Metempsychosis Series #7: Fat...

By sha_nel

340 101 47

a collaboration series Philosophia Morrice went to a mall with a friend to buy her a birthday gift. One of th... More

DISCLAIMER
ABOUT THE COLLABORATION
ASTARIA EMPIRE
Prologue
1
2
3

4

18 10 0
By sha_nel

-betrayal-

"Ano gusto mong bilhin kong nobela, Phil? Since birthday mo naman ngayon, ako na ang bahala magbayad, as a gift na lang din ito," saad naman ni Del kaya napamaang naman ako habang nakatingin sa kan'ya dahilan para mapatingin din siya sa 'kin.

"Ano'ng pagmumukha 'yan? Manlilibre nga kasi ako," natatawa niyang pahayag.

"Sure ka na afford mo ang pipiliin kong nobela?" paninigurado ko.

Tumango-tango naman siya sabay nagsalita. "Oo nga, minsan lang ako manglibre, 'no? Kasi nand'yan naman si Lyle para parati niya tayong nililibre, ngayon, dahil birthday mo naman, sariling pera ko na ang gagamitin ko para may maipanglibre o pang-gift ako sa 'yo."

"Thank you so much, Del!" masayang pasasalamat ko at niyakap siya ng mahigpit dahilan para magreklamo siya dahil sa higpit ng pagkakapit ko sa kan'ya habang yakap-yakap ko siya.

"Ang higpit ng yakap!" reklamo nito pero niyakap din naman niya ako ng pabalik. Pagkatapos no'n ay pumasok kami sa book store at doon ay hinanap ko kaagad ang isang nobela na hindi ko nabili noong mga nakaraang araw.

Pagkatapos ko naman iyon mapili at kinuha ay inilapag ko ito sa tapat ng cashier at nang matapos na mabayaran ito ni Del ay nagsalita naman bigla ang cashier.

"Magandang araw, ma'am. Salamat sa pagbili ng nobelang ito, ikaw pa po ang unang nakabili nito," nakangiting sabi ng cashier kaya namilog ang mga mata ko.

"P-Po?" utal na paninigurado ko. Baka nagkamali lang ako ng dinig. Imposible naman kasi na ako pa ang unang nakabili ng nobelang ito dahil isa pa, sikat ang manunulat na sumulat nito.

"Ikaw pa po ang unang nakabili ng nobelang ito," ulit naman niya sa kan'yang sinabi niya kani-kanina lang.

So, hindi pala ako namali nang pagkakarinig. Pero, bakit ako pa ang nakunang nakabili ng nobelang ito? Something suspicious is going on.

Hanggang sa makalabas kami ni Del sa book store na 'yon ay tinignan ko ng paulit-ulit ang nobelang hawak ko. Something smells fishy about this book. Does this have magical powers or what? Pero imposible kasi hindi naman nage-exist ang magic.

Kaya naman ay itinanong ko si Del tungkol sa sinabi ng cashier kanina.

"Naniniwala ka ba sa sinasabi no'ng cashier kanina?" tanong ko.

"Maybe? Baka swerte mo lang kasi ngayon kaya ikaw pa ang unang nakabili ng nobelang iyan na ako ang bumayad kasi gusto ko libre ko at dahil birthday mo ngayon," sagot naman niya na parang balewala lang sa kan'ya ang sinabi ng cashier, na parang hindi ito big deal para sa kan'ya.

"Hindi ka ba nakakaramdam ng kakaiba nang sabihin iyon ng cashier kanina?" dagdag ko pang tanong ngunit nakakunot na ang noo niya.

"Hindi naman, sabi ko nga baka swerte ka lang ngayon kasi birthday mo ngayon eh," sagot naman niya ulit na parang hindi ko dapat bini-big deal ang bagay tungkol doon.

Bago pa ako makakomento ay may daliri na kumudlit sa balikat ko kaya akma na sana akong lilingon sa taong kumudlit sa 'kin nang mabilis itong nakatakip sa magkabila kong mga mata.

