Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.1K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 16

24 5 0
By imangelaxwp

KABANATA 16

(OCEANĺA'S POINT OF VIEW)

Nasa amin sina Zeta at Apolo.

Papakawalan lang namin ang isa kanila.

Madali lang naman ang ipapagawa namin. Kailangang maglaban si Oceanía at Casano. Kung mananalo si Oceanía, papakawalan namin si Zeta samantalang kung si Casano ang manalo, si Apolo ang papakawalan. Ang isa sa kanila ay lalaya habang mamamatay ang matitira.

Sinong isasakripisyo niyo? Kapag hindi kayo naglaban sa loob ng sampung oras ay mamamatay silang pareho. Paano namin sila papatayin? SA PAMAMAGITAN NG LASON!

-BLACK ORG

Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi parin ako makapaniwala ngunit mas minabuti kong mag-isip ng gagawin. Tinignan ko ang orasan. 8:15 AM. Hanggang alas singko lang ang hihintayin nila.

Napatingin ako kina Kimberly. Nag-aalala din sila para kay Zeta. Sa mga panahong ganito, alam kong ako ang tanging inaasahan nila. Magmula nang maaksidente si Cloud, ipinangako kong hindi ko na hahayaan na may mapahamak na miyembro ng Red Org.

Hindi dapat kami nagsasayang ng oras. Wala kaming ideya kung ano ng nangyayari kina Zeta at Apolo. Kapag wala pa kaming ginawa, baka magbago ang isip nila.

Hmm. Black Org. Naging sakit kayo sa ulo noon, ibinabalik niyo na naman ngayon. Ano ba talagang rason ng mga ginagawa niyo??

Kinuha ko ang selpon at idinial ang number ng unang Baron ko. Lumayo ako sa kanilang lahat para hindi marinig ang sasabihin ko.

"Kailangan mo ng maghanda. Anumang oras ay magkakatagpo na ang landas namin. At kapag nangyari yon, kailangan kita..." mahinang sabi ko ngunit natitiyak kong narinig niya ito.

"My pleasure..." sagot naman niya.

Ibinaba ko na ang tawag at nilapitan si Casano. Tinignan niya ako na parang naiintindihan na ang gusto kong mangyari.

"Let's go," aya ko sa kanya.

Hinarap ko sina Kimberly, Ivy at Magi.

"Kimberly, magbantay ka sa gusali natin at ireport mo agad kung may kahina-hinala kang makikita." Tumango siya bilang sagot. Sunod kong tinignan si Ivy.

"Hanapin mo sina Roman at Paris. Alam niyo na ang gagawin."

"Copy."

Tinitigan ko lang si Magi. Siya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko ng husto. Ngumiti siya bilang sagot. Sigurado akong alam niya na ang gusto kong ipagawa sa kanya.

Nagsimula na kaming maghiwa-hiwalay at dumiretso sa kanya-kanyang misyon. Kasabay kong naglalakad si Casano papunta sa lugar na hindi namin aakalaing pupuntahan pa namin. Hindi namin gusto pareho ang lugar na ito dahil sa masakit na alaalang binigay nito samin.

Pero kung buhay ni Zeta ang kapalit nito ay hindi ako magdadalawang-isip na pumunta. Kinalma ko ang sarili ko sa kabila ng matinding kaba. Ano bang mapapala nila kapag naglaban kami ni Casano? At madami pang tanong sa isip ko ngayon. Pabigat ng pabigat ang mga nangyayari ngayon, pinapahirapan nila kami. O mas nararapat sigurong sabihin ko na gusto nila akong pahirapan.

Nagmistulang gubat ang paligid nito. Para siyang boxing ring pero malalaking alambre ang nakapalibot dito na nagsisilbing harang. Dahan-dahan kaming pumasok sa loob nito para hindi kami matusok. Napansin ko ang dami ng dugo na nakakalat sa paligid. May mga punit na damit. At ang mas nakakaagaw ng pansin ay ang napakaraming armas na nakatambak sa gilid. Kutsilyo. Espada. Baseball bat. Itak. Arrow. Baril ngunit walang laman na bala. At marami pang iba.

