinuha ang remote at ibinalik pabato sa 'yo. Mula nang umalis si Sister Gelai, naroon na lang ako kasama ni El sa kuwarto."


Ngingisi-ngisi pa rin naman ang bulag na binatilyo. Ano ba? Pinagti-trip-an ba ako nito?



ALAS DOS nang hapon. Bumalik si Sister Gelai mula sa saglit na paglabas. May bitbit na ang madre na mga noodles, isang tray ng itlog, at ilang delata. Tinulungan ko itong mag-ayos ng stocks sa kusina bago ko binalikan si El sa kuwarto namin. Pagpasok ko ay naligpit na ang higaan.


Gising na si El. Ewan kung gaano katagal na. Nakatayo siya sa gitna ng kuwarto. Walang kakilos-kilos. Nakatingin sa iisang direksyon ang blangkong mga mata. Ang kanyang school uniform pagdating namin dito, ang slacks, shirt, polo, at maging ang medyas sa ibaba, ay suot niya na ngayon.


"El, gising ka na pala. Sorry, lumabas ako. Nakatulog ka na kasi, ayaw kitang maistorbo. Ano, ayos na ba ang pakiramdam mo?"


Nagsalita siya na hindi tumitingin sa akin, "Gusto ko nang umuwi."


Sa dami ng sinabi ko, iyon lang ang sinagot niya. "Pero okay ka na ba talaga?" paniniguro ko. 


"Yes. Gusto ko nang umalis dito."


Muli ay ibinaling niya ang paningin sa kawalan. Masama pa rin siguro ang pakiramdam niya kaya ganito siya. Kaya niya na ba talagang magbiyahe pauwi ng Pangasinan?


"Okay... Magpapaalam lang ako kay Sister Gelai," sabi ko na lang. Gagabihin na kami pauwi kung ngayon kami aalis, pero mukhang gusto niya na talagang umuwi. Nag-aalala na rin marahil siya na baka makatunog na ang mga magulang niya na wala talaga siya sa school.


Lumabas ako na dala na ang aking uniform para makapagbihis sa banyo at magpaalam na rin. Paglabas sa banyo ay nasa harapan ng pinto si Sister Gelai. Hinihintay ako.


Lumapit ako sa mabait na madre. "Sister Gelai, salamat po sa pagtanggap sa amin."


"Kena, may ibibigay ako sa 'yo, na sana ay tanggapin mo." May dinukot ang madre mula sa bulsa ng suot na mahabang kulay abong palda.


Nang iabot ni Sister Gelai iyon sa akin ay nangunot ang aking noo. Kinuha naman niya ang aking kamay at marahang ibinuka ang aking mga palad para ilagay ang bagay na iyon.


"Mabait kang bata. Kahit pa pakiramdam mo ay hindi. Alam mo ang tama sa mali. Hindi ka nanlalamang ng iba. At kahit pinipilit mong mabuhay para sa sarili mo lamang, hindi nawawala sa puso mo ang pakialam sa iyong kapwa."


Itinikom niya ang aking mga palad. Nakulong sa loob ang bagay na inilagay niya.


"Pero Kena, alam mong hindi sapat na maging mabuti lang, di ba? Kahit hindi mo aminin, ramdam ko na may pag-aalala ka. Ramdam ko na may hinanakit ka. At iyon ang dahilan kaya hindi ka na naniniwala sa Kanya."


Kung ganoon ay nahalata niya na pala ako. Napayuko ako. "Sister, sorry po..."


"Bakit ka sa akin humihingi ng kapatawaran?" Maliit na ngumiti siya sa akin. "Hindi sa akin, sa pari, mga santo, o kahit kanino, kundi sa Kanya ka dapat dumeretso. Sa Kanya mo ibuhos ang damdamin mo. Sa panahong hindi nanghihina ka, nahihirapan, at nauubos ka; imbes na tumalikod ay higit na dapat kang lumapit sa Kanya."


