Sawyer Series#2: Here's your...

By _croisentoi

10.5K 327 47

Para kay Charlotte, kapag gwapo ay malabong maabot. Kapag gwapo ay maganda ang gusto, kapag gwapo ay marami k... More

Disclaimer
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
53
54
55
56
57
58
59
60
61
62
63
64
65
66
67
68
69
70
71
72
74
Epilogue
Author's note

73

91 2 1
By _croisentoi

Chapter 73

     Napatingin ako kay Hudson ng hawakan niya ang kamay ko, kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko. Tinignan ko si ate, nakangisi ito sa akin. Ang tiyan niya ay halata na, kaya nagsisimula na siyang pumanget.

"Relax," mahinang sabi ni Abo.

"How? Mamamatay na ako sa kaba dito," sabi ko, narinig ko ang pagtawa niya kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.


"Nandiyan na sila," sabi ni Ingrid.


Umayos kami ng upo, agad kaming nagmano kila mama ng makapasok ito sa bahay. Naupo silang dalawa sa sofa, pati si abo ay nagmano din sa kanila.


"O, napabisita ka." Sabi ni mama sa kanya, napatingin si mama sa magkahawak naming kamay, hindi nakatakas sa akin ang pag ngisi niya.


Tinignan ko si papa, seryoso itong nagtatanggal ng medyas niya. Ngumuso ako, wala ba siyang sasabihin? Siya kaya ang dahilan kung bakit nag kaayos ulit kami ni abo.

"Kumain na ba kayo? May dala kami," ani mama, tumayo si mama.


Hindi ko alam kung paanong sasabihin sa kanila na ikakasal na ako, alam kong magugulat sila.


"Kailan ang kasal?" Seryosong tanong ni papa, bigla akong nasamid dahil sa tanong niya, nanlalaking mga mata akong tumingin sa kanya.

"Pa—pa..."


"Nauna nang sabihin sa amin ni Hudson bago pa siya mag propose," ani mama sa akin, tinignan ko naman si abo, kumindat lang siya sa akin. Aba!


"Hindi pa po namin napag uusapan," kinakabahan na sagot ko.


Tumango si papa sa akin, nag iwas ako ng tingin ng magtama ang paningin namin.


"Did you really want to marry my daughter, Hudson?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong ni papa sa kanya, magsasalita na sana ako ng umiling si mama sa akin.


"You already know the answer, sir." Nakangiting sabi ni abo sa kanya, hindi ko maiwasan ang maiyak. Ang sarap lang sa pakiramdam, 'yung tatlong lalaking minamahal ko ay magkakasama ngayon.

"You know how hard headed she is," ani papa, ngumuso ako.


"I already know that sir, but i still want to marry your daughter, through ups and down, i'll stay in her side. So, no need to worry, your daughter is in good hands."


Tinignan ko si abo, lumingon siya sa akin. Muli siyang kumindat, ang gwapo nakakainis!

"Balik mo dito kuya kapag nagsawa ka na sa ugali niyan a," ani Ingrid, sinamaan ko siya ng tingin pero nanlambot ako sa sinabi niya.

"I'll never do that," ani abo.


Sumandal ako sa balikat niya. "I love you," mahinang sabi ko.


He kissed top of my head."I love you more, babe."


"I want to meet your parents,"


'"Ok sir," agad na sagot ni abo.


Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako ng todo, after three years, ngayon ko na lang ulit makikita magulang ni abo.

"Stop calling me sir, call me papa or dad, whatever you want."


"Papa..." mahinang sabi ko, tumingin si papa sa akin.


"Be mature, Charlotte. You're getting married." Aniya sa akin.


Ngumuso ako.


"Kakayanin mo kaya ugali niyan, Hudson?" Tanong ni ate sa katabi ko, sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan niya lang ako. Pasalamat ka at dinadala mo ang pamangkin ko.

"I already know her, kaya kakayanin."


Mahinang kinurot ko sa tagiliran si Abo, tumawa naman ito.


Dito na kami sa bahay kumain ng hapunan, hindi ko tuloy mapaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya, sobrang sarap sa pakiramdam.



"Ingat kayo sa pag uwi," ani papa sa amin.

