Be My Endgame

Miss_Terious02

10.8K 264 51

Wala pa sa isipan ni Kiera Buenaventura ang pumasok sa isang relasyon. Bukod sa pinagbabawalan siya ng nakata... Еще

Be My Endgame
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Dedication
Thank You!

Kabanata 11

235 3 0
Miss_Terious02


Enjoy reading!

Pagsapit nang sabado at madaling araw pa lang ay ginising na ako ni mama upang mag-ayos ng mga dadalhin kong gamit. Kinusot ko pa ang mga mata ko dahil sa antok habang walang ganang bumangon ng higaan.

"Anak, kumuha ka na ng susuotin mo. Ako na ang bahala sa pampalit mo mamaya." Turan ni mama at kinuha ang isa kong bag sa cabinet. Pumunta na rin ako sa damitan ko upang maghanap ng masusuot mamaya kapag tatakbo na at pagkaraan ay lumabas na ako ng kuwarto upang maligo.

Ilang minuto rin akong nagtagal sa banyo at nang lumabas ako ay nakasalubong ko pa si Kuya Edward na may kausap sa kaniyang selpon habang papunta sa kusina. Nang makabalik ako sa kuwarto ay wala na rin doon si mama at nakahanda na ang bag ko na may lamang mga gamit.

Agad kong inayos ang sarili ko at nang matapos ay sinukbit ko na ang aking bag at lumabas ng kuwarto.

Nadatnan ko si Kuya Edward sa kusina habang umiinom ng kape at kumakain.

"Anak, kumain ka na rin. Kailangan niyong kumain para may lakas kayo mamaya kapag tatakbo na." Sabi ni mama at inilapag ang pagkain ko sa lamesa. Umupo ako at sinimulan ng kumain.

"Bilisan mo, Ki." Sabi ni Kuya at tumayo habang dala ang pinggan niya papunta sa lababo. Bakit ang bilis niyang kumain! At dahil ayaw kong makarinig ng sermon galing sa kaniya ay binilisan ko na rin ang pagkain ko.

At dahil busog pa ako ay hindi ko rin naubos ang pagkain ko. Mabilis akong tumayo at dinala sa lababo ang pinagkainan ko at pagkaraan ay lumabas na ako ng kusina.

Madilim pa sa labas ngunit narinig ko na ang pag andar ng kotse ni Kuya Edward sa labas. Bakit ba siya nagmamadali?

"Ki, naroon na ang kuya mo sa kotse. Mag-enjoy ka roon." Sabi ni mama na kagagaling lang sa banyo.

Ngumiti ako sa kaniya at kumaway at pagkaraan ay naglakad na palabas ng bahay.

Hindi ko alam kung bakit nagmamadali itong kuya ko. Hindi pa naman kami late para sa fun run dahil alas singko pa lang at halos kalahating oras lang naman ang biyahe patungo sa university kung saan siya nag-aaral. Alas-sais ang simula ng fun run kaya kapag dumating kami roon ay may kalahating oras pa kami.

"Huwag kang lalayo mamaya sa amin ni Jack." Paalala niya habang bumibiyahe kami. Tumango lang ako habang isinasandal ang ulo sa head rest ng inuupuan ko.

"Wala ka bang dalang jacket?" Tanong niya. Siguro ay nakita niya akong nakayakap sa sarili ko kaya niya naitanong iyon.

"Wala. Nakalimutan ko magdala." Turan ko.

"Manghihiram na lang tayo mamaya." Sabi niya at hindi na muli pang nagsalita. Agad ko namang ipinikit ang mga mata ko dahil antok pa talaga ako. Dapat ay pahinga ko ngayon dahil sabado ngunit isinali pa ako ni papa sa fun run.

Mabuti nga at hindi na rin pumupunta si Jack Jendrick sa bahay kaya kahit papaano ay hindi ko na siya nakikita. Ngunit talagang magkikita kami mamaya kapag nakarating na kami roon.

Naggising ako nang may naramdaman akong tumapik sa braso ko at pagdilat ko ay mukha ni Kuya Edward ang nakita ko.

"Gising na." Sabi niya at agad na tinanggal ang kaniyang seat belt. Umayos ako nang upo at tinanggal din ang seat belt ko at lumabas na ng kotse.

"Edward." Napatingin ako sa tumawag sa kuya ko at mukha ni Caila ang bumungad. Bakit siya narito? Isinali rin ba siya ni Jack Jendrick?

"Kuya, bakit siya narito?" Bulong ko kay Kuya Edward nang lumapit ako sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Anong tanong 'yan, Ki? Lahat ay puwedeng sumali rito. Nakasali ka nga e." Masungit niyang sabi kaya inirapan ko na lang siya. At ang ipinagtataka ko ay bakit parang magkaibigan na rin silang dalawa?

"Suotin mo 'to. Iyan ang susuotin mamaya kapag tatakbo na." Sabi niya at binigay sa akin ang isang puting damit at sa harap ay may nakasulat na 'Fun run'. Tinanggap ko iyon ngunit hindi ko naman alam kung saan dito ang banyo upang magpalit. Bakit kasi ngayon niya lang binigay ito?

