The newest hanamichi sakuragi...

By breakerdreamer

28.7K 3K 1.2K

cold, emotionless, magaling sa basketball, walang pakialam sa paligid niya.. nagbago na for good si sakuragi... More

chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
chapter 24
chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
chapter 31
chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
chapter 37
Chapter 38
chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
chapter 42
chapter 43
Chapter 44
chapter 45
chapter 46
Chapter 47
chapter 48
chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
chapter 56
Chapter 57
chapter 58
chapter 59
Chapter 60
chapter 61
chapter 62
chapter 63
chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
chapter 67
chapter 68
Chapter 69
chapter 70
Chapter 71
chapter 72
chapter 73
chapter 74
chapter 75
Chapter 76
chapter 77
Chapter 78
chapter 79
chapter 80
chapter 81
chapter 82
chapter 83
chapter 84
chapter 85
chapter 86
chapter 87
chapter 88
chapter 89
chapter 90
chapter 91
chapter 92
chapter 93
chapter 94
chapter 95
chapter 96
chapter 97
chapter 98
chapter 99
chapter 100
chapter 101
chapter 102
chapter 103
chapter 104
chapter 105
chapter 106
chapter 107
chapter 108
chapter 109
chapter 110
chapter 111
chapter 112
chapter 113
chapter 114
chapter 115
chapter 116
chapter 117
chapter 119
chapter 120
chapter 121
chapter 122
chapter 123
chapter 124
chapter 125
chapter 126
chapter 127
chapter 128
chapter 129
chapter 130
chapter 131
chapter 132
chapter 133
chapter 134
chapter 135
chapter 136
chapter 137
chapter 138
chapter 139
chapter 140
chapter 141
chapter 142
chapter 143
chapter 144
chapter 145
chapter 146
chapter 147
chapter 148
chapter 149
chapter 150
chapter 151
chapter 152
chapter 153
chapter 154
chapter 155

chapter 118

108 12 4
By breakerdreamer


The newest hanamichi sakuragi: cold hearted


Chapter 118:

**** Continuation of flashback *****

"Mom? Saan po tayo pupunta?" Tanong ni aki sa ina


"Sa bahay muna ng kuya rukawa mo, kukunin ko ang ilang gamit natin bago tayo dumeretso sa ōsaka.. may isang bahay kami doon ng lola mo bago sila nawala." Pagkwentong saad ni akira sa anak, tumango naman si aki bago tumingin sa labas ng sasakyan.

"Mom, can I have request po?" Mababa ang boses na pakiusap ni aki

"Sure anak, kahit anong request pa yan." Nakangiting saad ni akira sa anak, kiming ngumiti si aki bago tumango.

"Hmm. Bago tayo tuluyang umalis sa lugar na ito, Pwede ko po bang puntahan iyong boyfriend ko?" Hindi iyon ang inaasahan ni akira na sasabihin nito sakanya, may boyfriend na pala ang kanyang anak.


"A-ahm. Saan ba siya? G-gusto mo bang samahan na kita?" Nag aalangang tanong ng ina, subalit inilingan lamang siya ni aki bilang sagot.

"Ako na po bahala ang mag isa mom, kaya ko naman po.. gusto ko lang po talaga siyang makausap, we're not in good terms po kasi dahil kay... Daddy, pinag hiwalay niya po kami dahil ipapakasal niya ako sa anak ng kaibigan niya." Nagulantang si akira sa narinig, kaya ba tila nag mamadali umalis sila kanina dahil alam ni kotaro na nakauwi na ako at hahadlangan ko ang plano niya.


"Napakawalang hiya talaga niyang ama mo, hindi na talaga siya nag bago. Noon pa namang nag sasama kami ay ganyan na siya sakin." Galit na sabi ni akira na mahigpit na nakahawak sa manobela.

"M-mom, kaya po ba iniwan niyo ako dahil hindi niyo kinaya ang ugali ni daddy?" Hindi nakapag react si akira sa naging tanong ng kanyang anak sakanya, itanggi niya man ang bagay na iyon subalit, iisa lamang ang naging desisyon ko ng mga oras na iyon.

Ang iwan si kotaro kasama ang anak nila para lamang makalayo siya sa kamay nito. And that time, naghihingalo na rin ang kanyang mga magulang dahil sa ginawa ni kotaro sa kanila.


"Hindi ko itatanggi ang bagay na yan anak, kasi naduwag ako at hindi ko na naisip na isama ka dahil sa galit ko sa ama mo. Naisip ko rin na pag nasa poder ka niya, hindi ka niya magagawang saktan dahil anak ka niya. Pero all those years, walang araw at taon na hindi ako nag sisi nang iwan kita sa kanya. Anak, Mahal na Mahal kita, sorry kung huli na akong dumating." Naiiyak na anas ni akira, naiintindihan naman ni aki ang naging sitwasyon ng kanyang ina, subalit naiisip niya rin ang naging sitwasyon nila ng kanyang ama.

Naging napaka buti rin nitong ama sakanya, pero hindi malaman ni aki kung bakit biglaan na lamang itong nag bago.

Maya maya pa ay huminto na ang kotseng sinasakyan nila, sa tapat mismo nang bahay ni rukawa.


"Mom, aalis na po ako.. dederetso na po ako sa bahay ng boyfriend ko, kahit sa huling beses ay makita ko man lang siya." Malungkot na napangiti si aki sa huling mga salitang kanyang sinabi.


"Naiintindihan ko anak, Sige na. Ako na ang bahala dito, maya maya ay aalis narin naman tayo." Tumango si aki sa ina bago nag lakad ng mabilis palayo.

