My Mystery Girl

By loveSHM

271K 4.7K 457

An optimistic guy meets a pessimistic girl. She's the quiet type while he's the outgoing one. He holds no s... More

My Mystery Girl
Who's That Girl
Getting to Know
Getting to Know Pt.2
Our Connection
Smile
That One Night
One Big Revelation
Save Me
Chapter 10 - Her Views
Not Just An Ordinary Day
Getting Closer
She's Not Perfect
Zac's Advice
His Story
DEAL!
Will You Be My Everything? - Eid
Obvious
Charm Appeal
Chapter 20 - Game of Love
DESTINY?!
Thank You Day
New Girl?
New Girl (2)
New Girl (3) Plus Hanging Out with S-A-D
Ulzzsshhhang issshhh DRUNK ^^
Am I Falling For Him?
Dongsaeng's View
A Day with the Jung's (1)
Chapter 30 - A Day with the Jung's (2)
Chapter 31
Heart to Heart Talk
CARA? HANA?
Mistaken Identity
He's Here
Granny
Looking for Adventure?
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
The Truth
Chapter 43
I Would
Chapter 45
My Angel
BFF to BF
Go Get Him
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Yesterday, right now, from now on, Forever
Chapter 53
Endearment Fuss
Christmas and New Year with HIM
New Year with HIM pt.2
Come Back Home?
The Search
The One Who Got Away
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
#MedyoWeird
Dati
Day before Prom
A Day Before Prom Pt.2
The Prom
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80 - Finale (Part 1)

MYSTERY SOLVED! (Finale Part 2)

3.4K 81 16
By loveSHM

KRISTEN'S POV




"Kaye... Kaye... Hui.. Pansinin mo naman ako oh..." pangungulit sakin ni Kristina.



Ibinaba ko ang binabasa kong libro at tamad na tamad na lumingon sa direksyon nya.



"Bagay ba?" tanong nya at ipinakitang muli sa akin ang ika-pitong damit na isinukat nya magmula nang magising kami kanina bandang alas-otso ng umaga.



"Uhm." maikli kong sagot. Kahit ako hindi sigurado kung oo o hindi ba ang isinagot ko. Ibinaling ko na lamang muli ang atensyon ko sa librong kunwari'y kaninang ko pa binabasa, pero sa totoo lang hindi pa din ako nakakaalis sa unang pahina.



"Teacher Kaye, wag ka nang magtampo. Promise kapag hindi kami click ni Zac, irereto kita sa kanya." biro nya sakin.



Niyaya kasi syang lumabas ni Zac noong nakaraang araw na bumisita ito sa school.


HIndi ko maiwasang makaramdam ng inis sa tuwing naaalala ko ang napakabilis na pangyayaring iyon. Nagklase lamang ako ng isang oras, pagbalik ko ay parang nagkapalagayan na sila ng loob. Nagkasundo na silang magkikita ngayong day-off namin sa trabaho.



Makalipas ang ilang minuto, nakarinig na kami ng mahihinang katok sa pintuan.



"Kaye please, ikaw na ang magbukas ng pinto. Finishing touches na lang 'to promise." pakiusap ni Kristina at muling umupo sa harap ng dresser para i-retouch ang make up nya.



Bahagya akong nakaramdam ng excitement nang maisip ko na ako ang mauunang makakakita sa gwapong mukha ni Zac ngayong araw na ito.



Pasimple kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin bago ako lumabas ng kwarto. Hindi naman gaanong lukot ang suot kong pambahay na damit at maayos pa din naman ang pagkakasuklay ng aking buhok.



Pagbukas ko ng pintuan para salubungin si Zac, hindi lamang sya ang nakita ko. Maging si Rye ay dumating din, nabigla pa ako ng hinalikan nya ako ng mabilis sa pisngi.



"Good morning girlfie." bati nya sakin, yung mga mata nya nagsasabing sumakay na lang ako. "I brought you breakfast."



"Wow, thanks." ang tanging mga salitang lumabas sa bibig ko.



"Anything for my girlfie." sagot naman ni Rye.



Namamalik-mata lang ba ako o parang nag-iwas ng tingin sa amin si Zac?



"Can we come in?" parang may nahimigin pa akong inis sa tono ng pagtatanong nya.



Pinaupo ko muna sila sa sofa. Babalik sana ako sa kwarto para pagmadaliin na si Kristina pero pinigilan ako ni Rye at niyaya muna ako sa kitchen para ihanda daw ang breakfast na dinala nya.



"Teacher Kaye naman, why didn't you tell me? Niyaya pala ng date ni baby boy mo si my lab ko? Paano na ang love story namin? May umeeksena nang superstar. Anong laban ko?" reklamo nya sa akin.



"Heh! Tantanan mo ako sa mga drama mo Teacher Rye, mainit ang ulo ko."



"Ang sungit naman nito." komento nya.



Matapos naming ilipat sa plato ang dala nyang breakfast magkasabay na kaming bumalik sa salas. Tila natuklaw kami ng ahas sa inabutan naming eksena. Iniabot ni Zac ang isang bouquet ng pink roses kay Kristina pagkatapos ay buong ingat itong hinalikan sa pisngi. Halatang halata ang pamumula sa pisngi ni Kristina. At dahil sa nararamdaman nyang kilig napayakap sya ng mahigpit dito. Kahit sinong makakakita sa kanila, iisipin na magboyfriend at girlfriend sila.