"Saan dito ang banyo ng pang babae?" Tanong ko sa kaniya.

"Caila, puwede mo ba samahan si Kiera sa banyo? Magbibihis lang. Ihahatid ko kayo roon." Sabi ni Kuya na mas ikinainis ko.

"Hindi na. Ituro niyo na lang kung saan banda." Turan ko. Kaya ko naman mag-isa.

"Huwag ng matigas ang ulo, Ki. Tara na." Sabi ni Kuya at sabay silang naglakad ni Caila habang nakasunod ako sa kanila. Patingin tingin pa ako sa paligid dahil bakit parang wala si Jack Jendrick? Hindi ba siya sumali sa fun run?

"Hintayin ko kayo rito." Sabi ni Kuya Edward at huminto sa labas ng comfort room ng mga babae.

Medyo marami na ring tao dahil ilang minuto na lang ay magsisimula na ang fun run. Nang makapasok kami sa loob ay may iilang babae ang naroon sa malaking salamin habang nag-aayos ng kanilang mga mukha.

"Diyan ka. Dito ako." Biglang sabi ni Caila at tinuro ang isang pinto. Agad akong pumasok sa loob at nagpalit na ng damit. Pagkaraan ay lumabas rin ako at hinintay na matapos si Caila. Hindi rin naman siya nagtagal at lumabas rin.

"Okay ka na?" Tanong niya. Tumango lang ako at sabay kaming lumabas ng comfort room at agad kong nakita ang mukha ni Jack Jendrick habang nakangiti at kausap si Kuya Edward. Huminto lang sila sa pag-uusap nang dumating kami.

Nakatingin ako sa kaniya habang papalapit ako ngunit nang tumingin siya sa akin ay agad din akong umiwas.

"Good morning, Ki." Muli akong tumingin sa kaniya nang binati niya ako.

"G-good morning." Nauutal kong bati sa kaniya.

"Tara na?" Biglang tanong ni Kuya Edward.

"Teka, ilalagay ko lang 'to sa bag ko." Sabi ko at pinakita sa kaniya ang damit na hinubad ko.

"Magsisimula na ang fun run, Ki. Dalhin mo na lang kaya 'yan." Reklamo niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Samahan ko na si Ki. Akin na ang susi ng kotse mo. Pumunta na kayo roon sa gymnasium." Biglang sabi ni Jack Jendrick at inilahad ang kamay upang kunin ang susi ng kotse. Agad namang ibinigay iyon ni Kuya Edward at nagpaalam na sa amin habang nakasunod sa kaniya si Caila.

"Tara na, Ki." Napatingin ako kay Jack Jendrick. Nauna siyang naglakad habang nakasunod ako sa kaniya.

Nasa bandang dulo nakahinto ang sasakyan namin ni Kuya Edward kaya medyo malayo rin sa gymnasium.

Nang makarating kami sa kotse ay agad na tumunog iyon hudyat na bukas na kaya mabilis kong binuksan ang front seat at binuksan ang bag upang ilagay roon ang damit na hinubad ko at pagkaraan ay isinarado na.

"Sa 'yo na 'to." Naramdaman ko ang paglapat ng jacket mula sa likod ko.

"P-paano ka?" Tanong ko.

"Kaya ko naman ang lamig. Kanina pa kita nakikitang nanginginig. Medyo malakas kasi ang hangin ngayon." Turan niya.

"Salamat." Mahina kong sabi at nagpatuloy na muli sa paglalakad papunta sa gymnasium.

Masyado nang maraming tao at halos makipag siksikan na kaming dalawa mahanap lang sina Kuya Edward at Caila. Nakahawak siya sa magkabilang balikat ko at nauuna akong naglalakad. May iba rin na naghahanap ng mga kasama nila.

Huminto lang kami nang maramdaman ko ang pagtunog ng selpon ko sa bulsa kaya agad kong kinuha iyon at pangalan ni Kuya Edward ang nakalagay kaya agad kong sinagot.

"Hello, saan kayo?" Tanong ko.

"Dito kami sa unahan sa kaliwa banda." Sagot ni Kuya Edward mula sa kabilang linya. Ramdam ko ang paglapit ng mukha ni Jack Jendrick sa mukha ko upang marinig niya ang usapan namin ni Kuya Edward.

"Sige." Sagot ko. Agad niya namang tinapos ang tawag kaya nagpatuloy kami muli hanggang sa makita namin silang dalawa.

Ilang minuto pa bago magsimula ang fun run. Halos hindi na magkarinigan dahil sa ingay at sa tugtog.

"Huwag kang lalayo sa amin!" Pasigaw na sabi ni Kuya Edward sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Ako na ang bahala kay Kiera!" Napatingin ako kay Jack Jendrick nang magsalita siya. Tumango naman si Kuya Edward. Kaya ko ang sarili ko! Please lang, hanggat maaga pa ay kailangan kong lumayo.

"Medyo matigas ulo niyan, Jack." Sabi ni Kuya. Narinig kong tumawa si Jack Jendrick at tumingin sa akin.