"S-sister." Binawi ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. "Tingnan ko lang po si El sa kuwarto. Baka hinihintay na po niya ako." Tinalikuran ko na siya. Malungkot ang ekspresyon na habol na lamang niya ako ng tingin.


Hungkag naman ang pakiramdam ko. Hanggang kaya ko sana, ayaw ko sana na tumapak o sumalungat sa paniniwala ng iba. Iginagalang ko ang kahit ano pa iyan na paniniwala. Pero ang aking sariling paniniwala, doon ako hindi na nakatitiyak.


Pagbalik ko sa kuwarto ay nakatayo pa rin si El sa gitna. Nang maramdaman ang aking presensiya ay saka siya kumilos. Dinampot niya ang backpack niya sa sahig.


Kinuha ko na rin ang aking bag. Pagbukas niyon ay aking basta na lang inihulog sa loob ang bagay na inilagay ni Sister Gelai kanina sa palad ko. Rosaryo.


Sa sala. Kahit hindi kami nakikita ni Ekoy, at sa iba itong direksyon nakatingin ay sinalubong kami ng binatilyo. "Kena, uuwi na ba talaga kayo?"


"Salamat, Ekoy!" Niyakap ko ito. Sa maiksing panahon, isa ito sa aking masasabing itinuring na kaibigan. Hindi ko ito makakalimutan.


Napaiyak na ang bulag na binatilyo. Ngayon lang din daw kasi ito nagkaroon ng kaibigan. Mami-miss daw nito kaming dalawa ni El.


Inihatid kami nito hanggang sa kawayan na gate sa labas. "Ingat kayo, ah! Kapag may pagkakataon, dalawin niyo sana ulit kami ni sister dito!"


Si El ay tinapik sa balikat si Ekoy. Nakita ko na binigyan ni El si Ekoy ng limang daan, pambili raw nito ng bagong walkman. Natuwa naman ako. At least, may souvenir pala siya rito.


Naglakad na kami paalis. Nauuna sa amin si Sister Gelai na maghahatid sa amin papunta sa sakayan ng tricycle. Habang naglalakad ay panay sulyap ko sa katabing si El. Okay na ba talaga siya? Namumutla pa kasi siya, hindi na nga lang kagaya nang kagabi at kaninang umaga.


"El, mami-miss mo rin ba si Ekoy?" tanong ko sa kanya para magbukas ng paksa. Sanay naman ako na hindi nakikipag-usap, kaya lang hindi naman na kami katulad ng noon. Nakakailang na ang makasama siyang maglakad tapos ganitong seryoso ang kanyang ekspresyon.


Sa tagal ng pananahimik niya ay akala ko'y hindi na siya sasagot, pero narinig ko ang boses niya. "I like him. He's a nice kid."


Maliit akong napangiti. Maka-kid naman siya kay Ekoy, akala mo naman mega adult na siya.


Pagdating sa paradahan ng tricycle ay sumakay na kami ni El. Magkatabi kami sa loob. Special na trip ang kinuha namin, at ang nagbayad sa driver ay si Sister Gelai. Kahit sabihin ko na kami na, hindi pumayag ang madre. Nagbilin pa ito sa driver na sa mismong terminal ng bus kami ihatid.


"Mag-iingat kayo." Kinawayan na kami ni Sister Gelai nang umandar na ang tricycle. Nakakalayo na kami nang silipin ko ito sa isa sa mga rearview mirror ng tricycle. Nakapagtataka dahil parang may pag-aalinlangan sa ekspresyon ng madre.


Pagbaba sa terminal ay ganoon pa rin si El. Tahimik. Palagi naman siyang tahimik, mas tahimik nga lang ngayon. Sa tingin ko, hindi pa talaga okay ang pakiramdam niya.


Ako na ang naghanap ng sasakyan namin. Ako na rin ang nagtanong-tanong sa terminal. Papuno na ang huling bus, kaya mabuti at nakaabot kami, kung hindi ay maghihintay pa kami sa pagpuno ng panibago. Mukhang matatagalan pa naman dahil kakaunti lang ngayong araw ang pasahero.


