Can't Unlove You (GxG) [TaeNy]

By Miyoung_39

388K 8.3K 451

I love you but you can't love me back. More

FOREWORD
1
2
3
4
5
6
7
8
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
Epilogue

9

8.8K 189 1
By Miyoung_39

Tiffany's POV

"Hey what's your name?"Tanong ni Kim sa kapatid ko

"Anna po ikaw?"Tanong ni Anna

"Im Kim kaibigan ko ate mo"Sagot ni Kim tsaka lumuhod para mapantayan ang kapatid ko

"Ate siya ba yung angel na sinasabi mo?"Biglang tanong ni Anna na ikinagulat ko

Hindi niya pwede malaman, ano na lang sasabihin niya? Na nagtrabaho ako sa Bar? Na bayarin ako dati?

"H-ha? Hi--"

"Yes I am"Tawang sagot ni Kim

Alam niya ba? Hindi naman siguro

Her smile is the reason why im smiling just by looking at them

"Edi ikaw pala tumutul--"

"Anna diba gusto mo mamasyal?"Tanong ko bigla

"Ipapasyal mo ko ate?"Natutuwang sabi ni Anna tsaka lumapit sa akin

"Yes. San mo gusto pumunta?"Tanong ni Kim

"Sabi ni Ate sa akin dati ipupunta niya ako sa mall yung malamig na lugar!"Sagot ni Anna kaya napatawa ako

"Anna anong sinasabi mo"Awat ko habang tumatawa

"Tama naman ako diba Ate Kim? May nagsabi sa akin na malamig daw doon"Ngiting sagot ni Anna

"Yes hahaha"Sagot ni Kim

"Nakapunta ka na ba dun or no?"Tabong ni Kim

"Hindi pa po eh kase dati walang oras si ate nagtatabraho siya lagi para may pasalubong sa akin o kaya sa school niya"Sagot ni Anna kaya tumingin si Kim sa akin

"B-Baket?"Takang tanong ko

"Wala lang I didn't know na kaya mong gawin yun"She said while smiling then I melt again

Stop it Kim , baka tumakas ang puso ko

"Sige Kim ipaaalam ko lang si Anna"Sagot ko

Kim's POV

"Pick anything"Ngiting sabi ko kay Anna tsaka siya tumakbo para kunin ang mga gusto niyang laruan

Masisisi niyo ba ko kung gusto ko sa bata? I wish that I have a little sister but mom don't want it hindi niya daw maaasikaso. Oo nga naman eh ako nga eh

"Thank you ha"Rinig kong sabi ni Tiffany

"For what? For Anna?"Takang sagot ko

"Oo, ngayon ko lang sya nakitang ganyan kakulit. Hindi ko kase maibigay yung mga gusto niya dati"Kamot ulo niyang sabi niya

"Bat na sa ampunan pa rin siya? Did Dad don't know about it?"Tanong ko

"H-ha? Alam ni Tito pero mahirap ang katapat, gustong gusto nilang kuhain si Anna kaya no choice maghihintay pa ng matagal bago ko siya makuha"I feel sadness when she talk

"I'll talk to Dad to--"

"H-ha? Wag na okay lang tsaka kaya ko naman ako na bahala"Sagot niya bigla

"You love her so much?"Tanong ko

"Sobra"Ngiting sagot niya

"Where's your parents?"Tanong ko

Nakita kong nagbago ang itsura niya

"Ate Kim! Ito gusto ko oh!"Bigla naman sulpot ni Anna na may hawak na malaking doll

"Maybe later"Sagot ko na lang tsaka binuhat si Anna

"Ayan lang gusto mo?"Tanong ko

"Opo kase niregaluhan ako ni ate dati ng maliit na ganto gusto ko may mama na siya!"Masayang sabi ni Anna kaya napangiti ako

Pumunta kaming cashier at binayaran yun

"Let's go san niyo gusto kumain?"Tanong ko sa kanila

"Kahit saan"Ngiting sagot ni Tiffany

"There is no restaurant nor fast food chain named 'kahit saan'?"Nakangising sagot ko

