Assasino Playground (Complete...

By imangelaxwp

1.2K 182 2

"This is ASSASINO UNIVERSITY which the founder also called it, HIS ASSASINO PLAYGROUND... If you want to surv... More

Panimula
Disclaimer
Kabanata 01
Kabanata 02
Kabanata 03
Kabanata 04
Kabanata 05
Kabanata 06
Kabanata 07
Kabanata 08
Kabanata 09
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Wakas

Kabanata 12

31 6 0
By imangelaxwp

KABANATA 12

(ZETA'S POINT OF VIEW)

Mga kalahating oras siguro ang lumipas bago ko napagpasiyahang lumabas. Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga sasabihin ko para madepensahan naman ang sarili ko.

Binuksan ko ang pintuan at nilakasan ang loob.

"Zeta!" nilingon ko ang tumawag sakin. Si Magi. Lumapit ako sa kanya.

"Anong nangyari kanina? Bakit ka nila pinagbibintangan na sumaksak kay Leona?" bungad nito.

"Leona?" nagtatakang tanong ko naman.

"Hindi mo siya kilala? Diba nagkausap kayo kanina. Siya yung babaeng nasaksak at duguan."

"Hindi siya nagpakilala sakin."

"Ayos ka lang ba? Nabalitaan kong nahimatay ka kanina." Nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Magi.

"Oo. Nakita mo ba si Casano?" pag-iiba ko ng usapan.

"Nasa loob sila ng computer room. Pinapanood nila ang video footage na nakunan ng CCTV nung mga oras na magkausap kayo ni Leona," napalingon kami sa kadarating lang na si Kimberly.

Napalunok ako nang marinig ito. Paano nga kaya kung ako talaga ang sumaksak? Hindi ko talaga maalala ang bawat nangyari lalo na nung nawalan ako ng control sa sarili. Para bang may sumanib sakin at kumontrol ng katawan ko.

"Ano palang ginagawa niyo dito?" Tinignan naman nila ang isa't-isa na parang nagpapasahan pa kung sinong sasagot.

"Nandito kami para---" Napatigil bigla si Magi. Bumaling ang tingin nila ni Kimberly sa likuran.

Unti-unti akong tumalikod para tignan ito.

Fairy? Hindi e. Iba pala kapag nakita mo siya sa personal. Ang litrato ng babae na nakita ko kanina sa pintuan ng isang room. Yung puti ang buhok. Ngayon na nakita ko siya sa malapitan, ang haba ng pilik-mata niya. Mas matangkad siya sakin. Namamangha parin ako sa kulay ng buhok niya na mukha talagang natural.

Ano ng pangalan niya? Ocean? Mali. Mahaba ito.

Aha! Oceanía Pacifica...

Teka, nakatingin din siya sakin. Kilala niya ba ako?

Habang tumatagal akong nakikipagtitigan sa kanya, nararamdaman kong para bang lumalakas ang awrang inilalabas niya. Siya ang female version ni Casano. Makikita ang superiority sa kaniya kahit hindi pa nagsasalita. Executive kaya siya?

"Anndrew Zeita, simula ngayon ay miyembro ka na ng Red Organization." Nanlaki ang mga mata ko at tuluyan ng hindi nakapagsalita. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Kimberly sa balikat ko.

Eh?! Para bang tumigil ang mundo ko ng ilang minuto. Nakatingin lang ako sa kawalan, walang ideya kung ano bang uunahin kong maramdaman.

Tulala akong pinanood siyang maglakad palabas ng gusali kasama si Kimberly. Naiwan kaming dalawa ni Magi.

"Yieee! Tinanggap ka na ng executive namin!" patalon-talon pa si Magi at hinawakan ako.

"S-siya ang e-executive ng R-Red-- Red Org?" nauutal na tanong ko.

"Oo! Ang ganda niya noh?!" Tumango na lang ako bilang sagot. Matutuwa na ba ako nito? May problema pa akong kinakaharap e. May oras pa ba akong magdiwang?

Sakto namang natanaw ko si Casano na kakalabas lang sa isang room. Nakita niya ako kaya naglakad siya palapit samin.

"Congratulations..." nakangiti nitong bati sakin.

"You're an official member of Red Org now..."

"T-thanks?" nag-aalangang sagot ko.

"You're not happy?"

"Tungkol pala kanina, may ebidensya ako para patunayang---" magpapaliwanag na sana ako nang hawakan niya ang kaliwang balikat ko at mahinang tinapik.

"Don't worry, napanood na namin ang footage kanina. You're innocent. Hindi naman kami nagpaparusa tuwing may nagsasaksakan na mga estudyante. It's part of the entertainment. Ang ipinagbabawal lang talaga na gamitin sa eskwelahang ito ay ang gumamit ng LASON. Kaya pinapunta ka namin dito dahil napag-alaman nilang may lason sa kutsilyong tumama kay Leona."

