You're My Missing String [GYT...

Bởi gytearah

7.9K 90 37

"You're the rainbow after the rain, you're my medicine after the pain." Ang lahat ay magugulat kapag nakilal... Xem Thêm

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60

Chapter 27

97 0 0
Bởi gytearah

CHAPTER 27 : ELY's POINT OF VIEW ★

"Bilisan mo Dada, gusto ko na makita si Ateng Sleeping beauty!"

Naliligo pa ako e. "Maghintay ka Eya, malapit na akong matapos." Sagot ko habang nagsasabon ng buong katawan.

"Huwag mo na madaliin ang Kuya mo Eya dahil maghapon mo naman makikita si Tyra sa Farm." Narinig kong sabi ni Tiya Adela.

"Talaga po? Gusto ko po siya Tiya, ang bait-bait niya po ano? Sana may din po ako na katulad niya."

Napahinto ako saglit sa pagbuhos ng tubig.

Sana nga Eya kaso wala e, bata pa lang ako nung namatay si Ate, kaming tatlo lang ang nakakaalam nun, kami lang nila Nanay."

"Aba Ely, wala ka na naman bang balak lumabas d'yan sa banyo? Tipirin mo ang tubig at bayaran na naman sa isang linggo, bilisan mo na d'yan at nakakahiya namab kung mauuna pa sa atin ang mga Musico."

Napabalik ako sa katinuan. "Opo, lalabas na po Tiya." Mabilis akong nagpunas ng tuwalya sa buong katawan at nagbihis, sinuot ko ang lumang jacket at kupas na pantalon na palagi kong suot. Handa na ako sa pagod na hahapin ko maghapon para sa kapatid ko.

"Ilagay ni'yo na lahat ng gamit sa tricycle, dalawang gabi tayong matutulog doon." Sabi ni Tito Jerry at iniabot sa akin ang isang malaking bag.

"Bakit po hindi tayo makiusap kay Sir Drammy na doon na lang tayo tumira sa Farm, mas makakatipid po tayo. Masyadong malayo itong bahay natin T'yong, doon libre lang ang bahay, tubig at kuryente."

"Hindi tayo p'wedeng umabuso. Marami ng naitulong sa atin ang mga Musico, sapat na 'yon, ang mahalaga'y nakakaraos tayo araw-araw. Sige na, tawagin mo na ang kapatid mo at ang Tiya Adela mo, dadaan pa tayo sa palengke para bumili ng sariwang isda at karne, marami naman tayong gulay doon sa Farm." Sabi ni Tiyo Jerry, pumasok ako sa bahay para tawagin sila Tiya Adela.

"Dada saglit lang, naiwan ko po 'yong bag ko sa upuan." Tumakbo pabalik ng bahay si Eya.

"Bilisan mo."

"Heto na po, importante po ang laman nito e."

"Importante? Bakit may pera ba d'yan ha? Bilisan mo na at malayo pa ang Farm." Binuhat ko na ang kapatid ko para mabilis kaming makapasok sa tricycle.

"Nakalista na ba lahat ng bibilhin mo ha, Adela? Bumili na rin tayo ng Pakwan, balita ko'y paborito 'yon ni Miss Tyra."

Napalingon ako kay T'yang. "P'wede po ba tayong bumili ng pinya?"

"At kailan ka pa nahilig sa pinya ha Ely? Mangga ang paborito mo, akala mo ba'y hindi ko alam na nagbubulsa ka ng mangga tuwing anihan."

Napahawak ako sa batok ko. "T'yang naman, isang beses ko lang po ginawa 'yon 'tsaka hindi naman po para sa akin 'yong pinya, para sa inyo po 'yon. Mayro'n po akong alam na bilihan, malalaki at matatamis."

Napakunot noo si T'yang, alam niya kasing hindi ako gumagastos kapag hindi kailangan.

"Ang dami-daming pinya doon sa Farm, pinyang tagalog. Gutom ka pa ba ba Eleazar?"

Napatahimik na lang ako, ibang usapan na kapag tinawag ang buong pangalan.

Umupo ako sa may likuran ni T'yong Jerry at dumeretso na kami sa palengke.

"Dito na lang kayong dalawa at ako na lang ang bibili ng isda." Sabi ni T'yang

"At may pupuntahan lang ako saglit sa likod ng palengke, baka ibinibenta pa nila 'yong lumang refrigerator doon ay titingnan ko." Sabi ni T'yong

"Bibili pa po tayo ng Pakwan para kay sleeping beauty."

"Oo Eya pero uunahin ko na muna itong nasa listahan ko."

Naiwan kaming dalawa ng kapatid ko sa tricycle, hiniram lang 'to ni T'yong sa kapit bahay namin dahil marami kaming dala papunta sa Farm.

"Dada, nauuhaw po ako."

"May tubig naman d'yan sa loob ng bag, kunin mo na lang."  Sagot ko at nagpalinga-linga. Nasaan na ba 'yong sinasabi ni Miss Tyra na tindera ng mga prutas?

"Gusto ko ng buko juice Dada."

"Mamaya na lang sa Farm, ikukuha kita." Napasimangot ang kapatid ko, pansin kong nakatingin siya sa mga mamahaling inumin na itinitinda malapit sa palengke.

"Pasensya ka na at walang pera si Dada ngayon, babawi ako, bibilhan kita kapag sum'weldo na ako ha." Bumaba ako ng tricycle, "Dito ka lang ha, huwag kang aalis. Iihi lang ako saglit, babalik din ako agad." Tahimik siyang tumango.