"Wala naman akong alam na sa ganto tsaka ikaw na lang mamili"Sagot niya

"Okay let's go sa restaurant ng Tita ko "Ngiting sagot ko

"Ate san ba nakakabili ng ice cream?"Biglang tanong ni Anna kaya napatigil kami

"Ha?Ah eh Anna walang sorbete--"

"Ice cream parlor na lang tayo"Ngiting sagot ko tsaka sila hinatak

Ewan ko ba parang gusto kong maging masaya kahit isang araw lang

"What flavor do you want?"Tanong ko kay Anna

"Ahmm yung chocolate po na may pink!"Sagot niya

"Okay shoot! Ikaw Fany?"Tanong ko

"F-fany? A-ako?"Tanong niya

"Then who?"Sacastic kong sagot

"Ah s-sorry. Chocolate na lang din"Sagot niya

"Okay im going to order"Sabi ko tsaka tumayo

Pumila ako at namili ng flavors tsaka bumalik at dala ang mga ice cream sa tray

"This is for you, and you and for me!"Masayang sagot ko habang binibigay sa kanila

Umupo ako at nagsimulang kainin ang ice cream

Naalala ko nanaman siya. We used to eat together

"Ate Kim?okay ka lang?"Tanong ni Anna kaya nabalik ako sa realidad

"I-I of course I am"Sagot ko

"Tulala ka kase kanina"Sagot ni Tiffany

"May naalala lang"Sabi ko tsaka pilit na ngumiti

"Ang sarap dito"Ngiting sabi ni Anna na may ice cream pa sa mukha

Kukunin ko na sana yung tissue ng nagkasabay kami ni Tiffany dahilan para mahawakan ko ang kamay niya

Nakatulala siya sa kamay namin kaya tinaggal ko na tsaka ko siya tinanong

"Are you okay?"Tanong ko

"H-ha ah oo naman"Sagot niya tsaka umiwas ng tingin

Ang wierd niya kaya pinunasan ko na lang ang dumi sa mukha ni Anna

Maya-maya ay biglang tumunog ang isang lumang ringtone ng nokia phone kaya napatingin ako kay Tiffany

"Seriously? Sayo yun?"Natatawang tanong ko

"S-Sorry"Sagot niya tsaka kinuha yung cellphone niya at hindi nga ako nagkakamali luma na ang phone niya

"It's already 21st century uso ang mga smatphones but your phone is old as shit"Natatawang sabi ko

"Kim! Yung bibig mo!"Sagot niya tsaka tinakpan ang tenga ni Anna

"Oh Im sorry"Sagot ko

Pagtapos namin kumain ng Ice cream ay hinatak ko silang dalawa papunta sa apple store

Bumili kami ng latest Apple Iphone

"K-Kim wala akong pera"Bulong ni Tiffany sa akin

"It's okay"Sagot ko

"P-pero ka---"Pinutol ko siya sa pag-angal niya

"Ito na po ma'am thank you"Ngiting sabi nung babae tsaka ko kinuha yung card ko at isang box ng Iphone at ibinigay sa kanya

"Yan thank you gift na rin"Sagot ko tsaka sinalabay si Anna dahil naantok na

"Ako nga dapat mag thank you sayo, tignan mo nakasalabay pa ang kapatid ko nakakahiya na"Nakayukong sabi niya

"It's okay nag enjoy din naman ako"Ngiting sagot ko

"By the way thank you again for this day because I want to be happy even once man lang"Sagot ko

"Once? Bat hindi na lang natin araw-arawin?"Nagulat ako sa sagot Tiffany

Is she triying to imply something?

Tiffany's POV

Naihatid na namin si Anna pabalik sa ampunan pero hanggang ngayon tahimik pa rin kaming dalawa dahil sa sinabi ko

Grabe ano bang naisip ko at nasabi ko yun? Baka sabihin niya may gusto ako sa kanya kaya gusto ko siya maging masaya? Urghh pero inaamin ko naman na may gusto na ko sa kanya kahit na mali to hindi ko rin alam kung bat nahulog ako sa kanya kahit na ang sungit niya at parang laging meron dahil sa mood swings niya.