Nagmano si Abo sa kanila, humalik naman ako sa pisngi nila. Naramdaman ko ang paghaplos ni mama sa buhok ko.

"Be good, anak." Ani mama, hindi ko alam kung bakit naluluha ako.

"Mama..." mahinang sabi ko.

Ngumiti lang si mama sa akin.

Nagpaalam na kami sa kanila, si ate ay namamahinga na sa kwarto niya kaya hindi niya alam na umalis na kami. Tatawagan ko na lang siya mamaya, sinusumpong na naman kasi siya.

"Thank you," sabi ko kay abo na makaupo siya.

"For what?" Nagtatakang tanong niya.

"For everything."

He kissed my hand, sunod niyang hinalikan ang noo ko hanggang sa bumaba sa labi ko.

"I will do everything for you my wife," aniya.

"Wife ka diyan, hindi pa naman tayo kasal." Sabi ko, pinipigilan kong ngumiti.


"Tsh, doon din naman tayo papunta. We're engaged babe," irap matang sabi niya, natawa ako saka mahina siyang hinampas.



Tatlong buwan na ang nakakalipas simula ng mag propose si abo sa akin, nag uumpisa na rin kaming asikasuhin ang mga kailangan na asikasuhin. Ewan ko ba, ganito ba talaga kapag ikakasal? Ang daming kailangan asikasuhin.

  Nakasimangot kong tinitignan si abo, umangat naman ang kilay niya. Mas lalo akong sumimangot, naiinis na ako sa kanya a.

"What's your problem?" He asked.


"Tara na kasi, puntahan na natin." Pagpipilit ko sa kanya.


"Later," aniya.

Bumagsak ang balikat ko, umupo na lang ako at kinuha ang cellphone ko, 'di wag kung ayaw niya. Ayaw niya nang magpakasal sa akin.


"Charlotte," maya maya ay tawag niya, hindi ko siya pinansin, i make myself busy. Bahala siya diyan, ayaw niya na sa akin.

"Babe."

Hindi ko pa din siya nilingon.

"Wife."


Pinigilan ko pa rin ang sarili na lumingon sa kanya.


"Fine, let's go."

Malaking ngiti na ang gumuhit sa labi ko ng tumingin ako sa kanya, umismid siya sa akin. Tumayo na ako ng tumayo siya, niyakap ko siya ng mahigpit.

"I love you so muuuch!" Sabi ko habang nakayakap ng mahigpit sa kanya.


"And I love you most," aniya kahit nakasimangot, pinisil ko ang pisngi niya.


Magkahawak kamay kaming lumabas ng opisina niya, nginingitian ko ang mga empleyadong nakakasalubong namin. Malapit lang dito ang shop ni Aj, doon din namin kikitain ang wedding organizer namin.

"Hi," nakangiting sabi ni Aj ng makapasok kami, yumakap ako sa kanya saka nakipag beso.

"Kanina pa nag aantay," sabi nito sa akin sabay nguso sa babaeng nakaupo sa gilid, ngayon ko pa lang ito na meet dahil madalas ay si abo ang kausap nito.

Naglakad na kami ni abo papunta sa kanya, umayos ito ng upo ng makita kami. Ngumiti ito kaya ngumiti din ako.

"Hi, miss." Sabi niya sa akin.

"Babe, she's Natividad," pagpapakilala ni abo sa akin.

"Nice meeting you," sabi ko.

"Totoo pala ang sinasabi mo Hudson, maganda ang mapapangasawa mo." Aniya, bigla akong nahiya dahil sa sinabi niya.

"You know me, Vid." Ani Abo, ngumuso na lang ako.

Naupo na kami, may dumating na din na pagkain sa mesa namin. Wala pa naman kaming inoorder, tinignan ko si AJ, kumindat lang ito sa akin.

"So, let's start?"

Mahigit dalawang oras ang tinagal ng pag uusap namin tungkol sa gaganapin sa kasal, dito lang sa pilipinas kahit na gusto ni abo na sa spain ganapin, pero mas gusto ko na dito para hindi mahirapan ang mga pupunta. Hindi naman na siya nakipagtalo, kung saan daw gusto ko ay doon siya.