'sana nasa bahay ka ngayon sakuragi.. please, kahit sa huling pagkakataon lang na makita kita bago kami tuluyang umalis.' anas sa isipan ni aki at mabilis na tumakbo palayo


Ilang minutong lakad at takbo ang ginawa ni aki para lamang makarating sa bahay ni sakuragi, hinihingal siyang huminto sa harapan ng gate nito, nakita niya rin bukas ang pintuan ng bahay nito kaya laking tuwa non ni aki.


Binuksan niya ang gate at hindi na nangahas na kumatok dahil baka hindi rin naman siya pag buksan ni sakuragi ng pinto. Halo halo ang kabang nararamdaman ni aki sa mga oras na iyon, may takot rin siya na baka hindi siya pag bigyan ni sakuragi na kausapin siya at basta na lamang siyang itaboy paalis sa bahay nito.



Unang pasok niya mula sa terrace hanggang hallway patungong sala, walang tao doon kaya sinilip niya ang dining at kitchen area. Subalit wala ding nakita si aki doon, kaya naisip niya na baka nasa itaas si sakuragi kaya nag dahan dahan siyang umakyat.


Bumuntong hininga siya ng malalim dahil sa sobrang kabang nararamdaman at panlalamig na rin ng kanyang kamay at paa. Nanginginig ang kanyang tuhod na lalong nagkapag bigay hina sa kanyang lakas.


Pinihit niya ng kaunti ang door knob na hindi nag bibigay ingay pag bubuksan niya na ito. Nang mabuksan niya na at unti unting binigyan ng siwang upang maaninag ang loob.


Nakita niya doon si sakuragi na nakahiga habang may hawak hawak na bote ng alak, mukhang kanina pa ito umiinom dahil lagpas sa lima na ang boteng nakikita niya sa lapag ng kwarto nito.


Sobrang pula narin ng katawan at mukha nito kaya nag aalalang nilapitan ito ni aki.


"Sakuragi?" Mababa ang boses na tawag ni aki kay sakuragi, mapungay ang mga matang tinignan ni sakuragi si aki.



"*Hik* n-nananaginip na naman ba ako? *Hik* n-nakikita na naman kita, m-mahal ko. *Hik*" lasing na lasing na talaga ito dahil halos kainin na nito ang mga salita na halos hindi maintindihan ni aki kung ano ba talaga ang sinabi nito.



Kanina lamang ay okay pa ito bago siya tumalikod paalis, pero ngayon lasing na naman ito nang dahil sa kagagawan ko.


"Sakuragi, nandito ako.. ako ito si aki, hindi ako panaginip, totoong totoo ako." Saad ni aki na lumapit at hinawakan sa pisngi si sakuragi.. pinag masdan naman siya ni sakuragi na parang natatakot itong kumurap man lang dahil baka bigla na naman itong mawala sa paningin niya.



"P-pakiramdam ko talaga, n-nandito ka mahal k-ko. S-sana nga nandito ka sa tabi ko, s-sana ipinag laban kita, p-pero ayoko namang m-maging selfish." Hikbing saad ni sakuragi, tumawa ito ng mahina bago tinungga ang bote ng alak. Kukunin na sana ito ni aki ng hawakan siya ni sakuragi sa wrist nito.


Napahiyaw sa gulat si aki nang mabilis siyang inilagay ni sakuragi sa higaan, si sakuragi naman ay nasa kanyang itaas habang malaya siyang pinag mamasdan na may labis na pag mamahal na nakabalatay sakanyang mata.



Ibinaba ni sakuragi ang mukha, hindi naman mawari ni aki kung ano ang gagawin subalit determinado siya sakanyang sarili na hindi siya aalis kahit ano pa ang gawin ni sakuragi sakanya.


Hanggang sa maramdaman nga ni aki ang malambot na labi ni sakuragi sakanyang labi, lasang lasa ni aki ang mapait na nang gagaling sa bibig nito dahil sa alak. Subalit hindi naging alintana iyon kay aki, mas pinag tuunan niya ang halik na iginagawad ni sakuragi sakanya at taos puso rin nitong ibinabalik ang halik nito.


Bumababa ang halik nito sa leeg ni aki, samantalang binibigyan niya ng access si sakuragi na gawin ang gusto nito.


Hanggang sa ilang minuto ang tumagal ay mas naging mapusok ang dalawa sa isa't isa, dinadamdam ang bawat araw na silang dalawa ang magkasama. At sa araw na ring iyon, ay may nangyari sa kanilang dalawa. Pinaka magandang araw na nangyari sa buhay ni aki na kailanma'y hinding hindi niya makakalimutan sa buong buhay niya.



Nang makatulog ang dalawa dahil sa mainit na naganap sa pagitan nila, nakangiting pinag masdan ni aki si sakuragi na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi, napakalapit nito sakanya habang mahigpit na nakakapit sa kanyang katawan.



"Mahal na Mahal na Mahal kita, sakuragi.. gagawin ko ang gusto mo, alang alang sa sakrispisyo mo para sa relasyon nating dalawa. Hinding hindi kita kakalimutan Mahal ko." Sa huling pagkakataon hinalikan ni aki sa labi si sakuragi bago dahan dahang inalis ang kamay ni sakuragi sa bewang niya.



Napangiwi si aki sa sobrang sakit ng kanyang pribado, bago unti unting nag damit. Nang matapos siya'y agad din siyang lumabas ng pintuan na may ngiti sa kanyang labi.



'sa muli nating pagkikita sakuragi, Mahal ko.'

Continue Reading

You'll Also Like

83.7K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
3.3K 138 40
Ito ang kuwento ng buhay Basmetball Player ni Hanamichi Sakuragi. At ito ang unang hakbang sa pagtupad ni Sakuragi mna maging isanh NBA Player. Ang k...
114K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...