Maaga akong nagising ngayon kasi naman may check up ako sa OB ko at ultrasound din, isang buwan na rin ang nakakaraan ng makalabas ako sa hospital at bumalik muna ng pinas sina Mommy at Daddy
Dahan dahan akong bumaba ng hagdan kasi medyo nahihirapan ako dahil sa tiyan kung malaki na
"Good morning Ma'am" saad ng kasamabahay namin na pinay
"Good morning din, umalis ba sina kuya?" tanong ko
"Hindi po"
"Sige thank you" at naupo ako sa sofa
Kinuha ko ang cellphone ko at vinideo call ang tatlo, agad naman silang sumagot at kita kung nakabihis na sila
"Ready na ako" sabay na sagot ng tatlo
"Parang mas execited pa kayo kaysa sakin ah" saad ko
"Syempre first time ko kayang magkaka pamangkin" Kuya Deon
"First time ko ring makakakita ng infant" Kuya Dylan
"Ganun din ako" Kuya Denver
"Dalian niyo na ang bagal niyo"ako
After a minute ay bumaba na nga ang tatlo, mag papa check up lang naman kami tapos yung mga itsura akala mo aattend sa meetings
"Mag papacheck up lang ako tapos yung itsura niyo parang pupunta sa meeting ah" ako
"Syempre malay mo may chicks diba" Kuya Dylan
"Ayan babae na naman nasa isip mo" Kuya Denver
"Syempre ako kaya to" Kuya Dylan
"Lets go na" ako
"Teka lang, bakit ka naka suot ng may takong?" taas kilay na tanong ni Kuya Deon
"1 inch lang naman yan OA mo naman kuya" saad ko
"Pano kung madapa ka o matisod ka?"
"Bakit papabayaan niyo ba ako?" ako
"Syempre hindi" sagot nila
"Yun naman pala eh, tara na" ako
Inalalayan nila ako at sumakay na kami sa kotse papunta sa hospital kung saan ako na coma ng 3 months, pagkarating namin ay agad nag park si Kuya Deon at pumasok na kami sa loob
Kami palang ang una kaya naman dumiretso na kami agad sa office ni Doktora Diaz na naghihintay na nga sa amin, pinay din siya at dito nagtatrabaho
"Good morning Ms. Ventura" Doktora Diaz
"Good morning din po" ako
"Oh ang dami mo namang kasama" saad niya
"Oo nga po eh at mas excited pa sila sakin na malaman ang gender ng baby ko" saad ko
"Ganun ba ang swerte naman ng baby mo may mga loving tito" saad ni Doktora
"Syempre naman Dok" yung tatlo
Nag suot na nga siya ng gloves at pinahiga niya na ako sa hospital bed, nilagyan niya ako ng kumot sa may legs at itinaas ang suot kung dress kaya kitang kita ang tiyan ko
"Ilang months na nga ang tiyan mo?"
"Mag s-six months na Dok" sagot ko
"Really? Pero bakit ang laki niya ay parang kabuwanan na kung titingnan?" saad niya
"Yun nga din po ang pansin ko kaya hirap din po ako sa paglalakad" ako
Nilagyan niya na ng parang gel na malamig kaya agad na nag react ang baby sa tiyan ko, binuksan niya na nga ang machine na pang ultrasound at may itinatapat siya sa tiyan ko tsaka ginalaw galaw ito
"Look at the screen" saad ni Dok
"Ayan ba ang baby?" tanong ni Kuya Dylan
"Yes"
"Kamusta po siya Dok?" ako
"I already know the reason kung bakit malaki ang tiyan mo kahit mag s-six months palang" si Dok
Medyo nakaramdam ako ng kaba na medyo may excitement kasi hindi ko alam kung bakit nga malaki ang tiyan ko
"May mga case ba ng kambal sa family niyo?" tanong ni Dok
"Hindi ko po alam" ako
"Parang wala naman pero i dont know sa ama niyan" Kuya Denver
"Bakit po?" sabay naming tanong
"Kambal po ba?" taka kung tanong na fefeel ko eh
"Yeah kambal nga ang nasa tiyan mo" nakangiti niyang saad
Agad akong napalingon kina kuya na nabigla sa narinig at nakatingin lang sa monitor
"Sila ba yan Dok?" Kuya Denver