"Ilan?" tanong ng konduktor. "Dalawa na lang ang bakante. Maghihintay pa sa bagong bus at sa pagpapapuno mamaya—"


"Dalawa lang naman po kami," sagot ko rito. Inabot ko na ang pangbayad sa dalawang ticket.


Tumaas ang isang kilay ng konduktor nang tanggapin ang bayad. Habang inaabutan kami nito ng ticket ay sa likuran namin ni El nakatutok ang mga mata nito. Nagtanong pa, "Dalawa lang?"


"Opo." Nangunot naman ang noo ko. Bakit nagtatanong pa ito? Dalawa lang naman kami ni El dito. May iba pa bang pasahero?


Ang konduktor ay hindi pa rin matinag sa pagsipat sa likuran namin. Kahit nang iabot na sa amin ang ticket ay doon pa rin ito nakatingin.


Napapitlag naman ako nang biglang hawakan ni El ang kamay ko. Pagtingala ko sa kanya ay seryoso ang mukha niya. Hinila niya na ako papasok sa bus, na akala mo ay nagmamadali siya. Hindi naman na kami mauunahan dahil bayad na kami sa ticket, kaya anong problema niya?


Napakamot na lang sa ulo ang konduktor nang makitang sumakay na kami sa bus. Sinigawan kami nito, "Doon sa likuran ang bakanteng upuan!"


Sa likuran nga kami ng bus ni El naupo, doon sa bandang dulo. Pagkaupo ay akala ko'y matutulog si El, pero hindi. Sa buong biyahe, kahit sa paglipat ng bus ay gising siya. Ni kumurap yata ay hindi niya ginawa.


Ako lang ang nakatulog, dahil para bang napakabigat ng katawan ko. Para akong may binitbit na kung ano. Iyon bang daig ko pa ang naglakbay na may dalang mabigat na bagahe. Ang pakiramdam ko ay pagod na pagod.


Gabi na kami nakabalik sa Pangasinan. Napamulat ako nang sumigaw ang konduktor na nakarating na kami. Past nine p.m. na. Nakatulog pala ako sa balikat ni El. Nahihiyang napatingin ako sa polo niya, may bakas ng laway ko!


"S-sorry!" hingi ko ng pasensiya.


Mukhang wala lang naman kay El. Wala siyang reaksyon kahit may mapa na ng Pilipinas ang balikat ng polo niya dahil sa natuyong laway ko.


Ano bang nangyayari sa akin? Bakit hindi ko namalayan na napasarap na ako sa pagtulog? Bakit ba ako pagod na pagod? Wala naman akong dala maliban sa school bag ko?


Pinauna ako ni El na bumaba sa bus. Pagbaba ay nagpa-special kami ng tricycle. Ako ang nagbayad dahil may sukli pa ang pera na bigay niya para pamasahe namin kanina. Magkatabi ulit kami sa loob. Tahimik pa rin siya habang paminsan-minsan ay sumusulyap sa rearview mirror.


Mauunang madadaanan ang barangay nina El, kaya pinauna ko na siya, ang kaso ay hindi naman siya bumaba. Nang makarating sa barangay namin ay saka siya pumara.


Kasunod ko sa paglalakad si El. "Hindi mo naman ako kailangang ihatid."


"Okay lang," tipid na sagot niya.


Quarter to ten p.m. pa lang pero wala nang katao-tao sa daan. Sa bukana lang may tambay, pero wala na sa looban. Sarado na rin ang mga bahay, kahit ang mga tindahan. Ganito rito sa street namin, palibhasa ay kakaunti lang ang mga kabataan.


Nang lingunin ko si El ay nakapamulsa siya sa suot na slacks habang nakabaling ang mukha sa gilid. Kaswal lang ang ekspresyon niya. Napabuga ako ng hangin. Siguro ay hindi pa talaga okay ang pakiramdam niya.