Ilang sandali lang ay may nagsalita na sa microphone hudyat na magsisimula na ang fun run. Lahat ay tumahimik habang nakikinig sa nagsasalita.

Ilang tao pa ang nagsalita sa gitna ng stage bago sinimulan ang fun run.

Nakahawak si Jack Jendrick sa magkabilaang balikat ko habang pumipila kami. Sa tabi ko naman ay si Kuya Edward at Caila na halatang masaya at walang pakialam sa paligid nila. Kuya, nandito ang kapatid mo!

"Jack, kapatid mo?" Biglang tanong ng isang lalaki na katabi namin. Umiwas ako ng tingin at hinintay ang magiging sagot niya.

"Kapatid namin ni Edward." Rinig kong sagot niya. Tumingin ako sa lalaki at ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako.

Kapatid pa rin talaga ang turing niya sa 'kin. Hindi na ba talaga magbabago? Kahit konti wala ba talaga?

Nang magsimula na ay lahat gustong maunang tumakbo. Ang rinig ko kasi kanina ay mayroong premyo ang tatlong mauunang makabalik sa gymnasium. Wala naman akong pakialam kung mahuhuli ako sa pagtakbo.

Mabagal lang ang takbo ko habang sina Kuya Edward at Caila ay nauuna habang nagtatawanan.

Minsan ay nilalakad ko na lang dahil hingal na hingal na ako.

"Kaya pa ba, Ki?" Hingal na tanong ni Jack Jendrick. Talagang hinintay niya ako at hindi siya sumunod kila Kuya Edward.

"Mauna ka na." Wika ko at uminom ng tubig.

"Sabay na tayo." Sagot niya.

"Mahuhuli ka kapag sumabay ka sa akin. Kaya ko naman mag-isa." Turan ko ngunit hindi niya ako pinansin. Uminom siya ng tubig.

Muli akong tumakbo at nakita kong tumakbo rin siya at hinahabol ako. Ang sabi ko ay iiwas ako ngunit paano ako iiwas kung sinasamahan niya ako!

Lakad-takbo na ang ginawa ko at hindi ko na rin makita si Kuya Edward at Caila sa unahan. Ang bilis naman yata nila.

"Sabihin mo kung pagod ka na," napatingin ako kay Jack Jendrick na naglalakad din sa tabi ko. Kung nauna siya sana ay kasama niya na sina Kuya Edward.

"Jack!" Sabay kaming napatingin sa babaeng tumawag sa pangalan niya. Matangkad, maputi at sakto lang ang katawan.

"Chelzey." Nakangiting sabi ni Jack Jendrick. Lumapit ang babaeng nagngangalang Chelzey sa amin.

"Nakita ko kanina si Edward may kasamang babae. Hindi ka pala sumabay sa kanila?" Nakangiting sabi ng babae. Nagpatuloy ako sa paglalakad habang nakasunod silang dalawa sa akin.

"Hindi. Sinamahan ko si Kiera." Rinig kong turan niya sa babae. Puwede naman kasing mauna siya.

"Kaano ano mo?" Rinig kong tanong ni Chelzey sa kaniya.

"Kapatid ni Edward. Parang kapatid ko na rin." Sagot niya na ikinainis ko.

Hindi ko na ulit narinig ang pag-uusap nila. Muli akong tumakbo at naramdaman kong tumakbo rin silang dalawa mula sa likuran ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo upang makalayo sa kanila ngunit agad din akong napahinto nang marinig ko ang pag iyak ni Chelzey kaya nilingon ko silang dalawa.

Nakahawak si Chelzey sa braso ni Jack Jendrick habang inaalalayan siya nito papunta sa gilid. Pagkaraan ay umupo sila sa tabi ng kalsada.

"Sobrang sakit ba?" Tanong ni Jack Jendrick sa kaniya habang hawak ang kaniyang paa.

"Oo, kanina." Sagot ni Chelzey. Kanina pa pala e. Baka puwede na ulit tumakbo. At mas lalo pa akong nainis nang hinilot iyon ni Jack Jendrick.

"Mauna na ako sa inyo." Paalam ko. Huminto sa paghilot si Jack Jendrick sa kaniya at tumingin sa akin.

"Maya na, Ki. Pahinga muna tayo nang konti." Turan niya.

Ganiyan ba talaga siya sa lahat? Ibig sabihin ba lahat ng ginagawa niya sa akin ay wala lang iyon? Kung anong pagtrato niya sa akin ay parang ganoon din sa ibang babae. Siguro nga assuming lang talaga ako.

••••

Thank you for reading!

Miss_Terious02

Продолжить чтение

Вам также понравится

South Boys #6: Bad Lover Jamille Fumah

Подростковая литература

44.8K 3.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
564K 10.3K 37
Zaphire Saavedra is the only Daughter of Ezekiel and Allianah Saavedra. At dahil nag-iisang anak lang si Zaphire ay kailangan niya pamahalaan ang kom...
71.3K 1.9K 47
Isang magaling na Prosecutor si Bridgette Silva, halos lahat ng kasong nahahawakan ay napapanalo niya. Isang rin siyang miyembro ng Elite Sorority i...
The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation) Tina Lata

Подростковая литература

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.