"Oo sila yan, malakas ang heart beat nila at malulusog din" si Dok
Bigla nalang na ngilid ang luha sa mata ko, masaya na medyo kinakabahan kasi dalawa pala ang dinadala ko
"Gusto niyo na ba malaman ang gender nila?" tanong ni Dok
"Oo Dok" agad na sagot ng tatlo
"Ako din po gusto ko na malaman" napalingon kami sa nagsalita si Leonel na medyo hinihingal pa
"Ikaw ba ang ama?" tanong ni Dok
"Hindi po kaibigan niya po ako" sagot ni Leonel
"Okay sige, titingnan ko na ang gender" si Dok
"Sana lalaki" si Kuya Deon
"No Kuya babae yan" Kuya Dylan
"Lakaki yan" Leonel
"Babae yan" Kuya Denver
"No lalaki nga " sabay na saad ni Kuya Deon at Leonel
"Hindi nga babae nga yan" sabay ring saad ni Kuya Denver at Kuya Dylan
"Basta lalaki yan"
"Hindi babae yan"
"Tumigil nga kayong apat iingay niyo" saway ko
"Huwag na kayong magtalo girl and boy ang kambal" saad ni Dok
"Talaga po?" ako na hindi napigilang ngumiti
"Yes Ms. Ventura and congratulations" si Dok
"Oh ayan girl and boy na baka mag away pa kayo" ako
Pagkatapos ng ultrasound ay binigyan niya ako ng picture ng baby at binigyan ng vitamins
"Please take care of yourself, always drink your vitamins and kumain palagi ng masustansiyang gulay para healthy palagi ang baby" si Dok
"Yes Dok" ako
Umalis na nga kami sa hospital at ngayon papunta kami sa jollibee para kumain, si Leonel ang pina order ko eh gusto ko nga kasi
"Okay kumain na tayo" saad ko at agad kumuha ng chicken
"Pagkatapos nating kumain saan na tayo?" tanong ni Kuya Dylan
"Bumili na tayo ng mga gamit ng babies" saad ko
"Good idea" sagot nila
Hanggang sa natapos na nga kaming kumain at talaga namang busog na busog ako kaya heto hirap na hirap akong maglakad papasok sa loob ng mall
"Ano kaya pa?" tanong ni Kuya Deon
"Kayang kaya" saad ko
Pumasok na nga kami sa bilihan ng mga gamit for new born at ang unang nakita ng mata ko ay ang color blue and pink na crib, agad ko itong nilapitan at hinawakan
"Ang ganda nito" saad ko
"Bilhin na natin" Kuya Deon
"Okay ikaw mag bayad ha" saad ko
"Okay sige" sagot niya
Pumili na nga kami ng ibang gamit na kailangan ng babies, ay hindi pala sila lang na apat ang pumili pina upo lang nila ako sa gilid masiyadong mga desisyon sa buhay pero okay lang sila naman daw magbabayad eh
Hindi pa nga lumalabas ang kambal eh spoiled na, pano pa kaya pag pinanganak ko na sila gagawin silang spoiled brat ng mga tito nila na ayaw ko namang mangyari
"Ano yan mga kuya bakit kayo bumili niyan hindi pa naman yan pwede sa kanila" saad ko habang naka tingin sa mga terno na pang 2 to 3 years old na
"Edi suotin pag pwede na" Kuya Deon
"Oo nga magagamit naman nila yan lahat eh" Kuya Denver
"Mabilis kaya lumaki ang mga baby" Leonel
"Then ito pa mga shoes" si Kuya Dylan na may hawak na mga sapatos na sa tingin ko pang 3 to 4 years old
"Nabili niyo ba yung mas importante?" tanong ko
"Yes yun yung inuna namin kanina" sagot nila
"Okay fine bahala kayo" ako at naupo muna
"109, 864" sagot ng cashier
"Hati hati tayo mga bugok" saad ni Kuya Denver
"Ayan kasi halos binili niyo na lahat ng nandito" saad ko
"Okay lang yan" saad nila
"Kulang pa nga yan eh" si Kuya Dylan
"Kuya huwag niyo namang gawing spoiled ang nga anak ko" ako at inirapan sila
"First pamangkin namin sila" Kuya Deon
"Mga baliw kayo" saad ko
Hanggang sa nabayaran na nga namin lahat at ito kami pabalik na sa bahay, sa sobrang pagod ko ay nakatulog ako sa kotse
