Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.2K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 13

29 6 0
By imangelaxwp

KABANATA 13

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Nanatili kaming nakatayo, nanlalaki ang mga matang pinagmasdan ang mga estudyanteng nagkalat ang mga katawan sa sahig. Para bang napako na ako sa kinatatayuan. Gustong-gusto ko na ring makaalis pero kumokontra ang mga paa ko.

Imbes na kasiyahan ang nangingibabaw ngayon ay tila nabalot ng kadiliman ang loob ng bar. Pinapanood na lang namin ang pagkilos ng mga staff na nagsisimula ng mataranta sa dami ng mga nakahandusay. Nakasuot sila ng gloves para sa proteksyon at dahan-dahang hinahawakan ang mga katawan.

Nakabalik muli ako sa wisyo nang marinig ang pagdaing ni Magi. Nilingon ko siya at nakitang kinakapkapan na pala ang buong katawan niya ng isang babaeng staff.

"Pinagsususpetyahan niyo ba kami?! Hindi ito tama! Malinis kami bago pumasok dito tapos ngayon kakapkapan niyo ulit kami!" reklamo niya sabay sinamaan ng tingin ang babaeng staff.

"Kapag hindi namin nahanap ang may sala, kami ang pagbibintangan ng eskwelahan. Sa tinagal-tagal na namin dito ay ngayon lang nagkaroon ng aksidente. At hindi kami papayag na hindi magbabayad ang may gawa nito," seryosong sabi naman ng staff.

Nagsidatingan na rin ang ibang mga staff at isa-isang nilapitan ang mga natitirang nakatayo. Isang babae ang lumapit sakin at sinimulang kapkapan ako. Itinaas ko naman ang aking dalawang kamay.

Napakunot ang noo ko nang makarinig ng tunog ng maliit na supot sa bandang kaliwang bulsa ng pants ko. Agad itong kinuha ng staff at inilabas. Nanlambot ang buong katawan ko pagkakita nito.

Maliit na supot na may laman na pulang powder. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto ang bagay na ito. Huwag niyang sabihing lason ito.

Nanlilisik ang mga matang tinignan ako ng staff na may hawak nito. Tinititigan palang niya ako ngunit alam ko ng hinuhusgahan niya na ang pagkatao ko.

Pareho lang kami na nagtataka sa bagay na natuklasan niya dahil ako rin naman ay walang ideya kung paano ito napunta sa bulsa ko. Miski ako ay wala ng naiintindihan sa nangyayari.

Nanlulumo akong napatingin kay Magi na hindi makapaniwala sa nakita niya. Bakas sa mukha niya ang sobrang gulat at labis na pagtataka kung bakit meron ako nito sa bulsa.

Umiling-iling ako habang tinitignan ang staff. Naiinis ako sa sarili ko, para bang kinokontra ako ng sarili kong utak. Walang salita ang gustong kumawala mula sa bibig ko. Gusto kong ipagsigawan na wala akong kinalaman dito, ngunit hindi sumasang-ayon ang katawan ko.

Pakiramdam ko ay napagkaitan ako ng boses para ipaglaban ang sarili.

Nagsisilabasan na ang napaka-daming tanong sa isipan ko at naramdaman ko na lang ang pagbigat ng dibdib na yung tipong anumang oras ay mawawalan na ako ng hininga.

"Anong organisasyon mo, Miss?" seryosong tanong ng babaeng staff. Gusto kong sumagot pero pinangungunahan ako ng takot. Kay bago-bago ko palang dito pero ganito na ang nangyari sakin.

"Red Org..." Si Magi ang sumagot. Narinig ko ang malakas na bulungan sa paligid. Napayuko na lang ako nang maalala ang executive namin.

"Kaya naman pala eh! Nagmana sa nagmamagaling nilang executive! Ano? Gusto niyo na bang lasunin ang lahat ng mga estudyante?! Mga salot talaga kayong nasa Red Org!" sigaw ng isang lalaki na malapit samin. Nagulat ako pero nanatili paring akong nakayuko. Ayaw ko ng palakihin ang gulo.

"Dapat sa inyo pinapalayas na dito sa eskwelahan!"

"Wala naman kayong naidulot na maganda!"

"Lalasunin niyo pa kami! Para ano---"

Sunod-sunod ang masasamang salita na binabato sakin ngunit natigil din. Tumahimik ang lahat. Hindi anghel ang dumaan kundi ang pagsulpot ng itim na awra ang nagpatikom ng kanilang mga bibig. At nanggagaling ito sa taong hindi ko inaakala.

Hinawakan niya ang kamay ko na kanina pa malamig at sobra na ngayong nanginginig.

"Magi..." mahina ngunit narinig niya ito. Tinignan niya ako. Mata sa mata. Ipinapahiwatig na siya na ang bahala.

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa mga taong ansasama ng mga titig samin.

"Nakita niyo bang siya ang naglagay niyan sa mga inumin niyo?! At kung makapagbintang naman kayo, may ebidensya ba kayo?! Tinanong niyo ba muna kung siya talaga ang may-ari niyan?!" Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsasalita. Hindi siya nasindak sa mga sinasabi nila kanina. Siguro ay napuno na rin siya at hindi na nakayanan ang mga masasakit na salita.

"At wag na wag niyong babastusin ang executive namin sa harapan ko." Isa-isa niyang tinignan ang mga ito. Death stare. Kapansin-pansin ang takot na ibinigay nito sa mga taong nandoon.