Inisa-isa ko lahat ng fruit stand pero wala naman akong nakitang ka-mukha ni T'yang Adela.

Naghanap na lang ako ng malapit na banyo.

"Hindi kita kilala!" Narinig kong sabi ng Ale, nagmamadali akong naglakad pabalik sa tricycle pero wala na doon si Eya.

Saan na naman kaya nagpunta ang batang 'yon?

"Modus mo ba 'yan ha? Wala pa nga akong kinikita. Umalis ka na, hindi kita kilala. Kung gusto mo ng pinya ay bibigyan na lang kita pero hindi talaga ako ang Tiyahin mo."

Napakunot noo ako, medyo pamilyar ang boses na 'yon. Pilit akong sumingit sa maraming tao. "Eya.." sambit ko nang makita ko siyang nakatayo sa tapat ng kariton na puno ng Pakwan at Pinya.

"Siya yata 'yong sinasabi ni Tyra." Bulong ko at agad na nilapitan si Eya.

"Hindi ba sabi ko sa iyo ay huwag kang aalis sa tricycle."

"Dada!" Bigla siyang umiyak at yumakap sa akin. "Bakit hindi tayo kilala ni T'yang? Bakit ang sungit-sungit niya? Bakit siya nagtitinda ng prutas? Hindi ba dapat pupunta tayo sa Farm ngayon? Hinihintay na tayo ni Sleeping Beauty, Dada! Dada!!" Malakas ang pag-iyak ni Eya kaya nasa amin ang atensyon ng mga tao.

"Tumigil ka na, pinagtitinginan na tayo ng mga tao, nakakahiya." Saway ko pero lalo lang siyang umiyak.

"Ano'ng nangyayari dito?" Tanong ni T'yong at agad na binuhat si Eya.

"Hindi na po ba tayo pupunta sa Farm T'yong?" Utal na tanong ni Eya na patuloy na rin sa paghikbi, napakunot noo naman si T'yong at tumingin sa akin.

"Pupunta, pupunta tayo. Hintayin lang natin ang T'yang Adela mo, namimili pa siya." 

Dahan-dahang itinuro ni Eya ang tindera ng prutas. "Sige, bibili tayo ng Pakwan para kay Miss Tyra." Sabi ni T'yong at pagtingin niya sa tindera ay muntik na niyang mabitawan ang kapatid ko, mabuti na lang at nasalo ko agad si Eya.

"Adelyn?" Bulalas ni T'yong at napatingin kay T'yang na kakarating lang, nagpalit-lipat kami ng tingin sa dalawa.

"Hindi mo manlang ako hinintay Jerry. Ilagay mo na nga ang mga ito sa tricycle at tanghali na." Malakas na ang boses ni T'yang pero nakatingin lang kami sa kanya, narinig ko na rin ang bulungan ng mga tao.

"A-Adela?"

Napalingon si T'yang Adela at kunot-noong tiningnan ang babaeng tumawag sa pangalan niya.

"Mahabaging Diyos, Adelyn!" Nabitawan ni T'yang ang lahat ng pinamili niya at agad na niyakap ang kakambal niya, "Ikaw ba talaga 'yan ha Adelyn? Kumusta ka? Kumusta ka na?" Umiiyak na tanong ni T'yang Adela. Hindi pa rin nagsasalita ang kakambal niya, hindi rin bumibitaw sa pagkakayakap kay T'yang.

"A-Ayos lang ako Adela. Bakit bigla ka na lang nawala ha? Bakit hindi ka bumalik? Hinintay kita, sobrang tagal na kitang hinahanap, nawalan na nga ako ng pag-asa. Buhay ka Adela, buhay ka pa. Salamat sa Diyos."

Nakakunot-noo lang siya, mahigpit ang hawak niya sa braso ko habang nakatingin sa umiiyak na magkapatid.

"D-Dada, Dada." Bulong niya at paulit-ulit akong kinalabit.

"Bakit? Ano 'yon?"

"Hindi po ba bawal maglaro ng baril? Ba-Baril po ba 'yon?" Inosente niyang tanong at itinuro ang isang lalakeng nakatayo sa likuran nila T'yang, hindi kalayuan sa amin.

Abala si T'yong sa pagpulot ng mga pinamili ni T'yang. Biglang sumikip ang dibdib ko ng makita kong nakatutok ang baril sa kakambal ni T'yang Adela.

Maingay ang paligid, napakaraming tao.

Agad kong binaba si Eya at tinulak ang magkapatid dahilan para matumba sila sa kariton.

Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagbagsak ko sa kalsada.

"Ely!" Sigaw ni T'yong at nabitawan na naman ang mga pinamili.

"D-Dada? Dada! Dada!!" Paulit-ulit akong niyuyugyog ni Eya sa balikat, para akong namanhid.

Malakas na pag-iyak lang ni Eya narinig ko bago nagdilim ang paningin ko.

* End of Chapter 27 *

A/N : Hey Chubbabies, keep rockin'! 🤘

  — gytearah 🎸

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

393K 6.1K 23
Sa pagpasok ni Jude sa mansyon ng mga Velasco ay mabubuksan ang mga panibagong sikreto ng nakaraan. Mga hindi pa rin mapigilan na kataksilan at ang p...
355K 13K 44
Rival Series 1 -Completed-
12.2K 517 37
Siya ay isang normal na babae, isang pulis na ang palaging nais ay hustisya at kapayapaan... Ngunit paano kung mapunta siya sa isang lugar na hindi...
138K 2.9K 73
Living in the cruel world is hard and hella sucks. All she can see is dark, never see the light. But despite the pain she'd been endured, she'll neve...