Matagal rin bago ako nakatapak muli rito. It brings back memories. Hindi na siya ang lugar na gustong-gusto ko dati dahil...napakasakit ng idinulot nito sa akin. Ito ang isa sa mga paborito ng mga estudyante. Ito ang gumigising sa kanilang mga natatagong halimaw. Binubuhay nito ang pagnanasa ng bawat estudyanteng pumatay. Ipakita ang tunay nilang kulay.

Dito malaya silang magpatayan. Malayang gamitin ang anumang armas. Magsawang maglaban hanggang malagutan ng hininga. Ang kadalasang pinupuntahan ng mga magka-away. Dalawa silang papasok ngunit isa lang ang makakalabas ng buhay.

The heart of Assasino University. This is the real Assasino Playground.

At ngayon, kaming dalawa ni Casano ang gagamit ng lugar na ito ngayon. Maaaring hindi na mabuhay ang isa sa amin pagkatapos nito.


(ZETA'S POINT OF VIEW)

Paggising ko, may takip na ang aking bibig. Masking tape. Naramdaman kong may mabigat na nakapatong sa kaliwang balikat ko. Nilingon ko ito at nakita ang mukha ni Apolo. Pareho kaming may tape sa bibig at nakaupo na nakasandal sa pader. Nakapikit siya at mukhang tulog parin.

Hindi na muna ako masyadong gumalaw para hindi siya magising. Nilibot ng mga mata ko ang lugar kung nasaan kami. Para kaming nasa kulungan. Kaparehong-kapareho nito ang preso. Wala akong nakikitang bintana. Madilim ang paligid kaya hindi ko makita kung ano ang mga bagay na nasa harap namin.

Inalala ko ang nangyari samin bago ako makatulog. Paalis na sana si Apolo ngunit may naramdaman siyang tumama sa batok niya at ganun na din ang nangyari sakin. Maliit ito na pin kaya hindi ko ito kaagad napansin. May kung anong pampatulog na nilagay sa pin at mabilis itong umepekto samin.

Mas una akong nakatulog kaysa kay Apolo. Pinilit niya sigurong nilabanan ang antok ngunit hindi siya nagtagumpay. Pareho kaming nasa loob ng kulungan. Mukhang dinukot kami at dinala rito. Wala akong alam na lugar dito sa eskwelahan na may rehas.

Tagong lugar kaya ito? Basement? O baka wala na kami sa loob ng eskwelahan? Posible rin ito. Pero bakit naman kami kinidnap? At sinong nagpakidnap samin? Hmm. Iisa lang ang nasa isip ko ngayon. Black Org ang maaaring may pakana nito.

Kinabahan ako nang makarinig ng mga yapak at biglang bumukas ang ilaw. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang napakadaming kagamitan na ginagamit sa isang laboratory. Nakakita ako ng mga test tubes, beakers, microscope, thermometer at iba pang bagay na hindi ko na alam.

Tumaas ang mga balahibo sa katawan nang mapagtanto kung anong gamit ng mga ito. Lason. Dito nila ginagawa ang mga lason. Sigurado ako dahil na rin sa mga nakasabit na kutsilyo sa pader. Kapareho nito ang kutsilyong muntik ng makapatay sa akin.

Napalunok na lang ako sa ideyang baka kami ang sunod na lasunin o di kaya ay gamitin kami bilang experiment. Natataranta na ako sa loob-loob ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito. Sa mga sandaling ito ay takot na takot na ako, gusto ko ng makaalis sa lugar na ito.

Rinig na rinig ko ang tunog ng sapatos na papalapit sa amin. Ngayon ko lang napansin na may hagdan pala sa bandang kaliwa. May nakikita akong paa na pababa. Nakasuot ito ng lab coat. Nang papalapit na ito samin ay nagtanggal ito ng suot niyang hairnet at face mask.

Napanganga ako ng husto kahit na may tape sa bibig ko at halos malaglag na ang panga ko sa sobrang gulat. Gusto kong kurutin o sampalin ang sarili ko ngunit nakatali pala ang mga kamay ko. Hindi ako makapaniwala sa taong nasa harap ko.

Gusto kong magwala. Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang tanungin kung bakit siya ang taong nasa harap ko ngayon. Ayokong maniwala, gusto kong maging panaginip lang lahat ng ito.