"Dan, Dan wake up nandito na tayo" gising sakin ni Kuya Dylan
Bumaba na nga ako sa kotse at pumasok na sa loob, pag upo ko sa couch ay vinideo call ko sina Mommy at Daddy
"Mommy, Daddy"
"Yes Anak"
"May sasabihin po ako sainyo" ako
"Ano yun Anak?" Mommy
"Kambal po ang baby na nasa tiyan ko" saad ko
"Talaga?" gulat nilang tanong
"Opo tsaka boy and girl po sila" ako
"Oh my gosh can wait to see them" tuwang tuwang saad ni Mommy
"Magiging lolo na talaga ako" si Dad na excited
"Next year ako naman" si Kuya Dylan
"Dylan siguraduhin mo muna na may girl friend ka at mahal mo" saad ni Mommy
"Opo Tita" saad ni Kuya
"Mom Dad may kambal ba sa both side ng family niyo?" tanong ko
"Yung Mommy ko may twin and si Tito Marcus mo may kakambal din pero baby palang namatay na" saad ni Mommy
"Samin anak wala naman" Daddy
"Ahhh okay po" ako
"Ano ba tang nasa baba?" nakita nina Mommy yung mga nakalagay sa paper bags
"Mommy tingnan mo yung mga binili nila para sa kambal" at inilabas ko nga yung mga damit at sapatos
"Hindi pa naman nila yan masusuot" Mommy
"Oo nga po eh" ako
"Tita okay lang po yan masusuot naman nila yan pag 2 years old na sila" Kuya Dylan
"Hay naku baka maspoiled sila" Mommy
"Talagang magiging spoiled sila lalo pa't mahal na mahal sila ng lolo nila" Daddy
"Daddy naman" ako at ngumuso pa
"Reregulahan ko agad sila ng mga sasakyan, mga gadgets at kung ano ano pa" Daddy
"Tumigil ka diyan Dominique" saad ni Mommy at tiningnan ng masama si Dad
"Joke lang naman" si Dad at niyakap si Mommy
"Tigilan mo ko" si Mommy
Ang cute nila panuorin kitang kita mo talaga na mahal nila ang isat isa hanggang ngayon kahit matagal silang hindi nagkita
"Sige na Anak may meeting pa kami babye I love you" bago patayin ang tawag
Kinuha ng ibang kasambahay ang mga damit na gagamitin na ng kambal para malabhan at yung iba pina akyat ko na sa kwarto ko
"Akyat na muna ako" saad ko
"Alalayan na kita" Kuya Deon
"No need kuya hindi naman ako lumpo buntis ako" saad ko
"Gusto ko lang na okay ka"
"Dont worry kaya ko" ako
"Be careful" sigaw nila habang paakyat ako sa taas
Kahit hirap maglakad ay nakarating nga ako sa taas nang may kalokohan na pumasok sa isip ko
"Ahhh aray" sigaw ko habang nakasandal sa pader
Rinig ko ang mabilis na yabag ng mga paa paakyat dito sa second floor at kita ko naman ang nag aalalang mukha ng apat
"Whats wrong?"
"Anong nangyari?"
"You okay?"
"What happened?" tanong ng apat pero tinawanan ko lang sila
"Joke lang naman" ako
"Hindi magandang biro Dan" Kuya Deon at masama akong tiningnan
"Pinakaba mo naman kami" Leonel
"Ang seryuso niyo naman masiyado" ako
"Syempre, lalo pa't buntis ka" Kuya Denver
"Malalagot kami kay Daddy at Tita Mina pag may nangyaring masama sayo" Kuya Dylan
"Joke lang nga sige na pasok na ako" ako at pumasok na sa kwarto ko
Nag half bath nga muna ako at nag bihis ng malaking tshirt bago nahiga sa kama ko dahil inaantok talaga ako
"Ano ba yan?" ako
Hindi ako mapakali parang may hinahanap ako na hindi ko maintindihan at bigla nalang tumulo ang luha ko
"Babies bakit? Anong problema?" ako habang hinahaplos ang tiyan ko at tuloy lang sa pag agos ang luha ko
"Sorry kung wala kayong ama na kasama ngayon, alam ko hinahanap niyo rin siya sorry sorry" ako
Patuloy ko lang na hinahaplos ang tiyan ko at hindi ko namalayan na tuloyan na akong nilamon ng antok at mahimbing na nakatulog