Nakadama ako ng matinding selos. Ako dapat ang kayakap ni Zac, ako dapat ang nasa lugar ni Kristina, paulit-ulit na sinasabi ng isip, maging ng puso ko. Huminga ako ng malalim at iniangat ang ulo ko para mapigilan ang pagtulo ng mga luhang nagsimula nang mamuo sa mga mata ko.



"No." ang bulong na yun na nagmula kay Rye ang nagpabalik sa akin sa katinuan.



He marched towards the two at hinila papalabas ng bahay si Kristina. Wala kaming nagawa parehas ni Zac kundi sundan na lamang sila ng tingin.



Namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Wala nang iba pang mga boarders sa bahay, nasa gimikan na. Naiwan na lamang kaming magkasama.



"I think I should..."



"Nagbreakfast ka na ba?" putol ko sa anumang sasabihin nya.



Umiling sya.



"Sabayan mo na ako oh." lakas loob kong pagyaya sa kanya.



Tila nagdalwang isip pa sya kung pagbibigyan ang imbitasyon ko. He checked his watched na para bang may mas importante syang dapat gawin at malaking abala ang hinihiling ko sa kanya. Kay Kristina lang ba nya talaga maaaring ibigay ang araw na 'to? Papaano ako? Papaano tayo Zac? May tayo pa ba o ako na lang ang nag-iisip na merong tayo pa?



Nakaramdam ako ng pagkapahiya.



"If you're busy...." babawiin ko na sana ang imbitasyon ko.



"Sure." maikling sagot nya at nagkusa na syang tumuloy sa kitchen.



Umupo na sya sa harap ng mesa. Ako naman, aligaga sa pag-aasikaso sa kanya. Sinigurado kong lahat ng nakahain ay matitikman nya.



"You want coffee? Juice?" tanong ko kaagad nang mapansin kong wala akong inumin na naihanda.



Binuksan ko kaagad ang stove at isinalang ang whistling pot. Tumiyad ako para kumuha ng mga tasa sa cupboard. Naramdaman ko na lamang ang mainit na katawan nya sa likuran ko.



"Ako na." bulong nya malapit sa tainga ko. Itinaas nya ang mga kamay nya para abutin ang mga tasa, nakulong tuloy ako sa pagitan ng mga ito. Para akong kinakapos ng hininga. Lumayo ako kaagad sa kanya at tinungo ang ref. Uminom ako ng malamig na tubig, para kasing tuyung tuyo ang lalamunan ko.



Tin, ano ka ba? Kumalma ka nga! Sigaw ng isip ko. Wala pa din pinagbago ang epekto nya sa akin. He still makes my heart race, he takes my breath away.



"Come on, let's eat." narinig kong sinabi nya.



Humarap na akong muli sa kanya nang masiguro ko na normal na ulit ang tibok ng puso ko. Sa sobrang lapit pala nyang nakatayo sa akin, pag-ikot ko paharap sa kanya, hindi sinasadyang nabangga ko ang kamay nyang may hawak ng tasa ng kape. Natapon ito sa braso at damit nya.



"Shit!" hindi nya napigilang mapamura.











ZACHARY'S POV




"Oh my God!" she exclaimed.



Hindi ko napigilan mapatitig sa mukha nya. Alalang alala sya nang makita ako paso sa braso ko. Para pa syang maiiyak anumang oras.



"I'm okay. Don't worry." I tried to assure her although ramdam ko ang hapdi ng balat ko.



Inalalayan nya ako pabalik sa salas.



"Stay there. Kukuha lang ako ng first aid kit." pinaupo nya ako sa sofa.



Wala pang 2 minuto ay nakabalik na sya.



"I'm so sorry." paulit ulit nyang sinsabi habang nilalapatan ng gamot ang paso ko sa braso.



Muli ay nilabanan ko ang kagustuhan na yakapin sya tulad noong araw na nakaharap ko sya sa pre-school department. Pinipilit kong wag pansinin ang sigaw ng isip at puso ko. Halos hindi ko sya tapunan ng tingin dahil alam ko at sigurado akong kapag natitigan ko na naman ang mukha nya, hindi ko mapipigilan na kabigin sya at halikan sa mga labi. Mahal na mahal ko sya, paulit ulit na sinasabi ng puso ko. Kahit konti sa loob ng limang taon, hindi nabawasan yun. Habang tumatagal lalo ko syang minamahal. Lalo akong nanabik na mayakap sya at makasama.



"Ahmmm... Zac..." malambing na pagbanggit nya sa pangalan ko. "Your shirt...."



Napatingin din ako sa tshirt ko, it was soaked with coffee.



"You need to... you know. So I can... you know." nahihiya nyang paliwanag. Although magulo ang sinabi nya, naitindihan ko ito.



Umiwas sya ng tingin nang hubadin ko ang tshirt ko. Para pa ngang namumula ang mga pisngi nya ng ibalik ang tingin nya sa akin, o talagang natural na mamula mula ang mga ito?



