Please, Say Yes.(Under Editin...

Ci9nus

3.7K 852 491

"How can I forget you when you gave me so much to remember?" [On-going] Еще

Disclaimer
PROLOGUE
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C30
C31
C32
C33
C34

C1

254 54 36
Ci9nus

PLEASE, SAY YES.


"Oh Romeo! Romeo!" Bungad ko sa sarili pagkagising ko. Na-lss ako sa pinanood ko kagabing movie na Romeo and Juliette, na hanggang ngayong pag-gising ko ay hindi ko makalimutan ang linya na 'yan.

Pinanood ko ang movie na 'yon dahil narinig ko sa mga abnoy kong kaklase na nakakaiyak raw. Kaya ayon, pinanood ko rin.

Totoo namang nakakaiyak.

Nakakaiyak kasi wala akong maintindihan. Tangina walang subtitle. Para silang nag sasalita ng alien language.

Hinding hindi ko na uuliting panoorin iyon. Bwesit lang.

Inaantok pa ako pero tangina, may pasok pa ako.

Handa na sana akong muling humiga sa aking kama nang bigla nalang bumukas ang pinto ng aking kwarto at iniluwa nito si Mama.

"Derna! Umagang umaga nag-iinit ulo ko sayo! Maligo ka na at may pasok ka pa!"

"Oh Juliette!" Iniabot ko ang aking kamay sa kaniya mula sa malayo.

"Sinong Juliette!?" Nagpamewang siya sa pintuan at bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay.

"Mamamo." Tumayo na ako sa kama at humakbang palayo sa direksyon niya.

Alam kong maya-maya lang ay mabibigwasan na ako.

"Ha!?" Lumakas ang boses niya at unti-unting humahakbang palapit sa akin.

"Hakdog na brown." Sagot ko muli sa kaniya.

"Na-engkanto ka ba!?"

"Secret."

Pagkasabi ko palang nang linya na 'yon, agad nang may lumipad na tsinelas papunta sa akin.

"Pinagiinit mo ang ulo ko! Pumasok ka!"

"Eh, Ma! Ang aga-aga nag-iinit rin ulo ko sayo. Hindi ako papasok! Magpapractice akong mag acting! Sasali ako sa Pbb!" Umirap ako sa kaniya.

"Anong acting!? pbb!? Ang pangit mo hindi ka makakapasok ro'n!"

Nanlalaking mata akong tumingin sa kaniya at dinamdam ang sinabi niya. Anong konek ng acting ko sa pagsabi niya sakin ng pangit? Ang sakit ha!

Mapapa-wow ka talaga sa sakit magsalita ng inako. Grabe ka Ma. Inaka.

Umiling ako sa kaniya at marahang humakbang papunta sa harap niya. Dahan dahan akong lumuhod saka tumingala sa kaniya at tinignan siya nang may malungkot na ekpresiyon.

"Ang sakit! Ang sakit sakit ng mga ginawa mo sakin! bakit!? Hindi mo na ba ako mah- Aray!"

Hindi ko natuloy ang aking sinasabi sa kadahilanang binatukan na niya ako.

Tagos hanggang bungo tangina!

"Maligo ka na sabi! May pasok ka pa!" Nakapamewang na sabi ni Mama.

Nakahawak sa ulo akong tumayo sa pagkakaluhod at madramang humarap sa kaniya.

"Oo na, oo na. Lagi mo nalang akong ginaganito.. Siguro hindi mo ako tunay na anak.."

Akmang hahawakan ko na sana ang pisngi niya, nang hindi iyon matuloy dahil nakita ko ang mukha niyang halatang hindi tatalab kay Mama ang acting skills ko.

Mabilisan niyang inabot ang isa niya pang tsinelas at itinutok sakin.

"Wag Ma!"

"Tigilan mo ako sa katangahan mo, ha!? Ang pangit mo na nga, wala ka pang talent!"

"Eh ikaw rin nam-"

"Aba sasagot ka pa?!"

"H-hindi na po..." Sagot ko kay mama dahil naka-amba na naman siya ng batok sakin.

Brutal talaga

"Maligo ka na at baka malate ka! Umayos ka sa school ha!? Sinasabi ko sayo! Nakakahiya sa Lola mong nagpapa-aral sayo!"

Banta niya sakin kaya umirap nalang ako sa hangin dahil naalala ko nanaman sila.

Bakit ba kasi nila ako pinag-aaral! Ayokong mag-aral lalo na't sa lahi nila nanggagaling ang perang ginagastos sa akin. Okay lang sana kung sa iba kinuha ni Mama 'yong pera. Pero kasi.. kung pwede naman kasing hindi na ako mag aral eh!

Psh

"Nandiyan na 'yong uniform mo. Binilhan ka ng Lola mo nang bago. Please... Wag mo nanaman sanang sirain. Hahambalusin talaga kita!" Salita niya ulit saka tinuro ang uniform ko sa likod nang pintuan.

