Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.1K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 23

20 5 0
By imangelaxwp

KABANATA 23

(MAGI'S POINT OF VIEW)

Ewan ko ba kung bakit inabot kami ng ilang oras para lang maghanap ng isang papel. Nasa kwarto kami ngayon ni Amanda, ang executive ng Hunter Org.

"Sigurado ka bang nasa kwarto mo yung papel?" tanong ko habang nagkakalkal sa mga nakakalat na gamit niya.

"Meron. Alam kong nilagay ko dito."

"Hays. Pagod na ako, ikaw na muna ang maghanap." Napaupo muna ako at pinanood siya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit magkasama kami at kung bakit nauutusan ko siya ngayon. hindi naman talaga siya ang tunay na executive ng Hunter Org. Kumbaga isa lang siyang puppet. Nakatago sa anino niya ang totoong executive. Iilan lang ang nakakaalam ng pagkatao nito.

At isa pa, hindi Hunter Org ang namamahala sa mismong organisasyon nila. Ito ang nalaman ko mula kay Amanda. Pinuntahan ko kasi siya sa ospital na pinagdalhan sa kanya at nasa labas ito ng eskwelahan. Ibig-sabihin, bumiyahe pa ako para makarating sa kinaroroonan niya.

Pagkakita sa kanya, magaling na pala. Hindi na niya talaga ginustong bumalik pa kaya namalagi muna siya ospital ng ilang araw.

Konting panakot lang naman ang ginawa ko sa kanya tapos kinanta niya na lahat.

Mukhang nagsawa na sa mga utos ng lider nila kaya hindi na bumalik sa eskwelahan. Bumalik lang siya dahil may naalala siyang papel na itinago niya noon.

Tungkol pala sa organisasyon nila, ang Black Org pala ang palihim na namamahala nito. Anim na tao ito at mga dati pang miyembro ng Black Org.

Dalawa lang ang kilala niya sa anim na miyembro. Ito ay si Leona, ang assistant ng executive ng Seeker Org at si Eman, ang lasinggerong nobyo ni Ivy. Mabuti na lang hindi na bumalik si Eman dito sa eskwelahan. Matapos maranasang malason mula sa sarili niyang organisasyon ay hindi na niya ninais na mag-stay pa. Isa kasi siya sa nalason noon sa night club.

Hindi kilala ni Amanda ang lider ng Black Org ngunit nalaman niya ang binabalak nito. Plano nilang perpektuhin ang Loveshot poison at lasunin ang lahat ng estudyante.

Sino bang hindi matatakot dun? Ako rin naman hindi na babalik kung ito ang malalaman ko. Pero naalala ko na may mga kaibigan pa ako na nandito.

Dinukot sina Zeta at Apolo. Wala pa akong balita sa nangyaring laban nina Senpai at Casano. Baka hinahanap na nila ako ngayon...

Ito kasing si Amanda, kanina pa kami nakarating dito sa dorm, hindi parin maghanap ang papel na itinago.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ay narinig naming may nagsalita sa speaker na malapit dito sa dorm. May gumagamit sa mic at speaker ng eskwelahan.

"Magandang araw Assasino University! Nagustuhan niyo ba ang regalo ng Black Org? HAHAHA!" ani ng nagsalita.

"Leona?!" sabay naming naisigaw ni Amanda. Kilalang-kilala namin ang boses na yan.

"Pero magandang balita! Pwede niyong makuha ang antidote!" nagpatuloy ito.

Hindi ko na maintindihan ang pinagsasabi niya. Ano bang nangyayari ngayon sa eskwelahang ito?! Ilang oras lang ako na nawala, may antidote na silang sinasabi.

"Hindi maganda ito! Asan na ba yon?! Tulungan mo na akong maghanap para mabilis, Magi!" natatarantang sabi ni Amanda.

"Teka, ano bang nangyayari?" nalilitong tanong ko.