"Gaya ng nangyari sakin noon..."

"Yup. Alam kong hindi ikaw ang may gawa nun. Pero kinailangan ko lang talagang papuntahin dito si Oceanía para mapanood ang video footage." Okay. Wala na akong naintindihan dito sa panghuling sinabi niya.

"Be careful always. Your master's got a lot of enemies..." Yun lang at tumalikod na ito samin. Hays. As usual, parang nagbigay na naman siya ng babala sakin. Wala talagang magandang lumalabas sa bibig ng lalaking ito.

Napansin ko naman ang pagtahimik ni Magi. Siniko ko naman ito at bahagyang nagulat.

"Ready ka na ba?" may pagkasabik ang tono ng pananalita niya.

"Saan?" Inakbayan niya ako at nagkatitigan kaming dalawa.

"Kanina ko pa iniisip e kung saan tayo pwedeng mag-celebrate. At napagtanto kong hindi ka pa nakakapunta sa night club ng school." Tinaasan ko siya ng kilay. Iyan ba ang dahilan kung bakit siya tahimik kanina?!

"Hindi ako mahilig sa mga ganyan."

"Isang beses lang naman! Masaya don! Tara na, magpasama tayo kay Kimberly." Ang laki-laki pa ng ngiti niya. Mas kinabahan tuloy ako. Iba ang ipinapahiwatig ng ngiti niya, para bang may gagawing kalokohan.

...

Nagsisimula na ata akong magsisi na gusto kong maging kaibigan si Magi. Halos isang oras niya akong pinilit na magpalit. Isang oras ko na din siyang tinatanggihan pero sa huli ay nanalo parin siya.

Hays. Nagdadabog pa akong lumabas ng room ko para ipakitang ayoko talagang sumama. Tinawanan ba naman ako at sinabihang parang bata raw ako.

Nandito na kami sa tapat ng night club at kasalukuyang nasa pila. Kinakapkap nila ang bawat estudyante at sinisigurong walang dala na kahit na anong armas. Ipinagbabawal daw ang gulo sa loob. Mabuti naman kung ganun, makakahinga ako ng maluwag kahit papano.

Pagkapasok ay napatakip agad ako sa tainga dahil sa lakas ng tugtog. Hello? First time akong makapasok sa isang night club. Ignorante na kung ignorante pero wala talaga akong interest sa mga gantong bagay.

Hindi masikip dito sa loob kaya malaya kaming nakakalakad papunta sa may upuan. Nakasunod ako kina Magi at Kimberly. Umakyat pa kami sa isang palapag at doon naupo. Ngayon ay kitang-kita namin ang kabuuan ng lugar. Napapanood namin ang mga taong sumasayaw sa gitna.

Tumayo naman si Magi at nilapitan ang babaeng malapit sa upuan namin. Nagbulungan lang silang dalawa kaya naisip kong magkaibigan siguro sila. Pamilyar ang mukha ng kausap niya.

Yeah, kilala ko ang mukhang yan. Hindi ko makakalimutan ang itinatak nilang alaala sa utak ko. Erase! Erase! Hindi ko na dapat maalala yon. Basta siya yung babaeng nakikipaghalikan sa nobyo niyang hindi naman kagwapuhan. Mukha pang ano.

Buti na lang wala yong nobyo niya dito kundi ay aalis talaga ako kaagad. Nakita ba naman ako na pinapanood silang maghalikan kahit hindi ko naman talagang intensyon na titigan sila ng matagal.

Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanila ni Magi at ibinaling sa mga nagsasayawang tao. Katulad lang nung welcoming party, enjoy na enjoy sila na para bang walang mangyayaring masama. Nag-iinuman sila na para bang walang nagtangka sa mga buhay nila.

Napalingon ako kay Magi na umupo sa tabi ko. napatingin ako sa pwesto ng babaeng kausap ni Magi kanina at agad din akong napaiwas ng tingin. Kadarating lang ng nobyo niya na mukhang ano. Gusto kong umalis pero nakalimutan kong nasa tapat lang nila ang hagdanan. Syempre makikita niya ako kapag bababa ako.

"Inom ka oh, Zeta," alok ni Kimberly saka inilagay ang baso sa harap ko. Tahimik lang siya mula nang pumasok kami kanina. Masasanay na rin ako siguro ako sa ugali niya. Para ngang pumunta lang siya dito para bantayan kami ni Magi.

"Hindi ako umiinom ng alak. Kayo na lang," tanggi ko naman.