Natulala na lang ako habang nakatitig sa mukha niya. Nag-iba na ito. Punong-punong ng poot at galit ang mga mata niya. Mukha siyang baliw.

Naramdaman ko ang paggalaw ng ulo ni Apolo kaya alam kong gising na siya. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tinignan niya muna ako bago ibinaling ang tingin sa taong nasa harap namin.

Nilingon ko si Apolo at halatang hindi makapaniwala sa nakikita niya. Kumunot ang noo niya at salubong ang mga kilay. Sumeryoso ang mukha niya at binigyan ng matalim na tingin ang taong ito.

May dumating na dalawang lalaking nakasuot din ng labcoat at binuksan ang rehas na bakal. Tinanggal nila ang tape sa bibig namin saka lumabas at inilock muli ito.

Hindi parin ako makapagsalita kahit na nawala na ang tape. Ramdam ko ang galit ni Apolo kahit hindi ko siya tignan. Nagpupumilit siyang alisin ang lubid na nakatali sa dalawang kamay niya sa likod. Siguro ngayon ay naiisip niyang patayin ang taong nasa harap namin. Parang nagwawala siya kahit kamay niya lang ang gumagalaw. Natakot ako sa inaasta niya pero mas pinili kong pakalmahin siya.

Pinilit kong inilapit ang kamay ko sa kamay niya at hinawakan ito. Napatingin siya sakin at doon ko nakita ang nanlilisik niyang mga mata. Nginitian ko siya kahit na sobrang takot na ang nararamdaman ko. Tumigil na siya at unti-unting naging kalmado.

Ibinalik niya muli ang tingin sa harap.

"Tapos na ba ang romantic scene nyong dalawa?" nang-iinis ang tono ng pananalita niya.

"Ikaw ang bumuo ng Black Org. For what? For revenge?" tanong naman ni Apolo.

"Oo. Ako ang maghihiganti para sa kanya. Isang bagay na hindi mo nagawa bilang pinakamatalik niyang kaibigan..."

Nakita ko ang paglungkot ng mukha ni Apolo na tila ba may kaunting pagsisisi itong naramdaman. Hindi ko maintindihan ng lubos ang pinag-uusapan nila ngunit napansin kong apektado si Apolo. Yung nangyari noon, ano kayang koneksyon niya sa sinasabi nilang aksidente noon?

At sino ang taong tinutukoy nilang dalawa?

"Hindi ko alam ang totoong nangyari. Hindi ko na inalam pa dahil habang papalapit ako sa katotohanan ay binabago lang nito ang tingin ko sa kanya." Napayuko si Apolo habang sinasabi ito.

"Wala kang kwentang kaibigan! Pero huwag kang mag-alala, magagamit parin kita para sa iba kong plano."

Tumingala muli si Apolo at tinitigan ang taong ito.

"Mukhang tama nga ang sinabi ni Pacifica, may kapatid siyang naiwan. Pumasok ang taong ito sa eskwelahang ito para ipaghiganti ang namatay na kapatid," nakangising sabi ni Apolo. Pacifica, ang executive namin ang tinutukoy niya. At tama ba ang narinig ko? Naghihiganti siya para sa kapatid niya na matalik na kaibigan naman ni Apolo? Gustong-gusto ko ng makilala kung sino man ito.

Ngumiti rin ang taong kaharap namin at saglit na natawa.

"Tumpak! HAHAHA!" Umalingaw ang tawa nito sa buong silid. Isang halakhak na parang kagaya ng baliw. Napakalayo sa taong nakilala ko. Nagbago na talaga. Iyan ba talaga ang tunay na pagkatao niya? Ayokong tanggapin. Ayokong magbago ang tingin ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

13.6K 163 41
She stole something no one has ever stole no matter how hard they try. But, instead of getting locked up in prison... He got her locked up in his hea...
80.5K 1.5K 58
Class 4-A. Isang special section kung ituring sa Seihoudo High. Sila ang grupo ng mga estudyante na tinitingala at kinaiinggitan, dahil nasa section...
6.8M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
42.9K 1.5K 52
"SHE WAS SOFT LIKE AN ANGEL BUT OH., SHE FIGHTS FURY OF A DEMON" A most popular Mafia organization.,with the most Mysterious leader., What if the fra...