"Huwag kayong mag-alala, kami na mismo ang mag-iimbestiga. Sisiguraduhin kong malalagot siya sa kasalanan niya." Napaka-seryoso ng mukha niya, at walang bakas na anumang takot. Nagsimula na siyang maglakad papunta sa entrance ng club hawak-hawak parin ako. Nilabanan niya ang mga matatalim na titig ng mga estudyante.

Tumigil din kami nang makarating mismo sa entrance. Hinarap niya muli ang lahat ng mga estudyante.

"Kung sino man ang naglagay ng powder sa bulsa ni Zeta, umamin ka na habang maaga pa. Huwag mo ng hintayin na ang executive pa namin ang mismong magpaamin sayo," pahabol na sabi ni Magi na may halong pagbabanta.

Unti-unti namang sumilay sa aking alaala ang lalaking nakabangga sakin kanina. Nilingon-lingon ko ang mga taong nakatayo at pilit inalala ang mukha nito. Nagbabasakaling ito ang naglagay ng powder sa bulsa ko.

Masyadong okupado ang isip ko ng nangyaring aksidente kina Ivy kaya malamang ay hindi ko napansin ang palihim niyang paglagay. Iniisip ko na sinadya niya akong banggain para ako ang umako sa ginawa niya.

Hindi nagtagal ay hinila na ako ni Magi at umalis sa lugar na ito. Tumigil din kami nang malayo na ang naglakad namin. Ilang minuto rin kaming nakaupo sa isang bench at tahimik lang.

Kalmado na si Magi at tila may hinihintay. Nagtataka rin ako kung bakit hindi niya ako dinala sa executive namin at sabihin kung anong nangyari.

Sa di kalayuan ay may naglalakad na babae papalapit sa amin. Nang maaninag ang mukha nito ay labis akong nagulat. Tumayo si Magi at sinalubong ito.

"Dinala na nila sa ospital ang mga estudyanteng nalason." Si Ivy. Ang babaeng umiiyak kanina dahil sa nobyong natumba sa kalagitnaan ng sayaw. Siya rin ang pangatlong Baron.

Nag-uusap silang dalawa at tila nagpapalitan ng impormasyon. Habang pinagmamasdan ko silang dalawa ay napansin kong may nagbago sa mukha ni Ivy. Parang normal lang siya na nakikipag-usap ngayon. Hindi halatang umiyak kanina.

Hindi na ba siya nagdadalamhati sa sinapit ng nobyo niya?

Kinabahan naman ako nang sabay nila akong tignan. Lumapit sakin si Ivy at tinabihan ako.

"Ayos ka lang?" tanong nito.

"H-hindi..." sinserong sagot ko naman.

"Alam namin ni Magi ang totoo at hindi namin hahayaan na ikaw ang mapaparusahan sa kasalanang hindi mo naman nagawa." Hinimas-himas niya ang likod ko. Maiiyak na ata ako. 

Tinitigan ko si Ivy na nakangiti sakin.

"Hindi ka ba malungkot dahil sa nangyari? Lalo na sa nobyo mo..." nahihiyang tanong ko sa kanya.

"Yun ba? Bagay lang sa kanya yun! Ilang buwan ko ding pinagtiisan ang lalaking yun para lang sa misyon ko. HAHAHA! Buti nga sa kanya, mabubunutan na ako ng tinik sa lalamunan."

"HAHAHA!" Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Tumatawa siya ngayon at walang halong lungkot. Mukha ngang tuwang-tuwa talaga siya sa nangyari. Kung ganon, pagpapanggap lang ang ginawa niyang pag-iyak kanina. Napaniwala niya ang lahat na nagdadalamhati siya.

Kakaiba talaga ang mga Baron. Habang tumatagal, bumibilib talaga ako sa kanila.

"Magtiwala ka samin, bukas na bukas din ay malalaman natin kung sino talagang may sala."

"Nasabi ko na kay senpai(senior) ang nangyari."

"Ow? Bilib na siguro siya sakin!"

"Kailangan nating hanapin ang naglagay ng powder sa bulsa ni Zeta. Maghahanda na siya para bukas. Sigurado si senpai na ipapatawag silang apat at ito ang pinaka-ayaw niya sa lahat."

Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa dahil hindi ko maintindihan ang usapan nila. Alam ba nilang nandito parin ako?

"Ready ka na ba bukas, Zeta?!" Bumalik na sa pagiging masigla si Magi. Kitang-kita ang pagkasabik sa mga mata niya.

"Ano bang mangyayari bukas??" naguguluhang tanong ko naman.

"Bihira lang kung mangyari ito. Ito ang pinaka-iniiwasan ng apat na executives pero para sa mga estudyanteng gaya natin, ito ang pinaka-hinihintay nating mangyari. Pinapatawag sila sa tuwing may mangyayaring pagbabanta sa mga buhay ng mga estudyante. Gaya ngayon, madami ang nalason sa loob ng bar. Hindi ito palalampasin ng eskwelahan dahil nalabag ang batas ng pagbabawal ng paggamit ng lason."

"The meeting that will summon all of the executives, the deadly meeting."

Continue Reading

You'll Also Like

42.9K 1.5K 52
"SHE WAS SOFT LIKE AN ANGEL BUT OH., SHE FIGHTS FURY OF A DEMON" A most popular Mafia organization.,with the most Mysterious leader., What if the fra...
6.9M 346K 53
The adventures of the QED Club continue as the Moriarty mystery thickens. Looking for VOLUME 1? Read it here: https://www.wattpad.com/story/55259614...
13.6K 163 41
She stole something no one has ever stole no matter how hard they try. But, instead of getting locked up in prison... He got her locked up in his hea...
52.7K 2.4K 40
[Completed but not yet edit] A world do magic exists, A world has different creatures, A world lived by immortal people, and A world that is full of...