"As long as you're the bride, kahit saan pa."

Inabot ni abo sa akin ang bag ko, nakangiti ko naman itong kinuha.

"Thank you," sabi ko.

He kissed my top of my head, "Good night." He said.


Niyakap ko naman siya, mabilis kong dinampian ng halik ang labi niya.

"Good night. I love you."

"I love you, more."

Nakangiti kong sinara ang pintuan ng unit, dumiretso ako sa kwarto ko. Malamang na nasa kwarto na nila ang dalawa, anong oras na din kasi. Nag asikaso na muna ako ng sarili bago nahiga sa higaan, bukas na ang umpisa ko sa opisina ni papa. Tinanggap ko ang posisyon na binigay niya sa akin, para din na makapag ipon ako at makapag patayo ng boutique na gusto ko.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, ngayong ang unang araw ko sa trabaho. Nag asikaso na ako para 'di ako malate, nakakahiya naman kung late ako, kahit na anak pa ako ng CEO.

"Good morning guys," nakangiting bati ko sa dalawa, parehas na din na nakabihis ang mga ito.

"Gusto ko na lang bumalik sa pag aaral," sabi ni Lyka, halata sa mukha nito ang antok.

"Hindi ka naman nag aaral ng maayos," sabi ko sa kanya, tumabi ako ng upo sa kaniya. May almusal ng nakahanda sa mesa.

"Kahit ganito ako, grumaduate ako ng with honors," irap matang sabi niya sa akin.

"How's the preparation?" Tanong ni Marie sa akin.

"Ok naman, medyo mahirap lang kasi maraming aasikasuhin." Sabi ko.


"Kelan niyo balak na magpakasal?"


"Next year, dalawang buwan na lang naman. Wala pang exact date." Agad na sagot ko, tumango naman ang dalawa sa akin.

Hindi na kami masyado nakakapag bonding simula ng mag simula na silang mag trabaho, minsan ay salungat ang schedule nilang dalawa. Lalo na siguro ngayon dahil magsisimula na rin akong mag trabaho.

Nakahinto na ang sasakyan sa parking. Kinakabahan ako, ayokong bumaba. Kinuha ko ang cellphone ko, sakto naman na tumatawag si abo kaya sinagot ko ito.

"Good morning babe," cheerful na sagot ko.

"Good morning, asan ka?" Halata na bagong gising siya dahil sa boses niya, wala ba siyang pasok ngayon?

"Nasa parking na, kinakabahan ako."

"Kaya mo 'yan, alam kong kaya mo 'yan." Aniya.

"Can we meet later? Pagtapos ng duty ko?"

"Of course, susunduin kita." Agad na sabi niya, napangiti ako.

"Dala ko ang sasakyan ko,"

"Magpapahatid ako papunta diyan." Natutunaw na naman ako!

"Mahal na mahal kita, abo."

"Mas mahal kita, Charlotte."

Saglit pa kaming nag usap, kahit papaano ay nawala ang kabang nararamdaman ko dahil nakausap ko siya. Huminga ako ng malalim, inayos ko ang sarili bago bumaba ng sasakyan.

"Kaya mo 'to."

Naglakad na ako papasok sa loob, pagsakay ko sa elevator ay nag sisimula na naman ang kaba ko. Hindi naman ito ang unang beses na punta ko dito, bago ako magsimula ay sinabi na sa akin kung saan ako at kung ano ang gagawin ko.

"Good morning, Charlotte." Bati sa akin ng head manager, ngumiti naman ako sa kanya.

"Good morning, ma'am." Sabi ko.

"Kanina pa nag aantay ang daddy mo, pero may meeting sila ngayon. Tara, ihahatid kita sa opisina mo."

Tumango ako at sumunod sa kanya, pamilyar na sa akin ang ibang empleyado dito kaya naman ay nginingitian ko sila.

"Si Aki ang magiging assistant mo, siya din ang magtuturo sa'yo."

Nginitian ko si Aki.

"Akala ko ay mapupunta sa akin 'yung masungit, ma'am." Ani aki, bahagyang kumunot ang noo ko.

"Aki," saway sa kanya. Ngumuso naman ito.