"Ano ka ba? Dapat nagdidiwang ka ngayon kasi simula ngayon, miyembro ka na ng Red Org! Mga tatlong taon na siguro ang nakakalipas bago kami nadagdagan ulit ng isang miyembro. Nakakatawa lang dahil walang may gusto na sumali samin. HAHAHA!"

"Ha?!" napasigaw tuloy ako dahil sa gulat.

"Ibig-sabihin, ako lang ang nag-iisang estudyanteng nakaisip sumali sa organisasyon niyo?! Pero bakit naman??" Hindi ko na napigilang magtanong. Buong akala ko naman, hindi sila tumatanggap dahil mataas ang standard ng executive nila. Tapos malalaman kong wala naman palang gustong sumali.

Nacurious tuloy ako kung anong dahilan ng mga estudyante kung bakit ayaw nilang sumali rito. Mukhang makapangyarihan ang executive ng Red Org. Tatlo pa nga lang ang nakikilala ko sa mga Baron at alam kong sa unang tingin palang ay magaling sila.

"Mahabang kwentooooo..." nakanguso pa si Magi habang sinasabi ito.

Bigla namang tumayo si Kimberly at hinarap kami.

"Pasensya na. Ipinapatawag ako ngayon ng executive natin. Maiwan ko na muna kayo. Magi, ikaw ng bahala kay Zeta," paalam naman niya.

"Ganun ba? Sige! Ingat ka!" Kinawayan namin siya nang pababa na ito ng hagdan at pinanood siyang papalabas ng club. Naiwan na lang kaming dalawa rito ni Magi.

Ipinagpatuloy naman ni Magi ang naudlot niyang pagkukwento.

"In short, ang nag-iisang rason kung bakit ayaw nilang sumali sa Red Org ay dahil kinamumuhian nila ang executive natin. Alam mo naman na ang pangalan niya diba?"

"Oo. Naiiba ang pangalan niya. Siya lang ang may pangalan na ganun."

"Syempre! Nag-iisa lang ang executive ng Red Org. Isa siya sa pinakamagaling na estudyante dito. Madaming takot sa kanya pero mas nangibabaw ang pagkamuhi sa kanya dahil sa aksidenteng nangyari noon."

"Pero hindi ko na ikukwento kasi nakakatamad. Nandito tayo para mag-enjoy e!" dagdag niya. Nabitin naman ako. Hindi pa ako kuntento sa mga narinig ko.

"Diba nasabi mo noon na wala pang nangahas na labanan siya. Wala ba talagang nakatalo sa kanya?" Umiiling si Magi habang iniinom ang drinks niya. Ibinaba niya ang hawak na baso.

"May chismis noon e na kesyo may isang estudyante raw na nakatalo sa kanya. Na kesyo natalo daw kaming mga Baron kaya nakaabot daw siya sa executive. Tss. Hindi totoo yun!"

"Ganun ba. Teka, tatlo pa lang ang kilala kong Baron. Miyembro na ako ng Red Org, dapat kilala ko kayong lahat pati na rin ang kanang kamay ng executive," reklamo ko naman bigla. Naisip ko lang ito ngayon kaya dapat malaman ko na rin kung sino-sino ang mga iba pang miyembro.

"HAHAHA! Oo nga noh!" Natawa muna siya bago ako sagutin.

"Simula sa mga Baron. Pang-lima si Paris at pang-apat si Roman..." Sila yung kambal na nakilala ko nung welcoming party. Tapos babysitter nila si Casano. HAHAHA.

"Pangatlo si Ivy..." Eto ang hindi ko pa kilala.

"Nakita mo ang babaeng kinausap ko kanina? Siya yun."

Hindi makapaniwalang tinignan ko si Magi saka tumingin sa babaeng tinutukoy niya. Kung ganon, miyembro pala siya ng Red Org?! Ilang beses ng nagkatagpo ang landas namin tapos wala akong ideya na isa siya sa mga Baron.

Aaminin kong hindi ko inaasahan ang katulad niya. Pero mukha naman siyang mabait nang magkabanggaan kami sa labas ng canteen. Yung nobyo niya lang talaga ang problema.

"Pangalawa ay ako..."

"Ang unang Baron ang pinaka-misteryoso dahil walang nakakaalam kung sino siya. Tanging ang executive lang ang may alam ng katauhan niya." Oww. May tinatago din pala ang executive. Sigurado akong may dahilan kung bakit ayaw niyang isiwalat ang unang Baron. Nacucurious tuloy akong malaman kung sino ito.

"Ang assistant, si Kimberly, kilala mo na siya. Ang kanang kamay ng executive ay si Cloud na kasalukuyang comatose sa ospital..."