Buong ingat nyang nilapatan ng gamot ang bahaging may paso. Ramdam na ramdam ko ang init ng palad nya sa dibdib ko. A simple touch by her made my heart do a somersault. Para akong nag-bungee jumping at sky diving sa lakas ng tibok ng puso ko.



"Okay na." sabi ko at inilayo kaagad ang sarili ko sa kanya.



Zac! Ano bang ginagawa mo? May boyfriend na sya. Wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo sa kanya. Wala nang patutunguhan pa ang nararamdaman mo. It's a one-sided love now. Ikaw na lang ang nagmamahal.



Pero, hindi ba pwedeng mahalin ko sya kahit sa malayo lang? Kailangan ko na ba talagang magmove-on? Hindi ba pwedeng subukan kong muling ipaglaban sya?



"I'm sorry." muling paghingi nya ng paumanhin.



Ngayon hindi na ako sigurado kung ang sorry na yun ay para sa pagkapaso ko o dahil hindi na nya nahintay ang pagbabalik ko?








"Here. Ito na lang muna ang suotin mo." iniabot nya sakin ang isang tshirt na kinuha nya mula sa kwarto nila ni Kristina. "I'll just wash your shirt. Don't worry mabilis lang 'to matutuyo, may dryer naman kami."



"Feel at home." bilin pa nya bago tuluyang mawala sa paningin ko.



Tiningnan ko ang tshirt na binigay nya. Oversized ito, men size pa nga eh. Sa boyfriend nya kaya ito? Dun sa kutong-lupang Rye na nakita ko na nagpropose sa kanya sa rooftop at kanina lamang ay nakasabay ko sa pinto. Pero ang nakakapagtaka, bakit si Kristina ang hinila nya palabas ng bahay? Bakit hindi si Tin na girlfriend nya? Ang labo! Ano ba 'to? Another case of love triangle? O baka naman love square na kasi nakasali na ako?



Niyaya ko lamang naman si Kristina lumabas dahil may mga gusto akong malaman tungkol kay Tin. Mukha kasing sya ang pinakamalapit na kaibigan nya. I just want to know how Tin has been. Kung papaano ang tinakbo ng buhay nya sa loob ng limang taon na nagdaan. She has been a mystery not just to me, maging kina bugoy pati kay Reesh. Kahit isa sa amin hindi nya kinontact magmula nang lumipad sya papuntang LA at kami naman nagsimula ang buhay sa Korea. Konting detalye lamang ang binibigay sa amin nina Tita Kathy at Tito Marcus, ayon na din sa kagustuhan ng anak nila.



Pero dahil dun sa Rye na yun, hindi ko na mauusisa si Kristina. Badtrip! Sariling sikap na lang para makakuha ako ng sagot sa mga tanong ko.



Napansin kong naiwan ni Tin na bukas ang pintuan ng kwarto nila. Out of curiosity pumasok ako.


It was a small room na may dalawang double deck. Yun nasa kaliwa ang kay Kristina, base sa name plate na nakasabit sa may hagdanan nito.



Automatic na nafocus ang atensyon ko sa double deck ni Tin, yung upper level kasi ay natatakpan ng kurtina. Ano kayang nakalagay dun? Hahawiin ko sana pero narinig ko nang tumunog ang dryer hudyat na tapos na sa paglalaba si Tin. Nagmamadali na akong bumalik sa salas.



Hindi na ako nag-abalang suotin pa ang tshirt nung Rye. Baka mamaya mahawa pa ako sa amoy nya. Kinuha ko na lamang ang cellphone ko sa bulsa ko at kunwari'y busy ako dito. Eksakto namang nakatanggap ako ng message mula sa manager ko, nakarating na daw ng bansa ang mga kagrupo ko. Pinapapunta nya ako sa Quest building.



Halata sa mukha ni Tin ang pagkagulat nang maabutan akong wala pa ding suot na tshirt. Nakapaling ang ulo nya sa ibang direksyon habang inaabot sa akin ang tshirt ko na nilabahan nya. Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti. Ang cute nya. Hindi pa din talaga naglalaho ang charm nya. Sya pa din ang pinakamagandang babaeng nakilala ko.



"I gotta go. Emergency." paalam ko sa kanya habang nagbibihis. "Dumating na sina bugoy."



"Talaga? How are they?" punung puno ng excitement ang pagtatanong nya.



Nakaramdam ako ng matinding selos. Bakit ako? Hindi mo man lang nagawang kamustahin? Ganyan ba talaga kapag nakapagmove on na? Kapag may iba nang minamahal? Wala nang pakialam.



"Same as me." malamig kong tugon sa kanya.












"Bugoy! Long time no see." bati sa akin ng mga kagrupo ko pagkapasok ko sa office ng group manager namin.



"Lul! One week pa lang." sagot ko sa kanila.



We exchanged high fives before I take my seat.



