Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.2K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 20

24 5 0
By imangelaxwp

KABANATA 20

(Continuation of flashback)

Huli na ang lahat nang malaman ng tatlo niyang kaibigan ang masama niyang plano. Iniiwasan niya ang mga ito. Namalagi lang siya sa laboratory at hindi umaalis hanggat di napeperpekto ang lason.

Hindi na siya nakakausap. Wala na silang nabalitaan sa kanya. Nag-aalala na ang tatlong kaibigan niya sa kanya. Hinahanap na siya.

Hanggang sa dumating ang araw na kanyang pinakahihintay. Natapos na ang Loveshot poison. Naisip niyang gawin itong powder para madaling ikalat.

Sa araw na di inaasahan ng lahat, isinakatuparan ang kanilang maitim na balak. Hindi lahat ngunit madami rin ang gusto nilang maging biktima. Sa kanyang utak, maghiganti, labis na paghihiganti. Patutunayang kaya niyang lumaban gamit ang utak at talent niya.

Walang kamalay-malay ang mga estudyanteng nasa Gym. Napalingon sila nang may nagsilitawan na usok sa kanilang paligid kasabay ng tunog ng Death Whistle. Rinig na rinig ito sa buong eskwelahan. Napaka-lagim ng nangyari sa kanila. Isang aksidente na nagpasindak sa lahat.

Wala ng nangahas na laitin ang Black Org. Sila na ang pinaka-tatakutan.

Ngunit ang babaeng kaibigan ng lalaking ito ay nagpakatapang at hinarap siya.

"Nasaan ang antidote?" -babae

"Walang antidote!" -lalaki 3

"Tigilan niyo na ito. Tinakot ka ba nila kaya mo ito nagawa?" -babae

"Walang nag-utos sa akin!" -lalaki 3

"Hindi magagawa ng kaibigan namin ito. Hindi mo kayang saktan ang ibang tao, diba?" -babae

"Ha! Ano?! Habambuhay na lang akong magiging duwag?!" -lalaki 3

"Bumalik ka na sa amin... Namimiss ka na namin..." -babae

"Wala ng babalik dahil namatay na ang dating ako..." -lalaki 3


Sa pagbabasakali na makuha ang antidote mula sa kanyang kaibigan, hindi umayon sa kanya ang mundo. Namatay ang kaibigan niya sa mismong harapan, walang nasabi tungkol sa antidote. Namatay sa lugar na itinuring niyang kaligayahan, sa Assasino Playround.

Walang lunas na naibigay, namatay ang lahat ng estudyanteng naapektuhan sa usok. Ang aksidenteng ito ang naging simula ng pagkamuhi sa babae. Kinamuhian siya ng marami dahil hindi siya nagtagumpay na kunin ang lunas. Sinabihan na mamamatay-tao, inakalang namatay ang kanyang kaibigan sa kanyang mga kamay.

Ngunit ito nga ba ang totoong nangyari? Napatay niya ba talaga ang sarili niyang kaibigan??

Nagalit ang isa pang kaibigan nila at muntik ng mapatay ang babae. Umalis siya sa organisasyon nito at nagtayo ng kanyang sariling organisasyon. Ito na ngayon ang Seeker Org.

Ang babae lang ang tanging nakakaalam. Hinayaan niyang siya ang pagbuntungan ng galit ng maraming estudyante. Ito lang ang naisip niyang paraan para makabawi sa namatay niyang pinakamamahal na kaibigan.

Ipinakikilala ang mga tao sa likod ng mga pangalan na...

Babae- Ikang- Tunay na pangalan ay Oceanía Pacifica...

Lalaki 1- Annong- Tunay na pangalan ay Casano...

Lalaki 2- Apong- Tunay na pangalan ay Apolo...

Lalaki 3- Akkong- Tunay na pangalan ay ipapakilala sa susunod na kabanata...


(OCEANÍA'S POINT OF VIEW)

Nagising ako at napansing nasa ospital. Nakaupo sa gilid sina Ivy, Roman at Paris. Si Ivy lang ang gising sa kanilang tatlo. Tinabihan ako ni Ivy nang makitang gising na ako.