"Bakit naman?"

"May tumulak sa kanya sa rooftop ng gusali natin. Yun din ang iniimbestigahan namin hanggang ngayon." Naramdaman ko ang unti-unting paglungkot ng boses ni Magi.

"Hayaan mo, tutulong ako sa pag-iimbestiga. Malalaman din natin kung sino ang taong tumulak sa kaniya," sabi ko sabay hawak sa balikat niya. Hindi ako sanay na makita siyang malungkot. Kaibigan niyang matalik siguro si Cloud.

Naisip ko tuloy na andami ko pa talagang hindi alam sa mga nangyayari dito. Pero masaya ako dahil nakakilala ako ng tulad ni Magi na kahit madaldal ay tinuring na rin akong kaibigan.

Tila bumalik ulit sa pagkasigla ang mukha ni Magi.

"Panghuli, ang executive na si Oceanía pero mas gusto ko siyang tinatawag na senpai(senior). HAHAHA!" Tumatawa na siya kaya hindi na ako nag-alala pa.

Nagkukwentuhan lang kami nang mga oras na yun. Umiinom si Magi ngunit konti lang naman. Nakakamangha nga e kasi hindi siya yung tipo na mabilis malasing. Ako naman nakikinig lang sa kanya dahil hindi ko talaga gustong uminom.

Isang oras ang lumipas ay nagdesisyon na kaming umuwi ni Magi. Pagkatayo pa lang namin ay umalingawngaw sa loob ng bar ang sigaw ng isang babae. Agad naming nilingon ang pinanggalingan nito.

Tumambad samin ang nakahigang lalaki na bumubula ang bibig. Hindi na ito gumagalaw. Nasa tabi nito ang babaeng nakaluhod at umiiyak. Nasa kanila na ang tingin ng lahat. Nabalot ng matinding takot dahil sa nakita.

Napatakip ako ng bibig nang mamukhaan ang dalawang taong ito.

"Si Ivy at ang nobyo niya..." mahinang sambit ni Magi. Pareho kami ng iniisip.

Agad naman akong naalarma nang bigla na lang magtakbuhan ang mga ibang estudyante palabas ngunit hinarang sila ng mga bantay ng club. Alam na siguro nila ang nangyari kaya hindi nila hahayaan na may makalabas.

Bumaba kami ni Magi para malapitan sana sina Ivy nang biglang may bumangga sakin. Napaupo naman ako sa sahig. Agad din akong itinayo ni Magi dahil nagsimula na namang magkagulo ang mga estudyante. Hindi ko na namukhaan ang taong nakabangga sakin dahil sa dami ng estudyante.

Nagpupumilit silang lumabas ng club. Takot na takot sila. Hindi na mapakali. Iniisip na baka sila na ang sumunod.

Tumagilid kami ni Magi para hindi na ako mabangga ulit. Nasaktan ako ng konti pero ayos lang naman. Hindi ko sila masisisi dahil ako rin ay natataranta na sa loob-loob.

Nilingon ko muli si Ivy na umiiyak parin dahil sa sinapit ng nobyo niya. Nakaramdam ako ng awa para sa kanya. Rinig na rinig ko ang sakit sa paghagulgol niya habang nakikita ang nobyong nahihirapan.

"AHHH!" Napasigaw ang isang babae na malapit samin, isa ito sa mga taong nakipagtakbuhan kanina para lumabas. Nilingon namin ang tinitignan niya...

Mas lalong nadagdagan ang takot na nararamdaman ko nang makitang isa-isang matumba ang mga estudyanteng nagpupumilit lumabas. Bumubula na ang mga bibig nila na siyang nagpakaba ng husto sakin. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan. Nanginginig na ang mga tuhod ko.

Napahigpit ang hawak ko sa damit habang pinapanood silang mawalan ng malay sa harapan ko.

Kitang-kita ko ang mga mata nilang tila humihingi ng tulong sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 140 30
Si Jelailah Dela Vega ay isa sa mga promising Witchcraft Special Force sa modernong henerasyon. Bago siya humantong sa kung saan siya ngayon, mayroon...
5.4K 341 27
This story is all about of people who run for their lives. You're dead once you got bitten. Once you're infected you will become one of them. It's su...
Living Hell By Aena

Mystery / Thriller

9.4K 548 69
"Hellarious City", Isang lugar kung saan hindi tumitigil ang pagdanak ng dugo. Isang lugar kung saan laging may nagpapatayan. Kahit sa paaralan may...
4.8K 3.4K 58
LUX ACADEMY; School of Lights [Fantasy] [Adventure] (COMPLETED) Welcome to "LUX ACADEMY; School of Light's" "A place you never knew what would happen...