Nagsimula na kaagad ang meeting namin. Bagama't ni isa sa amin ay hindi pa nagrerenew ng kontrata, nangako kami na ang loyalty naming lima ay mananatili sa Quest. Napagkasunduan namin noong nagsisimula pa lamang kami sa Korea na after 5 years, sabay-sabay kaming papasok sa Army in compliance sa mandatory military service na pinatutupad ng bansa. Ngayong lumipas na ang limang taon, handa na kaming tuparin ang kasunduang iyon. Pero bago kami pumasok, gusto sana naming magrelease muna ng bagong single bilang regalo sa mga fans na sumuporta sa amin.



"So the day after tomorrow, you'll be meeting with Liam for your new song." bilin ng manager namin.



Si Liam Zhang ang resident composer ng grupo namin. He's a musical genius. Halos lahat ng hit single namin sya ang gumawa, or atleast ang draft nanggaling sa kanya. Kami ang naglalapat ng lyrics sa songs, kung gusto namin i-remix pwede din pero ang skeleton nanggagaling sa kanya.



[a/n: Liam Zhang from Chapter 70, idol ni Kristen Yang.]



Natapos na ang meeting kaya nagsimula na naman kaming mag-asaran nina bugoy.



"Ano bugoy, kamusta?" Eid.



"Parang umitim ka ah." biro ni Dave.



"Hahaha. Baka lumalabas ang totoong kulay." pang-asar ni Alex.



"Ni hindi mo man lang kami tinawagan magmula nang makarating ka dito." Stan.



"Oo nga, akala namin nagkita na kayo Tin kaya dumu-Do Not Disturb ka na." Alex.



"O baka nga nagkita na kayo? Ano bugoy, nakita mo na sya?" Dave.



Napatingin ako sa kanila. Papaano nilang nalaman na nasa Pilipinas na si Tin? Ang huling update kasi sa amin noong nasa Korea pa ako ay sa LA pa din nananatili si Tin.



"We bumped into Tito Marcus and Tita Kathy sa airport." sagot ni Eid nang mahalata nya ang pagtataka ko.



"Yeah, 3 months ago pa daw nakauwi si Tin." dagdag pa ni Stan.



"They invited us for lunch tomorrow by the way." Alex.



"Are you coming with us?" Dave.



"Pupunta daw ba sya?" balik tanong ko sa kanila. Nagkibit-balikat lamang sila.



Hindi ko na lang sinabi na nagkita na ulit kami ni Tin at nakahanap na sya ng iba. Hindi ko man naisalba ang puso ko, kahit man lang pride ko manatiling buo.









Ipinasya na namin na magsiuwi na kami sa mga bahay namin kinagabihan. Itutuloy na lang namin ang kumustahan bukas pagpunta namin sa bahay nina Tita Kathy. Drive lang ako ng drive. Laking gulat ko nang mapansin kong boarding house ni Tin ang napuntahan ko.



Ilang beses kong pinagpapalo ang manibela. Pucha Zac! Where's your focus? Why is life always driving you towards her? Bakit ang puso mo lagi na lang gustong umuwi sa kanya?



Pinaharurot ko ang sasakyan nang makita ko syang papalabas ng bahay. You're crazy Zac. Crazy for loving someone who will never be yours again.








The next day, maaga akong nagpunta sa bahay nina Tita Kathy. Hindi na din kasi ako makatulog ng maayos.



Niyakap kaagad ako ng mahigpit ni Tita Kathy na makita ako.



"Ang manugang ko!" she excitedly said. Kung alam mo lang Tita. "How are you?"



"I'm fine tita. Mas bumata po kayo ah."



"Hmp! Bolero!"



Dumating naman si Tito Marcus at nakipag-kamay sa akin.



"Tita, masyadong madami yata kayong dalang pasalubong." biro ko kay Tita Kathy. Ilang kahon na kasi ang ibinababa ng cargo truck.



"Mga gamit yan ni Tin sa apartment nya sa LA. Hindi na nya naiayos dahil sa pagmamadali nyang umuwi dito so kami na lang ang nagdala." paliwanag ni Tita.



"Bakit po ba sya biglang umuwi?"



"Hmm.. Una kasi hiring ng music teacher sa MVU, the same job she has in LA. Pre-school teacher din sya. Then, dahil sa'yo. Kasi tapos na ang contract mo at hindi ka na nagrenew so she assumed babalik ka ng bansa."



Buong pagtataka akong napatingin sa mukha ni Tita Kathy. Tila nabasa naman nya ang nasa isip ko.



"You know what Zac, she might be physically apart from you. But she remained emotionally attached to you. Wala man sya sa tabi mo, nanatili syang nakabantay sa'yo. Inalagaan ka nya though you're miles away from her."



Tita Kathy pat me on my head. "Zac, please assist them sa pag-aakyat ng mga kahon sa kwarto ni Tin. Same room pa din."



Sinamahan ko na yung mga staffs ng cargo company sa kwarto ni Tin pero paulit-ulit ko pa ding naalala ang huling sinabi ni Tita Kathy.



Inalagaan ka nya though you're miles away from her.



Inalagaan ka nya though you're miles away from her.



Inalagaan ka nya though you're miles away from her.





What does that mean?



Isang malaking kahon na ibinaba ng mga cargo staffs malapit sa couch ang nakakuha ng atensyon ko. It has a FRAGILE warning written on it.