"Kamusta ang pakiramdam?" nag-aalalang tanong niya.

"Maayos na ako. Anong balita? Si Kimberly?" Naupo ako at hinarap siya.

"Wala na raw si Casano sa Assasino Playground nang dumating sina Roman at Paris. Hinala nila kinuha ang katawan ni Casano ng Black Org."

"Iyan din ang inaasahan kong gagawin nila. Sigurado akong may binabalak sila na may kinalaman kay Casano."

"Pwede naming puntahan ang lugar na nabanggit noon sakin ng nobyo kong namatay. Baka ito rin ang kuta ng Black Org." Nagkatitigan kami ni Ivy.

"Nasabi niya sayo yon?" nagtatakang tanong ko.

"Oo naman, sa ganda kong ito e." Yeah, naalala kong ako pala ang nag-utos sa kanya nito. Naghihinala kasi ako na miyembro ang lalaking yon ng Black Org, isa sa mga dating miyembro. Nakikita ko na ang mukha niya noon pa na sumasama sa mga estudyanteng nais sumali sa Black Org.

"Tama ang kutob mo. Miyembro siya ng Black Org." Tagumpay ang misyon ni Ivy.  Napangiti ako sa sinabi niya. 

Nagising naman sina Roman at Paris. Nakangiti nila akong tinignan. Parang ngayon ko lang ulit sila nakita. Sila ang bunso namin, ang huling dalawang miyembro na kumumpleto ng mga Baron ko. Pero ngayon na kasali na si Zeta, siya na ang bagong bunso ng organisasyon namin.

"Mabuti naman gising ka na," ani Roman.

"Ano na palang gagawin natin? Wala na si tatang Casano," saad ni Paris.

Natawa na lang ako sa loob-loob ko nang marinig na tawagin niyang 'tatang' si Casano. Masyado na silang napalapit sa lalaking yun. Nakalimutan ko kasing sinabihan si Magi na bantayan itong kambal kaysa hayaan na dumikit sila kay Casano.

"Si Kimberly? May balita ba siya?" Ibinalik ko muli ang tingin kay Ivy.

"Kagabi raw may kahina-hinalang babae na palakad-lakad sa paligid ng Gym," sagot ni Ivy.

"Baka miyembro ito ng Black Org," dagdag niya. Napaisip naman ako.

"Pwede rin. At may posibilidad na may binabalak silang hindi maganda..." Saglit kaming natahimik. Pinipilit na hulaan kung anong mang pwedeng gawin nila.

"Tungkol pala kay Casano, magtiwala lang kayo sa kanya. Sigurado akong may plano ang lalaking yon. Kung totoo man na kinuha siya at ipinunta sa kuta ng Black Org, mas maganda. Sa oras na makapasok siya sa loob, alam kong ililigtas niya sina Zeta at Apolo."

Nakita ko ang pagkunot sa noo ni Roman, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.

"Ano ba yan? Si Apolo na naman ang kasama ni Zeta, boto pa naman ako sa Andreta..." sabay-sabay kaming napalingon sa sinabi ni Roman. Walang ideya kung anong ibig-sabihin ng Andreta.

"Andreta! Hello? Andrés and Zeta..."

"Ahh..." sabay naming sabi nang maintindihan ito.

"Tumigil ka nga, Roman. Kung ano-anong iniisip mo, nasa peligro na nga ang buhay nila e nagagawa mo pang magbiro," sita ni Ivy.

"Sinong nagsasabing nagbibiro ako?" sabay turo sa sarili. Binato siya ng unan ni Ivy para patigilin. Hindi naman nagpatalo si Roman at ibinalik ang unan kay Ivy. Malakas ang pagkakabato niya na syang nagpainis lalo kay Ivy. Syempre lalaki si Roman, mas malakas talagang bumato.

Ilang minuto rin silang nag-asaran hanggang sa napagod. Hinayaan ko lang sila na magbangayan sa harapan ko, hindi ko rin naman sila mapipigilan. Tsaka sa kabila ng mga nangyayari ngayon, kailangan nilang makalimutan ito kahit sandali lang.