Ngayon ko lang napagtanto na kilala ko ang taong nagtakip sa mga mata ko dahil base pa lang sa amoy.

"Hulaan mo kung sino 'to." Pinalalim pa nga nito ang boses nito kaya napangiti ako.

"'Wag mo 'kong ginaganyan, Greysen Lyle Chauffer," sabi ko naman kaysa humula pa sa kan'yang pangalan dhail halata naman na. Binuo ko pa ang pangalan.

"Buong-buo naman ang binigay mo, Philososphia Kristin Morrice," anito at sinabi pa ang buong pangalan ko.

"Aba't gumaganti—" pinutol naman kaagad ni Del ang akmang pagsisimula na sa pakikipagbangayan kay Lyle.

"Tama na nga 'yan. At, ikaw naman Lyle, ibigay mo na lang kaya ang regalo mo para kay Philo, magugustuhan din naman niya 'yan eh," pahayag naman ni Del kaya mabilis naman na binitiwan ng mga kamay niya ang mga mata ko kaya nang bumuka at nakakaaninag na ako ng mabuti ay tuluyan ko nang nakita ang sinasabi ni Del na regalo para sa 'kin galing kay Lyle.

Thoughtful din pala ang kurimaw.

"Para sa 'kin ba 'yan?" maldita kong tanong.

"Obvious ba? Oh, ito para sa 'yo, mamaya mo na buksan para may thrill," paalala naman niya kaya mariin ko naman siyang tinignan.

Ano kaya ang iniregalo sa 'kin ng kurimaw na 'to?

Kaya naman ay inasar ko siya at akma ko na sanang bubuksan kunwari ang iniregalo niya sa 'kin ngunit napatigil akk dahil sa kan'yang pagtawag na naman niya sa 'kin sa buo ko na namang pangalan.

"Huwag mo nga muna kasing buksan, Philosophia Kristin Morrice," balisa naman niyang saad kaya natatawa ko naman siyang tinignan.

"Loko, 'di ko naman kasi talaga gagawin 'yon, inaasar lang kita," pag-amin ko naman na may nakapaskil pa ring ngisi sa mga labi.

Napanguso na lang itong si Lyle dahil sa sinabi ko at napapailing-iling na lang si Del habang nakatingin sa 'ming dalawa.

"Ginawa niyo na naman akong third wheel dito." 'Yon ang sinabi niya pagkatapos niyang mapailing-iling kaya tumawa na naman ako na kasabay ko na rin sa pagtawa si Lyle.

Mayamaya lang ay naisipan kong mag-arcade kaming tatlo tutal nasa mall naman kami ngayon. T'saka gusto ko namang mag-celebrate sa birthday ko na namamasyal lang kami. Mas gusto ko 'yon kaysa sa grande na paghahanda.

"Ita-try muna natin ang claw machine. Sakto, tatlo ang claw machine!" excited na sabi ko at tinuro kaagad kung nasaan doon nakapuwesto ang tatlong nakahilerang claw machine. Nang tumango sila ay kaagad ko silang hinila para mapalapit kaagad kami sa mga claw machines na 'yon.

Nakapwesto naman ako sa unang claw machine, si Lyle naman sa ikalawang claw machine, at si Del naman sa ikatlong claw machine.

"Third wheel na naman ako rito," pabirong reklamo naman ni Del kaya tinawanan naman namin siya.

Gusto ko sanang kuhanin ang isang cute na green-colored teddy bear kaso 'di ko talaga makuha hanggang sa maubos na lang ang token ko. Mukhang malas nga yata ako basta ako ang maglalaro nito.

Pero hindi lang pala ako ang malas sa paglalaro ng claw machine dahil maski sina Lyle at Del ay hindi rin nakakuha sa gusto nilang fluffy stuffed toy at katulad din ng sa 'kin na naubos na rin ang kanilang mga token. Tinawanan na lang namin ang pagkatalo namin sa claw machine na 'yon at naglaro na lang kami ng iba pang mga laro na nakikita namin dito sa arcade.