I grabbed a scissor and sliced the top part. Habang binubuksan ito, nagdarasal ako na sana nasa loob ng kahong ito ang mga sagot sa tanong ko.



Isang malaking ZSADE banner na gawa sa tela ang nakatakip sa mga laman ng kahon. Nang tanggalin ko ito, ay isang pink na box naman ang nakita ko. Mga polaroid photos nya ang laman nito. And those photos were taken during... ZSADE's series of concerts and tours. Even the concert tickets were there. Halos lahat ng concerts namin pinuntahan nya based on these stuffs. She has all the versions of our fanlights. Posters, calendars, albums. Name it, she has it.



There's this photo of me and a fan na nakasuot ng cap and mask, nakalagay pa ito sa isang magandang frame. I opened the frame at natawa ako sa nakita kong nakasulat sa likod ng picture na yun.



Finally met my baby boy. - Zac's 1st solo fanmeet.



"Stalker." bulong ko. Nakagat ko ang labi ko sa pagpipigil na maiyak.



Bakit hindi ko man lang namalayan na nasa paligid lang pala kita?




"Zac, what are you doing?" napahigpit ang hawak ko sa frame nang marinig ko ang boses nya.



Lumapit sya sa akin at marahang kinuha ang frame mula sa kamay ko.



Tiningnan din nya ito, napangiti sya at nahihiyang napakamot sa batok.



"Oh my... you knew..." she said.



Kinabig ko sya at niyakap nang mahigpit.



"Zac..."



"Hush.. Just let me hold you, please." I beg her. I missed her so much, her scent, her breathing, her body next to me. I want to feel her warmth. I want to enjoy this moment. Kung ano pa mang gumugulo sa isipan ko, ayaw ko na munang intindihin. Tsaka na ako magtatanong, ang tanging gusto ko lang muna ngayon ay ang maramdaman ang pagmamahal nya.




Lumabas kami ng kwarto at bumaba ng hagdanan nang magkahawak-kamay.



"Oh my gee!" tili ni Reesh nang makita kami. Kadarating lang nya kaninang madaling araw from Korea.



"Nagkabalikan na kayo!" dagdag pa nina Hana at Cara na umuwi din kasabay ni Reesh.



"Best, Hana, Cara." Tin said. Kakawala sana sya sa pagkakahawak ko sa kamay nya pero hindi ko sya binitawan. Ayaw ko syang mawala sa tabi ko, kahit ngayon mga oras lang na 'to.



Naramdaman naman ito nina Reesh kaya sila na lamang ang yumakap kay Tin.



"Whatever it is, I'm happy for both of you." Reesh said to me and then pat me on my shoulder.



Isa isa ding yumakap sina Eid, Dave, Alex at Stan sa kanya.



"Tin, this is my girlfriend, Gwen." pagpapakilala ni Stan sa long time girlfriend nya na si Gwyneth Song. She was the fangirl who Stan fell for, nagmomodel na sya ngayon.



Makalipas ang ilang minutong kamustahan, tinawag na kami ni Tita Kathy for lunch. Inasikaso kong mabuti si Tin habang kumakain, gusto kong makabawi sa mahabang panahon na pinagdudahan ko sya.



"Hey, it's okay. I can take care of myself." natatawang bulong ni Tin sa akin.



"Pabayaan mo na sya Tin, miss na miss ka lang talaga ng bugoy na yan." kantyaw ni Eid.



Naging napakasaya ng lunch namin, just like the old times.



"Hey, wag kayong mawawala sa kasal ni Ate Zhy." bilin ko sa kanila bago kami maghiwa-hiwalay that afternoon.



"Oo naman, kami pa?!" Stan.



"Hindi matutuloy ang wedding kapag wala ang mga flowerboys." Alex.



Lahat kasi ng members ng ZSADE pati mga girlfriends ay abay sa kasal nina Ate Zhy at Kuya Tyler.



Nanatiling nakatayo sa pintuan si Tin at pinapanuod ang pagkukulitan namin. Lumapit ako sa kanya nang makaalis na sina bugoy.



"I can't believe we are standing this close again." she hissed. "That I could still look straight to your eyes. I wish this isn't just a dream."



Hinawakan ko ang kanang kamay nya at dinala sa pisngi ko.



"You aren't dreaming Yam, this is reality. What we have is real."



Ngumiti sya sa akin. "You are my dream come true."



"Hey love birds." tawag ni Tita Kathy sa aming dalawa.



"Tita naman oh, spoiler." biro ko.



"Sus, you have plenty of time for that. Ito muna ang unahin nyo. Zac samahan mo na muna si Tin sa boarding house nya para kumuha ng mga personal na gamit. She agreed to stay with us for a week, although actually mas gugustuhin kong dito na talaga sya sa bahay permanenty titira."



"Mom, we already talked about that."



"I know, I know. You want to be independent, pero hindi pa ba sapat ang halos tatlong taon na humiwalay ka sa amin?"



"Mommy..."



"Okaaaay! Basta this whole week, dito ka sa amin ng daddy mo uuwi."



"I promise!"



Humalik na sya sa pisngi ni Tita Kathy pagkatapos ay sumakay na sa kotse ko. Tahimik lang kami pareho along the way. Ngumingiti sa isa't isa kapag nagkakahulihan ng tingin.



