Please, Say Yes.(Under Editin...

By Ci9nus

3.7K 852 491

"How can I forget you when you gave me so much to remember?" [On-going] More

Disclaimer
PROLOGUE
C1
C2
C3
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C32
C33
C34

C4

119 46 35
By Ci9nus

PLEASE, SAY YES.

Medyo maingay na sa labas ng matapos ako sa paglilinis. Hindi ko makita kung anong oras na pero dahil sa kaingayan ay alam kong break time na.


Pagod at gutom ang nararamdaman ko sa oras na 'to.

Obviously, hindi ko na pinasukan ang sumunod na subject ko dahil na rin sa pagod at katamaran, nag stay lang ako sa loob ng CR na nilinis ko para hindi ako mahuli nong guard na naglilibot libot.

Paano ka ba naman hindi tatamarin, Pinaglinis ka ba naman ng CR na ang baho. May natira pang jebs sa isang inidoro kanina.

Tapos dumagdag pa 'yong babaeng bobo na mukhang pinaglihi sa coloring book sa sobrang kapal ng make up. Buti hindi sinisita ang ganon.

Shutanginamers niya talaga. Siya nagpatagal ng trabaho ko kanina eh.

Pero thanks to her parin ng konti dahil sa pagpapatagal niya sakin ay hindi ko pinasukan ang iba kong subject.

Bago pa maubos ang oras ng breaktime, umalis na ako sa pinaroroonan ko at nagsimulang naglakad papuntang canteen dahil gutom na talaga ako.

Si Pres. Isa pa iyon! Hindi manlang ako tinulungan sa kabagsikan ni Miss Lambanog. Alam ko namang hindi kami close pero sana manlang.

"Ang baho talaga nung Cr na yun shuta! Hinding hindi na ako babalik doon, peksman mamatay man si Pres." Sambit ko pagkatapos kong Bumuntong hininga.

Pamatay talaga iyong amoy..

Naglalakad lang ako ng matiwasay habang iniisip kung anong pwedeng kainin ngayon, nang sa di inaasahan ay namataan ko si Pres. May babae siyang kasama. Ang labi niya ay Todo ang ngiti.

"At may gana ka pang tumawa pagkatapos mo akong pabayaan kanina?" Sambit ko sa sarili.

Napaka walang konsenya mo naman.

Ngiting ngiti siya kung makipag-usa. Binaling ko ang tingin sa babae na kausap niya. Tinignan ko ang kabuuan niya. Maliit at mukhang bata pa. Maayos ang pagkakaipit niya sa buhok na may tatlong hairpin. Halatang anak mayaman sa unang tingin. Nang tingnan ko ang suot nito, doon ko lang napagtanto na hindi namin ito schoolmate. Iba ang suot nitong uniporme. Naka-maroon siyang necktie at maroon-white stripe skirt siya.

Dahil sa kuryusidad, Unti unti akong lumapit sa kanila. Nagtago ako sa malapit sa knaila at nakinig sa kanilang pinaguusapan.

"Okay po.. Kumain ka na?" Rinig kong malambing na boses na tanong ni Pres sa babae.

Talandi ka..

"No pa.." Ginulo ni Pres ang buhok nong babae saka ngumiti nang pagkalaki laki. "You? Kumain ka na?" Balik na tanong nong babae kay Pres.

"Not yet... Let's go? Recess, My treat." Pag-aaya niya sa babae saka hinawakan sa braso.

"Saya mo ha." Sarkastikong bulong ko.

Dahil dakila akong loko may naisip akong kalokohan.

"Okay!" Rinig kong sagot ng babae sa paunlak ni Pres na mag recess.

Akmang aalis na sila, agad akong lumabas sa tinataguan ko saka nagmamadaling pumunta sa harap ni Pres.

"Honeybabyloves! Sino siya!? Pinagpalit mo na ako!? Manloloko ka!" Sigaw ko kay Pres sabay sampal sa kanya, kitang kita ko kung paano tumagilid ang ulo niya dahil sa pagkakasampal ko.

Gulat niyang ibinalik ang tingin sakin habang hawak ang pisnge niya. Napansin kong iyong babae ay hinablot niya at inilikod ito. Nakatikom lang ang bibig nang babae at halata ang gulat na mukha nito.

Ang gulat na mukha ni Pres kanina ay napalitan ng galit ng lumapit siya sa akin.

"What the fuck!?" Sigaw ni Pres sa mukha ko at hinawakan ang braso ko ng napakahigpit.

Pilit kong inaalis ang mga kamay niya sa dalawang braso ko ngunit hindi ko kaya ang lakas niya. Magsasalita na sana ako at akmang babawiin ang sinabi ko dahil nakakatakot pala siya magalit, nang bigla nalang din siyang sumigaw na nagpatigil sa'kin.

"No! Of course not! I'm not cheating on you HONEYBABYLOVES! Alam mo namang ikaw lang ang mahal ko!" Sambit niya na nagpatigil sakin.

Ramdam ko parin ang kamay niya sa braso ko pero mas ramdam ko ang nagiinit kong mga pisnge. Ilang segundo akong natulala at pinakatitigan ang mukha niya bago ako bumalik sa wisyo.