Ngunit napadako kaagad ang tingin ko malapit sa kinapi-pwestuhan namin ngayon. Bump cars!

"Ayon, bump cars tayo!" natutuwang saad ko. May bump cars! 'Di ko alam na may bump cars din pala sila rito.

Nang makasakay na ako sa sarili kong bump car ay sinubukan kong mag-drive ng maayos kaso mukhang clumsy ako pagdating sa pag-drive ng sasakyan. Nababangga tuloy ako kapag gusto kong tumigil o mag-parking man lamang. Pero kahit ganoon ay masayang-masaya ako dahil nagbabanggan naman kaming tatlo sa isa't isa naming mga bump cars.

"Woohoo!" sigaw ko naman sa sobrang tuwa. Clearly, my inner childhood shows and gives me a hint of nostalgia.

Pagkatapos naman ng oras namin ay gusto ko pa sanang sumubok ulit ngunit napansin ko na masyadong mabilis ang oras. Alas dos na ng hapon! Ang bilis!

"Uwi na tayo. Magdadala na lang tayo ng mga pagkain at doon tayo kakain sa unit mo, Philo," suhestiyon naman ni Del kaya napatango-tango naman ako. Hapon na rin kasi kaya kailangan na naming umuwi.

"Ganito na lang, ako na lang ang bibili sa mga pagkain habang kayo namang dalawa ang umunang makarating doon. Ano, okay lang sa inyo?" suhestiyon din naman ni Lyle kaya napaisip naman kami ni Del hanggang sa sumang-ayon din naman si Del kaya sumang-ayon na lang din ako.

"Sige, ihahatid ko kayo hanggang exit lang sa mall at kayo na ang bahala sa pagpara ng taxi. Dito na lang ako bibili ng pagkain," pahayag naman ni Lyle kaya nang ma-finalize na namin ang gagawin namin ay inihatid na nga kami ni Lyle hanggang sa exit lang ng mall.

Nagpaalam naman kami sa isa't isa nang makapara kami ng taxi hanggang sa makaalis na kami sa mall.

*

Binasa ko naman kaagad ang nobela na iniregalo sa 'kin ni Del pagkarating ko sa unit ko at kaagad na-invested sa banghay ng aklat.

The protagonist's name is Myrtle Avant. Myrtle Avant is a princess—an heiress in the kingdom of Limerence, born and raise by her parents, King Orpheus Avant and Queen Myrrisa Avant. Limerence is known for its magical spells, they also have a place for trainings to teach the people how to become a mage except for the royal-blooded which is why Myrtle Avant is forbidden to take those learnings.

Usually, it takes only two to three hours  when I am so invested into the novel that I badly want to read. Pero, himala para sa 'kin na hindi ko tinapos ngayong araw ang kwento dahil gusto kong i-pokus ko muna ang pagce-celebrate ko sa aking kaarawan with my closed ones.

Dumating naman mayamaya si Del at si Lyle na dala-dala ang hinanda at ibiniling mga pagkain.

*

Kinabukasan ay kaagad kong kinuha ang libro at doon tinapos ang pagbabasa. I was curious of what would might happen to Myrtle and her fantasy adventure.

But then, an unexpected day happen when the princess was reportedly missing. Meanwhile, Myrtle Avant was in the Springfield Magic Tower, a place for people who wants to become a mage, and there, she met a friend and a love life. Things are bound to happen because of it when her friend, Vanellope Fasade, betrayed her and made sure that her memories will fade completely. As Myrtle Avant lost all her past memories, she started to question her identity and with the help of a man who she falls in love with, she wants to find her true identity. Then, Vanellope Fasade knew about it and knew by then that she wants Myrtle Avant get killed. Just as Myrtle Avant finally knows about her true identity and be with the man she loves, she falls into a deep slumber of death.