"Kung tama ang hinala ko, nilason na nila ang mga estudyante. Hindi ko lang alam kung saan pero baka sa Gym. Kaya pala wala na akong nakikitang estudyante kaninang papasok tayo..."

"What?! Ano pang ginagawa natin dito?! Kailangan natin silang tulungan!" bulalas ko.

"Sa tingin mo ba matutulungan mo sila kapag pumunta ka don? Madadamay ka lang sa lason." Hinarap ako ni Amanda saka hinawakan sa balikat.

"Kailangan na nating mahanap ang papel. Naglalaman ito ng formula ng paggawa ng Loveshot poison. Nandun din ang formula ng antidote."

Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig nito. Agad kong inilingon ang mga mata ko para maghanap na rin.

Sana sinabi niya ito kanina pa para hindi na ako tumigil sa paghahanap. Ngayon nag-aagaw buhay na ang mga estudyante dahil sa lason pero kami, hindi parin nahahanap ito.

"Ito!!! Ito ang formula!!!" Tuwang-tuwa na ipinakita sakin ni Amanda ang papel.

Binasa ko ang mga nakasulat dito at napagtantong lason nga ang ibig gawin ng taong nagsulat nito. Sa likod nito ay nakasulat ang formula ng antidote. Lumiwanag ang mukha namin pagkakita nito.

"Teka, bakit ka meron nito?" curious na tanong ko habang dahan-dahang naglalakad patungo sa gusali ng Hunter Org. May sikretong laboratory sa basement nila kung saan ginawa ang mga lason. Doon kami magtutungo ngayon.

"Pinicturan ko yung orihinal na papel tapos pinaprint ko para kung sakaling malason ako, syempre alam ko kung paano gagawin ang antidote."

"Hanep! Yung pagiging makasarili mo ang magliligtas ng lahat ng estudyante," pang-aasar ko naman. Inisnaban niya lang ako. Natawa na lang ako habang papasok kami ng gusali ng Hunter Org.

Nang makapasok ay wala kaming nadatnan na estudyante sa loob. Nalason din kaya ang mga miyembro nito? May nakita kaming nakasaradong bakal na pinto. May padlock ito ngunit hindi gaano kalaki. Nakakita kami ng madaming susi kanina sa pintuan, kinuha namin ito at mukhang makakatulong pa samin.

Matapos ang madaming minuto na iginugol namin ay nabuksan din ito. Itinulak namin ito pareho dahil masyado itong mabigat. May hagdanan pababa. Madilim ang lugar kaya minabuti naming Bumaba at binuksan ang ilaw.

Tumambad samin ang dalawang taong nakakulong na sina Zeta at Apolo. Sunod naming nakita si Casano na nakatali sa upuan. Nagtataka ako dahil nandito si Casano ngunit naisip ko na baka ito ang kinahinatnan ng paglalaban nila ni Senpai.

"Tulungan mo si Casano, ako na ang bahala kina Zeta at Apolo," utos ko kay Amanda.

Tumakbo ako palapit sa kanila at ginamit ang pin muli para buksan ang padlock ng kulungan kung nasaan sila.

"Magi!" niyakap ako ng mahigpit ni Zeta nang makalabas sa kulungan.

"Pinahirapan ba nila kayo?" nag-aalalang tanong ko. Hindi siya sumagot ngunit ramdam ko ang pagod at panghihina ng katawan niya. Hinimas-himas ko ang likod niya.

"Naging matapang ka, Zeta. Magiging maayos din ang lahat."

Lumapit samin sina Casano at Amanda.

"Apolo, you take care of these girls. Kailangan kong puntahan si Pacifica," nagmamadaling paalam niya. Tumango lang si Apolo bilang sagot. Nauna ng lumabas si Casano.

"Kung ako sa inyo, hindi na ako magsasayang ng oras pa. Kailangan na nating gawin ang antidote bago pa mahuli ang lahat."