"A-anong sinasabi mo!?" Takang balik ko sa kanya dahil hindi ko akalain na papatulan niya ang kabaliwan ko. Nilingon ko ang paligid, at buti nalang ay walang nakarinig sa sinabi nito dahil konti lang ang mga estudyante sa Lugar na 'yon.

Nabalik lang ang tingin ko sa kaniya nang gumalaw ang kamay niya sa braso ko. Nasaksihan ko kung paano mang gigil ang panga nito. Napansin ko rin ang bakat ng kamay ko sa pisnge niya.

"What?! HONEYBABYLOVES? Believe me, I'm not cheating on you!" Ulit niya at diniinan niya pa talaga 'yong honeybabyloves.

Inilibot ko ang paningin ko dahil nakarinig na ako ng kaunting mga bulungan. Mukhang may nakapansin na samin. Masama ang tingin ng iba sa akin, at 'yong iba naman ay nagtataka kung anong nangyayari. Binalik ko ang tingin ko kay Pres na galit ang mata pero nakangiti.

Ang creepy...

"A-ah Pre–"

"Shh stop talking HONEYBABYLOVES." He said and then he put his index finger to my lips, trying to shut my mouth. Natigil ako dahil doon. Sasagutin ko na din sana siya, nang magsalita iyong babaeng nasa likod niya kaya hindi ulit ako nakaimik.

"Omg! No, ate! It's not what you think! He's not cheating on you!" Sambit nong babae kaya napabaling sa kaniya ang tingin ko. Nagpapanic ang mukha niya na parang hindi alam kung anong sasabihin.

"Yes HONEYBABYLOVES." Pagsang-ayon pa ni Pres saka ako binitawan kaya agad akong lumayo ng kaunti, pero agad rin niya akong hinila at inakbayan. Napasubsob pa ako sa matigas niyang dibdib.

Pilit kong inaalis ang pagkaka-akbay niya sakin pero hindi ko kaya dahil ang tangkad niya at walang laban ang lakas ko sa lakas niya.

Tuloy parin ako sa pagtanggal ng braso niya sakin, nang magsalita ulit 'yong babae na nakatitig sa amin at nagaalanganing kung ngingiti ba o hindi.

"He's my kuya po ate, So probably he's not cheating on you po. Hindi niya ba tinold sayo?" Conyong sabi niya na ikinatigil ko sa pagpupumiglas.

Nablangko ang isip ko nang sabihin nitong kuya.

KUYA!?

I'm doomed!!

"Anong k-kuya?" Painosenteng sabi ko na kunwaring wala paring ideya sa sinasabi niya. Prinoseso ko sa isip ang nangyari kani-kanina lang.

"Yeah, Oh I'm sorry." Sabi niya sabay abot ng kamay niya sa harap ko. "I'm Gabriella, Gab's younger sister. Nice to meet you ate! I didn't know na may girlfriend na pala si Kuya!" Dagdag niya pa sabay ngiti sakin.

Hindi ko maigalaw ang katawan ko dahil sa nalaman ko.

Nakakahiya. Para akong girlfriend na nagseselos sa tingin niya.

"Uhm.. I'm sorry too. Hindi ko alam na ano.. I'm Dernabeth pala, and I'm not his gir––"

For the third time, hindi ko na naman natuloy ang sasabihin ko dahil sumabat na si Pres.

"My girlfriend." Nakangiting sabi ni Pres sa kapatid niya. Tumingala ako sa kaniya ng nanlalaking ilong at nagtagpo ang mga mata namin pero hinigpitan niya lang ang akbay niya sakin.

Anong pakulo 'to!

"N-no! I'm no–"

"Let's go recess na tayo. I know you're hungry too HONEYBABYLOVES. Nagtago ka pa talaga para lang makita ako." Inakay na niya ako patungo sa direksyon ng canteen. Pilit kong tinatanggal ang pagkaka-akbay niya pero mas lalo lang niyang hinihigpitan. Kaya hindi na ako nakapalag.

Akala ko masarap ang headlock! Nakakamatay pala tangina!

Nang magsawa ako sa kakapumiglas dahil wala lang rin akong napapala, Pinasadahan ko nalang ng tingin si Gabriella.

Nakangiti siya samin

No..

Mali ang iniisip mo..

Umiling iling ako sa kaniya pero nginitian niya lang ako. Akmang kakausapin ko na siya tungkol sa maling nagawa ko, at sasabihing mali ang iniisip niya. Nang hindi ko pa lang nabubukas ang bibig ko, ay may kamay ng kumuha sa baba ko at ipinaharap sa daan.

Ang tanga ko!

Lamunin na ako ng lupa ngayon na!

C I 9 N U S

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 17.3K 76
"Vincent please let me go" "I said no so stop fucking asking me" "please" "If you ask me again I'll put you over my knee and lock you in our room unt...
3.4M 81.6K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
4.6M 137K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
24.9K 772 15
Y/N L/N, is a teenager who lives alone and who has an addiction for alcohol... What will happen when he has to tutor five dumb girls with his best fr...