"K-Kim yung sinabi ko kanina ano kase eh ano"Hindi ko matapos ang sasabihin ko

"What?"Tanong niya

"Ang i-ibig kong sabihin doon ano na pwede natin araw arawin kase diba ang saya ni Anna t-tas ikaw din"Palusot ko

" i want it too but we're all busy"Sagot niya

Bumalik na naman siya sa pagiging walang gana niya

"G-Ganun ba s-sige"Sagot ko

Tahimik kaming naglalakad

"Aghh im sorry kung nasungitan kita bigla"Sagot niya kaya tumingin ako sa kanya

"O-okay lang"Sagot ko tsaka kami nanahimik ulit

"May gusto ka bang sabihin? Pansin ko kase kanina ka pa hindi mapakali"Sagot niya kaya nagulat ako

"H-ha?"W-wala ano ka ba h---"

"Woah Im just asking"Ngiting sabi niya

"Kim"Nakayukong sabi ko

Aamin na ba ko? Sasabihin ko na ba?

"What?"Sagot niya

"Kim"Mahinang sagot ko

"What?"Tanong niya ulit

"Kim gusto kita"At nasabi ko na nga

Hindi ako lumilingon, hindi ako makakilos

"No"Rinig kong sabi niya kasabay ng pagpatak ng luha ko

"Ayaw kitang saktan Fany"Habol niya

"Look at me"Rinig ko ulit pero pinunasan ko muna ang luha ko tsaka tinignan siya

"Hindi ako worth it. Masasaktan ka lang sa akin.Yes I-im lesbian but I mean yes you're beautiful,mabait and almost perfect but mahal ko pa rin siya at at we're friends right? Hanggang dun lang "Sagot niya tsaka tumalikod

"It's better kung mauna ka na munang umuwi im sorry Tiffany im so sorry"Sagot niya tsaka umalis pabalik

Ako? Naiwan akong nakatayo habang umiiyak at hindi pa rin makapag salita

She's a lesbian? Akala ko pwede na? Sino ba sya? Sino si jess? Sino si sica? Sinong mahal mo pa rin?

Kim's POV

No no hindi pwede. Ayokong manakit lalo namang ayoko siyang saktan. Yes s-she's special to me but nothing more.

Iniwan ko siya for good and kailangan niya muna magisip baka nalilito lang sya

"Kimpot"Nagulat ako sa boses na yun at the same time sa tawag niya

"G-Georgina? George!"Tawag ko pagkakita ko sa kanya tsaka lumapit at tinulak sya sa braso

"Kim!Dude hahaha buti naman at nakilala mo ko? You still the same!"Tsaka ginulo yung buhok ko

"Tss stop doing that!"Tapik ko sa kamay niya

"Maarte ka pa rin. Ano ginagawa mo sa lugar na to?akala ko ayaw mo sa playground?"Tanong niya tsaka kami naglakad ulit

"Wala naglalakad lang ikaw?"Tanong ko

"Kakauwi ko lang galing manila vacation muna nagalit sa akin si lolo eh"Kamot ulo niyang sagot

"What? you still a badass George"Sagot ko habang nakangisi

"Why? Kasalanan ko bang ayaw kong dalhin sa hotel ang mga girlfriends ko"Tawang sagot niya

"Tsk di ka pa rin talaga nagbabago"Kunyaring reklamo ko

"Ikaw? Kumusta na yung nanliligaw sayo? Yung si KUYA Mike?"Tawang tanong niya

We're childhood buddies hindi siya taga dito eh taga Manila siya sadyang nagvavacation dito kase loko-loko.