"Attention all students. Please proceed to the Gymnasium immediately." Napatigil kami nang marinig ang announcement na umalingawngaw sa buong eskwelahan. May mga speaker na ikinalat sakali mang mag-announce sila.

Tinignan ko si Ivy. Naguguluhan din sila sa biglang pagpapatawag sa mga estudyante.

"Pumunta ka kay Kimberly, papuntahin mo siya sa Gym at ireport kung ano mang mangyari," utos ko. Tumango lang siya saka umalis na. Naiwan sina Roman at Paris para bantayan ako.

Sana hindi magkatotoo ang hinala ko. Ang binabalak ng Black Org, ang pagpapatawag sa mga estudyante, ang aksidenteng nangyari noon, posible kayang ulitin nila ito? Hindi. Hindi maaari. Ayoko ng mangyari pa ito ulit, wala ng mamamatay. Hindi ko na hahayaan na maulit pa ang pagkakamali ko noon.

Napahigpit ang hawak ko sa kumot. Naalala ko palang ang pangyayaring yon, sumasakit na ang ulo ko. Pinilit kong alisin ito sa aking isipan at nag-focus sa magiging plano namin.

"Teka, nasaan si Magi? Hindi pa ba siya bumabalik?" biglang tanong ko nang maalala na hindi pa ito nag-rereport sa akin.

"Hindi pa ba nasabi sayo ni Ivy? Nawawala si Magi."


(KIMBERLY'S POINT OF VIEW)

Kahit na matinding takot ang nararamdaman ko ngayon ay lakas-loob akong naglakad papunta sa Gym. Wala na akong panahon na maging duwag. Kailangan kong malaman kung anumang binabalak ng Black Org. Ibinigay sa akin ang misyong ito at hindi ko bibiguin ang executive.

May nakakasabayan akong maglakad na estudyante papasok sa Gym kaya kahit papaano ay nababawasan na ang kaba ko. Wala naman sigurong mangyayaring masama. Andaming estudyante na nandito, nakikita ko rin ang mga officer na bumubuo ng Prime Org. Sigurado akong hindi nila hahayaan na may mapahamak.

Pumwesto lang ako malapit sa entrance ng Gym para kapag may gulo, makakatakbo agad ako. Iniiwasan kong dumikit sa mga katawan nila, naninigurado lang at baka nandito na pala nakikihalubilo ang mga miyembro ng Black Org.

Nakuha ang atensyon naming lahat ng usok na nagmumula sa itaas ng Gym. Bawat sulok nito ay nagbubuga ng pulang usok agad namang bumalot sa buong Gym. Napaatras ako nang mapagtanto kung ano ito.

Nagsimula na akong kabahan ng husto nang makita ang mga estudyante na umuubo na. Nakahawak sila sa kanilang dibdib at mukhang nahihirapan sa paghinga. Natumba na ang iba, lalo na ang mga nasa gitna na direktang naapektuhan ng pulang usok.

Patibong ito ng mga kalaban! Gusto nilang lasunin ang lahat ng mga estudyante!

Tumalikod na ako at patakbo na sana nang may bumangga sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang takpan nito ng panyo ang ilong ko. Pampatulog. Hindi! Kailangan ko pang ireport ito kay Pacifica! Kailangan niyang malaman ito!

Unti-unti ng napapikit ang mga mata ko at hindi na nalabanan ang matinding antok.

Continue Reading

You'll Also Like

8.1K 120 112
Tunghayan natin ang pakikipaglaban at pakikipagsapalaran nang limang grupo laban sa panganib na mararanasan sa kanilang pupuntahang lugar. Tao laban...
457K 18.9K 54
Siya si Hyeri Rodriguez. Basagulera, matigas ang ulo, at palaban kaya laging nasasangkot sa gulo. Simple lang siyang namumuhay sa bayan nila. Pero ma...
25.4M 850K 53
Crimes. Mystery. Clues. Detectives. Deductions. Love story. Detective Files. File 1 Written by: ShinichiLaaaabs (FILE 1 of 3)
234K 10.9K 78
Secrets. Fights. Lies. Betrayal. Pain. Hindi kasama sa plano ni Charl ang pagpasok niya sa Class 3-A nang mapilitan siyang manirahan kasama ang dalaw...