"Nagkasama naman na kayo kaya mas magandang kayo ulit ang magkasama."

Nagpaliwanag si ma'am ng mga gagawin ko, bale si Aki na ang magtutuloy dahil may mga kailangan pa siyang gawin.

"Mabuti na lang talaga ma'am ikaw ang kasama ko," aniya, tinulungan niya akong ayusin ang magiging opisina ko kahit na maayos naman.


"Bakit?"


"May bagong pasok din kasi, anak naman ng vice, akala mo kung sinong maganda kung makaasta. Basta nakakainis siya," pagsusumbong niya sa akin.

"Hayaan mo na, baka ganon talaga." Sabi ko.

"Mabuti na lang talaga, talagang mag sa suffer ang mapupunta sa kanya."

Napatingin kami sa pintuan ng may kumatok, binuksan ni Aki ang pintuan. Wala sa oras na napaangat ang kilay ko ng makita kung sino ang naroon, hindi ko siya kilala but she looks familiar to me.

"Oh hi, newbie?" She asked.

Mas matangkad ako sa kanya pero kaonti lang naman.

"Yeah," sagot ko.


"So ikaw 'yung anak ng CEO?"


Tinignan ko si Aki, nakasimangot ito. Don't worry about me, Aki. I can handle this bitch.

"Yes and you are?"

"I'm Madilyn, daughter of vice president." Aniya.


"Charlotte." Pagpapakilala ko.


"Looking forward to work with you." Nakangiting sabi niya sa akin. Ako hindi!


"Me too," nakangiti din na sabi ko.

She flipped her hair, bago lumabas ng opisina.

"O nakita mo na ma'am, nakakainis 'di ba." Agad na sabi ni Aki sa akin.

Mahina akong natawa. "Hindi siya uubra sa akin, Aki. You know me."  Kindat matang sabi ko sa kanya, siya naman ang natawa.

"Oo nga po pala, pero ikaw ang mas gusto kong kasama kesa sa kanya."

Napailing na lang ako sa kanya.

Iniwan na muna ako ni Aki, naupo ako sa swivel chair saka inikot ang paningin sa kabuuan ng magiging opisina ko. May kalakihan ito, may dalawang mahabang sofa na magkaharap habang may maliit na table na nakalagay sa gitna.

Kinuha ko ang cellphone ko, nagpicture ako ng sarili ko saka sinend ko kay abo. Maya maya ay tumawag ito, saglit kong inayos ang sarili ko bago sagutin ang tawag niya.

"Hi, babeee." Nakangiti kong sabi.

"Miss me?" Natatawang tanong niya, tumango ako habang nakasimangot.

"Yes po,"

"What you doing?" He asked.

"Wala pa, i'll wait pa kay papa. Nasa meeting pa kasi siya." Sabi ko.

"O, did you eat na? It's already lunch na."

Napahawak naman ako sa tiyan ko, bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Hindi pa pala, magpapabili na lang ako kay Aki." Sabi ko.

Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok doon at biglang bumukas.

"Pinapatawag po kayo ng papa niyo," sabi ni Aki sa akin.

"Sige susunod ako." Sagot ko, tumango ito saka umalis na.

"Babe, later na lang. Pinapatawag ako ni papa." Paalam ko kay abo.

"Alright. Keep me updated, ok?"

Tumango ako saka ngumiti. "Yes po, I love you!"


"I love you more!"

Nag flying kiss ako sa kanya bago ibaba ang tawag. Ang gwapo talaga ng magiging asawa ko. Bigla akong kinilig sa naisip, asawa, malapit ko nang maging asawa 'yung lalaking kinukulit ko lang noon.

Continue Reading

You'll Also Like

683K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
23.6K 1K 14
Love Amongst The Dinosaurs Brooklynn x Fem!reader ⚠️!WARNING!⚠️ if you aren't comfortable with hard topics this is not the book for you. !slow updat...
9.6K 387 93
What if yong ex mo ay nakipag-balikan sayo? Oo nga at naging kayo ulit... Pero sa tuwing masaya kayo, may reason naman si tadhana na pag-hiwalayin ka...
56.5K 1.7K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...