I reached for her hand and kissed the back of it. God! I could live like this forever.



"Tell me about yourself." sabi ko sa kanya.



"What? Are you serious?" natatawang reaksyon nya sa sinabi ko.



"Yeah. How your life had been for the past five years. Kasi ako, alam mo na ang nangyari sa buhay ko, my beautiful stalker!" pangungulit ko sa kanya.



I heard her chuckle. Tumingin muna sya sa bintana bago nagsimulang magkwento. She studied music in LA for 2 yrs and then she took up education for another 2 yrs. Nagturo sya for a year as a music teacher sa isang pre-school din sa LA. When she found out about the hiring sa MVH umuwi daw sya kaagad at nag-apply.



"Parang iba yata ang kwento ng mommy mo."



"Paanong iba?"



"Sinusundan mo lang ako the whole 5 yrs, pumupunta ka sa mga concerts namin, bumibili ng mga albums at merchandise. Fumafangirl sa kagwapuhan ko, in short. Umuwi ka pa nga daw dito kasi alam mong uuwi ako eh."



"Ang yabang mo!" she exclaimed. I can see disbelief in her eyes. Napapailing pa sya. Pero yun mga pisngi nya namumula. Halatang nabuko din sya.



"Okay lang yan. Maganda ka naman eh." I winked at her. Lalo syang nagblush.



Bumaba sya kaagad ng kotse pagkatigil namin sa harap ng boarding house nila.



Uminit ang ulo ko nang salubungin sya ng yakap nung kutong-lupang Rye.



"Pare get your hands off of her." inalis ko kaagad ang kamay nito kay Tin.



"Woah! What' you problem bro?" itinulak nya ako sa balikat.



"Wait, stop it guys. Don't make a scene." awat sa amin ni Tin.



"Ang yabang nito eh, porke't idol sya."



"Oh anong problema mo kung idol ako? Naiinggit ka?"



Saktong lumabas naman si Kristina.



"Anong nangyayari dito?" tanong nya.



"Ikaw na muna ang bahala kay Zac." binilin sa kanya ni Tin at hinila na nito sa tainga si Rye papasok sa bahay.



I can't believe it. She left me here and choose that asshole? Tang*na Tin! Ano na naman 'to? Pinaglalaruan mo ba ako?



"Hello, earth to Zac." Kristina snapped her finger in front of me.



"Hi. Sige uuwi na ako." paalam ko sa kanya.



Badtrip! Akala ko magiging maayos na ang lahat, hindi pa pala.



"Hindi mo na sya hihintayin?"



"Bakit pa? Mukhang busy naman sya boyfriend nya?"



"Boyfriend? Hindi ba ikaw ang boyfriend nya?" nagtatakang tanong nya sa akin. Napakaclueless ng hitsura nya.



"Hindi ako. Yun, yung kumag na lalaking kasama nyang pumasok ng bahay. Aalis na nga ako. Badtrip!"



"Teka lang." pigil na naman sa akin ni Kristina. Teacher ba talaga 'to, bakit ang slow? "Si Rye? Eh ako ang girlfriend nya eh."



"Anong sinasabi mo, eh nakita mismo ng dalawang mata ko nung yayain ni kutong-lupa na maging girlfriend nya si Tin?"



Ang kutong lupang yun, two-timer pa pala. Uupakan ko na talaga sya kapag nakita ko.



"Ah.. Alam ko na kung anong sinasabi mo, yung sa rooftop. Tama?"



"Oo na, sige na, alis na ako."



"Wait. wait. wait! Sandali naman." pigil na naman nya sa akin. "Wag mong sineseryoso yung eksenang yun ni Rye. Pakulo lang nya yun."



"Anong ibig mong sabihin?"



"Ex-boyfriend ko si Rye that time. Nagpapatulong lang sya kay Teacher Kaye para magkabalikan kami. Alam mo na, pretend girlfriend. Sinusubukan lang ni Rye kung magseselos ako, kasi kung oo, ibig sabihin daw may feelings pa din ako sa kanya. Ito namang si Kaye, sinasabi sa akin lahat ng efforts na ginagawa ni Rye to win me back. Parang sya yung tumatayong bridge naming dalawa. Ganun. At kahapon, thanks to you, nagkabalikan na kami." mahaba nyang paliwanag.



So yun naman pala ang nangyari. Peste Zac! Assume ka kasi ng assume. Di ka pa din talaga nagbabago. Mabuti na lang makulit itong si Kristina, kung hindi baka nagkalabuan na naman kayo Tin.



"May sasabihin akong sikreto sa'yo." bulong nya sa akin bago bumalik sina Tin. "Di ba pumasok ka sa kwarto namin last time? Sa taas ng double deck ni Tin sa kwarto, puro mukha mo ang nandun. Sa mga photobooks mo na nga yata nauubos ang sweldo nun eh."



Napangiti ako sa sinabi nya. Ang stalker ko talaga, sobrang ganda.



"Uiiii, kinikilig." kantyaw sa akin ni Kristina.



"Teka, papaano mo nga palang nalaman na pumasok ako sa kwarto nyo?"