Ang sakit ng tadhana na ibinigay ng manunulat para kay Myrtle at 'di man lang siya nakatanggap ng happy ending sa mga minamahal niya sa buhay.

Bigla namang nag-ring ang doorbell ko at nang pinihit ko ang pintuan ay pumasok naman kaagad si Del na nakangiti sa 'kin. Mabuti't nandito siya dahil iku-kwento ko sa kan'ya ang binasa kong napakagandang nobela!

Ikwinento ko naman kaagad sa kan'ya ang nangyari sa binasa kong nobela na iniregalo niya sa 'kin. Nang matapos ako ay nagbigay pa siya ng ilang komento.

Mayamaya ay nag-text ako kay Lyle na papuntahin siya rito dahil may sasabihin ako sa kan'ya. Nagbangayan pa muna kami sa text, as usual, bago ko tinapos ang usapan.

Habang naghihintay ako sa kan'ya ay naisipan kong sabihin kay Del ang sasabihin ko kay Lyle. Napakagandang balita pa naman ito para mai-share ko sa kan'ya.

"Del, may sasabihin sana ako," sabi ko kaya nakinig naman kaagad siya sa 'kin.

"Ano naman 'yon?" tanong niya.

"Ngayon ko na balak sagutin si Lyle. Sa araw na ito ay magiging girlfriend na niya ako at magiging boyfriend ko na siya." Kinikilig pa ako habang ibinabahagi ko 'yon sa kan'ya.

Hindi ko alam kung bakit pero napansin kong parang umiba ang ekspresyon ni Del pero mukhang namamalikmata lang ako dahil nakangiti naman siya sa 'kin.

"Ah, gano'n ba? Kakilig naman at dahil d'yan, ice-celebrate natin 'yan. Pa-hug nga, Phil," sabi naman niya na nakangiti.


Ginawa ko naman ang kan'yang sinabi at niyakap siya. Pero hindi ko inaasahan na bigla na lang niyang hinawakan ang buhok ko at doon ay napaaray na lang ako sa sakit. Parang sinasadya na niya itong pasakitin.

Gusto ko sanang kumawala na sa kan'yang kagkakayakap at kokomprontahin sana siya kung sinasadya ba niyang hawakan ng mahigpit ang buhok ko ngunit sa hindi inaasahan ay kumawala siya sa pagkakayakap at doon ay nakita ko sa kan'yang mukha ang madilim na ekspresyon habang nakatingin sa 'kin kaya bigla akong kinabahan sa inaakto niya.

"D-Del? Ano'ng nangyayari sa 'yo—aray! D-Del, ano ba? Masakit!" reklamo ko.

"Ah, masakit pala," aniya at akala ko bibitawan na niya ang buhok ko nang bigla na lang niya akong sabunutan ng husto.

Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako. Ano'ng problema niya?

"D-Delancy Amora Finch, ano ba ang nangyayari sa 'yo?!" sigaw ko at napapaigik na lang sa sakit.

"How dare you betrayed me?! You steal him from me, you fucking bitch!" sigaw niya kaya natigilan ako.

A-Ano?

***

A/N:

pasensiya na kung hindi ako naka-update kahapon (which is kahapon pa dapat yong update schedule ko sa kwentong ito), wala kasi akong load pang-publish.

Continue Reading

You'll Also Like

769K 21.6K 57
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
192K 5.8K 96
A villainess known by all as a wicked woman who has done all sorts of evil deeds-Ducal Lady Violet. She regained her memories of her previous life af...
165K 1.5K 175
作者:村里的小傲娇 Chen Xiaolin accidentally bleeds on the bracelet her grandmother left her, and she discovers a space inside. She then fills the space with...
20.1K 1.2K 200
DISCLAIMER: I do not claim ownership over this story. I only MTLed it. Original novel: https://www.jjwxc.net/onebook.php?novelid=5287959 Although Luo...