Pagliko sa kanto malapit sa bahay na tinutuluyan ko ay may kadiliman na, mukhang may topak na naman ang isa sa ilang pirasong lamppost dito. Puro tagtipid pa sa kuryente ang mga kapitbahay; walang nagbo-volunteer sa mga ito na magbukas ng bombilya sa kani-kanilang harapan.


"Dito na lang," sabi ko bagaman patuloy ako sa paghakbang.


Pagtapat ay hinayaan ko si El na pagmasdan ang bahay namin. Baka may makita siya, baka may maramdaman. Pero wala siyang reaksyon.


"El, magiging okay ka ba?" Iyon ang tanong na kanina ko pa gustong bitiwan. "Hindi ka ba pagagalitan o tatanungin man lang kung saan ka nanggaling?"


Tumingin siya sa akin. "Are you worried?"


Napakurap ako sa interes na nasisinag ko sa kaninang blangkong mga mata ni El. Sasagutin ko na sana ang tanong niya nang aking marinig ang pagbukas ng bakal na gate sa likuran ko. Kasunod niyon ay isang baritono at matigas na boses. "Kena."


Isang matangkad na lalaki na may seryosong eslpresyon ang nasa gate ng bahay namin. Pero hindi siya sa akin nakatingin. Ang mga mata niya ay nakatuon kay El, na kahit may kadiliman sa paligid ay masisinagan ng lamig. Si Joachim!


Hindi naman tumitinag si El sa kinatatayuan. Wala lang sa kanya ang mga titig ni Joachim. Sa katunayan ay sinasalubong pa niya.


Nagulat ako nang bigla ay nakangiti si El na magsalita, "This kind of feeling."


Nagsalubong naman ang makakapal at itim na itim na kilay ni Joachim.


Nagpatuloy si El sa sinasabing hindi maunawaan. "Pride, greed, wrath, envy, lust, gluttony and sloth... Sa lahat, this is what i like the most."


Tuluyang lumabas ng gate si Joachim. Nagtatagis ang mga ngipin niya. "Who the fuck are you?"


Tinalikuran siya ni El.


Nagdingas ang mga mata ni Joachim. Bago pa ako makaharang sa kanilang dalawa ay nahatak niya na si El. Sa bilis ng pangyayari ay hindi agad ako nakahuma. Sa pagdilat ko ay wala na si El sa kinatatayuan niya kanina, nasa lapag na siya ng kalsada!


Napasigaw ako. Sinapak siya ni Joachim!


Nakasubsob si El sa lapag at walang kakilos-kilos. Nanlalaki ang mga mata ko nang sigawan si Joachim, "Bakit mo ginawa iyon?! Kagagaling niya lang sa sakit at hindi pa siya gaanong magaling!"


Wala pa ring kilos si El sa kalsada kahit ilang segundo na ang nagdaan.


Napamura naman si Joachim sa pagkairita. "Anong problema niyan? Why is he not moving?!"


Nakatulala na lang din ako kay El. Bakit nga ba siya hindi pa rin gumagalaw? Hindi naman siguro siya nakatulog sa isang sapak lang ni Joachim?!


Dinaluhan ko na si El. Subalit bago ako makalapit sa kanya ay bumangon na siya mula sa pagkakasadlak sa lapag. Umupo siya habang hawak ang sariling ulo.


Napalingon siya sa paligid. Ang mga kilay niya ay salubong sa isa't isa.


"El, okay ka lang?" nag-aalala na tanong ko sa kanya.


Napatingala siya sa akin. "Y-you..." sambit niya na paos at tila hirap na hirap. "A-anong..." Umawang ang mga labi niya nang paulit-ulit.


Napatingin ulit siya sa paligid. Nanlalaki ang kanyang mga mata. Nasa ekspresyon ang pagkagulat. At ang sumunod na salita na lumabas sa mga labi niya ay ikinatigagal ko.


"B-bakit ako nandito?!"


jfstories

#JFBOTCP

Continue Reading

You'll Also Like

2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
14.8K 509 32
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang babaeng biniyayaan ng kakaibang talento na wala sa mga normal na tao. May mga nagpapakitang multo sa kanya na hi...
20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...