"Naiwan ko kasing naka-on ang camcorder ko eh. Pasalamat ka, magkaibigan tayo, kung hindi, naku pinagkakitaan ko na ang topless video mo."











KRISTEN'S POV




"Best!!! Delivery!!!" sigaw ni Reesh mula sa labas ng kwarto. Kaagad namang nagtakbuhan pababa sa salas sina Cara, Hana at Gwen.



Nagkatawanan na lang kami ni Thalia. Dumating din sya galing Korea, abay din kasi sya sa wedding nina Ate Zhy at Kuya Tyler.



Ipinasok nila kaagad sa kwaro ang malaking box.



"Kanino nanggaling?" tanong ni Ate Thalia.



"Walang nakalagay na sender eh." sabi ni Gwen.



"Buksan mo na, bilis!" Hana.



"Oo nga, kapag di mo binuksan, kami ang magbubukas nyan." Cara.



"Here." iniabot sa akin ni Reesh ang safety cutter.



Huminga muna ako ng malalim. Ano kaya 'to? At kanino nanggaling?



Halos himatayin ako nang makita ang laman ng box, puro sunflower. Bawat isang piraso nito ay may nakalakip na card.



I never knew love until I met you.



Like a sunflower forever blooming in a land of sorrow, your love is like the dawn forgetting tomorrow.



When I count my blessings I count you twice.



I will protect you and love you and never depart because my love for you comes from the depth of my heart.



Kasabay ng patuloy na pagbabasa ko ng mga kalakip na cards, patuloy din ang pagtulo ng luha ko. Nang matanggal na namin ang lahat bulaklak sa kahon, doon ko nabasa ang note mula sa kanya.



Ready for the grand finale? Just look outside. - Yam



Binuksan kaagad nina Hana, Cara at Gwen ang pintuan papunta sa balcony ng kwarto ko. Halos ipagtulakan naman ako nina Reesh at Thalia papalabas.



Eksaktong tumayo ako sa gitna ng balcony, isang kanta ang nagsimula tumugtog. Nagmula ito sa garden. Nakita ko ang Kuya Axel ni Hana at mga bandmates nito.



[a/n: Please play on the external. Marry Me by Jason Derulo]



A hundred and five is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with you


Tumingin ako sa ibaba, nasa gitna ng malawak na garden si Zac at sumasayaw habang nakatingala sa akin.



Wake up every morning with you in my bed

That's precisely what I plan to do


And you know one of these days when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

We'll forever be in love, so there ain't no need to rush

But one day I won't be able to ask you loud enough



I'll say, "Will you marry me?"

I swear that I will mean it

I'll say, "Will you marry me?"



Sinamahan sya ng ZSADE sa gitna at nakisayaw sa kanya.



Singing

Ooh whoa ooh oh

Ooh whoa ooh oh

Ooh whoa ooh oh

Oh, yeah


How many girls in the world can make me feel like this?

Baby I don't ever plan to find out

The more I look, the more I find the reasons why

You're the love of my life



This time sina Reesh, Thalia, Gwen, Hana at Cara, nakikisayaw na din sa tabi ko, same as the dance step na ine-execute ng ZSADE.


You know one of these days when I get my money right

Buy you everything and show you all the finer things in life

We'll forever be in love, so there ain't no need to rush

But one day I won't be able to ask you loud enough



Dumagdag na din sa ibaba sina Mommy, Daddy, Tita Zaida, Ate Zhy, Zia, Ate Tori, Ate Tia, Ate Tracey, Kayzer, Kuya Tyler at ang kambal na sina Bianca at Camille.


Pati mga managers ng ZSADE nakikisayaw na din.



I'll say, "Will you marry me?"

I swear that I will mean it

I'll say, "Will you marry me?"



Iniabot ni Axel ang microphone kay Zac, and Yam sang the bridge of the song habang sumasayaw pa din.



And if I lost everything

In my heart it means nothing

'Cause I have you,

Girl, I have you

To get right down on bended knee

Nothing else would ever be better, better

That day when...



They formed a heart shape sa gitna ng garden kasama na din pati mga kasambahay, guards at drivers namin. Hindi ko na nga namalayan na bumaba na din pala sina Hana, Cara at Gwen. Sina Reesh at Thalia na lang ang kasama ko sa balcony.


Nasa gitna ng heart si Zac.



I'll say, "Will you marry me?"

I swear that I will mean it

I'll say, "Will you marry me?"


I'll say, "Will you marry me?"

(I'll get down on one knee)

I swear that I will mean it

I'll say, "Will you marry me?"


Got me singing

Ooh whoa ooh oh

Got me singing

Ooh whoa ooh oh

Would you marry me, baby?

Ooh whoa ooh oh

Ooh whoa ooh oh

Ooh whoa ooh oh


A hundred and five is the number that comes to my head

When I think of all the years I wanna be with you

Wake up every morning with you in my bed

That's precisely what I plan to do, yeah.



Matapos ang sayaw humilera sa likod ni Zac sina Alex, Dave, Stan at Eid. Itinaas nila ang mga placards na dala nila.



Alex holds the word "WILL"

Dave has "YOU"

"MARRY" was with Stan.