"Kuya? Hahaha you missed so much news about me"Malungkot na sagot ko na agad niya atang napansin

"Wait wait nung last year na nandito ako is yung sabi mong kuya lang yung tingin mo kay Mike na senior niyo right? Then what happened? What did I missed?"Sunod sunod niyang tanong

"Im lesbian like you"Sagot ko pero hindk nakatingin sa kanya

"Woah woah wait what! Seriously dude? Are you serious?"Gulat na tanong niya

"Yes"Sagot ko

"Omo paano hahaha!"Tuwang tuwang sabi niya

It just happened when..

Flashback

Binasted ko na si Mike sabi ko kuya lang ang tingin ko sa kanya. Lumipas ang dalawang buwan nakilala ko si Jessica

At first she always insulting me. She always saying bad things about me like im a player because I play her brothers heart even it's not hindi ko kayang manakit kaya one day I confront her

"Hindi ko pinaglaruan ang kuya mo"Deretsong sabi ko

"Hindi pinaglaruan? Are you joking? Sobrang sweet niyo tapos ano? Pinaasa mo si Kuya!"Galit na sabi niya

"Hindi ko kayang manakit"Sagot ko ulit

"You're a liar"Galit na sabi niya

"Im not"Mahinahong sagot ko tsaka niya ko iniwan sa rooftop

Lumipas ulit ang ilang linggo nagulat na lang ako at nakipagbati siya sa akin then yun naging friends,close friends,bestfriends and I never thought na magiging kami

"I like you Kim"Rinig kong sabi niya habang umiiyak and I don't know why she's crying

"J-Jessica m-mali to we're both girls"Sagot ko tsaka siya hinawakan sa braso pero bigla niya kong niyakap at dun ko na nasabi ang words na sana hindi na lumabas sa bibig ko

"Let's give it a try"Sagot ko tsaka siya hinalikan sa noo

End of flashback

"Jessica? His little sister! Woah I saw her last year yung cold chick na lagi mong kasabayan sa campus princesses!"Tawang sabi niya

"Can you stop laughing?"Galit na tanong ko

"Im sorry by the way, where is she?"Tanong niya habang lumilingon lingon

"We broke up"Mahinang sagot ko tsaka umupo sa gilid at siya rin

Mga 30 minutes ay walang nagsasalita

"I know you it's okay , you dont need to tell it"Sabi niya bigla tsaka ako tinap sa braso

"George wala akong mapagkwentuhan kase wala ka na. Wala na kong mapagkatiwalaan kayo na lang nila Dad"Simula ko tsaka ko naramdaman na hinawakan niya ko sa ulo at isinandal niya ito sa braso niya

"Where's the cheerful Kim that I know? Hindi ka umiiyak Kim alam ko yun pero bat ngayon? What did she do to you?"Medyo galit ang pagkakatanong niya

"Im just a toy George naniwala ako. Nagpakatanga ako sa kanya hindi ko alam na niloloko nila ko ng kuya niya. Lumipat na rin ako ng school dahil binubully na nila ko sa Magnius. Akala ko mahal niya talaga ko kaya ako ito hanggang ngayon umiiyak kahit ilang buwan na ang lumipas"Tawang kwento ko

"Shh tama na Kim. Stop being a gay dude! Stop crying!"Tawang sabi niya

"Jessica is not worth it. Hindi siya para sayo okay?"Tas ginulo niya ulit ang buhok ko

"But for me she is"Bulong ko tsaka ako napayuko

"I love her so much to hate. I love jessica so much"habol ko

"And she did't care if you still love her or not?"

"No....she's trying to contact me"sagot ko

"Once only Kimpot don't do it again"Tsaka niya ko tinap sa braso

Continue Reading

You'll Also Like

273K 8.3K 39
"Napaka isip bata nya, nakakairita sya lahat nakakainis sa kanya!." I dont like her!" -Alexa West "Eh ano kung maganda sya? Kung dyosa man sya, s...
62.9K 3.3K 20
Will Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?
464K 13.7K 56
No description . Basta basa lang 😁😁.
429K 9.5K 43
basta gxg, di ako magaling sa description. basahin mo nalang