"May antidote?!" gulat na tanong ni Zeta.

"Meron. Nakasulat sa likod ng papel. Kami na ni Magi ang gagawa ng antidote dahil mabilis lang naman ito," sagot ni Amanda.

Nakarinig kami ng mga yapak sa taas. Mga kasamahan siguro ng Black Org.

"Kami na ang bahala sa kanila," ani Apolo. Agad silang umakyat pataas ni Zeta para harangin ang mga taong dumating.

Naiwan kami ni Amanda na inaayos ang mga gagamiting apparatus. Kung sinuswerte nga naman, kumpleto ang mga sangkap na kailangan namin na narito ngayon. Umaayon samin ang mundo.

Mabuti na lang din dahil may nalalaman ako sa mga lason. Makakatulong ako sa paggawa ng antidote.

Habang sinisimulan ang paggawa ay may naalala ako bigla.

"Diba nasabi kanina ni Leona na nasa kanila ang antidote? Tapos kailangang makuha ito ni Pacifica," tanong ko naman.

"Maniniwala ka ba don? Patibong lang yon! At bakit naman sila gagawa ng antidote kung plano nilang patayin ang lahat." Napaisip naman ako. Tama ang sinabi niya.

Di bale papunta naman na si Casano kaya magiging maayos din si Pacifica. At tsaka hindi siya pababayaan ng kanyang mga Baron. Wala man ako para suportahan siya, sigurado akong darating ang taong yon para iligtas siya.

Ano na kayang nangyayari sa labas? Nakakataranta naman itong ginagawa namin, biruin mo nasa mga kamay namin ang magliligtas sa mga nalasong estudyante. Kapag pumalpak kami, mamamatay sila. Ayoko namang mangyari yon syempre.

"Huwag kang kabahan, mairaraos din natin ito," walang anu-anoy nagsalita si Amanda. Nakapokus siya sa paghahalo ng mga kemikal.

"Wow naman. E bakit ikaw? Ginagawa mo ang antidote. Akala ko ba ayaw mo ng bumalik dito." Mahina ko siyang siniko.

"Nakokonsensya na ako, okay? Hindi ko pwedeng hayaan na mamatay sila, lalo pa't naging bahagi ako sa masamang plano ng Black Org. Hindi kakayanin ng konsensya ko yon." Sumeryoso siya.

"At tsaka, kailangan ko ring iligtas ang mga miyembro ng Hunter Org na nalason. Kahit papaano ay naging loyal din sila sa akin kahit na hindi ako ang tunay nilang executive..." Hindi na ako nagsalita pa.

Tinulungan ko siyang maghalo-halo ng mga kemikal hanggang sa matapos namin ito. Isang bote ang inabot ng ginawa namin at sapat na ito. Kailangan lang naming maihalo ito sa tubig. May nahanap kaming malaking jag dito na puno ng tubig. Ihahalo namin ang antidote sa tubig saka ipapainom sa mga nalasong estudyante.

Ang kulang na lang ay ang magbubuhat nito...

Konting tiis na lang, maililigtas na rin namin ang mga estudyante...

Nagulat kami pareho ni Amanda nang may dumating na dalawang lalaki. Sumaya naman ako nang mamukhaan ang dalawang ito.

"Kailangan niyo ba ng tulong namin??" tanong ng isa sa mga ito.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 163 41
She stole something no one has ever stole no matter how hard they try. But, instead of getting locked up in prison... He got her locked up in his hea...
7.5K 296 48
Isang babaeng walang ginawa kung hindi ang magbasa nang magbasa. Sabi nila ang pagbabasa ay isang mabuting gawain. Pero sa sitwasyon niya, isang dal...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
42.9K 1.5K 52
"SHE WAS SOFT LIKE AN ANGEL BUT OH., SHE FIGHTS FURY OF A DEMON" A most popular Mafia organization.,with the most Mysterious leader., What if the fra...