At yung "ME?" ay hawak hawak ni Eid.



Kinusot ko pa ng ilang beses ang mga mata ko, baka kasi mali lang ako ng basa.



"Will you marry me?" tumingin ako kina Thalia at Reesh. "Did I read it right?"



Tumango sila pareho at iniabot sa akin ang dalawang placards, one says "YES" while the other says "YES!".



Natawa na lang ako. Yes naman pareho ang nakalagay eh, may exclamation point lang yun isa.



Paglingon kong muli kay Zac na nasa garden pa din, nakaluhod na sya holding the red box with a ring in it.


Pinunasan ko muna ang luha sa pinsgi ko, bago magkasabay na itinaas ang dalawang placards.



"YES NA YES!" buong kasiyahan na sigaw ko pa.



Ilang segundo lamang ang lumipas nakaakyat na sa balcony si Zac. Pinunasan ko din ang mga luha sa pisngi nya. Hinawakan nya ang mukha ko.



"I love you." he said.



I bit my lower lip. "I love you too."



Niyakap na nya ako nang mahigpit.



"Wait, yung singsing, isuot mo na, baka magbago pa ang isip mo." biro nya sa akin.



The ring perfectly fits my finger.



"Sakto!" komento nya.



I starred dreamily on his face. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Parang kaylan lang nang nagkakilala kami, hindi magkasundo dahil sa pagkakaiba ng ugali. Nasa opposite poles kami kumbaga. He has the positive vibe and I'm the negative one. But slowly, tinuruan nya akong mag-open up sa mundo. He didn't make me forget the past, he only taught me to use it as a tool to get through the present and face the future. He never left me on the darkest days of my life. Tinuruan nya akong maging matapang. Sinamahan nya ako sa lungkot at saya. He has been my savior, my haven. He loved me unconditionally. He's everything I prayed for.


Hindi ko mababayaran lahat ng ginawa nya para sa akin. Ang maibibigay ko lamang ay ang buong puso ko. That I'll love him for eternity.



"Totoo ito Yam, totoong totoo. Hindi ka nananaginip." he assured me.




"Noong nakilala kita ang gusto ko lang talaga ay maresolba ang mystery sa pagkatao mo. Kung bakit may lungkot sa mga mata mo. Hindi ko akalain na ang curiosity palang yun ang maglilead sa akin sa babaeng gugustuhin kong makasama habang buhay. Binuhay mo ang lahat ng emosyon na hindi ko noon kilala. Pinasaya mo ako, pinalungkot, ginalit, pinag-alala, nagpamiss ka ng sobra sobra, pinangiti sa mga pinakamalulungkot na araw ng buhay ko. Baduy mang pakinggan, ikaw ang nagbigay kulay sa mundo ko. At wala na akong hihilingin pa sa Diyos kundi ang magising sa umaga na pagmulat ng mga mata ko'y ikaw ang una kong makikita. At sa gabi sa pagpikit ko, ikaw din ang huli. Naghiwalay tayo noon dahil gusto mong tuparin ko ang mga pangarap ko, akala ko natupad ko na ang lahat ng iyon, hindi pa pala. Kasi hindi pa kita nakakamit. Pero ngayong araw, na sinagot mo ako ng oo, I can now say na karapat-dapat na ako sa'yo. Buo na ang pagkatao ko. Naresolba ko na ang mysteryo sa buhay, at ikaw yun, KRISTEN YANG, My Mystery Girl."



"I love you." I told him with all my heart.



"I loved you yesterday." He kissed me on my forehead.



"I love you right now." I kissed both his eyes.



"I'll love you from now on." He kissed me on the tip of my nose.



"I'll love you forever."



"For eternity."



And then we sealed it a kiss.









[a/n: And that's how Zac and Tin's roller coaster love story ended. Pasensya na inabot ng halos tatlong taon bago natapos. Salamat ulit sa lahat ng sumuporta sa story na 'to. Sa lahat ng nag-allot ng oras at panahon sa pagbabasa, pagvote at pagcomment pati na din sa mga nagpromote. Maraming maraming salamat chingus. Hindi man ako ganun kagaling na writer, naappreciate nyo ang story na ginawa ko. Sorry sa mga delayed updates at sa mga hindi ko na nareplyan na comments ah kung meron man. Subukan kong balikan ang mga comments sa bawat chapters at sagutin kayo. Wag na magtampo ah. :))


Thank you once again sa inyong lahat! And I hope to see you on my next story.



WANTED: A GUY NAMED ICE.



Please support it also, the way you supported MMG. Thank you so muchie. Love yah everyone. God bless us all. ]

Continue Reading

You'll Also Like

227K 5.4K 27
Masarap magbakasyon sa malayong lugar.. Sa lugar kung saan makakapag-relax ka.. Kung saan malayo ka sa polusyon at sariwang hangin ang iyong malalang...
387K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
18.1K 956 29
Amber, Zianna, Kelly and Alyanna been known as the Meanest Queen's in their former school, The Moran International High. While Drex, Nathan, Grey and...
10.8K 155 112
This is my first work. HOPE YOU LIKE IT <3 Mahal ko kayo hahaha.