Humakbang siya papunta sa pinaglalagyan ng tuwalya ko at agad iyon kinuha. Binato niya sakin iyon na agad ko rin namang nasalo.

About sa sinabi niyang uniform ko na nasira, Napunit. Ay hindi pala.

Pinunit!

Pinunit nang kaaway ko.

Aba sinabunutan ba naman ako habang naglalakad ako papasok sa gate ng school namin. Edi sinapak ko, tapos bigla bigla nalang manghihila ng uniform. Tss

"Oo na!" Sagot ko kay Mama.

Tinignan pa ako ni Mama ng ilang segundo bago lumabas sa kwarto ko.

Napayuko ako at bahagyang nangilid Ang luha ko dahil naalala ko nanaman ang nakaraan na iyon.

Kung hindi lang sana nila kami iniwan kamusta kaya kami ngayon.

Iniling ko ang ulo at pilit winawaksi ang naisip.

Wag mo silang isipin Derna! Umagang umaga sinisira nila ang beauty mo.

Pinahid ko ang nangilid kong luha at bumuntong hininga bago naglakad papasok sa banyo dahil baka maabutan nanaman ako dito ni mama at kaltukan ulit ako.

Ang sakit pa naman mangaltok no'n. Abot hanggang bone marrow.

Naligo na ako at ginawa lahat kailangang gawin sa banyo.

"So fresh, So pretty, So sarap! Ang sarap mo talaga Derna." Pagkakausap ko sa sarili saka nag pose sa harap ng salamin. Merong naka peace, naka fuck you, at naka-

Wait!

Bakit!? Ano to!?

Napansin kong may bukol sa noo ko. Nadagdagan nanaman ang pimples ko!

"Anong karapatan niyong dumami eh wala akong sinabi sa inyong dumami kayo!?" Pinisil ko pa ang pimples ko na patuyo na, Ang satisfying.

"Edi sana gumawa nalang kayo ng sarili niyong katawan at dun magpadami! Ako pa peperwisyohin niyo!" Sabay pisil sa pimples kong tuyo "Aray! Shuta kang pimples ka!" Tangina! Hindi pa pala tuyo! Ang sakit! dumudugo na.

Ba't ko pa kasi kinurot.

"Ano? Diyan ka nalang?"

Napalingon ako sa likod ko at namataan kong nandoon na naman si Mama. Agad akong umalis sa kinaroroonan ko at nagmamadaling tumakbo sa direksyon niya.

"Ma! Wait lang hindi ka ba naaawa sa'kin? Look! Pumutok 'yong pimples ko.." Aniko sabay lapit ng mukha ko sa kanya.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na ang pangit mo. Lumayo ka nga sakin! Bilisan mo na diyan at kakain na! Malelate kana! O balak mo talagang magpalate!? Ikaw na babae ka talaga!" Agad kinuha ni Mama ang tsinelas niya kaya agad akong tumakbo palayo sa kaniya.

"MAAAAAAAAA!!!!!!" Oa na sigaw ko kaya mas lalo atang nainis si Mama dahil may hawak na rin niya 'yong walis tambo sa kwarto ko.

Help me I'm gonna die!

Hindi pa nga ako nakakasagot sa sinasabi niya hinabol niya agad ako! Grabe ka Ma!

Psh

Sariling tanong sariling sagot??

"Ma! Papasok ako! Promise!" Sigaw ko pa habang tumatakbo palayo sa kaniya

"Aba papasok ka talaga!" Balik na sigaw pa niya sakin at tuloy parin sa paghabol sakin. Paikot ikot lang kami sa loob, Hanggang sa maramdaman kong parang mawawalan na ako ng hininga.

"Oo na kasi.."

Sabi ko at tumigil sa pagtakbo saka umupo sa sahig. Tinaas ko ang dalawa kong kamay kay mama palatandang sumuko na ako dahil parang mamamatay na ako sa sobrang pagod. Nang lingunin ko naman si Mama, ayon. Naka higa din sa sahig at hingal na hingal.

Napapala mo.

C I 9 N U S

PLEASE VOTE AFTER YOU FINISHED READING! TYSM! YOUR VOTES ARE SO MUCH APPRECIATED.

Продолжить чтение

Вам также понравится

Lucent ads ¡¡

Подростковая литература

171K 3.9K 17
lucent (adj); softly bright or radiant ✿ ✿ ✿ My brother's hand traces the cut on my right cheek for some minutes. I have no idea how a cut can b...
wlw oneshots 💋 morgan 💐🤍

Подростковая литература

705K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
မခွဲအတူ yoonnay177

Подростковая литература

191K 9.4K 55
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
KALBE SAPLANAN OK Ebru

Подростковая литература

17M 653K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...